logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 04

Alas kwatro pa lang ng umaga ay bumaba na ako dala ang maliit kong bag na pinaglagyan ko ng ilang mga gamit ko na dadalhin.
Habang kumakain kami kagabi ay nabanggit ni Nanay Loida sa akin na may magandang beach resort daw dito. Medyo may kalayuan pero maganda naman daw, kaya sinabi kong pupunta ako ngayon.
Ibinaba ko muna ang dala ko sa sala at pumunta ng kusina. Nagbukas lang ako ng cupnoodles at nilagyan iyon ng mainit na tubig. Tinakluban at nagmuni-muni sandali.
Naalala ko bigla yung sinabi niya kagabi.
"Nindot magkita ka gwapa." pati boses niya ay parang tumatak sa utak ko. Isama ko na rin 'yong ngiti niya habang sinasabi niya 'yon sa'kin.
Nahihiya akong magtanong kina Dianne at Nanay Loida kung anong ibig sabihin noon. Kaya naman i-ginoogle ko na lang siya kagabi.
'Nice to meet you beautiful.'
Hindi ko alam kung bakit niya 'yon sinabi, pero siguro dahil maganda naman ako. He just complimented me. Nothing more, nothing less. Hindi ko na rin naman siya pinakaisip.
Nang maubos ko ang cupnoodles ay lumabas na ako. Isinarado kong maigi ang pinto dahil halos 4:30 palang ng umaga. Alas-syete pa naman daw ang pasok ni Dianne at mga ala-sais naman daw gumigising si Nanay Loida.
Bukas na 'yong bakery sa tapat pero walang tindera at iilan pa lang ang tinapay sa estante.
Medyo malayo raw 'yong beach resort dito kaya no choice ako kung 'di ang mag-tricycle papuntang bayan. Tapos sasakay naman daw ako ng taxi.
'Sana dinala ko na lang kotse ko'
I sighed with disappointment. Hindi ako sanay mag-commute ng ganoong kalayo. Sana hindi na lang maulit yung kahapong eksena sa tricycle.
Saglit lang akong pumila dahil iilan lang naman ang nag-aabang ngayon dahil masyado pang maaga. Doon na lang ako sumakay sa may likod ng driver dahil 'yon na lang din naman ang available.
Naging smooth naman ang byahe. Mga ten minutes siguro ay nakarating ako ng bayan. Medyo madilim pa rin dahil alas- singko pa lang naman.
Medyo nahirapan ako makasakay ng taxi dahil wala pa masyadong dumadaan. Kaya naman ng may makita akong taxi ay agad ko iyong pinara.
"Goodmorning, Ma'am," masiglang bati ni Manong driver sa akin pagkasakay ko. Ang aga-aga pa ngunit ang taas-taas na ng energy niya.
"Manong, dito ho ako," sabi ko sabay pakita ng cellphone ko kung saan naka-type ang lugar na pupuntahan ko. 'Yon ang sinabing lugar ni Nanay Loida kagabi. Nilagay ko lang sa notes ko para hindi ko makalimutan.
Nagsimula na ang byahe at nagsimula nang lumiwanag ang paligid. Ang saya siguro manuod ng sunset sa taas ng bundok. Maybe one of these days, i-try ko naman mag-hike.
"Ma'am, bubuksan ko po itong radyo ha? Para po may tugtog ng kaunti." Tumango ako at ngumiti bahagya sa kanya. Nakatingin lang ako sa labas, pinagmamasdan ang nagsisimulang maging abalang paligid. Unti-unti nang nagbubukas ang mga pamilihan at dumadagsa na rin ang mga tao.
Intro pa lang ng kanta sa radyo ay maganda na. Kaya habang nakatingin ako sa labas ay naka-focus naman ang tenga ko roon.
'You came along, unexpectedly
I was doing fine in my little world
Oh baby please don't get me wrong
'Cause I'm not complaining
But you see, you got my mind spinning'
Pumasok sa isip ko si Adrian. Hanggang sa isang kanta ba naman ay naiisip ko siya? Nakilala ko nga naman siya unexpectedly dahil bigla na lang siyang ipinakilala ni Mom sakin one time sa isang event. I was first year college that time. Wala pa naman akong naging boyfriend that time kasi naka-focus ako sa studies ko and masyado pa akong bata for that.
'Why can't it be?
Why can't it be the two of us?
Why can't we be lovers?
Only friends'
With that line, parang bumalik lahat ng sakit na naramdaman ko 'nong gabing naghiwalay kami. That was the night na humingi ako ng closure dahil one week after our confrontation with his new girl ay hindi ko siya kinausap at wala rin naman kaming nabanggit sa isa't isa that night about break-ups.
"Sorry Chels. Hindi ko alam kung paanong umabot tayo sa ganito." I was tipsy. Tinawagan ko siya at pinapunta sa park na palagi naming pinupuntahan. It's funny that our favorite park will now be a park with full of memories, both good and bad.
Iyak lang ako nang iyak sa tabi niya. Nakaupo lang kaming dalawa sa isang bench. Gabing-gabi na rin at kaming dalawa na lang ang nandito.
"Bakit ganito? Ang sakit sakit, Adrian. Halos limang buwan na lang fourth anniversary na natin." I heard him sighed.
"I know in myself that I love you, Chels. Pero hindi ko alam kung bakit mahal ko rin si Halsey. Mahal kita pero mahal ko rin siya." Parang sinaksak ng makailang beses ang puso ko sa narinig. Inilagay ko na lang ang palad ko sa mukha ko at doon humagulhol ng iyak.
"I'm sorry. Hindi... Fvck. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin. Gulong-gulo na din ako." Hindi ko siya tinitingnan. Parang papatayin ko na ang sarili ko kung makikita ko pa siya habang sinasabi ang mga bagay na 'yon ngayon.
"Kailan pa?" I tried to be calm kahit sobrang sakit na. I composed myself. Kahit sa ganitong paraan man lang ay maipakita kong kaya ko, kahit ang totoo ay hindi naman.
"A-Almost five months na." I clenched my fist to stop myself from crying again. I am being betrayed behind my back for almost five months ng hindi ko alam? Do I look like a joke to them?
"Wow," tanging nasabi ko na lang. I can't utter any words. Wala akong masabi, sobrang sakit.
"She's an architect sa company and we've been working for a project together for almost a year na rin." And he still had the audacity to tell me how their love story started. Grabe talaga. Sana sinaksak na lang niya ako 'di ba?
"Saan ka kumukuha ng kapal ng mukha para ikwento 'yan sa 'kin ngayon? Wala ka ba talagang pakealam sa akin? Sa nararamdaman ko?" I sighed heavily.
"Let's end this here," mahinang sambit ko pero alam kong maririnig niya naman ako.
"Chels," malumanay na usal niya sabay hawak sa kamay ko. Inalis ko agad ang kamay ko.
"Huwag mong sabihing ayaw mo?" I chuckled.
"Mahalin mo na lang siya ng buong-buo. Ayaw ko at malamang ayaw niya rin namang may kahati sa pagmamahal mo. You said you love her right?" sambit ko habang tuloy-tuloy lang sa pag-iyak.
"I begged you enough to choose me and now I am choosing my self over you." I stand up but he held my hand.
"I'm sorry." I get off my hand from his. I can hear his little cries. I looked at him directly on his eyes.
"Don't say sorry. Hindi ko rin kailangan ang sorry mo. Mas lalo mo lang pinaparamdam sa akin na hindi mo siya kayang i-let go pero ako kayang-kaya mo." I smiled a little at him at umiwas din agad ng tingin. Pasimpleng pinupunasan ko ang luhang patuloy na umaagos sa pisngi ko. Why can't these tears stop?
"Don't cry. You said you love her and you're saying that you love me too. I'm letting you go now para hindi ka na mahirapang mamili." He's not talking. I checked my watch and almost midnight na.
"Thank you so much for three years, l-love." Humarap ako sa kanya. Nakaupo pa rin siya at pasimpleng umiiyak. Ni hindi niya ako magawang tingnan kaya humakbang na ako palayo.
I never looked back, because if I did I know it would be hard for me to resist him.
"Ma'am, okay lang po ba kayo?" Napatigil ako sa pag-iisip nang magsalita si manong. Ibang kanta na rin ang tumutugtog mula sa radyo.
Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako. Masyado pa ring fresh sa alaala ko ang mga nangyari. Ganoon pa rin siya kasakit sa totoo lang.
Pinunasan ko lang ang magkabilang pisngi ko. Kinuha ko ang maliit na powder sa mukha ko at nag-retouch kaunti.
"Malapit na ba tayo, Manong?" tanong ko matapos ilagay ang powder pabalik sa bag ko. Maliwanag na sa labas. I checked the time and almost 5:30 na rin ng umaga. Matagal-tagal din pala akong nakatulala.
"Malapit-lapit na, Ma'am, mga fifteen minutes pa." Tumango lang ako, sumandal at tumingin na lang sa labas. Nagsisimula nang mas dumami ang mga tao at mga estudyante.
Tulad nga ng sabi ni Manong ay makaraan ang fifteen minutes ay tumigil na kami.
"Welcome to Sahaya Resort, Ma'am," bati sa akin ng isang babae pagkapasok ko. Hindi ako sa kanya nakatingin kung 'di sa dagat na nasa kaliwa ko.
"Mag-aavail po ba kayo ng room, Ma'am?" Humarap ako sa kanya. I'm not planning to stay overnight.
"No. A cottage for one," I said.
"You're alone, Ma'am?" Tumingin pa ito sa likuran ko bago tumingin ulit sa akin.
"Bawal ba pumunta dito 'pag mag-isa lang?" I asked. Halatang nagulat ang babaeng kausap ko. I didn't mean to scare her tho, nag-jojoke lang naman ako.
"Sorry, Ma'am," she said. I just smile at her and after paying the fees ay inihatid niya ako sa isang maliit na cottage. It was facing the sea and I can feel the cold breeze from there.
"Just press the buzzer, Ma'am if you need anything. Enjoy your stay, Ma'am." I smiled at her at makaraa'y naglakad na siya paalis.
Mabuti na lang at may maliit na room 'yong cottage para makapagpalit ako ng damit.
I am wearing a white tube na pinatungan ko ng see-through black crop top at high-waisted maong short and slippers. Naglagay pa ako ng sunblock para hindi ako mangitim kahit papaano. I got my shades and wore it like a headband.
Lumabas ako ng cottage at naglakad-lakad. Maganda ang resort. May pools and jacuzzi pa raw sa loob ng resort pero wala naman ako sa mood pumasok doon at maligo.
Hindi rin ako maliligo sa dagat. Magpapahangin lang talaga ako. 7AM pa naman dadating 'yong breakfast ko sa cottage kaya may isang oras pa ako para maglakad-lakad.
Hindi pa ganoon kainit kasi nga maaga pa. Naglakad ako deretso sa may dalampasigan. Hinubad ko ang slippers ko at binitbit para makahakbang ako ng madali. Nababasa na ng malamig na tubig dagat ang paa ko.
Matagal-tagal na rin akong hindi pumupunta ng dagat. Sobrang busy rin kasi at wala namang malapit na dagat sa Manila.
Naglakad pa ako hanggang umabot na hanggang tuhod ko ang tubig. I inhaled deeply at dinama ang malamig na simoy ng hangin.
I continued inhaling and exhaling deeply. Para bang nililinis ko ang baga ko from pollutions galing Manila. Napakasarap sa pakiramdam makalanghap ng sariwang hangin.
"I'll be the happiest person soon," I whispered to my self. Masakit pa rin sa ngayon pero I know it's part of the process. I know everything will be okay soon.
"Adrian Martinez, I'm happy that you're having your own family now," usal ko sa kawalan at naglakad-lakad na lang ulit. Sa buhanginan na ulit ako naglalakad dahil nahihirapan akong humakbang sa tubig.
Malawak ang buhanginan pero nakita ko ang sarili kong nasa dulo nito. Rock formations na ang nasa harap ko ngayon. May mga tents dito na sarado pa. For souvenirs siguro. Umupo ako saglit sa buhanginan at pinakinggan ang mga alon sa dagat. Dinama ko ang init na mula sa araw. Instant Vitamin D.
Na-realize ko na minsan okay lang pala talaga ang mag-isa. Nasanay lang talaga tayo ng palaging may kasama or palaging may nandiyan sa atin kaya nalulungkot tayo kapag tayo na lang ang naiiwan.
You must learn and appreciate being alone, so when someone left you, you can handle the loneliness.
Pero hindi ko rin masisisi ang sarili ko, sinanay niya akong kasama siya palagi. Kung hindi niya ako sinanay ay hindi sana ganito kasakit ang maiwan.
I also learned that perfect relationship doesn't exist. Akala ko kasi noon ang perfect perfect ng relationship namin kasi hindi kami nag-aaway. Hindi kami nagseselos sa mga acquaintances ng bawat isa. Hindi lang pala about doon ang relationship.
I also learned that things will not go as you wanted and expected. I already see myself marrying Adrian, pero hindi pala ako ang papakasalan niya.
I let out a deep sigh. Tumayo na ako at pinagpagan ang shorts ko dahil sa mga kumapit na buhangin.
Nag-stay pa ako saglit doon bago naglakad pabalik ng cottage. Nakasalubong ko pa ang may dala ng breakfast ko.
"Good morning, Ma'am, here's your breakfast. Do you need anything, Ma'am?" tanong nito at inilapag sa lamesa ang dala niyang mga pagkain.
"Wala na, thank you." Pagkasabi ko noon ay umalis na rin siya. They served me the usual breakfast. Bacon, fried egg and fried rice with coffee and bread.
I finished my breakfast and napansin ko ang unti-unting pagdami ng mga tao. Napansin kong open na rin ang mga water activities nila rito tulad ng parasailing. Gusto kong i-try pero mag-isa lang ako. Maybe next time 'pag kasama ko na si Dianne.
Umalis ako sandali sa cottage para mag restroom. Dinala ko rin 'yong mga gamit ko dahil open area yung cottage. Ang dami pa namang tao, mahirap na.
I do my thing inside the restroom. Nag-retouch pa ako sandali bago napagpasyahang lumabas.
Hinahalungkat ko ang bag ko para hanapin yung phone ko nang may mabangga akong tao.
Tumigil ako sandali at patuloy na naghalungkat. Nang makita ko ang phone ko ay kinuha ko 'yon at inilabas.
"By the way, I'm sorry..." I stopped when I saw a familiar guy standing in front of me. He is holding a medium-sized box of bread.
"Oh? You're here?" Vito asked. Yes. Siya yung nabangga ko and he just asked me a nonsense question.
"Isn't it obvious?" he just scoffed as he looked at me.
"Mabuti na lang at hindi nahulog ang bitbit ko. Sandali lang ha, wait me here." He quickly moved his ass out of my sight. Dumeretso siya sa isang estante roon ng mga tinapay. So he's here for a delivery.
Inabot niya roon ang box na dala niya at naglakad nang muli papunta sa harap ko.
"You really wait for me huh?" he said while smirking. I scoffed and looked into him unbelievably. Ang yabang!
"What?" singhal ko sa kanya. His smirk faded away immediately. Seryoso na namang muli ang mukha niya.
"Where are you going now?" he asked while looking at me. Saan nga ba ako pupunta. Halos mag-aalas otso palang ng umaga at nagbayad na rin ako ng accomodation dito sa resort para sa food ko for this morning and for my lunch.
"Actually, I have nowhere to go. Baka dito na lang ako until lunch." I answered honestly. It's kinda boring pero ayoko rin namang mag-try ng mga water activities. Baka mamili na lang ako ng souvenirs mamaya bago umuwi.
"Gusto mo samahan kita?" I looked at Vito confused. Saan naman niya ako sasamahan?
"I mean, I know a good place nearby. You can go back here before lunch," pagpapaliwanag niya. Wow! So he'll accompany me to somewhere 'good'?
"Anong lugar ba 'yan?" I asked unshamely. Sa totoo lang ay wala talaga akong ibang gagawin na. I just want to wait for the sunset pero kakasunrise lang.
"So you'll come with me?" he said while smiling a little bit. I nodded my head and smiled at him... just a little bit also.
"That's great. Luckily I brought my car today. Let's go?" sabi niya kaya naglakad na kami papuntang parking. I am kind of shock na may kotse pala siya. Hindi sa mukha siyang mayaman ha, he looks like he's living just a simple life. Mukha siyang hindi luxurious na tao. Mahahalata mo naman 'yon the way he dressed himself.
Tumigil kami sa isang blue na sasakyan. He opened the shotgun seat for me kaya sumakay na ako. Pagka-ikot niya ay sumakay na rin siya.
I put the seatbelts on and he started to drive off. Tahimik lang kaming dalawa sa simula ng byahe. It's an awkward scene for the both of us.
"Where are we heading?" I asked him right away when I noticed that we are far from the city. Medyo sumusukal na kasi ang dinadaanan namin.
"My students are asking for a female teacher. I guess you're the perfect female for that," he said seriously. His students? Hindi ko alam na teacher pala siya. Pero bakit naghahanap ng female teacher?
"You're a teacher?" tanong ko. Bahagya pa siyang nag-chuckle na parang 'di makapaniwala sa sinabi ko.
"Not actually. I just want to teach them." Naging mabato na ang daang tinatahak namin. Halos hindi na sementado at medyo maputik na. Mapuno na rin ang paligid. I am now on an all green place.
 Napakapeaceful.
"Are you abducting me?" seryoso kong sabi. Tumawa siya ng bahagya at tumingin sa akin.
"Yes, and I will call your parents for the ransom money," he said while containing his laugh. I'm starting to get annoyed.
I just hissed and looked outside. Probinsyang probinsya na ang dating dahil puro puno na lang ang nakikita ko. Wala nang bakas ng siyudad. Wala nang bakas ng polusyon. Paniguradong tanging tunog lang ng kuliglig at huni ng mga ibon ang maririnig sa labas. Which I would love to.
Dahil nakatingin naman na ako sa labas, nakita ko ang pagsulpot ng mga bahay na gawa sa dahon ng niyog. May mga batang naglalaro sa tabi. Naghahabulan at nagsasaya.
Kayumanggi ang kulay nila. May kakulutan ang buhok at ang iba ay walang damit pang-itaas, dahil na rin siguro at bata.
Tumigil kami sa isang lugar na halos nagkakatabi na ang mga bahay. Pagtigil ni Vito ay siya namang labasan ng mga bata at mga matatanda mula sa mga bahay nila. Tila'y tuwang-tuwa pa ang mga ito na masilayan ang sasakyan ni Vito na parang alam na agad nila kung sino ang lulan nito.
Bumaba si Vito at inalis ko na rin ang seatbelt ko at bumaba. Nakangiting nakatingin sa akin ang mga bata at maging ang matatanda kaya naman ngumiti din ako sa kanila.
Si Vito naman ay dumeretso sa likod ng kotse niya. May inilabas siyang dalawang kahon katulad ng dala niya kanina sa resort na malamang ay tinapay rin ang laman.
Iniabot niya iyon sa isang lalaking malapit sa kanya. Ako naman ay lumapit sa kanya habang nagsimula nang lumapit ang mga bata sa kanya.
"Hindi mo man lang sinabi na djto tayo pupunta. Nakadaan man lang sana tayo sa grocery store," mahinang sambit ko dahil may lumapit sa aking isang batang babae. Mahaba ang kulot nitong mga buhok at bumagay sa kanya ang pagkakakayumanggi ng balat niya.
"Hindi ko rin kasi sigurado kung magugustuhan mo ang pagpunta dito," mahina nitong usal at nakipagusap na sa mga batang nandoon.
Kung tama ako ay mga katutubo sila. Mahahalata mo rin iyon sa pananamit nila.
Dahil maliit ang batang babae na lumapit sa akin ay umupo ako para maging kalevel ko siya.
Nagulat pa ako bahagya ng bigla siyang maglagay ng bulaklak sa tenga ko. Malaking ngiting pinagmamasdan niya ang itsura ko.
"Ang ganda mo po," mahina nitong sambit. Hagya naman akong kinilig kasi amazed na amazed siyang nakatingin sa akin.
"Ang ganda ganda mo rin. Anong pangalan mo?" Tanong ko na nakapagpangiti sa kanya nang malaki.
"Ako po si Carol," nakangiting sagot niya. Bumaling ako kay Vito. Seryoso lang siyang nakatingin sa akin pero agad din siyang umiwas ng tingin at bumaling sa mga bata na nakikipaglaro sa kanya.
"Nga pala, may kasama akong bago ninyong titser. Tulad ng sabi ko sa inyo ay magsasama ako ng babaeng guro, heto na siya." Itinuro niya ako kaya tumingin sa akin ang lahat.
"Magandang araw po. Ako si Teacher Chelsea," masiglang bati ko at kumaway sa kanila. Kumaway rin naman sila at nagsitakbuhan. Kunot noo kong tiningnan si Vito.
"Papunta na sila sa maliit na classroom nila dito," nakangiting sabi niya. Humawak naman sa kamay ko si Carol at hinigit ako papunta sa direksyong pinagtakbuhan ng mga bata.
Nagpadala naman ako sa higit niya at ramdam kong nakasunod sa amin si Vito.
"Anong itinuturo mo sa kanila?" mahinang tanong ko kay Vito. Wala akong ideya kung ano ang gagawin ko ngayon o kung ano ang ituturo ko sa kanila.
"Mga basic learnings lang na kaya kong ituro tulad ng alphabet at numbers," tugon nito. Sa laki ng katawan niya ay hindi mo mahahalatang mahaba ang pasensya niyang magturo sa mga bata.
Dahil nga liblib na masyado ang lugar nila ay malayo talaga sila sa kabihasnan at sa paaralan. I wonder how they get their food everyday.
Tumigil kami sa isang maliit na kubo. May mga mahahabang upuan at lamesa roon. Nakaupo na ang mga bata nang dumating kami. May maliit na chalkboard sa unahan ba na malamang ay iprinovide ni Vito para sa kanila.
This is new for me. Ngayon lang ako nakakilala ng mga katutubo. Ngayon lang ako nakapunta sa isang liblib na komunidad. Ngayon lang ako magtuturo. At my age, ang dami ko pa rin palang hindi nata-try and I am thankful na masusubukan ko sila ngayon.
Pumasok kami at tumayo naman silang lahat. Dumeretso sa harapan si Vito habang ako ay nasa may pinto pa.
"Magandang araw, mga bata. Kumusta kayo?" masigla niyang sambit. Napakalumanay ng boses niya. Hindi nakakatakot kahit na may kalakihan ang katawan niya. Kaya siguro gustong gusto rin siya ng mga bata.
Masiglang sumagot ang mga bata sa kanya. Bakas ang saya sa mga mukha nila dahil sa presensya niya, namin.
"Nagpakilala na siya sa inyo 'di ba kanina? Sino nga ulit siya?" muling turo niya sa akin. Sinenyasan niya naman akong lumapit sa kanya kaya naglakad ako palapit.
"Si Teacher Chelsea," sabay sabay na bigkas ng mga bata. May isang nagtaas ng kamay kaya tinawag siya ni Vito.
"Kasintahan mo ba po siya?" Dahil sa tanong na iyon ng isang batang lalaki ay nag-ingay ang mga bata na tila nanunukso. Pilit akong ngumiti sa kanila at tumingin kay Vito.
"Hindi pa." Napatingin ako sa kanya habang nakakunot ang noo. Anong 'hindi pa'?
"Nililigawan mo po ba siya?" tanong ulit ng isang bata sa kanya.
"Hindi pa rin." nakangiti nitong sabi. Nagsikantyawan naman ang mga bata. Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya dahil nakikita kong tuwang-tuwa naman ang mga bata sa harapan ko.
"By the way, anong gusto niyong ituro ko sa inyo?" pag-iiba ko ng usapan. Nagtaas naman si Carol ng kamay kaya tinawag ko siya.
"Teacher, kwentuhan niyo po kami ng kwentong pambata," suggest niya. Lumingon ako kay Vito.
"May mga story book ka ba d'yan?" mahinang tanong ko sa kanya. Tumango naman siya at pumunta sa isang kahon sa may gilid. May kinuha siya roong may kalakihan pero manipis na libro.
"Hindi ko pa ito nababasa at naiikwento sa kanila," tugon niya at iniabot sa akin ang libro. Kinuha ko ito at tinignan. Pinocchio ang title. Siguradong magugustuhan nila ito. Halos kasing laki ng katawan ko 'yong libro pero sobrang nipis. Binuksan ko ito at para pala siyang comics na malaki.
"Ang kwentong ikekwento ko sa inyo ngayon ay ang Pinocchio. Kwento ito ng isang batang humahaba ang ilong kapag nagsisinungaling." Sinimulan kong basahin ang kwento. Tahimik lang silang nakikinig sa akin habang nagkekwento ako. Kahit pala manipis yung libro ay mahaba pala ang istorya dahil nga malaki.
Natapos ko ang kwento ngunit wala si Vito sa paligid. Nilinga ko ang tingin ko ngunit wala talaga.
"Kukuha raw po siya ng meryenda namin," sabi ng isang bata habang nakangiti sa akin. Nahiya naman ako bigla kaya ngumiti na rin ako sa kanya.
"Kaya kayo mga bata, huwag na huwag kayong magsisinungaling sa mga magulang niyo kung ayaw niyong humaba ang mga ilong niyo ha," sabi ko habang nakatingin sa kanila. Bakas sa mga inosenteng mukha nila ang saya habang nakatingin sa akin. Paniguradong babalik ako dito lalo na at pumunta ako ngayon dito na sarili ko lang ang dala ko. Mabuti pa nga si Vito at nakapagdala kahit papaano ng tinapay.
"Teacher, may gusto po ba kayo kay Teacher Vito?" tanong ng isang batang babae na nasa harap ko. Nakangiting nakatingin naman sa akin ang iba.
"Mag-kaibigan lang kami," tugon ko at ngumiti sa kanila. Hindi ko alam kung kaibigan ko ba siyang matatawag pero baka magtaka naman ang mga bata kung hindi magkaibigan ang sasabihin ko.
"Hala, Teacher, humahaba po ilong niyo." Wala sa sariling napahawak naman ako sa ilong ko kaya nagtawanan ang mga batang kaharap ko. Pati ako ay natawa na rin. Likas talagang pilyo ang mga bata.
Mabuti ay dumating na rin si Vito na may dalang kahon ng tinapay. Kasunod niya ang isang babaeng may dalang water jug at mga baso.
"Kumusta naman ang bago ninyong teacher?" tanong niya habang ipinamamahagi ang tinapay sa mga bata. Tuwang-tuwa naman silang tinatanggap ang mga 'yon. Sana talaga ay nakapagdala man lang ako kahit pagkain o laruan.
"Humaba po ang ilong niya noong tinanong ko siya." Nanlaki ang mata kong tinignan ang batang nagtanong sa akin kanina. Hindi ko inasahang sasabihin niya pa 'yon kay Vito.
"Talaga? Ano ba ang tinanong mo?" Nakatalikod siya sa akin kaya di ko alam kung anong reaksyon ng mukha niya.
"Kung may gusto po ba siya sa inyo." Bumaling ang tingin niya sa akin. He's smirking at me kaya inirapan ko siya.
Nang matapos niyang bigyan ng makakain ang mga bata ay lumapit ito sa akin at inabutan niya rin ng tinapay. Puro tinapay na lang ata ang palagi kong kinakain. Tataba ako nito eh!
"Bakit ka naman nagsisinungaling sa harap ng mga bata?" Gulat at nakakunot noo ko siyang tinitigan. Nakangisi pa ang mokong sa akin.
"Excuse me?" masungit na sabi ko. Tumawa lang siya at tumayo. Kumuha siya ng baso at kumuha ng maiinom sa jug. Ibinigay niya iyon sa akin. Juice ang laman nung jug, orange juice na malamig.
"May dala kang ice?" I asked and he nodded. Baka sipunin ang mga bata dahil sa lamig 'nong juice. Pero hindi naman siguro sila sakitin para dapuan agad ng sipon 'di ba?
Nag-stay pa kami doon hanggang tanghali. Nagpalaro si Vito ng kung ano-anong games sa kanila at binibigyan niya ng tinapay ang mga nananalo. Tinapay lagi ghorl.
Nasa sasakyan na kami ngayon, halos malapit na rin kami sa resort. Hindi ko ramdam 'yong pagod dahil nag-enjoy talaga ako. Masaya ang maliit nilang komunidad. Malayo man sa kabihasnan ay ayos lang.
"Paano mo nga pala sila nakilala?" tanong ko sa kanya. Masyadong malayo iyon sa tinitirhan niya which is dun sa tapat ng bahay nina Nanay Loida.
"Isinasama ako nina Mom and Dad back then. Tinuturuan na nila ang mga bata roon dati pa." Hindi na ako nagtanong pa. Sapat naman na ang nalaman ko. Ang alam ko'y namatay na pareho ang mga magulang niya dahil naikwento na ni Nanay Loida sa'kin. Mabuti na lang din at nakwento niya iyon, para alam ko kung kailan ako titigil pag sensitibo na masyado ang topic.
Ilang minutong byahe pa at dumating na kami sa Sahaya Resort. Almost 12:30 na rin, medyo nagugutom na rin ako.
Inalis ko ang seatbelt ko at bumaling kay Vito.
"Are you going to eat?" tanong ko. Lumingon ito sa akin at nakangisi na namang tumingin sa akin. He's imagining things again huh?
"Gusto mo pa akong makasama?" I hissed at him.
"Assuming ka 'no? Bahala ka diyan," singhal ko at bumaba ng sasakyan niya.
"I'm just joking," sabi niya habang nasa tabi ko na. Dumeretso na lang ako sa cottage na nirentahan ko kanina. Si Vito ay naiwan para mag-order ng pagkain niya. I just pressed the buzzer na nandito para madala na yung lunch ko.
After a few minutes, nakita ko si Vito na may dalang food tray. Kasunod niya naman ang dalawang waiter na may dala ring food tray pareho.
Ibinaba niya sa mesa ang dala niya at gano'n din ang dalawang waiter na kasama niya.
Napakadaming pagkain. Puro seafood. Kasama ba 'to sa binayaran ko kanina? May isang waiter pang dumating, may dala itong dalawang buko juice at halo-halo.
"Ba't ang dami naman nito?" tanong ko sa kanya. Nagkibit balikat lang siya at nagsimula nang kumain. Gutom na gutom ata. Nagsimula na rin akong kumain. Tahimik lang kami pareho dahil busy kami sa paghimay ng seafoods.
Maya-maya pa ay nakita kong halo-halo na ang kinakain ni Vito. Habang ako'y inuuta-utay pang kainin ang hipon at alimango.
"You know, I like your personality." Bigla akong nasamid dahil sa bigla niyang sinabi. Kinuha ko agad ang buko juice na nasa tabi ko at ininom iyon. Tiningnan ko nang masama si Vito.
"Baka mamaya niyan, ikaw na ang gusto ko," nakangising sabi nito. Wtf?

Bình Luận Sách (23)

  • avatar
    Bryan Mallari

    home and good

    23d

      0
  • avatar
    NacarJerry

    very good story telling

    14/06

      0
  • avatar
    PaineLaika

    good

    26/05

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất