logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

ILMLFY: 6

La Carmella. Magkahalong takot at pananabik ang naramdaman ni Ratchelle nang makita ang pamilyar na hugis ng isla habang palapit ang bangka. Sa wakas ay makakabalik na siya sa isla kung saan siya ipinanganak at namuhay sa loob ng labingpitong taon. Halos di siya umalis doon. Subalit sa loob ng sampung taon ay wala siyang ibang ginusto kundi bumalik doon bilang maging isang matagumpay na babae. Matutupad na niya iyon ngayon.
Ang tanong lang ay kung nais siyang makita ng La Carmella. The prodigal daughter.
"Sasalubungin kaya nila ako?" tanong niya kay Orion.
Huminga ito ng malalim. "Siyempre naman. Sampung taon kang hindi nakauwi. Nandiyan na sila at naghihintay sa iyo." Itinuro nito ang pantalan. “Nakikita mo ba iyon?”
Sumikdo ang dibdib niya nang makita ang may katamtamang tangkad na babaeng nakatayo sa pantalan. Nakapusod ang buhok nito at nakasuot ng bulaklaking saya na paborito nitong isuot. “Mama! Mama!” tili niya at walang humpay sa pagkaway hanggang makalapit ang bangkang sinasakyan nila. Kundi siya napigilan ni Orion ay baka tinalon na niya ang pantalan. Sabik na sabik siya sa mama niya.
"Anak ko! Nandito na ang anak ko!" tili ng nanay niya sa mga taong naroon.
Halos talunin niya ang pantalan at sinugod agad ito ng yakap. "Mama! Mama ko!"
Hindi niya alam kung gaano sila katagal nagyakap. Sampung taon niya itong di nayakap. Di niya alam kung anong sasabihin lalo na nang marinig niya ang hikbi nito. "Akala ko hindi ka na uuwi sa atin. Akala ko ayaw mo na kaming makita."
"Hindi naman po. Ilang beses ko po kayong niyayang pumunta ng Maynila. Ayaw naman ninyong pumunta,” may halong tampo niyang wika at kumalas sa pagkakayakap dito.
"Alam mo naman ang tatay mo ayaw iwan ang mga pananim niya. Ayaw din sa maingay na lugar. Pero tingnan mo nga. Ang ganda-ganda mo na.” Hinaplos-haplos nito ang buhok niya. “Naku! Mukha kang artista. Hindi ba, Orion? Sobrang ganda ng anak ko."
Tumango-tango si Orion at nag-thumbs up. "Siyempre naman po. Nakakatulala nga po. Kaya nga po alagang-alaga ko siya sa biyahe."
Ayaw na niyang alalahanin ang mga nangyari sa bangka kanina. Parang kakaiba ang pakiramdam niya kay Orion. Nakangiti siyang tumingin sa mama niya. Mas tumanda na ito subalit bakas pa rin ang ganda. Di nga lang maikakaila na di naging madali ang buhay dito. "Ma, kumusta na po kayo? Di naman po kayo nagkakasakit?"
Kung nasa Maynila lang sana sila ay iti-treat niya ito ng make-over – spa, salon, manicure, pedicure at ipagsa-shopping niya ng magagandang damit. Ipapasyal din niya ito sa magagandang lugar. Iyon ang pangarap niya para sa nanay niya. Matutupad na iyon.
Umiling ito. "Hindi naman. Ikaw nga ang inaalala ko."
“Kaya ko naman pong alagaan ang sarili ko. Ako pa.”
"Nasaan ang pasalubong ko?" tanong ng boses ng lalaki sa likuran niya.
Dali-dali siyang lumingon. Nahigit niya ang hininga nang makita ang lalaking una niyang minahal. "Vic-Vic!” Tumakbo siya at niyakap ito. Sobrang saya siya na muli niya itong nakasama.
“Naku! Huwag mo na akong yakapin. Nahihiya naman ako sa iyo. Mapawisan pa ang suot mo,” anito sa mahiyaing boses at kumalas sa pagkakayakap sa kanya. Subalit napansin niya ang pagkailang dito. Saka niya naalalang mula nang malaman nitong in love siya dito ay ayaw nitong nagiging sweet siya dito. Pero may excuse naman siya ngayon. Na-miss niya ito ng todo.
Wala halos ipinagbago si Vic-Vic. Tumangkad lang ito at bahagyang nagkalaman. Tumingkad din ang pagkamoreno nito dahil sa trabaho nito sa koprahan at minsan ay nangingisda. But he still had that kind and boyish charm that she fell in love with. Mababang-loob pa rin ito. Wala rin sa kanya kung hindi man ito tumapak ng kolehiyo. Sa dinami-dami ng mayayabang at walang modong lalaking may pinag-aralan na nakilala niya sa Maynila at sa abroad, si Vic-Vic pa rin ang ideal man niya at di niya ito ipagpapalit sa iba.
Kumapit siya sa braso nito. “Nagtatampo ako sa 'yo. Hindi mo ako sinundo."
Napakamot ito sa ulo. "Tumulong ako sa paghahanda sa pagdating mo. Saka nandiyan naman si Orion. Inalagaan ka naman niya, hindi ba?" anito at tumingin kay Orion.
"Oo naman. Ibinigay ko ang lahat-lahat para maalagaan ko 'yan,” sagot ni Orion na nakasunod sa kanila habang pauwi sila ng bahay.
"Salamat sa pag-aalaga mo sa anak ko, Orion,” wika ng papa niyang si Fredo na nakabantay sa labas ng bahay nila.
Nagkabikig siya sa lalamunan nang makita ang ama. Hindi niya alam kung lalapit siya dito. Ang huling imahe na nakita niya bago siya umalis ng isla ay ang galit na galit nitong anyo habang sumusumpa na lalakad siya nang pagapang pabalik sa isla dahil mabibigo siya at wala siyang mararating na kahit ano. Alam niya kung gaano kataas ang pride nito. Hindi niya alam kung matatanggap siya nito.
"Papa..."
Ibinuka nito ang mga bisig. "Pwede mo ba akong yakapin, Buntot?"
"Opo, Papa." Buntot ang tawag nito sa kanya dahil lagi daw siyang nakasunod dito. Papa’s girl nga daw siya. Di na niya mapigilang maluha nang yakapin nito.
Gusto niyang maging katulad nito noon na matapang at malakas. Kaya binibiro ito ng marami na lalaki daw ang anak nito at hindi babae dahil mas gusto niyang maging katulad nito mula sa pagiging masipag hanggang sa pagiging istrikto at pati pag-akyat ng puno ng niyog. Mukha nga daw silang pinagbiyak na bunga.
Subalit malalim din ang sugat na iniwan ng pagsuway niya sa kagustuhan niyang umalis ng isla at sumama sa Tito Francey niya. Pakiramdam nito ay mas pinili niya ang tiyuhin kaysa dito na sarili niyang ama.
"Akala ko habambuhay mo kaming titiisin,” anitong may panginginig ang boses.
Nakangiti niya itong tiningala. “Papa, alam naman ninyo na di ko magagawa iyon. Gusto ko lang po na pagbalik ko dito may maipagmamalaki na ako sa inyo.”
Pinahid nito ang nangingilid na luha sa mata. “At patutunayan mong mali ako,” anito sa masayang boses.
“Gusto ko lang pong ikarangal ninyo ako.”
Tumango-tango ito at bumuntong-hininga. “Alam ko naman na magaling ka talaga. A-Ayoko lang malayo ka sa amin pero natutuwa ako na malayo na ang narating mo. Pero higit sa lahat, bumalik ka na sa amin.”
“Sorry po kung ngayon lang po ako umuwi.”
“Alam ko. Marami tayong di pagkakaunawaan. Parang di na rin kita matatawag na buntot. Ibang-iba ka na, anak. Ikaw ba’y may nobyo na?”s
Umiling siya. “Wala po, Tay. Busy po ako sa trabaho.”
“Busy sa trabaho?” Inakbayan siya nito. “Baka naman nagtataray ka doon kaya hindi ka magkanobyo. Paano mo ako bibigyan ng apo?”
“Di naman po. Hinihintay ko lang po talaga ang lalaki para sa akin,” aniya at lumingon sa direksiyon ni Vic-Vic. Sa kasamaang-palad ay humarang si Orion sa magandang tanawin.
Tumikhim si Orion. “Ehem! Ehem! Wait no more. Nandito na ako. Ano pang hinihintay mo?”

Bình Luận Sách (21)

  • avatar
    Kathelene Mae Albao

    maganda

    30/01

      0
  • avatar
    Mateth Madelo

    Wow ganda!

    24/01

      0
  • avatar
    JM Ody

    excellent

    13/08/2023

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất