logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Pabalik Sa... [COMPLETED]

Pabalik Sa... [COMPLETED]

Pacco Azalea Recoletos


Prologo

October's Flowers Seemed Blue
—A poem for my love and life...
This pen in my hand will write a thousand poems for you
And inside my notebooks are the novels I penned for us two
Writing all the impossibilities
Thinking about it hurts my heart
Since I can't put it to reality
Summer days stretched solemnity;
You reverberate
The lore pic reverts, returns in the walls it reflects
Thought it was summer but why does it rain inside?
My room is wailing, where to hide?
I wanna live in some fantasy...
Unconsciously, I bought your favorite ice cream
You would then say, "It's so sweet, my darling."
So I must recap my self not to dream again
For I'm in the streets, I'll be dead and then...
How folly the rest; just dive deep in what is called love—
Love, it'll make you do things you never did just to have
Have every piece of a butterfly just to feel what's life,
Life will never be the same
Same memory is shouting your very name
Our cadence of melodies
Long played mellow miseries
Gathering windswept yesterdays-
Because I will try to draw your face
Then I'll script every page we made
The ending must be changed...
Unconsciously, I bought your favorite ice cream
It should be sweet but why does it taste salty?
Now I have to remind myself not to space out in the streets
Off the lights and gas before I go to sleep...
Sinuman ang nasaktan ng pag-ibig ay nag-iiba; umiiba dahil nasaktan ng pag-ibig-ang pag-ibig ay masarap sa pakiramdam-mararamdaman mo pa kaya ang mundo sa kan'yang paglisan? Bakit kailangan kakambal ang kasakitan? Sinuman ang kasalukuyang umiibig ay umiiba, 'yan ba'y naranasan mo na?
Ika-dalawampu't siyam ng Mayo. Matatapos na pala ang buwan kung saan paraiso ang aming tahanan sanhi ng mga bulaklak na kabisado ko na ang bawat pangalan. Kinabisa ko talaga para ang oras ay mabilis mamatay... Tuwing umaga, nanghahaplos sila at ang halimuyak nilang sing bango niya'y nang-uungkat ng kahapon... 'di ko maiwasang manlumo. Pilit ko ring hinahanap ang init ng kaniyang katawan sa mga unan na ayaw kong labhan. Pati sa bula ng sabong panlaba ay may ala-ala, tungo sa sumasayaw na sinampay na mga pabriko'y may baka sakali na lumitaw siya. Sa iyak ng kalawanging tarangkahan, sa dumilaw na litrato sa dingding, sa magaspang na sahig... ayaw ko nang isa-isahin ang loob at labas ng bahay.
"Ang bilis talaga ng panahon, Granger, ano?" binuksan ng babae ang durungawan at binuhos sa lababo ang semanang-kape. "Binilhan na kita-si Lucas pala ang bumili niyan." Bumuntong-hininga siya. Iniisip na naman malamang ang ugali ng kan'yang nag-iisang anak na si Lucas. Si Lucas, palaging may problema sa babae, o mas tamang sabihing siya ang palaging nagbibigay ng problema sa mga babae. Madalas nagpapaiyak ng kasintahan, buwan-buwan din may bago at pagsasabihan ng ina niya kung gaano siya kasalungat noong kapanuhanan namin at bakit hindi man lang nito namana ang ugali kong 'yon... matagal na panahon na 'yun.
"Ilang taon na nga ulit si Lucas?"
"Disi-otso na."
"Ang bilis nga."
"Sinabi mo pa. Dati ayaw pang umalis sa tabi mo, ayaw pa magpatuli kung 'di mo sinamahan," tumawa siya. Dahil sa lumiwanag na ang bahay, doon ko nakita kung gaano siya kaganda... noon pa naman. Nagbago siya, nagbago sila, nagbago kasama ang paglipas ng panahon at sa pangalawang pagkakataon, parang ako lang ang 'di naapektuhan ng oras at nanatili. Pinili ko naman kasing manatili dahil may takot ako na baka malimutan ang isang parte ng buhay kong maituturing pinakamahalaga. Na baka mabaon ko sa limot ang kahapon sa pagdaan ng mga bukas at taon. Na ayos lang mamatay kahit maliit ang nalikom na mga ala-ala. Na kay hirap umusad kahit maliit lang ang panahon ng pagmamahal at nagtatanong na ako: Paano kung hindi ko siya nakilala kailanman? "Magde-deliver ka ba sa bayan bukas? Grabe kung makikita mo lang ang sitwasyon doon. Nagdagsaan mga pangayaw sa pagbebenta ng mga prutas." Tinali niya ang buhok at binigyan ako ng isang ngiti. Ilang sandali pa ng aming pag-uusap, dumating si Lucas na may dalang bote ng alak. Itong si Lucas... t'wing titingnan ko siya, nabubuhay ang galit sa 'king puso. Singwangis niya nang lubos ang tunay na ama. Hindi niya naman kasalanan—wala naman siyang kasalanan. Papa na ang tawag niya sa 'kin simula no'ng magkamuwang, ako na rin ang umako ng responsibilidad ng pagiging ama sa kaniya. Tinuring ko siyang tunay na anak at binigyan ng kung hindi man sapat ay sobrang pagmamahal na dapat ay nilalaan ko sa tunay kong mga anak. Sana... "Ako pa rin naglalaba ng brief mo!" sigaw ng ina niyang nagtutupi ng mga damit matapos sabihin ng anak na sasamahan akong uminom at hindi na siya bata.
"Pa, nagkita pala kami ni tito Ronnie kanina sa bayan pati anak niyang maganda. Ano raw plano mo sa birthday mo, tanong niya."
"Tulad na lang ng nakagawian ng lahat." Nilapitan ko si Lucas at mahinang pinagsabihan. "H'wag mong bigyan ng problema mama mo. Palagi na lang, kung 'di tungkol sa paaralan, tungkol palagi sa babae." Sa pagtayo ko sa tabi niya, napansin kong mas tumangkad at mas lumaki ang katawan nito. "Hindi ka na bata, 'di ba?"
"Give and take lang naman ginagawa ko sa kanila, pa."
"Parang 'di gano'n ang dating sa 'kin, anak. Lucas, tigilan mo na ang paglalaro mo sa buhay at mga babae at amoy alak ka pa. Saan ka na naman ba galing?"
"Friend's party. You won't tell her, right?"
"Huli na 'to. Kumain ka na sa kusina, nagluto ako ng adobo."
Tinulungan nila akong maglinis ng bahay at pagdating ng hapon mag-isa na lang ulit ako. Nasanay na rin sa mga panandaliang kasiyahan. Sa pagsapit ng dilim, binuksan ko ang alak at ginawa ang dating ginagawa...
Ako si Granger de Haya quarenta y otso años, isang retirado, marahil naghihintay na lang ng kapahingahan. May asawa ako noon, at kung ihahalintulad ko siya sa mundo ay para siyang bukang-liwayway, parang dapit-hapon, isa siyang hardin, at taglay niya ang mga bagay na tinataglay ng Marso hanggang Mayo-tinataglay ng tag-init. Napaka-init ang mga namumutawing kulay. May tenga bang makikinig kung ikukuwento ko kung paano siya namatay?
Huling lagok sa bote ng alak at tumungo na ako sa banyo. Tinitigan ko nang maiigi ang binili ni Lucas; kailangan ko na nga talagang mag-ahit ng balbas. Bukas na ang kaarawan ko... at nang matapos sa pag-aahit, sa salamin, parang ako lang noong una naming pagkikita... bago lumipas ang mapaghamong labing walong taon ng aking buhay. "Aking ulayaw, nasaan ka na?"

Bình Luận Sách (47)

  • avatar
    SapalNhora

    ❤️❤️❤️❤️❤️

    25d

      0
  • avatar
    Jemel Ariola

    maganda ang story

    18/07

      0
  • avatar
    BuendiaJolly

    rival in love

    17/07

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất