logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

⸙⸙⸙ PABALIK VI: Isayaw Mo Ako, Bahagi I ⸙⸙⸙

PANGALAWANG linggo sa buwan ng Pebrero at isang linggo nang hindi nakakadalaw sa bahay sina Trisha at Manilyn. Mag-iisang buwan na ako sa Iloilo at parang ang bilis ng pag-ikot ng mundo sa sarili nitong aksis. Pebrero katorse, sukat na simula no'ng ako'y dumating. Hindi rin ako lumalabas ng bahay hindi katulad nilang dalawa na abala sa buhay at trabaho. Para maibsan ang pagkabato at maiwasan ang pangungulila, nagbasa na lang ako nang nagbasa sa mumunting biblyoteka ng itay. Ito rin naman ang pampalipas oras ko noon sa mga panahong pamamalagi sa kulungan. Kahit nakakulong, kapag may hawak lang na libro, parang malaya na rin sa imahenasiyon sa pagbabasa. Ang isang preso ay p'wedeng mabaliw sa loob ng karsel. Ang antas o lebel ng depresyon at pagkakabalisa doon ay kakaiba: lungkot, takot, at mga nakakatakot na kaganapan sa loob ng kulungan. Sila ang sisira sa katinuan ng isang preso. Isang maling pagkakaintindihan lang, rambulan ang kahahantungan. Nagkatinginan lang, rambulan ang kahahantungan. Walang silbi ang mga kamerang nakalagay sa pader mula sa mga kamay ng iba't-ibang kriminal. Kahit na may guwardya, hindi pa rin garantisado ang kaligtasan. May mga gabing nakakarinig ako ng panaghoy o ungol na kailanma'y hindi ko ginustong mangyari sa 'kin—ang mga natuklasan ko noon—wala kang kawala sa mga naglalakihan nilang katawan. Bugbog o sarap ang iyong pagpipilian. Isang gabi, sa aking pagpaparaos sa tawag ng laman, isang iyak ng pagmamakaawa ang umalingawngaw sa kadiliman. Lahat nama'y nakakarinig, pinagbabalewala nga lang. Pumasok sa kanang tenga, lumabas sa kaliwa at natulog. Minalas lang ako na naabutan ng kanilang eksena. Hindi ko siya tutulungan, pabayaan siya—ang sigaw ng aking isipan ngunit ang konsenya ko'y mas malakas. Napatigil sila sa paghahalay nang ang pinto ng palikuran ay lumikha ng ingay. Lumabas ako't naglakad nang may tapang sa mukha. Alam kong sa mga susunod na sandali ay mababalian ako ng maraming buto, puputok ang aking labi at mapupunit ang balat sa kilay. Nangyari nga lahat. Mabuti walang bumaong pinatulis na kutsara sa 'king tiyan.
"Baka gusto mo rin sumali? Pumili ka, ikaw ang gagawa sa kaniya o siya?" Halos lubayan ako ng ulirat sa isang malakas na pagsikmura. Apat laban sa isa, halatang dehado ako. Napatumba ko ang dalawa ngunit ang dalawang lider ay parang mga retireradong boksingero. Nagbanta ang bata na nasa likuran ko, punit-punit rin ang damit gaya sa 'kin.
"Please, stop! Or I will sue you all! This is a violation and a crime!" Isang suntok ang dumapo sa kaniyang sikmura at agad siyang namilipit sa sakit. Pilit siyang pinapadapa at ako'y sapilitang tinulak sa kaniya.
"Mabubugbog kayong dalawa. Gawin niyo na." Humalakhak silang dalawa at sa mga oras na 'yon, sobrang kati na ng kamao ko. Magkamatayan na, hindi ko gagawin ang utos nila.
"Please, don't."
"Bumangon ka diyan, gamitin mo rin kamao mo kung ayaw mo rin."
"But"-sapilitan ko siyang itinayo hawak ang kaniyang kwelyo-"I don't know how to fight."
"So you want me to do you?" mabilis siyang humindi at tumuwid ng tayo.
"No, neither I to you."
"Then fight, kid."
Nakipagsuntukan nga kami hanggang sa napansin na nga ng mga romorondang guwardya ang aming sigalot. Doon ko pinangako sa sarili na hinding-hindi na ako makiki-alam sa iba. Huli na 'yon.
"Thank you..." sabi niya sa akin na parang bulong na lang. Inalok niya ako ng isang pakikipagkamay.
"Granger."
"Thank you, Granger. I'm Arden and I promise to help you get out of this playground." Matapang niyang deklara. "My family's umm... you could say wealthy so we got connections and you know, justice system in this democratic country sucks so it's easy. Just money and then magic's happening." Halata namang mayaman siya. Sa pananamit, sa mukha, sa pananalita, at sa relo niyang Rolex. Hindi ko na inalam kung paano siya nakulong ngunit kung totoo ngang kaya niya akong palabasin sa lugar na 'to, magpapasalamat ako ng lubos-lubos. At nangyari nga ang pinangako niya.
"So how long you've been here?"
"Months."
Huminto kami sa pag-uusap nang sitahin kami ng pulis. "Kayong dalawa, kamay niyo sa likod ng ulo niyo. Gusto niyo pa bang madagdagan ang black eye niyo?"
Pero parang balewala kay Arden ang pulis. "Months... Oh, so you've been through a lot here, I guess? The environment here is exactly what I thought before getting inside. This is the most terrifying yet thrilling experience I had. Wish my friends were here." Sinabi niya na para sa 'kin ay insulto. Doon ko nakuha kung bakit tila wala lang sa kan'ya ang mga nangyari.
"Ang presinto ay hindi playground."
"It is when you know how to play with the other players. I'm sure you have seen corruption here. I even got sachets of this. I'm only here to do my research. I'm a student at UP Diliman."
"Research? Kung hindi ka lang bugbog-sarado ngayon, bali-bali na 'yang mga buto mo sa 'kin. Research lang pala ha? Pa'no kung wala pala ako kanina? Namamaga na siguro 'yang butas mo."
"And I am thankful that you came. Nah, that won't happen. Those guys were part of my research. I mean, the two giants were part but they didn't know they were. It was effective."
"Basically, I was the subject?"
"No! Partially yes!"
"Tangina kang gago ka."
"Hey, don't hurt me-I'm so sorry I really am!" Tumigil kami sa pag-uusap nang matamaan ng batuta sa mga ulo. "You really have to get me out of this place. I'm telling you kid."
"I told you I will!" Putangina lang. Iba talaga ang nagagawa ng pera at mapera.
Sunod na umaga, nakalaya ako. Pag-uwi ko sa apartment, wala na si mama. Abo niya na lang ang aking nadatnan. Namatay siya nang hindi ako kasama, nang hindi ako nakahingi ng patawad, nang ko pinakita kung gaano ko siya kamahal. Lahat-lahat ay naging panghihinayang at pasakit sa puso kaya nagbabakasakaling matulungan ako sa pag-uwi sa Iloilo. Kahit ano pang tulong, basta makatulong.
Sinarado ko na ang koleksyon ng mga tula na binabasa. Ang mga pigyuratibo'y hindi na makapasok nang mabuti sa 'king isipan. Kumusta na kaya ang batang 'yon? Nagpapasalamat pa rin ako dahil kung hindi sa kaniya, baka hindi pa rin ako nakakalaya. Napabalikwas ako sa isang pagbasag. Ang bintana'y nabasag.
"Hala ka! Sorry Granger nabasag ko bintana mo! Ikaw kasi! Ang ano mo-napaka bingi mo! Buksan mo ang gate!" Si Trisha pala 'yon. Lumabas ako sa k'warto para pagbuksan siya. Nang makalabas, nagtaka ako sa kaniyang ayos. "Kanina pa ako sigaw nang sigaw dito! Akala ko patay ka na. Ano haha as you can see my face pero hindi pa ako tapos nito ha? Mag-aayos pa ako mamaya. Nandito lang ako ngayon kasi para-February 14 ngayon 'di ba? May prom sa school e wala akong partner e si Manilyn meron ako wala."
Tumawa ako nang bahagya, "You want me to be your partner?"
"Please?"
"Mabuti sa 'kin ka pumunta." Dahil na-miss ko ang kaniyang presensiya. "Anong oras ba?"
"Gosh! Thank you talaga, Granger! 6:00 pm pero 5:30 dapat 'andun na sa school. You have one and a half hour para mag-prepare."
"Anong dapat suotin?"
"Royal blue ang gown ko kaya ayos lang na black americana ka or black long-sleeve."
"Black long-sleeve lang meron ako."
"That's okay! G'wapo ka pa rin kahit topless ka pa mamaya. Okay na ha? Punta ka lang sa bahay. Ikaw mag-drive ng motor ni papa alangan naman ako 'di ba? Alis na 'ko, see you later!" Sinundan ko ang paglanas niya hanggang sa nawala na pati ang kaniyang anino. Prom. February 14. Partner. Napangiti na lang ako.
Muli akong naligo at naghanap ng masusuot. Gusto kong magmukhang kaakit-akit para sa kaniya ngunit wala akong Americana dahil 'di naman ako mahilig nun, hindi rin naman kailangan. S'werte ako't nakahanap ng asul na long-sleeve, tama na kahit papaano sa damit ni Trisha. Tumungo ako sa cabinet ni itay nang maalala kong palagi siya nitong nakasuot. Marami siyang pormal na damit. Pumunta ako sa kuwarto nila ni inay at natagpuan ang mga damit nitong amoy alikabok. Mabuti at may iniwan siya,nilabhan ko na lang at pinatuyo sa dryer ng washing machine. Habang naghihintay sa pagmala ng isusuot, para akong baliw sa pagngiti.
Punto alas singko, nasa bahay na ako nila Trisha. Ang siluweta niya sa binatana'y nagsasabing siya'y nag-aayos pa rin. Napansin ako ni mang Bebot at pinapasok sa loob. Inaya naman ako ni tita Min na kumain ngunit magalang akong umayaw, hindi talaga ako gutom. Sampung minuto siguro ang lumipas ng kakahintay ko sa kanilang stipa nang si Trisha'y lumabas sa kaniyang kwarto. Ganoon ba ang umiibig? May kung anong tama. Iba ang tama niya sa akin, napakaganda niya talaga.
"Iba. Ang pangit mo naman! Sabi mo wala kang gan'yan?"
Huminga ako nang malalim upang itago ang ngiti, "Ang ganda mo... Palagi."
"P'wede na kayong ikasal anak," mangiyak-iyak na tugon ni tita Min sa aming dalawa.
"Mama naman, darating din ako dun. 'Wag mo nang ipilit sa 'kin si Granger. 'Di ko siya type. Masiyado siyang panget sa kagandahan ko. Tara na Granger! Kakabugin ko pa si Manilay akala niya wala akong partner ha? Shunga talaga 'yon."
"Mag-ingat kayo iho, anak," ani mang Bebot at binigay sa 'kin ang susi ng kaniyang motor.
"Makakaasa po kayo sa 'kin mang Bebot. Alis na po kami ni Trisha." Kinuha ko ang kamay ng kanilang unica hija.
Habang tumatakbo ang motor, napapalingon ang mga nakakita.
"Hala, nagtataka sila siguro kasi hindi tayo nakasakay sa kotse?" nilapit niya ang bibig sa 'king tenga.
"Nagagandahan lang sila sa 'yo." Sagot ko na sinagutan niya ng kurot.
Nang makarating kami sa high school, marami ng estudyante. Binati si Trisha pati na rin ako sa pag-aakalang ako'y kaniyang nobyo.
"Granger, dito ka lang muna ha? Mabilis lang 'to, you know kailangan kong i-check ang mga estudyante ko. Babalikan kita after kong maasikaso lahat."
"No worries. Go ahead." Pinagmasdan ko siya habang inaasikaso ang kaniyang mga estudyante. Hindi ko mapigilang mahulog sa mga ngiti niya. Lumingon siya at ngumiti nang mas malawak.
"Malapit na. Wait lang." Ang ganda niyang pagmasdan. Napakaganda.
"Take your time, ayos lang ako."

Bình Luận Sách (47)

  • avatar
    SapalNhora

    ❤️❤️❤️❤️❤️

    25d

      0
  • avatar
    Jemel Ariola

    maganda ang story

    18/07

      0
  • avatar
    BuendiaJolly

    rival in love

    17/07

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất