logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

KABANATA 1

Kasalukuyang nakaupo sa kawayang papag si Draken habang ang paningin ay nakamasid sa labas ng bintana paroon sa walang hangganang kadiliman. Ang langit ay walang buwan at bituin, ang mga tao naman ay kan'ya kan'yang sindi ng lampara upang mag silbi itong ilaw sa kanilang madilim at nakakalungkot na bahay. Katatapos lamang niya ayusin ang gamit, ang lampara sa gilid niya ang tanging ilaw sa loob ng kan'yang kwarto.
Bumaba siya sa papag at dumungaw sa bintana, pinagmasdan niya ang mga tao na pumapasok na sa kanilang mga sawaling bahay.
Wala siyang makikitang simento ang bahay. Wala ring kuryente ang barrio, ang tubig ay sa balon sila kumukuha para sa araw-araw nilang pangangailangan. Sa bukal naman sila kumukuha ng tubig na maiinom.
Ganoon kahirap ang barrio ng Caballero. Ngunit kahit na mahirap ay masaya ang mga tao roon, nagkakaisa at mayroong respeto sa lahat ng tao.
Ang bahay nila ay sawali, may teresa naman ito at presko. Mayroon silang chimney na lagusan ng usok dahil kalang de uling lamang ang kanilang pinaglulutuan.
Isang singhap ang ginawa niya ng maramdaman niyang nakirot ang bali sa kaliwang braso. Bumalik siya sa papag at inayos ang unan gamit ang kanang kamay, ibinuka rin niya ang kumot niya at diretso nang nahiga sa papag. Ibinaling niya ang tingin sa kisame niyang mayroong mga umiilaw na laruang bituin. Marahan niyang ipinikit ang mata upang matulog.
Saturday, 7:00 AM
“Sige nga mga bata, kung si Juan ay mayroong tindang mansanas at sa bawat kilo nito ay kumikita siya ng dalawang daang piso, magkano naman ang kikitain niya kung ang ibebenta niya ay labing tatlong kilong mansanas?” tanong ng guro.
Sumulyap sa daliri si Draken at mabilis na nag-solve.
“Ang makakasagot ay mayroong limang puntos sa akin,” ani ng guro.
Mabilis na nagtaas ng kamay si Draken ganoon din ang ibang bata.
“Sige, Draken. Isulat mo sa pisara ang iyong sagot.” itinuro ng guro ang pisara sa unahan.
Tumayo naman agad ang bata at lumapit sa pisara, dinampot niya ang maliit na chalk gamit ang kanang kamay at nagsimulang mag solve sa pisara.
Napatango naman ang guro ng makita ang sagot niya.
“Tama. Ang sagot ay two thousand and six hundred pesos,” sambit ng guro.
Napangiti naman si Draken bago muling bumalik sa upuan sa bandang likod.
“Heto naman, kung ang isang buong pinya ay nagkakahalaga ng isang daan at singkwenta. Magkano naman ang tutuusin kung ang ibebentang pinya ay dalawampu at tatlo?”
Tumaas naman ng kamay ang isang batang lalaki sa unahan. Nanguna ito sa iba kaya ito ang tinawag ng guro.
“Sige, Mikey, isulat mo ang iyong sagot sa pisara.”
Lumakad ang batang lalaki sa unahan, mapayat ito at may malaking salamin sa mata. Ang alam ni Draken ay malabo ang paningin nito.
“Tama. Ang sagot ay three thousand four hundred and fifty pesos.”
Lumapit sa unahan ang guro at sumulat sa maliit na index card.
“Ngayon, bibigyan ko naman kayo ng quiz at kung sino ang mauunang makatapos ay makakapag recess na.”
Nasiglahan naman kahit papaano ang mga bata sa sinabi ng guro. Nagdikit ito ng manila paper sa maliit na pisara at nagpasimula na magpa quiz. 
Hanggang sampu lamang iyon at puro computation, pahirap ng pahirap ang tanong at palaki ng palaki ang sagot.
Naunang nakatapos ang lalaking kaninang sumagot sa unahan, pagkuwa'y sinulyapan siya nito at nginiwian.
“Okay Mikey, makakapag recess ka na.”
Diretsong lumabas ng silid ang batang lalaki. Napakamot naman sa kilay si Draken at mas lalong itinutok ang paningin sa papel. Number nine na siya at isa na lang.
“Yes!” napausal siya nang mayroong kalakasan.
Tiningnan siya ng guro.
“Draken, tapos kana ba?”
Tumayo siya at dinala ang one whole na papel sa unahan, inabot niya iyon sa guro. Mataman naman iyong binasa ng guro bago tumango.
“Makakapag recess ka na.”
Paglabas niya ng silid aralan ay wala sa oras na napahawak sa tiyan na kumakalam.
“Grabe, nagutom ako roon ah!” usap niya sa sarili.
Saglit pa siyang naglakad papunta sa canteen nang mayroong nagsalita mula sa kaniyang likod.
 
“Ayos, bagay saiyo ang cast mo sa braso.”
Bumaling ang paningin ni Draken sa paligid ngunit wala siyang nakitang tao. Narinig niya ang boses na iyon sa kanyang likuran, nasaan na iyon?
Umihip ang malakas na hangin dahilan upang marahan niyang ipinikit ang mata upang huwag mapuwing. Saglit na tumama ang paningin niya sa itaas ng puno.
Puno ng mangga!
Napangiti siya ng malaki nang makita niya si Mikey na nakaupo sa malaking sanga ng mangga at kumakain ng bunga nito.
“Ikaw pala Mikey, hindi mo ba itatanong sa akin kung saan ko ito nakuha?” ngiti ni Draken.
Mabilis na bumaba mula sa puno si Mikey, mayroon itong kinakagat na mangga sa bibig. Ibinato niya iyon, kay Draken. Mabilis naman niya iyong nasambot gamit ang kanang kamay.
“Wala naman ako saiyong pakialam,” anggil nito.
Lumaki ang ngiti ni Draken bago kinagatan ang mangga. Nginuya niya iyon pati balat.
“Bakit ba galit ka sa akin? Siguro sa sama ng loob ka ipinaglihi ng nanay mo, ano?” mahinang sambit ni Draken.
Nilapitan siya ni Mikey at itinulak ang balikat na mayroong cast. Tahimik siyang napadaing.
“Ang mahalaga ay mayroon akong ina, ikaw? Nasaan ang iyo?” balik nitong tanong. Natigilan si Draken sa kan'yang narinig. Hindi niya iyon inaasahang marinig mula rito.
Napangiti nang malaki ang batang si Mikey ng napansing natigilan ito. Lumapit ito sa kan'ya at malakas na pinitik ang noo niya.
“Kawawa ka naman, ang sabi ng ama ko, bunga ka raw ng pagkakamali.”
Napatiim ang muka ng batang si Draken dahil sa narinig. Lumayo siya ng isang hakbang patalikod mula kay Mikey.
“Hindi ko alam na tsismoso pala si Kapitan Olivo,” walang ganang sambit ni Draken.
Malakas siyang binunggo ni Mikey sa braso na mayroong bali.
Nanlaki ang mata niya sa dumaang kirot sa kanyang kaibuturan. “Ah!” 
“Hindi tsismoso ang ama ko, sadyang nagsasabi lang siya ng totoo!” galit na anggil ni Mikey.
Lalampasan na sana siya nito ngunit hinigit niya ang polo nito ng malakas, dahilan upang mapaupo ito sa lupa.
“Aray ko!” hiyaw nito.
Sinapo ng batang si Draken ang masakit niyang braso.
“Sinungaling!” giit niya at masama ang loob na tumalikod at walang lingon-lingon na pumasok sa silid-aralan. Hawak pa rin niya ang may cast na braso na patuloy na kumikirot.
Ang barrio ng Asana ay ang karatig barrio nila na pinamumunuan ni  Kapitan Olivo, matapang ito at kasalungat ng ugali ng kan'yang ama. Malaki ang katawan nito at kalbo.
Ang barrio ng Asana ay hindi rin kakikitaan ng ginhawa, mas malala ang mga taga rito dahil wala silang supply ng tubig kahit pa sa balon. Kinakailangan pa nila umigib at magbayad para makaligo at may mainom.
Sa barrio na ito kumukuha ng binhi ng pananim ang kan'yang ama.
Tumunog ang bell, tanda na tapos na ang recess. Naunang pumasok sa silid si Draken habang sapo ang kaliwang braso na kumikirot.
“Okay, class. Tomorrow gusto kong magdala kayo ng kahit anong plastic bottle at gunting. Kahit tag-iisa lang, ayos na.”
Napatunghay sa lamesa si Draken at malungkot na tumingin sa sahig. Tila bumabalik ng paulit-ulit sa isipan niya ang sinabi ni Mikey kanina. Na siya ay produkto ng pagkakamali.
Tunay na hindi niya nakilala ang kan'yang ina, wala siyang alam ukol sa pangalan nito maski man itsura.
Hindi iyon gustong ipagbigay alam sa kan'ya ng kan'yang ama, iniisip siguro nito na masiyado pa siyang bata at hindi pa handang malaman ang masakit na reyalidad.
“Ma'am, kailangan po ba mayroong laman?” tanong ng isang bata habang nakataas ang kamay.
Napailing ang guro sa unahan. “Hindi kailangan mayroong laman, gagawa kayo ng sarili niyong paso bukas kaya magdala kayo ng mga bote niyo upang mayroong kayong maipresenta sa akin. Nakuha niyo ba mga bata?”
“Opo!” sagot ng mga bata.
Nang hapon na iyon ay tila naging tuliro ang batang si Draken. Hindi siya masiyadong mabibo at pinanatili na lamang ang tingin sa unahan kahit pa hindi niya masyadong maintindihan ang sinasabi ng guro.
“Bukas muli, grade six Garnet. Diretso na sa mga bahay ha, mag-iingat kayo.” ala sais imedya na nang malaman ni Draken na uwian na pala. Tumayo kaagad siya at inayos ang mga notebook upang isilid sa bag.
“Opo!"

Bình Luận Sách (47)

  • avatar
    Geraldine Asonalleba

    nice and so fun ..

    23h

      0
  • avatar
    Hussien Mangondaya

    wonder full story and best story ever I read

    14d

      0
  • avatar
    John Y. Tinggal

    Wow

    24d

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất