logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

CHAPTER 1

Chapter One: Minsan
Tarantang napalabas ako ng banyo nang marinig ang kalabog mula sa labas.
Dere deretso akong lumabas ng kuwarto at naabutan ang lasing na tiyuhin. Hawak hawak nito ang padlak ng pintuan habang siya naman ay tatawa tawang nakaupo sa gilid niyon.
Agad ko siyang nilapitan at maingat na hinawakan ang braso niya para patayuin subalit malakas na tinabig niya ang kamay ko at malakas na tinulak ako dahilan ng pagkaupo ko sa sahig.
"Hay*p! 'Wag mo 'kong hawakan!"
Imbis na sundin ay pinilit ko pa rin siyang alalayan nang makitang tatayo.
"Hindi ka ba nakakaintindi? Bitiwan mo 'ko," sutil niyang sabi.
Napakamot batok na lamang ako habang minamasdan siyang hirap na tumayo.
"Anong meron dito?" tanong ng kadarating na si Tiya Leonada.
Madrama niyang nilapitan si Tiyo at nilagay ang braso nito sa batok niya bago dahan dahang alalayang itayo. Kita sa mukha ni Tiya Leonada ang hirap sa pagsalo ng tulog na tiyuhin.
Muli ko sanang lalapitan nang gawaran niya ako ng isang masamang tingin bago ipasok si Tiyo sa kuwarto.
Hindi kalayuan ang kusina sa sala namin, tanging ang pinto lamang na pinasukan nila Tiya Leonada at Tiyo Wilfredo ang tanging kahoy samantala tanging mga tela lamang ang nagsisilbing takip sa mga kuwarto namin.
Tahimik na pinupunasan ko ang sahig dahil sa biglang pagsuka ni Tiyo Wilfredo nang maramdaman ko ang hapdi sa aking likod.
"Wala ka na bang magawa kundi ang maupo d'yan?" sigaw ng kalalabas na si Tiya.
Agad naman akong napatayo at pinulot ang maliit na bato. Hindi ko pa man naitapon nang tuluyan sa labas nang sinakop ni Tiya Leonada ang tainga ako para pikutin at ihila papasok ng kusina.
"Libre lahat ng pinapakain namin sa' yo tapos wala ka man lang ibibigay na pamalit?"
Napapikit ako sa hapdi na nararamdaman sa aking tainga at sa lakas ng boses ni Tiya. Mabilis ang hininga at lakad niya, nagkanda tama pa ako sa pader naming kahoy at nagkanda hulog din ang mga plastik naming plato.
Padarag niya akong binitawan at tinulak sa lababo. Iniwan niya ako roon, nakahinga naman ako nang maluwag sa katahimikan. Ngunit nang marinig muli ang yabag niya papunta sa akin ay nahirapan na akong makahinga nang maayos lalo na ng makita ang hawak hawak niyang kahoy na tubo.
Napapikit akong tiniis na 'wag sumigaw nang tumama ang kahoy na tubo sa siko ko.
"Wala kang inambag dito sa bahay kundi ang maupo lamang!"
Sunod niyang tirahin ang magkabila kong tuhod.
"Hindi ka man lang marunong maglinis ng bahay!"
"Naglinis po a-ako," mahina kong tugon.
"Anong klaseng paglilinis ang sinasabi mo? Hindi mo ba nakikita ang mga kalat sa sala?"
Niyakap ko ang braso sa ulo ko para hindi matamaan ng tubo, nakapikit pa rin ako habang sinisigawan niya.
Napamulat ako nang higitin niya muli ang tainga ko. Magkanda tumba tumba pa ako sa bilis ng lakad niya papuntang sala, patulak niya akong binitawan bunga ng tuluyang kong pagmusmos sa sahig.
"Ayan! 'Yan ba ang tinutukoy mo na naglinis ka?"
Mga nagkalat na libro, papel at kahoy ang naroon. Nanlaki mga mata ko nakita, totoong naglinis ako roon. Imposibleng may pumasok dito dahil wala naman akong narinig na tahol ng mga aso sa kapitbahay.
"Ar-"
Mahigpit na hawak ni Tiya ang buhok ko, nilapit niya ang mukha sa akin.
"Sa susunod na makita kong may kalat dito, hindi ako magdadalawang isip na palayasin ka," aniya sabay yugyog sa ulo ko na para bang doon niya binuhos ang galit at irita sa akin bago tuluyang pakawalan.
Nagsimula akong pulutin isa isa ang mga nagkalat na gamit. Nabasa ang hawak kong papel nang may pumatak na luha roon. Mabilis kong pinigilan ang susunod na pagpatak niyon nang marinig ang isang yabag.
"Ayan kasi, 'wag puro upo ang inaatupag. 'Wag din magpa senyora ha?" sarkastikang pagmamaktol sa akin ni Vinni bago lumabas ng bahay.
Tahimik na naglalakad ako sa gilid habang minamasdan ang iba't ibang tao. May mga estudyanteng nakasuot ng uniporme, may mga tao namang nakasuot ng suit at iba naman ay pambahay lamang.
Minsan, naiisip ko rin na posible rin kayang makasuot ako ng mga maaayos na damit.
May napapalingon sa aking grupo ng mga kababaihan at napapatingin sa tuhod ko. Mabagal na binaba ko ang di na mababa baba na maong shorts para lang matabunan ang naglalakihang pasa roon.
Hindi nagkulang si Tiya Leonada na saktan ako sa tuwing may nagagawa akong mali. Sa aming apat, ako lagi ang natutuunan ng atensyon.
Minsan, napapaisip din ako kung nandito lang sana sina Nanay at Tatay ay wala ako sa ganitong buhay.
Minsan ko na ring sinisisi si Nanay sa maaga niyang pagkawala subalit sa huli ay naaabutan ko lamang ang sarili na umiiyak sa tabi.
"Suki, pwede ba kinse nalang dito sa kalamansi?"
Maingay na pumasok ako sa palengke, sigawan doon at dito ang hindi mabawas bawasan sa loob ng palengke.
"A-ale, may tira pa po ba kayo diyan? Kung pwede po sanang hingiin," magalang kong sabi sa Aleng nakaupo habang may hawak hawak na stik.
Hindi nakaligtas sa akin ang pagsalubong ng mga kilay niya at tignan ako bago may sinenyas sa likod niya at may inabot.
Kuminang mga mata ko nang makita ang asul na supot na inabot niya sa akin, may sira sirang kalabasa at maliliit na talong ang naroon. Nasa tabi tabi lamang ang sira niyon kaya pwede pa iyong lutuin at kainin. Ginawaran ko ang Ale ng isang totoong ngiti ngunit abala siyang makipag sigawan sa tinderang tawad ng tawad kahit mababa na presyo ng gulay.
"Salamat po," ngiti ko muli. Nakita ko siyang isang beses nang tumango bago ako talikuran.
Ayos, may ulam na kami ngayong gabi.
Nakayuko akong tinitignan ang mga gulay nang may matamaan akong isang maputing ginang.
"Pasensya na po."
"Ayos lang hija, tumingin sa daan 'wag sa baba," ngiti niyang ani.
"Pasensya na po ulit," pagkamot sa batok kong hingi ng paumanhin sa kanya.
Isang hakbang pa lamang ang nagagawa ko nang may maapakan akong kahel na pitaka at malobo iyon. Agad ko iyong kinuha at nakita ang hindi na masarhang zipper dahil sa kapal ng dami ng kulay asul na papel doon.
Mabilis na nilibot ko ang tingin at nagbabasakaling malapit lamang ang may-ari ng pitakang iyon.
"Gusto ko rin 'to."
Naagaw ng isang boses ang paningin ko, doon ko lamang napansin ang pulos puti niyang suot. Mula sa malaki niyang sumbrero, kumikinang na kwintas at puting bistida ay kaagaw agaw ang suot niya.
"Lola, sa inyo po ba itong pitaka?" tawag ko sa atensyon niya at pinakita ang kahel na pitaka.
Ngumiti siya sa akin ng matamis bago tumango. "Akin nga iyan, hija."
Mabilis ko namang inabot sa kanya ang pitaka, ngunit may mabilis na humigit niyon mula sa kamay ko. May babaeng nakatayo sa likod niya, naka itim namang damit.
"Senyora, 'wag po kayong makipag-usap sa mga magnanakaw." bulong na ani niya sa matanda.
Tumawa ang matanda at pabirong tinapik ang braso ng dalaga, masama ang tingin nito sa akin na para bang intensyon ko ngang kunin ang pitaka ng matanda.
"Ang kulit n'yo, layas!"
"Hoy, 'yang anak mo ang nagpasimuno!"
"Mga tarantado!"
Mas lalong nagsisiksikan ang mga tao nang may kung anong nangyayaring away sa tabing tindahan. Magkanda durog durog na rin ang paa ko sa mga nagbibigatang mga paa na naapakan iyon. Pagewang gewang ako sa gitna ng mga tao, may tumutulak, may sumisigaw at may dumadagdag namang tao.
Hindi na ako nakapag paalam pa muli sa matanda nang tuluyan na akong dalhin ng mga paa ko palabas ng palengke.

Bình Luận Sách (8)

  • avatar
    Prince Nash

    wow

    24/04

      0
  • avatar
    GacoteRoxy

    ♥️♥️♥️♥️

    28/01

      0
  • avatar
    Kriz Kaye

    dapat mas intense pa

    27/01

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất