logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Test 6

Nagmasid-masid ako sa paligid at napiling ilarawan na lang ang sitwasyon namin sa pier na ito. 
"Ang bagal umusad ng pila. Higit dalawang oras na pero di pa rin nakakuha ng ticket tapos maghihintay pa tayo uli sa pag-alis ng barko at dahil malaking barko ang sasakyan natin, tatlong oras ang biyahe at kapag minalas at baka humigit pa dun. Hirap talaga makasakay ng barko tuwing ganitong panahon. Ang daming kasabay."
"Oo nga."
'Yun lang ba talaga sabihin niya? 'Di ako makapaniwala na mahigit anim na oras ko siyang makakasama. Ang dami kong sinabi tapos 'oo-nga' lang siya.
Kalabaw ba siya?
Pero 'di ko dapat siya sisihin sa pagkatigil ng pag-uusap namin dahil kasalanan ko rin iyon.
Una kasi sa lahat, dapat kapag nakikipag-usap ka, kailangan mo siguraduhin na 'two-way' ang usapan. Hindi pwedeng ikaw lang nang ikaw ang dumadada. Ang dami ko kasi agad nasabi. Dapat nagtatanong rin. Kung magtatanong naman, 'wag 'yung mga 'close-ended' questions ang itatanong mo o 'yung mga tanong na ang sagot lang ay 'oo' o 'hindi'. Dapat ang itanong mo ay yung mga 'open-ended' questions. For example, imbes na ang itanong mo ay "Kamusta ang araw mo?", pwede mong sabihing "Ano ang ginawa mo ngayong araw?". Kapag sinagot ka niya, magbigay ka ng "follow-up" question. Tapos sunod ay mag-share ka naman ng tungkol sa'yo. Remember, ASK, FOLLOW-UP then SHARE.
Okay, gagamitin ko 'tong mga teknik na 'to.
"Kamusta ang studies mo?" biglang tanong ni Ethan. Naunahan niya ako. I always overthink things kasi. However, I won't let this chance go by. I'll answer properly and keep this conversation going.
"Heto, last sem na for G.E. (general engineering). Next year ay majors na pero kailangan pa rin namin kumuha ng ECT to determine our majors."
"ECT?"
"Engineering Classification Test. Wala pa kasi kaming major this past two years di tulad sa inyo na 1st year pa lang ay alam na kasi you're admitted for it."
3rd year Civil Engineering Student nga pala si Ethan sa P.U.P. He's always been good at math and he has basic skills in drawing during our highschool so him studying engineering isn't really that surprising.
Note: All Engineering Board Exams have General Engineering as part of their exam.
"Ahh, oo nga pala. Pero G.E. subjects din naman kinuha namin for the first two years tapos last year kumuha rin kami ng test na katulad ng sa inyo for moving up to 3rd year. EQT naman tawag sa test namin. Engineering Qualification Test."
"EQT? Ang cute naman ng test na 'yun. Kailangan ba cute para makapasa so paano ka nakapasa?" pang-aasar ko na naman sa kanya.
"Basher to," bigla siyang napatawa.
"Siyempre, ako pa. Hagya na nga nakapasa."
"Sus, ikaw pa ba."
"Naku, puro bagsak nga. Ikaw ba? Ano kukunin mong major?"
"Chemical Engineering sana pero sikat ang school namin sa Mechanical engineering so pinag-iisipan ko rin 'yun."
"Chemical? Future taga-gawa ka pala ng shabu."
"Shabu? Baliw, di naman sa gano'n 'yun. Pero if ever, wag kang mag-alala, susuplayan kita. Adik ka."
"Adik sayo."
"Adik? You must've gone to rehab then."
At mukhang may dumaan na naman na anghel sa pagitan naming dalawa. Nanahimik na naman kami at natigil ang usapan.
"Ethan, Kel. Sa wakas, nakakuha rin ako ng ticket. Kel, ito yung sa'yo oh." 
Mukhang nagkamali ako, ito palang, kadadating pa lang ng anghel. Natapos rin si Ate Elaiza sa pagpila at parang hulog ng langit na sumagip sa awkward na sitwasyong ito.
"Ate, salamat po," bigkas ko nang inabot niya sa'kin ang ticket ng barko.
"Kumain na ba kayong dalawa? Tara munang magtanghalian kahit alas dos ng hapon na."
"May baon po akong kanin at ulam. Kayo po, bili po kayo ng makakain ninyo muna. Kain ka Ate, nalipasan ka na ng gutom."
"Sige, sige. Ethan, bili ka nga muna ng makakain doon sa karinderya."
Kinuha ni Ethan ang pera mula kay Ate Elaiza at bumili ng pagkain. Kaya kaming dalawang magandang babae ang naiwan mag-isa.
"Ang init. Anong oras ka dumating dito, Kel?" tanong sa akin ni Ate.
"Mga 9:45 po. Kayo po ba?" pagbalik ko ng tanong sa kanya.
"Alas otso ng umaga, andito na kami. Kaso andami nga ng tao kaya tingnan mo, alas dos na, kakakuha pa lang ng ticket."
Tumingin siya sa kanyang orasan at pinunasan ang pawis sa kanyang mukha gamit ang panyo niyang dala.
"Pasukan na po kasi at may trabaho na ang iba bukas. Madami siguro ang sinulit ang bakasyon kaya ngayon lang lumuwas."
"Kaya nga, ako rin ay may pasok na sa ospital bukas. Maaga pa ang pasok. Baka pagdating namin ng bahay ay aalis na agad. Mukhang gabi pa ang alis ng barko natin."
 
Nurse si Ate Elaiza sa isang pampublikong ospital sa Maynila. Pasukan na talaga bukas ng ibang estudyante at mga manggagawa.
"Enrollment din nga po namin bukas kaso pinapabalik agad ako bukas pagkatapos mag-enroll nina Mama dahil birthday ko."
"Birthday mo bukas? Ilang taon ka na? 18 si Ethan na mag-nanineteen ngayong April 23 so 18 ka na? Debut mo bukas?"
"Opo."
"Dalaga na nga ikaw, aba. May boyfriend ka na?"
"Ho? Wala po."
"Sus. Sa ganda mong yan, walang nanliligaw?" kuryosong tanong sa akin ni Ate Elaiza.
"Ate... Oh," pag-abot ni Ethan ng pagkain na dala niya na nakabalot sa plastic. 
Bumalik na si Ethan dala-dala ang kanin at adobong manok na ulam pati na rin softdrinks na binili nya.
"Kain na tayo. Gutom na ko," yaya sa amin ni Ate Elaiza.
"Sprite," pag-abot ni Ethan sa'kin ng malamig na bote ng sprite.
"Salamat," wika ko.
Mukhang sinama nya ako kaya tatlo ang softdrinks na binili nya. Pero 'coke' yung dalawa at ito lang ang nag-iisang 'sprite'. Nagkataon lang ba 'yun o sinadya niya talaga? Naalala ko tuloy ang mga panahon na pagkatapos ng klase ay bumibili kami sa tindahan ng merienda at softdrinks na nasa plastic ang inumin namin. Laging 'sprite' ang binibili ko, samantalang 'coke' naman ang sa kanya.
Iyon ang mga panahong masaya kaming dalawa sa mga oras na kami'y magkasama. Mapa-umaga, recess, lunch break at uwian, kahit na magkaiba kami ng year at section, gumagawa kami ng paraan para magkita at magkasama.
Simula nung 1st year ako hanggang third year, tatlong taon kaming naging masaya. Masaya kaming dalawa ngunit sya'y nagtapos. Umakyat sya ng entablado, kinuha niya ang kanyang diploma. Pero 'di ko inakala na do'n rin magtatapos ang pagsuyo, pag-aalala't pagmamahal niya.
Bakit bigla ka na lang nawala? Bakit di ka man lang nagpaalam? Bakit mo ko pinabayaan?
Ang daming tanong sa isip ko na naghahanap ng kasagutan pero mukhang di pa ito ang tamang oras sa mga tanong na iyon. Kainin ko muna itong baon kong fried chicken at malamig na kanin.
Natapos na kaming kumain pero andito pa rin kami sa pier. Alas tres na pero alas sais pa ng gabi ang alis ng barko namin. Na-stranded na talaga kami dito.
Buti na lang kasama na namin si Ate Elaiza kaya napuno ng kwentuhan at halakhakan ang paghihintay namin sa barkong sasakyan namin.
May pelikula rin na pinapalabas kaya nanood na lang kami ng TV. Nag-uusap din naman kami ni Ethan tungkol sa subjects na kinukuha namin at nagtatanong ako sa kanya kasi nakuha na niya 'yung mga subjects na kukunin ko pa lang ngayong sem.
"Ano ang math subject na kinukuha mo ngayon?" tanong ko sa kanya.
"Differential Equations (DE). Pinagsama nang integral at differential calculus. Easy na naman 'yun sa'yo siguro pagdating mo doon." Tiwalang-tiwala sa akin si Ethan.
"Integral Calculus pa lang subject ko ngayong sem. Susko. Mukhang hindi easy 'yun ah. Sa'yo lang easy ata."
"May quiz nga kami this week sa DE. Mukhang bagsak na naman." Kinamot niya ang kanyang ulo nang maalala iyon.
"May pasok na nga pala kayo. Ano oras ng pasok mo bukas?"
"Hapon pa naman. 12:30 PM."
"Anong subject?"
"Engineering Mechanics."
"Ahh. 3rd year ka na talaga. I mean, ahead ka talaga sa'kin ng 1 year."
"Oo," humagikhik siya. "Bakit? Gusto mo ba classmates tayo?"
"Hindi. Okay na mas matanda ka sa akin."
Tsaka kung magka-edad tayo, baka 'di rin naging tayo. Sinabi ko sa isip ko.
~When the days are cold
And the cards all fold
And the saints we see
Are made of gold-
It was my phone's ringtone.
"Hello, Gray?" sinagot ko ang tawag.
"Nakasakay ka na ba ng barko?" 
Nadinig ko na naman sa tainga ko ang pamilyar na boses 'pagkat lagi itong tumatawag sa akin.
"Hindi pa pero malapit na."
"Text mo 'ko kapag nandito ka na." 
Napakalambing ng boses niya pero hindi ko mapigilan ang sarili ko na purong lamig ang itugon sa kanya. 
"Matagal pa ako bago dumating d'yan. Sasakay pa nga lang ako ng barko, 'di ba? Tapos mamaya, sasakay pa sa bus."
"Alam ko, baka gabihin ka ng dating kaya sunduin kita sa terminal. Ihatid kita sa apartment mo."
"Hindi ka ba busy? Bakit parang ang dami mong time?"
"I can always make time for you."
"Ha? What are you saying? Didn't I tell you to date girls your age instead of hanging out with me?"
"But it's more fun to be with you."
"Nonsense. I'll hang up now. See you on Monday."
"Monday pa? No, I'll see you later."
I hung up.
"Sino 'yun? Boyfriend mo?" tanong ni Ethan.
"No. He's my classmate back in college. He's also gonna study with me in the review center to prepare for the boards," pag-clarify ko sa kanya.
"Anong pangalan? Drey? Gay?" Nalilitong tanong ni Ethan.
Gay? Bingi ba siya?
"It's Gray. His full name's Graysun Sevilla," pagkaklaro ko.
"Ah. Gray. Iba pa ba 'yan doon sa 'special someone' mo dati? G rin nagsisimula pangalan no'n di ba?"
"Gray isn't my 'special someone' though. And yes, that was a different guy."
***Back to 6 years ago***
~When the days are cold
And the cards all fold-
Someone's calling me so I immediately pick up.
"Hello. Gab?"
"Hindi ka pa rin ba nakasasakay ng barko?"
"Hindi pa. Mamaya pa ngang alas-sais ng gabi ang nakasulat dito sa ticket na alis ng barko. Tapos halos 3 oras pa biyahe kasi malaking barko sasakyan ko. Gabi na ko makarating ng Batangas."
"Masyadong gabi na nga. Baka 'di rin ako payagan ng Nanay na umalis ng bahay ng ganoong oras kaya baka 'di na kita masundo. Pa'no ba 'yan?"
"Okay lang. Wala naman akong masyadong dalang gamit tsaka madaming jeep pa naman na bumabiyahe. Asan ka ba ngayon?"
"Nasa pier dito sa Batangas. Hihintayin sana kita dumating."
"Nasa pier? Hala, umuwi ka na. Gagabihin ako ng dating dyan. Kaya ko naman na mag-isa umuwi."
"Sure ka? So pa'no yan? Kita na lang tayo bukas."
"Oo. Bukas na lang."
"Sabay na lang tayo pumuntang school bukas ng umaga."
"Sige. Sabay na nga lang bukas. Uwi ka na baka mapalo ka pa ng nanay mo."
"Utas!" Bigla napatawa si Gab. "Sige. Ingat ka ha. Mag-text ka 'pag nakasakay ka na ng barko at 'pag nakarating ka na dito."
"Sige po."
"Bye."
"Ba-bye."
At doon natapos ang tawag ko kay Gab. Medyo hininaan ko ang boses ko pero mukhang napakinggan pa rin ni Ethan at Ate Elaiza ang usapan namin.
"Boyfriend mo?" tanong ni Ethan.
"Hindi. Hindi pa," sagot ko.
"Hindi pa naman pala eh," sambit ni Ate Elaiza.
Oo. Hindi pa. Wala pang kami. Parang relasyon din namin ni Ethan dati. Walang label kahit gusto naman ang isa't isa. Halos gawin na lahat ng ginagawa ng mag-boyfriend at girlfriend pero di daw sila. 
M.U. kung tawagin, magulong usapan.

Bình Luận Sách (127)

  • avatar
    Bernardo Semine

    I love reading story

    11/02

      0
  • avatar
    Renuel Manio

    renuel

    02/02

      0
  • avatar
    Ångèlica Såt

    very nice

    26/04/2025

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất