logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

ILMLFY: 3

Natigagal si Ratchelle nang lumukob sa kanya ang init ng katawan ni Orion. It was not part of her fantasy at all. She hated him! Pero bakit hindi iritasyon ang nararamdaman niya? Pakiramdam niya ay nakalutang siya habang yakap nito. Ano bang nangyayari sa kanya?
At anong ginagawa niya at nagpapayakap siya dito sa katirikan ng araw, sa public place pa. Hindi ito ang lalaking inaasahan niyang susundo sa kanya. Si Vic-Vic ang kailangan niya. Si Vic-Vic ang dapat na susundo sa kanya at hindi ito.
Itinulak niya ito palayo. “Orion, b-bakit ikaw ang nandito? N-Nasaan si Vic-Vic?” tanong niya at nagpalinga-linga. Baka naman gusto lang siyang sorpresahin ni Vic-Vic. O baka nag-park lang ng sasakyan. Inilabas niya ang cellphone at tinawagan ang numero ni Vic-Vic.
Narinig niya ang ring nito at may sumagot. "Hello."
"Hello. Nasaan ka na?"
"Sweetheart, ganyan mo ba ako ka-miss? Kasama mo na nga ako, kailangan mo pa akong tawagan sa telepono."
Nahigit niya ang hininga nang mabosesan si Orion. Nang lumingon siya ay nakatutok ang tainga sa telepono at nakangisi sa kanya. "Hoy! Bakit nasa iyo ang cellphone ni Vic-Vic?"
"Sa akin 'to. Nakiki-text lang siya sa akin."
Mariin siyang pumikit at naggiyagis ang ngipin. My Love pa ang pangalan ni Vic-Vic sa contact niya. Parang gusto niyang burahin ang number. "Bakit wala siyang cellphone?" angil niya.
"Parang di mo kilala si Vic-Vic. Masyadong makaluma at walang hilig sa mga gadget. Di daw niya kailangan ng cellphone at di niya kailangan ng textmate. Saka may kahirapan ang signal sa isla."
Namaywang siya. "Nasaan si Vic-Vic?"
"Nasa isla."
Nasa isla pa? Anong petsa na. "Ano? Anong oras pa siya dadating para sunduin ako?"
"Ako nga ang sundo mo."
Bumagsak ang balikat niya at ang puso niya sa labis na pagkadismaya niya. “Bakit ikaw?”
Hindi man lang ba nagprisinta si Vic-Vic na sunduin siya? At bakit sa dinami-dami ng susundo sa kanya, bakit ito pa? Hindi niya ito kasundo.
Pinisil nito ang baba niya. “Kung makasimangot ka parang gusto mo ng kiss ko.”
Matalim niya itong tiningnan. “Hoy, Orion! Katirikan ng araw, pinag-iinit mo ang ulo ko. Hindi ako humahalik sa kumag na tulad mo. Umalis-alis ka nga sa harapan ko! Kainis ka! Kung ikaw ang sundo ko, ako na lang mag-isa ang uuwi sa La Carmella."
"Huwag! Mag-aalala si Mang Fredo. Ibinilin ka sa akin. Saka may importanteng trabaho si Vic-Vic ngayon. Di niya pwedeng iwan."
"Mas importante pa sa akin?" nagtatampo niyang tanong. Sampung taon silang di nagkita. Ito ang dahilan kung bakit umuwi siya pagkatapos ay hindi siya nito paglalaanan ng panahong sunduin. Baka mamaya ay may babae itong kasama. Di niya naitanong kung may nobya na ito. Ang alam lang niya ay wala pa itong asawa dahil na rin sa balita ng isang pinsan nito na dumalaw sa Maynila at nasalubong niya sa mall.
"Importante ka naman sa akin. Nandito ako, di ba?" anito at inangat ang kamay na parang hahaplusin ang mukha niya. Pigil niya ang hininga habang hinihintay ang paghaplos nito. Malakas na malakas ang tibok ng puso niya.
Sunud-sunod na busina ang gumising sa kamalayan niya at ibinaba nito ang kamay. Isang pick up truck ang nasa harap nila. "Heto na pala si Berting."
"Sir Orion, nasaan na po ang mga isasakay na bagahe?" tanong ng driver na sa palagay niya ay nasa singkwenta na.
"Heto po," aniya at itinuro ang laman ng cart.
Napakamot sa ulo si Mang Berting. "Marami palang bagahe. Puno na po sa likuran."
"Sige po sa harapan na lang," wika ni Orion at isinakay ang bagahe niya.
"Teka paano ako? Saan ako sasakay?" tanong niya.
"Huwag kang mag-alala. May isa pa akong sasakyang dala. Ipapauna lang natin ang mga bagahe sa pier para maikarga na sa bangka."
"Whatever. Gusto ko nang makapunta sa isla. Anong oras na?" aniya at tiningnan ang gold-studded watch niya.
Inilahad nito ang kamay. “This way.”
Isang motorsiklo ang naghihintay sa kanila sa di kalayuan. Inabot nito ang helmet sa kanya. “D-Diyan tayo sasakay?” tanong niya at itinuon ang tingin sa single motorcycle."Akala ko ba sasakyan?"
"Sasakyan naman 'to. Astig pa! Ito ang baby ko."
Sinapo niya ang noo. "Nakikita mo ba ang itsura ko? Pasasakayin mo ako diyan. Tirik na tirik ang araw at puro alikabok ang daan. Nananadya ka ba? Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari, sana nagrenta na lang ako ng sasakyan. Wala akong tiwala sa 'yo."
“Malapit lang naman 'yan. Maingat akong magmaneho,” sabi nito. Isinuot na nito ang helmet sa ulo niya nang mapansin nito ang pag-aatubili niya. Nakikiliti siya ng pabango nito. She was aware of his presence. Paano pa kaya kapag sumakay siya sa motor nito at halos magkadikit na ang mga katawan nila? “I am driving. Sa palagay mo ba may gagawin akong masama sa iyo?” tanong nito sa husky na boses.

Bình Luận Sách (21)

  • avatar
    Kathelene Mae Albao

    maganda

    30/01

      0
  • avatar
    Mateth Madelo

    Wow ganda!

    24/01

      0
  • avatar
    JM Ody

    excellent

    13/08/2023

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất