logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

KABANATA 3

Sunday 10: 34 am
“Nako, hindi ganiyan, Linda. Hindi mo gugupitin hanggang ibaba ang bote, paano iyan malalagyan ng lupa?”
Inangat ni Draken ang paningin mula sa ginugupit niyang bote ng one point five na coke patungo sa kaklase niyang babae na si Linda. Nakita niya ang mga piraso ng plastic bottle na nasira na nito dahil sa maling paggupit.
“Hanggang kalahati lang ang gugupitin, horizontal ang gupit ha. Mga bata, tandaan ninyong paso ang inyong ginagawa at hindi laruan.” Sinulyapan niya ang guro niyang naglilibot sa kabuuan ng room at mayroong hawak na stick.
Muling itinutok ni Draken ang paningin sa ginugupit niyang bote, gaya ng sinabi ng guro ay sinunod niya ang gupit na sinasabi nito. Ginupit niya ang bote at ginawa niyang hugis ng timba. Pagkatapos ay sinunod niya ang sinasabi ng guro, dinisenyohan niya iyon; ginupit niya mula taas hanggang sa kalahati.
“Magaling, Draken, ganiyan nga.” Hindi niya napansin na nasa gilid na pala niya ang guro at nakatingin sa ginagawa niya.
Sinulyapan siya ng mga kaklase at tinitigan ang gawa niyang paso.
Napangiti naman siya dahil sa magandang kinalabasan, medyo naigagalaw na rin niya ang kaliwang kamay kaya hindi na siya masyadong nahihirapan.
“Ngayon, didisenyohan niyo iyan gamit ang mga pangkulay na ito. Kanya-kanya kayong disenyo, hindi pwedeng magkatulad. Be creative.” Lumipad ang paningin ng mga bata sa unahan, doon ay nakita nila ang isang kahon na puno ng mga pinta. Iba't iba ang kulay non at magaganda.
“Hindi kayo pwedeng mag-away, marami iyan at pwede kayong maghiraman. Huwag kayong mag-alala dahil nabubura iyan kapag kumapit sa damit at kamay,” anang guro.
“Narito ang mga paint brush,” sambit ng guro. Nagsitayuan na ang mga bata at tumungo sa isa pang kahon upang kumuha ng kan'ya-kan'yang brush.
“Ang hindi pa tapos sa paggupit ng paso ay hindi muna pupunta rito sa unahan upang hindi magsiksikan,” anang guro.
At dahil tapos na si Draken sa paggupit ng paso ay tumayo na siya upang pumunta sa unahan. Hindi naman siksikan dahil kakaunti lang naman silang magkakaklase roon, mabilis siyang nakakuha ng brush.
Bahagya naman siyang natigilan nang mapansin niya si Mikey na nasa isang sulok at mayroong binubutas sa paso.
Tumaas ang dalawang kilay ng batang si Draken bago sumilip sa paso niya.
Walang butas ang kan'ya, paano nga naman tutulo ang tubig dito? Bakit nakalimutan niya iyon lagyan gayung matik na iyon. Binalingan ni Draken ang mga pintura at kumuha ng color red and yellow. Dinala niya iyon sa bangko niya at inilapag.
Ibinaliktad niya ang paso at kumuha ng lapis sa bag. Tatlong katamtaman na butas ang inilagay niya sa ilalim ng paso. Saglit niyang sinulyapan si Mikey at napagtanto niyang nagdidisenyo na agad ito.
Tila siya natulala sa pilantik ng kamay nito, gumagawa ito ng kakaiba at kaakit-akit na disenyo gamit ang puti at itim na pinta.
Nangunot ang noo niya sa husay nito. Tila batikan na ito sa murang edad. Paano kaya nito nalaman ang ganitong gawain? Hindi sa hindi niya kayang gawin ito, mahusay siya sa pagpupunla at pagdidilig ng binhi ngunit ang paggagawa ng mga bagay na ganito ay naninibago si Draken.
Dinampot niya ang brush at pinili niyang lagyan ng kulay pulang pinta ang katawan ng paso, pagkatapos ay dilaw naman sa hawakan. Ganoon lang ka simple.
“Wow, ang ganda naman ng paso mo, Draken!” manghang usal ni Linda. Ang kaklase niyang babae na nasa unahan niya.
Nanliit ang mata ni Draken at muli niyang tingnan ang paso niya at paso ni Mikey.
“Salamat, Linda. Hindi nga ganoon kaganda kumpara sa iba.”
Tiningnan siya ng batang si Linda.
“Huwag mong ikumpara ang gawa mo sa iba, mas pagtuunan mo ng pansin ang iyo dahil sariling sikap at ideya mo iyan. Maganda iyan at ispesyal dahil ikaw ang gumawa,” anito, mayroong matamis na ngiti sa labi.
Napanguso naman si Draken bago tumango. Tama naman ang kaklase niya, siya ang gumawa nito kaya maganda ito sa kan'yang paningin. Kahit pa gaano ito kapangit sa paningin ng iba ay maganda para sa kan'ya.
“Tama ka Linda. Salamat,” wika niya.
Tumayo na siya upang ilagay na sa unahan ang kan'yang paso. Ibinalik na niya ang mga ginamit sa kahon at naupo nang muli sa kan'yang bangko.
Ilang minuto pa ay natapos na ang lahat ng bata. Nagsimula nang magsalita ang guro sa unahan. At gaya niya ay natigilan din ito noong makita ang gawang paso ni Mikey.
“Kanino ang isang ito?” tanong ng guro habang hawak ang paso.
Tumaas naman ng kamay si Mikey at buong pagmamalaking ngumiti.
“Mikey? Hindi ko alam na mayroon ka palang talento sa pagdidisenyo, mahusay!”
Nagbulungan ang mga kaklase niya dahil sa paghanga sa pasong ginawa ni Mikey.
“Salamat po ma'am.”
“Gumagawa ba kayo ng mga paso?” muli’y tanong ng guro.
Tiningnan niya ang banda ni Mikey at naghintay rin ng sagot.
Napakamot naman sa ulo ang batang si Mikey at saglit na inayos ang salamin sa mata.
“Hindi po, ngunit bumibili at nangongolekta ang ama ko ng mga paso. Natutunan ko lang po dahil palagi po akong nakakakita ng paso,” nakangiting sambit ni Mikey.
Napakurap ng dalawang beses si Draken dahil sa narinig. Kung ganon mahilig ang ama nito sa paso? Pero ano namang ginagawa nila sa paso?
Si kapitan Olivo ang hindi niya kakikitaan ng hilig sa pagtatanim, dahil ang gusto lang nito parati ay magsugal at uminom. Kaya naman nagtataka siya ro'n.
Sunday 4: 40 pm
“Ama, matagal ninyo na po bang kilala si kapitan Olivo?” tanong ni Draken sa kan'yang ama habang matamang naglalakad papauwi sa bahay galing sa simbahan.
Tuwing linggo ay alas tres sila ng hapon pinuuwi dahil nga mahalaga rin ang pagsisimba sa araw na iyon. Kaya heto sila ng kan'yang ama at sabay na lumalakad papauwi sa bahay dahil katatapos lamang ng misa.
Pareho silang nakasuot ng asul na polo shirt at pantalon. Malayo ang simbahan sa kanilang bahay, sa bayan pa iyon ng Fernandez mayroong kalayuan sa paaralan nila.
“Bakit mo naitanong?” sinulyapan siya ni David.
Napakamot sa kilay si Draken.
“Eh, kasi po nasabi kanina ng anak niyang si Mikey na mahilig itong mangolekta at bumili ng paso. Naguguluhan lang ako, ama,” aniya.
Natigilan naman si David.
“Hindi naman po mahilig magtanim si  kapitan Olivo, ama. Ano kayang ginagawa niya sa mga paso?” tanong pa ni Draken na ang boses ay puno ng paghihinala.
Ginulo ni David ang buhok niya bago hinawakan ang pulso upang tumawid sa kalsada.
“Kung hindi siya edi malamang ang asawa niya. Halika na nga at ang dami mo pang tanong,” ani ni David, natatawa.
Pinasok na nila ang barrio ng Caballero. Ang mga tao roon ay kan'ya kan'yang bati kay David tuwing siya ay namamataan.
Napanguso pa rin si Draken dahil sa isipin na ang ina ni Mikey ang mahilig sa paso. Bakit kasi siya walang ina e, kung kasama sana niya ang kan'yang tunay na ina edi sana siya ang gagawa rito ng paso.
“Ama,” marahang sambit niya, ang paningin ay nasa daan. “Gusto kong makapag tapos ng pag-aaral upang mahanap ko ang aking ina,” dagdag niya.
Natigilan si David, ang hindi maipaliwanag na pait ay dumaloy sa kan'yang muka. Humigpit ang hawak niya sa kamay ng kan'yang anak bago huminto at hinarap ang anak.
“Draken, mayroong mga bagay at mga tao na kailangan nang kalimutan kung minsan.”
Napahinto rin ang batang si Draken bago tumingin sa kan'yang ama. “Huh? Bakit po, ama?”
Nag-squat sa harapan niya si David at marahang pinisil ang pisnge niya.
“Dahil mas makabubuti ang kalimutan na lamang kaysa magbalik tanaw pa, Draken. Kasi ayaw kitang biguin.”
Napayuko siya sa narinig, ang muka ni David ay malumanay ngunit mayroong lungkot.
“Ama, hindi kita maintindihan,” malungkot niyang sambit. Sa katunayan ay nasasaktan siya sa sinasabi ni David, tila no'n ginuguho ang pundasyon niya ng pag-asa.
Tumango si David at inayos ang kwelyo nito. “Alam ko, sasusunod ay ipaiintindi ko saiyo huwag lamang ngayon.”
Malungkot na tumango si Draken. “Opo, ama.”
Isang beses siyang hinagkan ni David sa noo bago muling tumayo at pinisil ang kanang balikat niya.
“Halina’t umuwi,” yakag nito.
Muli ay binagtas nila ang daan patungo sa kanilang bahay, ngunit ganoon na lamang ang pagtataka ni Draken dahil sa kanilang dinadaanan ay nasilayan niya ang tatlong jeep at hindi mabilang na motor sa harap ng kanilang bahay. Motor at hindi habal-habal. Iba ang disenyo niyon sa mga sasakyan sa barrio nila.
Ngunit sino ang mga nagmamay-ari ng mga ito?
“Kapitan!”
Sabay silang bumaling ng kan'yang ama sa harap ng maliit na opisina ng kan'yang ama sa labas, kung saan doon nagkakasundo ang mga mangangalakal at ang kan'yang ama mag-ungkat ng gulay. Sa harap lamang iyon ng kanilang bahay, kulay asul ang opisina at maliit ang espasyo sa loob.
Sa harap no'n ay ang mga lalaking panauhin.
Naramdaman niya ang mabilis na hawak sa kan'ya ni David, binalingan siya nito. “Pumasok ka sa bahay,” utos ng kan'yang ama. Ngunit hindi iyon sinunod ni Draken.
Nanatili siya sa likod nito at nakiramdam.
“Juan,” boses iyon ni David. Nakaharap ito sa mga panauhin.
Marahang pinagmasdan ni David ang mga trabahador niyang mga nakayuko at napalilibutan ng mga tauhan ni Juan. Ang matandang balbas sarado na walang isang mata, nakasuot ito ng leather jacket na itim at mayroong hinihithit na sigarilyo sa labi.
“David,” tawag din ng matanda, ang boses ay walang halong emosyon. Walang gana nitong ipinitik ang sigarilyo sa kung saan.
Dumako ang paningin nito sa anak ni David na si Draken, ang isang mata ay kinilatis ang bata. Mabilis iyong hinarangan ni David dahilan upang sa kan'ya tumama ang paningin nito.
“Hindi pa ngayon ang nakatakdang araw ng anihan, wala pa kayong mapipiga sa akin, Juan.” 
Natutop sa isang linya ang labi ni Draken dahil sa sinabi ng kan'yang ama. Ang paningin niya ay lumipad sa isang malaking lalaki sa gilid ng balbas saradong matanda. Kalbo naman ang isang iyon at tadtad ng hikaw sa kilay. Ang kamay nito ay sa tuwina nakahawak sa baril nito sa bewang.
Nakatitig ito sa kan'ya at mayroong nakakalokong ngiti sa labi. Ginantihan iyon ng titig ni Draken, hindi man lang siya nakaramdam ng kaba o takot sa lalaki.
“Dalawang pung araw na ang nakalilipas, David. Hindi kaya ayaw mo na akong pagbentahan?” tanong ng matandang si Juan. Humakbang ito palapit sa kan'yang ama at ibinuka ang jacket nito na tila ba sinasadya nitong ipakita kay David ang de kalibreng baril na nakasingit sa jacket.
Umilap ang mata ni David dahil doon.
“Wala pa akong maaani, sa ikalawa kayo magbalik.”
Kapansin pansin na malakas ang paghinga na pinakakawalan ni David, ang kamay nito sa kabilang gilid ay bahagyang nanginginig.
Bahagyang nagulat si Draken ng tumawa ng nakakaloko ang matanda, dahilan upang dumampi sa ilong niya ang masangsang nitong amoy.
Humakbang si Draken sa gilid ng kan'yang ama at itinuro ang matandang kaharap. “Ama, anong nangyari sa mata niya? At bakit ang baho niya?” inosente niyang tanong.
Binalingan siya ni David at halos panawan na ito ng malay sa kaba, lalong lalo na sa tanong ng kan'yang anak.
Natahimik saglit ang paligid at pagkatapos ay napuno ng halakhakan. Tawanan ng mga grupo ng matandang si Juan. Napanguso si Draken at napangiti ng wala sa oras. Bakit sila natawa?
“Hindi po ba kayo naliligo?” tanong pa ni Draken. Ang muka ay kakikitaan ng kalituhan at pagkainosente.
Ginagap ni David ang kamay ni Draken at marahang pinisil. “Ang sabi ko ay pumasok ka sa bahay,” mahina ngunit galit na sambit ng kan'yang ama.
Hindi siya pinansin ni Draken at tumingin muli sa kaharap.
“Wala rin po ba sa inyong tubig?” 
Tila napuno na ang matanda sa sinasabi ng bata sa kan'ya. May isinenyas ito sa kalbong lalaki dahilan upang lapitan siya nito at hilahin palayo sa kan'yang ama.
“Masyado kang matanong, hijo,” sambit ng matanda.
Napayuko si Draken. “Ayan din po ang sinasabi sa akin ni ama—” natigilan siya ng walang kahirap hirap siyang alugin ng kalbong lalaki.
“Itikom mo iyang bibig mo,” babala ng kalbo sa kan'ya habang hawak ang magkabila niyang balikat. Napapikit ang isang mata ni Draken nang manakit ang kaliwang braso niya.
Tiningala niya ang lalaking nakahawak sa kan'ya. “Mamang kalbo, pwede niyo po bang luwagan ang hawak sa kaliwang kamay ko, masakit pa po kasi iyan at mayroong bali.”
Tila natulos na sa kinatatayuan si David dahil sa kan'yang anak.
Nanlisik ang mata ng kalbong lalaki at naglabas na ng baril, itinutok nito iyon sa ulo ni Draken.
"Isang salita mo pa bata, huwag mo akong subukan."
Mabilis ang paglakad na ginawa ni David patungo sana sa kan'yang anak.
“Hanggang diyan ka na lang, David. Ang mga gulay nasaan? Alam kong mayroon ka nang naani, huwag mo akong linlangin!” malagong at mayroong babala ang nasa boses ng matandang si Juan.
Napapikit nang mariin si David at nagpakawala ng malalim na hininga.
“Hindi ko maibibigay saiyo ang gusto mo, Juan. Tapos na ang ating kontrata anim na buwan na ang nakalilipas. Nalulugi na ako ng husto sa iyo,” sambit nito.
Binalingan ni Draken ang kan'yang ama at nanatili na lamang na tahimik. 
Kinwelyohan si David ng matandang lalaki at mayroong galit na naglabas ng baril. Sa pagkakataon na iyon ay si Draken ang kinabahan sa maaaring paglagyan ng kan'yang ama.
“Hindi kita masisisi, David. Ngunit hindi mo ako mapipigilan, ibigay mo ang gusto ko o baka naman gusto mong maging isang malamig na bangkay itong anak mo?" ngisi ng matanda habang ang nguso ng baril ay nakatutok sa sintido niya. "Siguro naman ay hindi mo iyon gugustuhin mangyari 'di ba?"
Nanatiling blangko ang muka ni David. Nasa malalim siyang pag-iisip, nauumay na siya sa ganitong scenario kada sasapit ang ikalawang buwan. Ngunit paano niya ito matutuldukan?
“Ama,” mahinang sambit ni Draken. Nananakit na ang braso niya sa higpit ng pagkakahawak ng lalaking kalbo.
Inalis ni David ang kamay ng matanda sa kwelyo niya. Ibinaling niya ang paningin kay Draken at sa iba pang magsasaka, puro pag-aalala at takot ang mga nasa muka ng mga ito.
Isang mahinang buntong hininga ang pinakawalan niya.
“Marcus,” pagtawag ni David.
Nilapitan siya ni Marcus ang lalaking tumawag sa kaniya kanina, hinugot ni David ang susi ng bodega sa kan'yang bulsa at iniabot iyon kay Marcus.
Nakangiting sumenyas ang matandang si Juan sa mga tauhan niya, pagkatapos ay isinilid ang baril muli sa bewang at dalawang beses na tinapik ang balikat niya.
"Mabilis ka naman pala kausap, David. Ayan ang gusto ko sa'yo."
“Ang anak ko, Juan,” blankong paalala ni David, ang paningin ay nakatuon kay Draken.
“Roman,” bumaling ang matanda sa kalbong lalaki bago ay lumakad na papunta sa bodega.
Marahas na itinulak ng lalaking nagngangalang Roman ang likod ni Draken palapit sa kan'yang ama.
“Pwe, mga hampaslupang magsasaka.”
Nanlaki ang mata ni Draken sa sinabi ng kalbo. Dumampot siya ng bato sa lupa at galit na binato ang ulo ng kalbo. Nasapul naman niya ito dahilan upang humarap ito sa gawi nila.
“Draken!” mabilis siyang kinarga ng kan'yang ama. Masama ang muka ni Draken, galit ito at hindi matanggap ang sinabi ng lalaki.
“Ikaw na bata ka!” lalapit na sana ang kalbo sa direksyon nila David ngunit muli itong tinawag ng matanda.
“Roman, pumarito ka na!” sigaw nito.
Sapo-sapo ng lalaki ang kaliwang tenga nitong namumula dahil natamaan ng bato.
“Hindi ito ang huli nating pagkikita, tandaan mo 'yan bata!” gitil nitong sambit bago lumakad palayo.
Mabilis at malalaki ang hakbang ang ginawa ni David habang buhat si Draken, binuksan nito ang pinto ng bahay at ibinaba si Draken.
Tiningnan nito ang kabuuan niya.
“Mayroon bang masakit saiyo?” nag-aalalang tanong nito.
Nagyuko ng ulo si Draken at napanguso. “Wala po ama, patawad po kanina. Hindi ko po sinasadya.”
“Shh, hindi ako nagagalit. Pumunta ka na sa kwarto mo at huwag munang lalabas, nakuha mo?”
Naguguluhan siyang pinagmasdan ni Draken. “Ama, saan po kayo pupunta?”
Lumakad patungo sa drawer si David at mayroong kinuha roon at isiningit sa likod. Nagsuot din ito ng jacket at muli siyang binalingan.
“Hindi ka lalabas, sundin mo ako at huwag kang makulit.”
Pagkatapos no'n ay lumabas na si David at isinara ang pinto. Tulala namang naiwan si Draken na nakatayo roon.

Bình Luận Sách (47)

  • avatar
    Geraldine Asonalleba

    nice and so fun ..

    14h

      0
  • avatar
    Hussien Mangondaya

    wonder full story and best story ever I read

    13d

      0
  • avatar
    John Y. Tinggal

    Wow

    23d

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất