logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 05

Three days had passed after I went to Sahaya Resort. Umuwi rin ako after the sunset at after lunch naman umuwi si Vito na kung ano-ano ang pinagsasasabi. May pagkamadaldal siya at makulit.
Tatlong araw na akong nasa bahay lang nina Nanay Loida kasi wala pa akong alam na p'wedeng puntahang sunod. Sana ay yayain ulit ako ni Vito papunta sa Barrio Matalinhug. I just want to spend more days with the children at para makapagdala na rin ako ng mga items sa kanila. Sana lang ay imbitahan niya ulit ako. Kaso mukhang busy s'ya.
Three days ko na rin kasi siyang 'di nakikita sa bakery nila. Halos araw-araw kasi nagpapabili si Nanay Loida ng tinapay sa kanila at iba ata ang gumagawa ng tinapay kasi iba ang lasa this past few days.
Ako lang ata ang nakapansin dahil 'di naman sila nagrereklamo. Basta sa tingin ko'y iba talaga ang lasa pag gawa mismo ni Vito.
"Aalis ka ba ngayon?" I asked Dianne habang kumakain kami ng lunch. Nakabihis kasi siya at mukhang aalis. Though mukhang obvious naman na aalis nga siya, pero tatanungin ko pa rin.
Si Nanay Loida naman ay tahimik na kumakain sa tabi niya at nakabihis rin. Pupunta na naman ata siya sa mga amiga niya.
"May imi-meet akong client sa may coffee shop sa mall. Gusto mo bang sumama?" I tried to hide my excitement when she asked me. Gusto kong sumama actually kasi maiiwan na naman akong mag-isa dito sa bahay.
"Sure, sigee, anong oras mo ba siya imi-meet?" tanong ko dahil hindi pa ako nakakaligo. Dianne looked at her wristwatch and looked at me.
"1PM pa naman." I nodded and continued my food. Halos 11:45 pa lang naman, may time pa ako para makapag-intindi.
"Aalis ka ba, 'Nay?" tanong niya kay Nanay Loida na kasalukuyang kumakain rin kasabay namin.
"Oo, 'neng, d'yan lang ako sa kabilang kanto makikipag-bingo." Tinanguan lang siya ni Dianne. Halos araw-araw ata siyang pumupunta sa mga amiga niya para magsugal or mag-enjoy.
Mabilis ko na lang tinapos ang pagkain ko dahil medyo may katagalan din ako mag-ayos. Baka mamaya hindi pa niya mameet yung client niya on time dahil ang bagal ko mag-asikaso.
"Maliligo lang ako nang mabilis. Wait me here," sabi ko sabay mabilis na umakyat sa kwarto ko para maligo.
Simpleng yellow top at white high waist shorts lang ang isinuot ko partnered with my white sneakers. Hindi naman ako sasama sa kanila sa meeting nila, magpapalamig lang ako. Nakaka-miss malamigan ng aircon sa totoo lang tho medyo malamig naman na dito kapag gabi.
Sabi ni Dianne ay fifteen minutes lang naman daw ang byahe from here to the Mall. Kaya 12:30 ay bumaba ako ng hagdan dala ang sling bag ko. Wala naman akong balak bilhin pero baka may magustuhan din ako.
"Let's go, nakaalis na si Nanay at excited mag-bingo eh," natatawa niyang sabi kaya natawa rin ako bahagya. She is wearing a black slacks, black heeled shoes, and red tube inside her black sleeves.
Mabuti na lang at may kotseng pinahiram ang company niya for the sake of the meeting kaya hindi kami mahihirapan mag-commute. Habang nila-lock niya ang pinto ng bahay ay napatingin pa ako saglit sa Romualdez Bakery na madami pa ring bumibili.
"I heard he's in Manila para sa new branch ng bakery niya ro'n." Mabilis akong tumingin kay Dianne na kasalukuyang nanunuksong nakatingin sa akin kaya pinangunutan ko siya ng noo.
"Vito," maikling sabi niya at sumakay na sa driver's seat. Doon ko na-realize ang sinasabi niya kaya mabilis din akong sumakay sa may shotgun seat.
"Hindi ko naman siya hinahanap," sabi ko pagkasakay na pagkasakay ko sabay lagay ng seatbelt sa akin.
I just heard her shrugged at ini-start ang kotse.
"Sinabi ko lang rin naman." I looked at her at hagya pa siyang nakangiti. Tulad nga ng sabi niya ay wala pang five minutes ay nasa mall na kami.
"This will be a quick meeting lang, I'll text you up na lang kapag tapos na kami," saad niya pagkatapos niyang i-park ang kotse sa parking lot. Mabilis kaming bumaba at sumama muna ako sa kanya sa coffee shop na pupuntahan niya para alam ko kung saan ako pupunta mamaya pagkatapos ng meeting.
"Okay lang ba itsura ko? Bigating future stockholders kasi ang imi-meet ko at galing pa silang Manila," kinakabahang sabi niya habang tinitingnan ang sarili sa glass wall ng coffee shop at hagya pang inaayos ang damit. She actually looks elegant. Baka mapagkamalan pa siyang may-ari ng company sa aura niya. Naisip ko ngang mag-offer ng position sa kanya sa company namin. Pero hindi ako sure kung sasama ba si Nanay Loida sa Manila.
"You look really fine. Huwag kang kabahan at-"
"Andyan na sina Mr. and Mrs. Martinez, papasok na ako sa loob ha. Ikot-ikot ka muna sa mall." Iniwan na ako ni Dianne sa labas ng coffee shop at pumasok sa loob ng shop. I froze in my stance when I heard a familiar surname.
Martinez.
Sa glass wall ay kita kong paparating na dalawang naka formal suit. Hindi ko maaninagan kung sino sila pero base on their figure, they really look familiar. Jusko, h'wag naman sana.
Hinanap ng mata ko si Dianne na nasa loob na ng shop. Nakaupo ito patalikod sa akin kaya kung sino man ang uupo sa harap niya ay makikita ko.
Biglang tumayo si Dianne nang dumating ang dalawang taong hinihintay niya, nagkamayan saglit. Kinakabahan ako kung sakaling sila ang mga iyon.
Pagkaupo sa harap ni Dianne ay mabilis kong naiiwas ang tingin ko sa kanila.
Fvck. It's Adrian's parent.
Napasapo ako sa noo at mabilis na naglakad paalis ng shop na iyon. Of all people and company talagang Martinez Corp ang makikipag-meet kay Dianne? Talagang hanggang dito sa Cebu makikita ko sila.
And fuuck! Malaki rin ang chance na nandito si Adrian. Oh god! Knowing Adrian and his parents, palagi nilang kasama si Adrian sa mga business trip or what so ever.
Kinakabahan ako na ewan. Parang gusto ko na lang umuwi pero di ko alam kung paano. Jusko naman!
Dahil wala naman akong choice kung 'di ang hintayin si Dianne ay nag ikot-ikot na lang ako sa mall. Palinga-linga ako ng tingin sa paligid dahil baka nandito si Adrian.
Nag-ikot ikot lang ako sa mga stalls pero lutang na lutang ang isip ko dahil para akong may tinataguang kung sino.
"Ma'am, okay lang po ba kayo?" I smiled awkwardly sa saleslady ng pinasukan kong clothing brand. Tinanguan ko lang siya at mabilis na lumabas ng store.
Sakto at nasa tapat lang din ang National Bookstore kaya pumasok na rin ako para tumingin ng libro or any stuffs.
Luminga muna ako sa paligid bago pumasok sa NBS. Dumeretso agad ako sa estante ng mga published books and novels.
"Anong book ba bibilhin mo?" Natigilan ako sa pwesto ko ng may marinig akong pamilyar na boses. Sa sobrang pamilyar ay parang tinambol ang puso ko sa kaba at takot.
"Books for parenting sana. You know for our baby." I heard a small giggle of a woman.
Marahan kong itinabon ang buhok ko sa may mukha ko para hindi nila ako makilala. Hindi dapat malaman ni Adrian na nandito ako and worst kasama pa niya si Halsey.
Dahan-dahan akong naglakad papalabas ng kamalas-malasan pa nga naman ay biglang nasanggi ko pa ang isang maliit na estante ng magazine kaya nagkalat sa sahig ang mga ito.
Nanginginig at nagmamadali ko itong pinulot isa-isa.
"Miss, do you need help?" Napatigil ako sa pagsasalita nang marinig ko ang boses niya sa bandang likuran ko. Mariin akong napapikit. Please... just leave.
"Maybe she's fine. Kaya na niyang pulutin 'yan. Let's go, bayaran na natin 'tong libro," usal ni Halsey na sana sang-ayunan ni Adrian.
"Let me help her." Mabilis kong hinawi ang buhok ko para takpan ang mukha ko at mabilis na pinagpupulot ang mga magazine na nakakalat pa dahil sa mga hakbang na narinig ko papalapit.
"Babe! I've been looking for you. Napaka-clumsy mo talaga." I heard a familiar masculine voice. Si Vito!! Umupo ito sa harap ko at sinilip ang mukha ko and I made face para dalian niya ang ginagawa niya.
"Let's go na. She's with her boyfriend naman," Halsey irritably said. Go btch, bring him out here!
"Ahh, yes. Let's go." I heard footsteps away at doon lamang ako nakahinga ng maluwag. Napaupo pa ako dahil sa sobrang kaba. Natapos na rin ibalik ni Vito ang mga magazine na nagkalat. Savior ka, Vito! Sana sa langit ka mapunta.
"What's with the babe?" lito kong tanong pagkatayo ko habang inaayos ang buhok kong nagulo sa pagpa-panic ko kanina.
"I saw you very tensed at takot na takot. So my instincts said that I must call you babe. Sino nga ba 'yon?" Hinila ko siya palabas ng bookstore at pumasok kami ng Mcdo. Adrian is not the type of person na kakain sa fastfood so I am safe here. For sure naman, hindi rin kumakain si Halsey dito. Sabunutan ko siya kung oo. Kidding aside, that's bad for the baby.
"Woah. Ililibre mo ba ako at hinila mo ako dito?" Luminga ako sa paligid bago humarap sa kanya. Kasalukuyan na kaming umupo sa bakanteng table katabi ng glass wall.
"What are you doing here? Almost one week kang wala sa bakery ah." I saw him smirked kaya pinangunutan ko siya ng noo. He's imagining things again, my gosh.
"So you know that I am not in Cebu?" bakas ang pang-aasar na tanong niya.
"Why would I? Napapansin ko lang since araw araw ako bumibili sa bakery niyo. Um-order ka na muna do'n please. My knees are still trembling as hell." I can still feel my knees trembling. My body is still in shock of what happened. Kulang na lang ay himatayin ako. He lend his hand in front of me at hagya pa itong ginalaw. Tiningnan ko lang ito.
"Pambayad." I scoffed with his word at kinuha ang wallet ko.
"Grabe, ang kuripot," saad ko sabay lapag ng isang libo sa kamay niya na agad niyang kinapitan at tumayo na.
Medyo mahaba ang pila sa counter kaya for sure medyo matatagalan siya. Kawawa naman pero nandoon na siya eh.
Ngunit hindi pa ata tapos ang malas ko today ng biglang makita kong padaan sina Adrian. Kung kanina hindi ko sila nakita ngayon kitang kita ko kung paano lumingkis sa braso niya si Halsey.
Mabilis akong umub-ob sa lamesa at naghintay ng ilang minuto. Pag-angat ng mukha ko ay nasa harap ko si Vito na tahimik lang na nakamasid sa akin habang naka-cross ang mga kamay sa dibdib at pumasada ng tingin sa labas.
He is just wearing a blue shirt na kapit na kapit sa katawan niya. Bakas na bakas tuloy ang mga muscles niya.
"'Di mo sinagot tanong ko kanina. So, who are they?" tanong niya sabay halumbaba sa harap ko. Bumuntong hininga ako sabay sandal sa inuupuan. Sakto at dumating na ang isang crew dala ang order namin.
"Hindi mo rin naman sinagot 'yong tanong ko kung bakit ka nandito," sarkastiko kong sabi sabay kuha ng pirasong fries. Bigla kong naalala ang itsura nila kanina. The way Halsey clung her hands on Adrian's. Parang dati ako pa ang kasama niya mag-mall. Medyo halata na rin ang baby bump ni Halsey, grabe ang bilis samantalang ako hindi pa ata ako nakakamove on.
Ang unfair.
"Hey." I snapped when I heard Vito. Kumakaway pa ito sa harap ko na parang timang. Kita ko ring dumating na ang ibang pagkain na in-order niya.
"Tulala ka. Sabi ko bumili ako ng cooking book kaya nandoon ako kanina." I nodded at kinuha ang platter ng spag at hinalo ito.
"So, sino 'yong mga 'yon?" tanong niya ulit sa akin. Ayaw paawat mga sis. Makulet ha.
"Sukli ko muna?" This time, palad ko naman ang inilahad ko sa harap niya. Kinuha niya ang naman agad ang wallet niya at kinuha ang sukli sabay abot sa palad ko. Mukhang napilitan pa siyang ibalik 'yong sukli ko.
"Ayan na. Sino nga kasi 'yon?" Napabuntong-hininga ako sabay subo ng spag.
"He's my ex," tipid kong sambit habang nakatingin sa platter ng spag na iniikot- ikot ko pa sa tinidor.
"Then?" tanong niya pa uli. Kalalaking-tao ang tsismoso.
"Kaka-break lang namin one month ago," sabi ko sabay simsim sa coke na nasa tabi ko.
"But his new girl is obviously pregnant." I looked at him confusingly.
"How'd you know?" I asked. Napaka-observant naman niya kung gano'n.
"Halata naman ah. So he cheated on you?" tumango lang ako. I am busy eating the spag on my platter.
"So you're here in Cebu because you're in a chaos?" he asked while chomping his burger.
"Obviously." I smiled bitterly. He just nodded at nagpatuloy na rin sa pagkain.
"I'm glad you came kanina. Grabe 'yong kaba at takot ko. I am not yet ready na makita sila, hindi ngayon. Hindi pa ako okay," I honestly said.
"You already paid me by paying these. Kagagaling ko lang sa Manila and mabuti na lang pala dito ako dumeretso." Paubos na niya ang spag sa platter niya same as mine.
"I'm glad you're back. Hindi ko bet lasa ng tinapay sa bakery niyo ngayon," sabi ko.
"Why? It's my cousin whose incharge there now. We were baking the same recipe naman." I just shrugged. 'Di ko rin ma-explain basta iba talaga ang lasa. There's something in Vito's bread that I can't explain.
I felt my phone vibrate sa may sling bag ko kaya kinuha ko iyon. I saw Dianne's text.
'Where you at? The meeting is done.'
"Uuwi na kami," sabi ko habang ibinabalik ang phone sa bag ko.
"May kasama ka?" he asked while wiping his mouth with a tissue. His hands were veiny huh?
"I'm with Dianne. May mineet siyang stockholder kanina." He nodded.
Lumabas na kami ng Mcdo and since same way lang din from the exit ang coffee shop ay sabay na kaming naglakad.
When Dianne saw us walking, she looked at me confusingly.
"Long time no see," saad niya kay Vito kaya tumango lang si Vito sa kanya at ibinaling ang tingin sa akin.
"Nag-date kayo?" mahinang bulong ni Dianne sa akin na mabilis kong inilingan. Issue masyado.
"Una na ko sa inyo," tawag sa amin ni Vito nang makarating kami sa exit. Hindi na niya kami hinintay magsalita pa at dere-deretso na siyang naglakad sa may parking. Akala niya siguro magco-commute kami. Tapos di man lang niya kami niyaya sumabay sa kanya.
"Bakit kayo magkasama? Chika naman," nanunuksong sabi niya sa 'kin habang naglalakad kami sa kabilang part ng parking.
"Bago ako magkwento, how's the meeting muna?" I said and I heard her sighed.
"It didn't went well?" I concluded base on her facial expression but then it eventually vanished. Napalitan ito ng saya. Kinabahan ako ng slight doon ha. Kung sila ang ka-meet niya, it means sobrang laking sayang if magfa-fail.
Mabait naman sina Mr. and Mrs. Martinez pero nasabi sakin ni Adrian na medyo strict daw sila when it comes to business since it's business after all. Sino ba namang hindi 'di ba? Bawal ang mabait. Gano'n rin naman sina Mom and Dad when it comes to our business.
"They are both kind but kinda scary. By the way do you know them? Parang may nakwento ka sa 'kin about Martinez," saad niya habang kakasakay lang namin sa sasakyan. We both put our seatbelt at pinaandar niya na ang sasakyan.
"They're his parents." Saglit niya pa akong nilingon kaya itinuon ko na lang ang tingin ko sa labas.
"Really? Grabe napakaliit talaga ng mundo." I agree. Parang napakaliit ng mundo namin ni Adrian to the point na hanggang dito sa Cebu ay nakita ko pa siya, sila.
"Actually, nakita ko rin siya kanina," mahinang sambit ko.
"Are you okay? Nagkita kayo?" she seems worried.
"Hindi kami nagkita. Kasama niya si Halsey and I can say na 'di ako gano'n ka-okay." Mabigat akong bumuntong-hininga. Ramdam ko ang pag-init ng gilid ng aking mga mata kaya mabilis ko iyong pinunasan agad.
Tahimik lang kami buong byahe at nakarating din naman agad kami sa bahay.
Halos maggagabi na nakauwi si Nanay Loida. Nakapagluto naman na si Dianne ng hapunan namin.
"Nakita ko si Vito ah, nakauwi na pala siya. Ay siya Chelsea, dalhan mo siya niyang Afritada pagkatapos mong kumain ha." Nginitian ko naman si Nanay Loida at nagtuloy lang sa paghahain sa hapag-kainan.
"Bakit ho palagi niyo siyang binibigyan ng ulam?" takang tanong ko dahil parang naging routine na ata nila dito na dalhan siya ng pagkain. Kulang na lang ay dito na siya kumain.
"Balita ko kasi'y hindi marunong magluto ang batang iyon. Magaling mag-bake ng mga tinapay pero 'di raw marunong magluto." tumango na lang ako. Baka wala lang siyang time magluto, pero marunong.
Matapos kumain ay kumuha muli ako ng isang tupperware. Kukunin ko na nga 'yong mga tupperware sa kanya. Mamaya hindi na makapagbigay si Nanay Loida kasi nasa kanya na lahat ng tupperware namin.
Nang mailagay ko sa tupperware ang Afritada ay lumabas na ako ng bahay. Nasa salas lang ang mag-ina at nanunuod ng TV. Tiningnan pa ako ng mapanukso ni Dianne. Nakangiti ito sa akin na parang nang-aasar. Hindi ko na lang siya pinansin.
Tulad ng dati ay wala ng tinderang sumalubong sa akin sa estante nila. Sarado din 'yong pinto kung saan ko siya sinilip noon kaya nagpasya akong katukin na lang ito.
Nakailang katok pa ako bago ito bumukas at bumungad sa akin si Vito na puro harina ang damit. Nakaputi itong sando at naka apron as usual.
"Walang bantay? Dapat nagsasara ka na lang ng maaga," usal ko habang pinapagpagan niya ang apron niyang suot. Kaya naman lumipad sa hangin ang mga harinang naroon.
"Pabili nga." Napalingon ako sa nagsalita at may babaeng bumibili.
Lalabas na sana si Vito pero nauna na akong pumunta sa may counter ng mga tinapay niya.
"Ano po?" magalang kong tanong sa babae. Itinuro naman niya ang tinapay na bibilhin niya kaya inilagay ko iyon sa paper bag. Kita ko sa gilid ng mata ko na nakasandal lang si Vito sa pintuan at nakahalukipkip.
May mga prices naman sa gilid kaya hindi na ako nahirapan magsukli.
Pagkaalis no'ng babae ay kinuha ko ang ulam na dala ko na ipinatong ko sa lamesang maliit na nandoon.
"Pinabibigay nga pala ni Nanay Loida. Nga pala 'yong mga tupperware na pinaglagyan no'ng unang mga ulam, kukunin ko na rin," saad ko sa kausap kong nakahalukipkip pa rin. Seryoso lang itong nakatingin sa 'kin.
"Nasa loob, kukunin ko lang," usal niya sa baritonong boses niya. Umupo na lang ako saglit sa isang upuang nandoon. May paila-ilang bumili kaya pinagbentahan ko na rin muna. Nakakatuwa dahil kahit gabi na may nagtitinapay pa rin.
Nang bumukas ang pinto kung saan nandoon si Vito ay saktong kakatapos ko lang magsukli. May dala itong isang eco-bag na may mga tupperware at isang paperbag. Malamang ay tinapay ang laman.
"Bukod sa bakery, gusto mo rin ata ng tupperware business," biro ko sabay kuha sa eco-bag at paper bag sa kanya. I just heard him chuckled.
"That's my freshly baked breads, sabi mo kasi iba lasa ng mga tinapay na gawa ng pinsan ko. I concluded na baka miss mo na ang mga gawa ko," he said while smirking. I raised an eyebrow at him at umiling-iling na lumabas.
"Thanks for this, pasabi kay Nanay Loida," pahabol nito kaya lumingon ako at ngumiti sa kanya. Nahagip uli ng mata ko ang poster doon sa gilid saying Wanted Saleslady.
"Interested?" I looked at him at umiling. He slightly laugh. He looks so fine when laughing. His eyes are smiling too when he smiles. Tapos ang puti puti pa ng ngipin.
"Ayaw mo mag-apply?" Pinang-ngunutan ko siya ng noo sa tanong niya.
"If you're interested, you can apply in my heart. Goodnight, Miss." Then he smirked and quickly vented out of my sight.
Huh?

Bình Luận Sách (23)

  • avatar
    Bryan Mallari

    home and good

    23d

      0
  • avatar
    NacarJerry

    very good story telling

    14/06

      0
  • avatar
    PaineLaika

    good

    26/05

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất