logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 6: TKYWTASATCN

Third Person's POV
Hindi maipagkakaila ang pagkabahala at pagkalito ng tatlong kabataan base sa kanilang mga ekspresyon sa mukha.
Nababalot na nang takot at pangamba ang dalagang si Charmagne dahil sa mga posibleng mangyari sa kanila.
Hindi siya makapaniwalang maaaring ginagamit nang killer ang kaibigan niya.
Ang isa sa pinagkakatiwalaan niyang kaibigan.
What if it's just a show? What if she's just trying to get our trust then later on she'll reveal her real self and intentions of helping us– me?
Mga katanungang nabuo sa isip ng dalaga.
Napaupo ito sa dulo ng kanyang kama at napasapo sa mukha. Stress na stress na ito. Wala ang mga magulang niya, at liban sa mga kaibigan niya, sila lang ang napagsasabihan niya ng mga saloobin niya sa tuwing nahihirapan siya.
Nilapitan siya ng dalawang binata.
Hinawakan ni Dean ang kanyang kanang balikat at sinubukang pakalmahin.
Alam ni Dean na hindi iyon magagawa ni Xamel. May tiwala siya sa kaibigan. Maaaring may ibang ibig sabihin ang mensaheng ipinadala ng killer.
At iyon ang susubukan nilang alamin.
"Kakampi natin si Xamel, Charm." saad ni Maru habang nakatayo sa kaliwa ng dalagang naka-upo.
Malakas ang loob ni Maru na hindi maghinala kay Xamel, dahil matagal niya na itong kilala. Close si Xamel at ang tatay niya, kaya imposibleng gagawa ito ng ikakapahamak nila.
Maaaring nililito lang sila nang killer. Maaaring ginamit lang nito ang pangalan ni Xamel para masira ang tiwala nila sa isa't isa.
"Paano ka naman nakakasiguro? Ha, Maru?" Charmagne asked and her voice almost cracked.
Hindi nakasagot ang binata. Hindi niya rin alam kung paano niya dedepensahan si Xamel. Ang pinanghahawakan niya lang ay ang samahan nila, kaya nagtitiwala siya rito.
"Huwag muna tayong mag-conclude okay?" Imik naman ni Dean na lalong ikinabahala ni Charm.
"Can't you hear yourselves?! Nagbigay na ng clue ang killer! O 'di kaya'y-" biglang nanlaki ang mga mata nito at tumingin sa mga kaibigan niyang lalaki, "kasabwat rin kayo?!"
Agad na tumayo ang dalaga at lumayo sa dalawang binata. Bakas sa mukha nito ang pagkawalan ng tiwala sa mga kasama.
Hindi na alam ni Dean at Maru ang sasabihin para pakalmahin si Charm. Nauunawaan nila ang naging reaksyon nito, pero parang hindi naman tama na pati silang kasama niya ngayon ay pagdudahan na rin.
"Calm down, Charm, walang dahilan para gawin namin sa'yo 'yang iniisip mo," Dean stop for a second, "the killer may be manipulating us, our emotions!" He exclaimed.
They move forward to her, trying to convince Charmagne.
"Charm, doubting and suspecting us won't help. We are here to solve the case and to smart-assed the murderer," Maru said and reached Charm's place, "nandito tayo para magtulungan at hindi pagdudahan ang isa't isa, okay?" He tapped Charm's shoulders as he persuade her.
Kahit papaano ay napakalma na ng dalawang binata si Charm. Ipinaliwanag rin ni Dean kay Charm na hintayin muna nilang magpaliwanag si Xamel bago nila ito husgahan.
Pinagpahinga muna ni Maru at Dean si Charm bago sila umuwi. Naaawa rin sila sa dalaga dahil wala rito ang mga magulang niya, at sila lang ang tanging makakapagpagaan ng loob nito sa mga panahong kailangan nito ng kasama.
Nang mahimbing nang natutulog si Charm ay nagpaalam na ang dalawang binata sa maid nila Charm.
"Pakisilip na lang po si Charm sa kuwarto niya, Ate Ludy. Baka magising siya at hanapin niya kami," bilin ni Dean at ngumiti sa maid nila Charm.
"Sige, iho, salamat rin sa pagsama sa kanya ngayong gabi," sagot nito at ngumiti pabalik kay Dean saka tuluyan nang isinara ang gate.
Napatingin sa kalsada sina Dean at Maru. Ang kalsada ay nababalot na ng kadiliman. Anong oras na rin kasi at ngayon pa lang uuwi ang dalawang binata.
Nag-umpisa na silang naglakad palabas ng village. Hindi naman sila nangapa sa dilim dahil may mga poste naman ng ilaw sa dinadaanan nila.
"You like Charm, am I right?" biglang imik ni Maru habang nakapamulsa.
Bigla namang natigilan si Dean.
Ginagawa niya ang lahat ng makakaya niya para hindi iyon mahalata ng kahit na sino, pero paanong alam at napansin ni Maru?
Dean fake a cough and nervously laugh.
"How do you say so?" Dean retorted back as they continue walking along the street.
Maru looked up the sky full of stars accompanying the half bright moon.
"Easy," Maru answered and looked back at his friend, "When someone stares at you openly, they think you're attractive, but if someone stares at you when you're not looking, it means they're in love with you," Maru stopped from walking so Dean does.
"What are you trying to say, man? Gwapo lang ako, 'di ako mahilig sa analogy," saad ni Dean at nagpatuloy na ulit sa paglalakad at agad naman siyang sinundan ng kaibigan.
Masyado nang marami ang nangyari ngayong gabi, ayaw na ni Dean pag-usapan pa ang feelings niya towards Charm.
"That's how you look at her, Dean. And I noticed it," Maru disclosed what he had have observed.
As they continue walking, Dean looked at the ground and explain his side.
Maru on the other side is just waiting to his friend to confess everything.
"I shouldn't be saying this, but yeah, I like her. Perhaps, I don't just like her, I may be in love with her... and it sucks," imik ni Dean na may halong lungkot sa tono ng boses niya.
"Dean Hilton, the man-full-of-sense-of-humor has dramatic side huh?" pang-aasar ng kaibigan niya.
Agad niya itong inambahan ng pabirong suntok sa braso pero nailagan ito ni Maru.
Nagtawanan ang dalawa.
Hindi lang masabi ni Dean na kaya siya nasasaktan sa pagkakagusto kay Charm dahil, ang dalaga ay may gustong iba...
May gusto ito kay Maru.
Hindi niya pa nakukumpirma kung totoo ba iyon, pero nang dati siyang mag-overnight sa bahay ng dalaga, naiwan ng kaibigan ang journal ng nakabukas sa kama.
Hindi intensyon na makita iyon ni Dean, pero nakita niya na may nakadikit na stolen pictures ni Maru, sa pahina ng journal ng dalaga.
Limang stolen pictures.
At sa limang litratong iyon, lahat ay nakangiti si Maru.
Masakit para kay Dean, na may ibang gusto ang taong gusto niya.
Pero wala namang siyang magagawa, dahil hindi naman pwedeng diktahan niya ang puso ng dalaga.
Hahayaan na lang niyang baka magbago ang ihip ng hangin at sa kanya naman ito bumaling ng tingin.
Malapit nang makalabas ng Village ang dalawa nang biglang nagkaroon ng black out sa buong village.
Nagkatinginan ang dalawa at naalala si Charm.
Kahit malayo na ay patakbong bumalik ang dalawa sa bahay ng dalaga.
Hindi maganda ang tumatakbo sa isip nila sa mga oras na ito. Baka konektado na naman sa siraulong killer ang pagkawala ng kuryente sa buong village nila Charm. At baka may kung anong gawin itong masama kay Charm habang madilim ang buong lugar.
Halos habulin nila ang kanilang mga hininga nang makarating sila sa tapat ng gate ng bahay ng kaibigan.
"Tara akyatin nalang natin ang bakod!" nagmamadaling suwestyong ni Dean.
Hindi rin kasi sila makapasok sa gate dahil naka-lock ito.
Kahit pagod at hapong-hapo mula sa pagtakbo ang dalawa, mabilis nilang naakyat ang bakod at nakapasok sa harap ng garden nila Charm.
Tahimik ang buong paligid.
Pinakiramdaman ito ng dalawang binata at bigla silang nakarinig ng sigaw mula sa loob ng bahay ng kaibigan.
Walang anu ano'y pilit nilang binuksan ang pintuan sa harap, pero maski ito ay naka-lock rin!
"Charm?!" sigaw ni Maru habang pilit binubuksan ang door knob.
"Ate Ludy? Buksan mo po ang pinto!" tawag ni Dean sa maid nila Charm pero wala siyang nakuhang sagot.
Naisipan si Maru na sa terrace ng kwarto ni Charm sila umakyat. Kahit madilim ay nakita nilang naka-awang ang sliding door nito dahil sa liwanag ng buwan na tumatama rito.
Kinuha nila ang bakal na hagdan na nakalagay sa garahe at agad na inakyat ang terrace.
Nang eksaktong nakaakyat na ang dalawa, bumalik na ang kuryente sa buong village.
Binuksan ni Dean ang sliding door ng kwarto ngunit wala si Charmagne sa loob.
"Nasaan siya?" nag-aalalang tanong ni Dean at hinanap ang kaibigan sa loob ng kwarto.
Naikot na nila ang buong silid maski ang CR ngunit walang Charmagne West silang nakita.
"Dean! The killer abducted Charm!" sigaw ni Maru, nang marating niya ang kwarto galing sa baba ng bahay dahil hinanap niya roon ang dalaga.
May ipinakitang papel si Maru.
14 1, 120 18
Iyon ang nakalagay sa kapirasong papel ng punit na diyaryo. Pulang marker ang ipinang sulat dito, and it somehow bother the two guys.
"Tara sa baba, nahimatay si Ate Ludy. Kailangan natin malaman sa kanya kung ano ang nangyari."
Agad nila itong pinuntahan at tinanong.
Ayon sa maid nila Charm ay, tulog na sa kwarto si Charm, at siya naman ay tinatapos niyang banlawan ang mga basahan na nilabhan niya kaninang tanghali.
Nagulat daw ito nang biglang nawala ang kuryente sa bahay nila.
"Akala ko no'ng una, bahay lang namin ang nawalan ng kuryente. Pero nang sumilip ako sa labas dahil nasa labas ang main switch ng supply ng kuryente, napansin kong maging ang kapitbahay namin ay madilim din ang mga bahay nila," kwento ng matandang nakaupo at saka muling uminom ng tubig mula sa basong hawak niya na ibinigay ni Dean.
Hinayaan nilang magkwento pa ito.
"Pabalik na ako sa loob noon, matapos kong tingnan ang main switch," panandalian itong huminto at lumunok ng laway bago nagpatuloy, "Pero nong nasa pintuan na ako, biglang may nagtakip sa bibig ko at may naamoy akong nakakahilo sa telang pinantakip niya, kaya nawalan ako ng malay."
Hindi sinaktan nu'ng killer si Ate Ludy. Ibig sabihin kay Charm galing ang tili na narinig namin kanina.
Isip-isip ng binatang si Dean.
Habang sinusubukang pakalmahin ni Maru ang maid nila Charm, si Dean naman ay nagkaroon ng ideya kung ano ang ibig sabihin ng mga numerong nasa papel na nakita ni Maru.
14 1, 120 18
Dean stares on a piece of paper and suddenly, a smirk form from his lips.
Kumuha siya ng ballpen na nakapatong sa mesa sa salas ng bahay at saka nanghingi kay Ate Ludy ng papel na pwedeng sulatan.
Agad na sinabi nito na may sticky notes malapit sa T.V.
Nang makuha ni Dean ang susulatan ay nilapitan siya ni Maru.
14 - 14°
1 - N
120 - 120°
18 - E
Ito ang isinulat ng binata sa sticky note na kinuha.
"Ano 'yan?" naguguluhang tanong ni Maru sa kanya.
Nilingon niya ito at saka sumagot.
"Coordinates."
"Coordinates? Latitude at longitude?"
Dean nodded.
"How do you know?"
Idinikit ni Dean ang sticky note sa maliit na white board na malapit sa T.V.
Dean encircles the numbers 1 and 18 using the pen.
"He used Atbash Code here. The Atbash code is just the alphabet backwards. For example, A would equal to Z. But in his technique, he altered the letters' equivalent to numbers, to confuse us," then, Dean underlined the letters N and E as he continues, "too bad, I'm familiar enough with his technique, and I got these letters," Saad nito at nakangiting tumingin sa kaibigan na bakas sa ekspresyon ng mukha ang pagkamangha.
Maru cleared his throat.
"Paano mo iyon nalaman?" interesadong tanong nito sa kapwa binata.
Dean shrugs.
"I must say, never underestimate someone named Dean Hilton," He smirked, and his two dimples both appeared.
Hindi na nagsayang pa ng oras ang dalawa at kaagad nilang sinearch ang coordinates na nakuha ni Dean.
At laking gulat nila nang makita nila ang lumabas mula sa Google.
Mount Samat National Shrine
Napangiwi si Dean dahil naguluhan sa nakita.
"Bakit sa Bataan?" tanong nito.
"Baka may ibig sabihin 'yon," sagot ni Maru na nakatayo mula sa kaliwa ng kabigan.
"Baliw na talaga 'yang killer na 'yan! Gusto niya atang mag-celebrate nang Araw Ng Kagitingan bukas kasama si Charm e!" inis na saad ni Dean at inilapag ang phone niyang malapit na rin ma-lowbattery.
"Kailangan natin silang sundan doon, Dean. Baka may gawing masama ang lalaking 'yon kay Charm," nag-aalalang saad ni Maru.
"Hindi ginagamit 'yung Ford namin sa bahay, ano, tara?"
"Marunong ka bang mag-drive?"
Dean smiles mischievously.
"Of course, I can." Dean proudly said.
With that, the teenagers finally become part of the culprit's game. Without them knowing that there's a terrible danger awaiting for them.
-----
Xamel's POV
Kahit kailan hindi ko pa naisipang magpakamatay.
Oo, 'yung kitilin ang sarili kong buhay.
At ayokong tangkaing gawin o subukan.
Pagkatapos nang nangyari kagabi, hindi ko inakalang ganito ang mangyayari kinabukasan.
Nagising ako nang wala nang katabi sa higaan. Hindi ako roon nabahala kasi ganoon naman kami palagi, at ako ang palaging nagliligpit ng higaan namin.
Nang matapos kong iligpit ang mga unan at kumot na ginamit namin kagabi, napalingon ako kay Xandy na nakatayo mula sa tabing ng kwarto namin.
"Oh, Xandy? Nasaan si Xavier? Nagkape ka na?" sunod-sunod kong tanong sa kanya habang itinatali ko ang buhok ko.
Iniangat ko ang kutson namin at muling bumaling kay Xandy at hinintay siyang sumagot.
"Huy, Xandy— bakit ka umiiyak?!" naguguluhan kong tanong.
Basa ang ibabang parte ng damit niya at ganon rin ang kanyang mukha dahil sa luha.
"Ate, s-sorry..." saad niya na lalong nagpagulo sa 'kin.
"Bakit ka- Bakit ka nag-so sorry? Anong ginawa mo?!" muli kong tanong habang hawak ang dalawa niyang balikat.
Imbis na sumagot ay nagtungo siya sa may lababo at pilit na sumuka pero wala namang nilalabas ang bibig niya.
Buntis ba siya?!
Agad ko siyang sinundan. Sana hindi tama ang nasa isip ko. Hindi pwede! Ang bata pa niya para maging isang magulang.
Hinagod ko ang kanyang likuran para maibsan ang nararamdaman niyang sakit mula sa pagduduwal.
"Ano bang nangyari Xandy?" I asked her again and my voice already cracked.
"Ate, ininom ko 'yung Chlorine sa banyo, sorry, A-Ate," sagot niya at muling dumuwal sa lababo, pero wala pa rin siyang maisuka.
"Nasisiraan ka na ba? Bakit mo naman ininom 'yon? Lason 'yon Xandy! Lason!" I frustratingly exclaimed.
"Pagod na ako ate, a-ayoko nang mabuhay!" sagot nito at humagulgol sa iyak.
Napaupo siya sa tapat ng lababo at gano’n rin ako.
Niyakap ko ang kapatid ko.
Wala ako sa kalagayan niya para husgahan siya. Sobrang saklap ng mga nararanasan namin. Sobrang hirap ng buhay namin, at hindi imposibleng isang araw maisip ito ng kapatid ko.
Pilit ko siyang pinatahan habang paulit-ulit at dahan-dahang tinatapik ang likod.
Hindi ko malubos maisip na magagawa iyon ni Xandy. Masayahin siyang tao at kahit kailan bago pa man nangyari ang pagsira sa mga gamit niya ni Papa kagabi ay hindi siya nagpakita ng pagiging mahina at malungkot.
Noong umalis si Mama papuntang Canada at tuluyan na kaming iniwan, silang dalawa ni Papa, hindi umiyak.
Si Xavier dahil bata pa siya noon, ay halos maglumpasay at ako naman umiyak rin at nagmakaawa pa ako non kay mama para lang 'wag siyang umalis.
Perhaps, for all those years and all of those burdens she's been trying to hide and keep, it finally reaches its edge, and she can no longer hold them anymore.
When you're trying to be strong, but life is just so cruel and it won't let you happy but, suffer.
I can't stop myself to not feel sad. Xandy never opened up anything to me. Siguro naiisip niyang marami na akong responsibilidad na dinadala at ayaw na niyang makadagdag pa sa iisipin at iintindihin ko.
She might be strong and cheerful outside, but she's breaking and damaged inside.
Tears suddenly fell from my eyes.
Paanong hindi ko man lang nakumusta ang kapatid ko? Palagi akong nagrereklamo na ni isa sa kanila ay hindi ako makumusta, tapos ako pala itong walang ginagawa para mag-initiate na alamin ang nangyayari sa kanila.
"I'm sorry, Xandy." I said as I cry hard.
-----
Lumipas na ang isa't kalahating oras matapos ang nangyari kaninang umaga. Idinala agad namin si Xandy sa clinic sa baranggay namin at syempre, katakot-takot na sermon ang inabot namin at lalo na si Xandy.
Pero gaya ng dati ay hindi ito nagpakita ng kahit na anong bakas ng pagiging mahina.
Nakakapagtaka ngang nakangiti pa ito kahit sinesermonan na nong Public Health worker, kahit na hindi maigi ang pakiramdam niya.
Hay Xandy...
Paano mo naipapakitang masaya't buo ka, kahit sa loob ng pagkatao mo ay nahihirapan at durog ka na?
Agad siyang pinainom kanina ng gatas ng Public Health worker para tuluyan niyang maisuka ang nainom niyang lason.
Sabi naman nito ay mabuti na lang at kaunti lang ang nainom na Chlorine ng kapatid ko.
Mabuti na lang at ganoon.
Kaya raw nagsusuka si Xandy kanina pero walang maisuka, dahil gustong i-emmit ng katawan niya 'yung lason.
Pinagsabihan muli ng Public Health worker ang kapatid ko.
"'Wag mo nang uulitin iyon ha? Nakakasunog ng lalamunan at bituka ang Chlorine kung nadamihan ang pag-inom nito, at nakakamatay iyon. Gusto mo bang mamatay ng maaga? Sayang ang ganda mo iha." paalala nang nasa mid 40's babae.
Umiling naman si Xandy bilang tugon sa babae.
Nagpaalam na kami sa babae at pinaalalahan ako nito na bantayan ang kapatid.
Hindi man ako ang pinaka-the best na ate sa buong mundo, pero gagawin ko ang lahat para mapunan ko ang mga pagkukulang ko sa kanila ni Xavier, bilang ate.
Init na init kaming nakauwi sa bahay.
At nag-unahan pa ang dalawa kong kapatid sa pagkuha ng baso para makainom at pawiin ang uhaw.
"Anong lasa?" rinig kong tanong ni Xavier kay Xandy.
Inirapan lang siya nito at saka inilapag ang baso matapos uminom.
"Maanghang saka masakit sa lalamunan," sagot niya at umupo sa loob ng kwarto namin saka sumandal sa pader.
Tinawanan siya nito.
"Ang dami naman kasing pwedeng inumin sa umaga, bakit Chlorine pa? Chlorine is the new caffeine na ba?" pang-aasar nito.
"Nakakatawa 'yon? Pwede mag-evaporate ka na lang?" iritableng saad ni Xandy at tumayo saka inilatag ang kutson. Matutulog siguro siya.
Hindi na siya sinagot pa ni Xavier at sa 'kin naman lumapit.
Nagsasalang ako ng sinaing dahil 'di pa kami nanananghalian at anong oras na.
"Ano bang pumasok sa utak no'n ate? Magpapakamatay gamit Chlorine? Tss. Dapat tumalon na lang siya do'n sa tulay sa may sapa. E 'di sana, one time pain lang— aray naman 'te!" daing niya dahil binatukan ko siya.
"Siraulo kang loko ka, 'wag mong husgahan si Xandy dahil wala tayo sa posisyon niya okay?" pangaral ko sa kanya at saka inilapag sa saingan namin ang kalderong may bigas.
"Nag-suggest lang naman," sagot nito at nangamot pa ng ulo.
"Aba't sasagot ka pa?" banta ko at dinampot ang sandok sa gilid ko.
Umiling ito at lumabas ng bahay.
Ang dami nang nangyari, kalahati pa lang ng araw.
Napasandal ako sa may pintuan at napatulala.
Mag-uumpisa pa lang sana akong mag-isip ng malalim ng bigla akong maka-receive ng tawag mula kay Dean.
Ay hala!
Sa sobrang dami ng problema dito sa bahay nakalimutan ko na, na may krimen kaming dapat iresolba.
Agad ko itong sinagot dahil hindi nga pala ako nakapag-paalam sa kanila kagabi.
Baka nag-aalala na sila sa 'kin.
"Hello, Dean?"
"Xamel? What happened to you? We're all worried. Bakit ka biglang umalis kagabi?" sagot nito mula sa kabilang linya.
Worried daw siya. Teka, 'di dapat ako kinikilig. 'We' ang ginamit na pronoun kaya walang dapat ikakilig.
"Ano kasi, may family problem. Pasensya na kung hindi ako nakapagpaalam sa inyo kagabi," I explained trying not to sound happy, because among my friends he's the first one who initiates to call and ask me.
"Okay, I understand, but for now, we need to go somewhere," aniya, na biglang nagpabilis ng tibok ng puso ko.
Bakit naman ganito? Sandali lang, hindi ako prepared!
Pwede bang time first muna sa family problem? Pwede bang lumandi muna ako?
Napangiti ako sa naisip ko. Loka-loka ka talaga Xamel.
"S-Saan naman tayo pupunta? Ngayon na ba?" medyo nahihiya kong tanong.
I heard that he cleared his throat.
"Xamel, listen carefully okay?" He requested, and even if he won't be able to see me, I nodded, "Charm was kidnapped by the killer last night," I literally gasped of what I heard, "and we already knew where the killer brought her... She's in Bataan, in Mount Samat," Dean stated.
Pangalawang beses na 'to na si Charm ang dahilan kung bakit ako tinawagan ni Dean. Nakakahalata na ako ah.
Hindi naman halatang concerned siya kay Charm e 'no?
Dean ang gwapo mo sana pero ang sakit mong magustuhan? Alam mo 'yon?
Inalis ko sa isip ang pagseselos. Walang dapat ikaselos. Nasa kapahamakan si Charm at dapat namin siyang puntahan.
"Ngayon na ba tayo aalis?" I asked him.
"Yes, Xamel. We don't know what terrible thing that killer can do to Charm, so we need to move now!" bakas sa boses nito ang pag-aalala at pagkabahala.
"The killer sent us messages last night after you left us, and he included his code name with his message," dagdag pa ni Dean na nagpalaki ng mga mata ko.
"Ano 'yung code name niya?" I curiously asked.
"It's vague, Xamel, but I hope you'll try to decipher along the way, it's 14iehtil0110001sol." Dean dictates.
As I wrote it on my palm, the word sol caught my attention.
Sol?
Saan ko nga ba narinig 'yon?
Sh*t Xamel, paganahin mo 'yung utak mo, please!
Naputol na ang tawag namin ni Dean at nagpaalam akong kakain muna ako, bago sila puntahan.
Paikot-ikot na ako sa pwesto ko habang pilit na inaalala kung saan ko nga ba nakita at nabasa ang word na 'sol'.
Nang mapadaan ako sa tapat ng bintana namin dahil titingnan ko sana ang sinaing kong kumukulo na, ay biglang tumama sa 'kin ang sinag ng araw.
Tila nagkaroon ng light bulb sa itaas ng ulo ko.
Ang ibig sabihin ng Sol ay araw!
Nabasa ko ito noon sa Earth Science namin, tama!
The other term for Sun is Sol.
Pero bakit naman ito gagamitin ng killer bilang code name niya?
Bakit? At anong konekta niya sa araw?

Bình Luận Sách (81)

  • avatar
    Bai Nisan Digla Unotan

    so amazing

    9d

      0
  • avatar
    Eil Maurice Perez Dudass

    godjob

    17d

      0
  • avatar
    Trixia Omandam

    Goods story

    16/08

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất