logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Love in the Middle of Chaos

Love in the Middle of Chaos

sijeyjoy


Chapter 01

"Where do you think you are going, Chelsea?" I ignored my mom while I am busy packing my things up. Matapos kong makapag isip-isip kagabi dahil sa nangyari ay napagpasyahan kong magpahangin muna sa kung saan man ako mapadpad.
"Tatawagan ko ang Daddy mo, itigil mo 'yang ginagawa mong pag-iimpake at hindi ako natutuwa ha!" Mabilis siyang lumabas ng kwarto ko. Umupo muna ako saglit sa gilid ng malaki kong kama at inihilamos ang mga kamay ko sa aking mukha.
I felt very exhausted. Gusto kong umiyak pero wala na akong maiiyak pa dahil ilang araw na rin akong iyak nang iyak sa pagkakaalam ko. Ginawa ko na ang lahat to make myself busy. Pero hindi ata talaga 'yon sapat hangga't nakikita ko pa rin siya or alam kong nasa iisang lugar lang kami. Sa liit ng mundong ginagalawan namin ay paniguradong makikita at makikita namin ang isa't isa. And that's not good for me emotionally.
Napatingin ako sa isang photo frame na nakalagay sa table katabi ng kama ko. Kinuha ko ito at mariing pinagmasdan
"Ang saya saya pa natin dito." I chuckled and tears started to flow into my cheeks again. Hindi na ako nag-abalang punasan pa ang mga iyon dahil hindi rin naman ito titigil. Hindi pa pala nauubos ang luha ko. Akala ko'y wala na.
I caressed the glass that protects the picture. It was me and Adrian being a happy and almost a perfect couple. Picture namin 'to noong first anniversary namin sa Hongkong Disneyland. We're both wearing cute pink and red headband.
Halos pilitin ko pa siya nang grabe para lang isuot ang headband na 'yon. Pinilit ko rin siyang magstay pero hindi na siya nagpapilit.
"Sobrang saya natin dito kaya 'di ko maisip na magiging ganito tayo ngayon." Doon ko na naman naalala ang mga nangyari last week. Ayaw ko mang alalahanin pero kusang nagfa-flashback sa utak ko ang mga nangyari.
"Sabi mo sa 'kin kaibigan mo lang siya?" I said out of nowhere. I found out that Adrian is a cheater. He cheated on me with his so called friend. I personally don't know her. Pero naitanong ko na sa kanya kung sino siya, friend niya lang daw.
For almost three years of our relationship, ni hindi ko nagawang magselos sa mga babaeng nakakasalamuha niya. Ganoon kalaki ang tiwala ko sa kanya. Ganoon kalaki ang pang-unawa ko pagdating sa kanya kaya ni maghinala ay 'di ko magawa.
Hindi rin naman ako nakakapansin ng mga nakakaselos na bagay. He's been too perfect. Ni halos mag-away nga ay halos hindi namin ginagawa.
Hindi ko ba napansin o magaling lang siya magtago?
We knew each other for almost five years na rin. Ipinakilala siya sa akin ni Mom noon dahil close friend nila ang magulang ni Adrian. He courted me for almost half a year and we lasted almost three years in a relationship. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula.
Hindi ko alam kung alin ba sa mga memories naming dalawa for five years ang dapat kong unang kalimutan.
Napatingin ako sa photo frame na hawak ko. Binuksan ko ito mula sa likod at inalis ang picture naming dalawa.
Doon ko nakita ang sinulat kong note the day na nilagay ko ito sa photo frame.
'It's you who I am willing to spend my life with. It's you who I want to grow old with. I love you so much love. Muah <3
-chelsea'
I chuckled. I sounds so corny. Sabagay sobrang mahal ko siya to the point na nagagawa ko nang maging korni sa kanya. Almost every birthdays niya, monthsaries and anniversaries hindi ako nawawalan ng surprises and gifts. Hindi ako nahihiyang mag-effort sa kanya dahil I know na he will appreciate that no matter how simple it is.
Hinarap ko ang picture sa akin at inilapat ko roon ang hintuturo ko na parang hinahaplos ang mukha niya.
Napakagwapo niya sa mga mata ko. Kahit gwapo naman talaga siya kahit sa mata ng ibang tao. Sobrang perpekto ng hulma ng mukha niya. Ang mga mata niyang palagi kong tinitingnan na tila'y kumikinang pa at parang hinihigop ako. Ang mga ilong niyang napakatangos at ang mga labi niyang napakalambot na laging dumadampi sa mga labi ko.
I let out a fake laugh nang maalala ko ang mga ginagawa ko sa kanya. I always kiss him kapag magkasama kami. I am very addicted with his kisses. They're so addictive and I can't resist any of that.
"Sayang lang at iba na ang hinahalikan mo ngayon." Bumuntong hininga ako at itinupi pa-lenghtwise ang picture namin. Idiniin ko pa ang pagkakatupi nito gamit ang mga kuko ko pagkatapos ay hinati.
Sabay ng paghihiwalay ng litratong ito ay ang pagbitaw ko sa relasyon namin. Tanggap ko ng hindi tayo ang para sa isa't-isa. Tanggap ko nang masaya ka na sa kanya.
Kinuha ko ang lighter na nasa bag ko at inisang hakbang ko ang veranda sa kwarto ko. Sinindihan ko ang litrato niya. Habang unti-unting kinakain ng apoy ang hawak ko ay ang pagtulong muli ng mga luha ko.
Pagod na pagod na akong umiyak. Gusto ko nang magpahinga. Sobrang sakit pa rin kahit halos isang linggo ko nang ginawang abala ang sarili ko. Hanggang ngayon nasasaktan pa rin ako sa tuwing naaalala ko ang mga pangyayari. Gusto ko nang makalimot. Kung pwede sana ngayon na.
Kung paano ko silang nakitang magkasama, kung paano ko sila nakitang naghahalikan sa park na palagi naming tinatambayan. Kung paano ko sila kinompronta at tanging sorry lang ang sinabi niya.
Akala ko ide-deny niya yung babae niya. Akala ko sasabihin niya na she's the one who kissed him first. Pero hindi, sinabi niya pa sa mismong mukha ko, sinampal niya sa akin 'yong reyalidad na hindi niya kayang mawala ang babae na 'yon.
Gusto ko siyang sampalin that time. Pero wala akong lakas. Nakakapanghina masyado.
Nang maupos at maging abo ang hawak ko ay tiningnan ko kung paano tangayin ng hangin ang mga abo nito. Nang wala na akong makita ay pumasok akong muli sa silid ko at inayos ang mga gamit ko.
Isang maleta at isang handbag lang ang dala ko. Sa totoo lang ang dami kong mga gamit na naiwan pero di na ako nag-abalang ipagsisikan ang mga iyon sa dala ko. Hindi rin naman siguro ako magtatagal dahil may kompanyang naghihintay sa akin. The company can wait. Baka ano pang magawa kong mga desisyon kapag hindi ako nagpahinga. I need rest. I need time for myself.
Inilibot ko pang muli ang mga mata ko sa paligid ng kwartong kinalakihan ko.
Babalik ako! Stronger, bolder, independent and happier.
Kinuha ko at hinila ang mga dala ko. Nang bubuksan ko na ang pinto ay may nauna nang magbukas nito. Bumungad sa 'kin si Daddy na bakas ang pag-aalala sa mukha.
"Chelsea," malambing nitong sambit sa akin. Nasa likod niya si Mommy na parang galit na nakatingin sa mga bitbit ko.
"Daddy." Nginitian ko siya. Pumasok silang dalawa sa kwarto ko at humarap sa akin.
"Kailangan mo ba talagang gawin 'to?" he asked looking directly into my eyes. Puno ng pag-aalala ang mga mata niya. Pero sobrang desidido na ako sa gagawin ko.
"Dad, kailangan kong ipahinga ang sarili ko. Masyado na akong pagod. Kailangan ko munang buuhin ang sarili ko." Napatungo ako at pasimpleng pinunasan ang mga luha ko.
"Nandito kami to help you be your self again. Andito kami para buuhin ka, Chelsea. Magulang mo kami. Kami ang unang bumuo sa 'yo, narito kami ulit para buuhin ka." I looked at my Mom na maluha-luhang nakatingin sa akin. I smiled at her. She held my hand and caressed it.
"Mom, babalik ako. 'Pag bumalik ako okay na okay na ako. I'll make sure na babalik ang Chelsea na masayahin at walang iniindang kahit anong problema. I know na andyan kayo to help me cope up pero..." I stopped to wipe off my tears.
"P-Pero I need time for myself. I need to breath out. I need to find my broken pieces. Mom, I am very broken. Pakiramdam ko humihinga na lang ako para mabuhay. I was betrayed. Sobrang sakit sa 'kin na mapagtrayduran, masaktan ng taong 'di ko man lang naisip na sasaktan ako." They're just looking at me, Mom started crying and Dad cupped my face and he wiped my tears away.
"Kailangan mo ba talagang gawin 'to?" Dad asked me again while cupping my face. I slowly nodded at him and he slowly uncupped my face.
"Okay." I looked directly at him with a little shock.
"Alberto! What do you think you're saying? Hahayaan mo siyang umalis? Sa tingin mo kaya niya bang mabuhay malayo sa 'tin? Sa tingin mo kaya natin ng wala siya?" tumungo lang ako.
"Let her find her own peace. She's already old enough to do things like these alone. Let her explore.  Alam mo ang nangyari sa kanya, right?" He turned his gaze on me. Napatingin na rin sa akin si Mom na kasalukuyang umiiyak. Seeing Mom cries is a painful view. I felt sorry that she was crying because of me.
"Babalik ka 'di ba, Chelsea?" he asked. Mahirap man sa aking umalis at iwan silang dalawa. Alam kong mas mabuti na rin 'to para sa sarili ko.
"Babalik ako, Dad, Mom. I'll be fine. I'm old enough na to make my own decisions. Maybe two to three months is enough, right?" I held their hands and caressed it. Tahimik lang silang nakatingin sa 'kin.
"Trust me. I'll call both of you everyday." My dad sighed and mom sit on the sofa.
"Saan ka pupunta?" With that question parang nabuhayan ang loob ko.
"I'm going to Cebu." My mom stood up and faced me.
"That's... that's too far from Manila." I smiled at her and held her hand.
"May schoolmate akong taga-roon na ngayon. Doon muna ako hangga't hindi pa ako nagiging okay." Mom suddenly hugged me. I hugged her back. She started crying on my shoulder. Hinaplos ko ang likod niya to make her calm. Mom is getting too emotional, hindi naman ako mag-aabroad.
"I'm sorry that you need to experience that kind of pain at your age. I'm sorry that I introduced Adrian on you five years ago. Hindi ka sana nasasaktan ngayon." I sighed. Ayoko ng maalala ang mga bagay na may kinalaman sa kanya. I want to forget him totally.
"I'll be fine, Mom. You raised a very strong princess twenty one years ago. I will just roam around to find pieces of gold to form my new crown. I will be the Queen who is strong enough to face any challenges in life." I smiled at her. Dad tapped my head and join mom and hugged both of us.
"We love you, Chelsea. We will wait for your comeback, our Queen." Dad said in the middle of our hugs.
Kumawala ako sa yakap at pinunasan ang mga luha ko. Tiningnan ko ang relo ko at kailangan ko nang nagmadali at alas tres ang flight ko to Cebu.
"Mom, Dad. I need to go." Kinuha ni Daddy ang maleta ko at sabay-sabay kaming lumabas at bumaba.
"Ihahatid ka na naming dalawa sa airport." I nodded at them. Dumeretso kami sa kotse ni Dad. Sumakay si Mom sa shotgun seat at doon naman ako sumakay sa likod. Nilagay pa muna ni Dad ang maleta at bag ko sa compartment ng kotse.
Binuksan ng maid ang gate namin para makalabas kami. Pagkalabas namin ay ramdam ko ang paghinto ni Dad.
"Dad? Is there any..." Hindi ko na natapos ang sasabihin ko. I saw a man standing in front of our house. Nakasandal sa kotse niya at nakatingin sa gawi namin.
"Adrian," mahinang sabi ko. Mom looked at me na parang nagtatanong kung okay lang ba ako. I nodded. Dahan dahan kong binuksan ang pinto ng kotse.
"Chelsea? Will you be okay?" Dad asked me. Nginitian ko lang siya at bumaba sa kotse.
For the last time.
Nagkausap na rin naman kami kagabi. I went to talk to him for a closure. Pero ang hindi ko alam ay bakit nandito pa siya sa harap ng bahay namin. Sa harap ko.
Napaalis sa pagkakasandal si Adrian nang makita ako. Tiningnan ako nito mula paa at nagtatakang tumingin sa mukha ko.
Ayan na naman ang mga mata niyang parang hinihigop ang lahat ng lakas ko. Ang mga matang walang sawa kong tiningnan nang paulit-ulit ng mahigit limang taon.
"I'm here to check you dahil lasing kang umuwi kagabi. A-Are you leaving?" he asked with low voice. That voice, I will surely miss that voice. I tried my best to maintain my sight at him pero nabigo ako. Napatungo na lang ako dahil hindi ko kayang makipagtitigan sa kanya. Nasasaktan ako.
Hindi naman ako lasing kagabi tulad ng sinasabi niya. Kumuha lang ako ng lakas ng loob sa alak para makausap ko siya at humingi ng explanations.
"Yes," maikling sagot ko nang hindi man lang siya tinitingnan. Nakita ko ang bahagyang paghakbang niya palapit sa akin kaya mabilis din akong umatras.
"I-I'm sorry for what happened and what I said last night. I didn't meant to hurt you." I clenched my fist at idiniin ang kuko sa palad ko. Ayokong umiyak sa harap niya. Ayokong makita niyang nasasaktan ako dahil sa kanya.
I didn't meant to hurt you? The heck is that?
"Pero 'yon ang totoo 'di ba? 'Yong mga sinabi mo sa 'kin kagabi 'yon ang totoo, right?" I asked and he nodded. I looked away as I felt my tears. Okay na rin siguro 'yong gano'n. At least nasaktan ako sa katotohanan at hindi naging mukhang tanga sa kasinungalingan.
"May sasabihin ka pa ba?" I looked directly into his eyes. Bumakas ang gulat sa mga mata niya dahil sa sinabi ko. Hindi niya siguro inaasahan na ganito ang sasabihin ko dahil halos magmakaawa nga naman ako sa kanya nitong mga nakaraang araw. I begged him to choose me. I begged him to stay, but he didn't. Sinaid ko ang natitirang pride ko sa katawan para kausapin siya, para magmakaawa sa kanyang bumalik siya and I am not doing that anymore. Not for him. Not for anyone else.
"I am serious about what I said. I am very very sorry." Bumuntong hininga siya at mariing tumingin sa akin. Ilang beses ko na rin yang narinig kagabi mula sa kanya. Tila nangingilid na ang mga luha niya sa mga mata niya.
Bakit ka ganyan? Bakit ka iiyak? Nasasaktan ka bang nasasaktan ako?
"Halsey is pregnant and we're getting married." I almost collapsed on my place when I heard what he said. Akmang aalalayan niya pa ako ng itaas ko ang kamay ko para pigilan siya. Hindi niya 'yon sinabi sa akin kagabi. Akala ko tapos na, akala ko wala na akong malalamang makakasakit sa akin. Bakit may pahabol?
Kaka-break lang natin last week tapos buntis na agad? At ikakasal pa? What the f*ck?
"Wow! C-Congrats. Grabe, ang kapal ng mukha mo. Pumunta ka ba rito para sabihin 'yan sa harap ko? Hindi mo man lang ba naisip kung anong mararamdaman ko? Konting konsiderasyon naman kasi sobrang sakit," maluha-luhang sambit ko. Napatungo siya at dinig ko pa ang buntong hininga niya. Pinipigil ko ang sarili kong huwag umiyak.
"I'm really sorry, Chels and take care of yourself," he said and with that naglakad na ako at sumakay sa kotse. Pinaandar din naman ito agad ni Dad. Kita ko pa sa side mirror ang papalayo niyang imahe.
Hindi ko namalayang umiiyak na naman ako. Nakatingin lang ako sa side mirror hanggang lumiko kami at mawala siya sa paningin ko.
Dinig ko ang hagulhol ko dahil walang nagsasalita sa aming tatlo.
Ang sakit sakit na naman. Ang bigat sa puso.
"What did he say?" basag ni Mom sa katahimikan.
"M-Mom, send him gifts on her wedding day. One for their wedding and one for their child." I heard mom's little cursed and dad's sigh. We stayed silent for the whole drive. They just let me cry. Makaraan ang ilang minuto ay nasa airport na kami.
Lumipas ang ilang minuto ay walang bumababa sa sasakyan. Nanatiling nakatingin lang ako sa labas. Wala akong lakas para magsalita at bumaba.
"Pwede pa magbago isip mo. Pwede pa tayong umuwi." I sighed and I removed my seatbelt at bumaba ng kotse. Dumeretso ako sa compartment at kinuha ang maleta at bag ko.
"Ako na rito." Kinuha ni Dad ang maleta ko at hinawakan naman ni Mom ang braso ko at inisang hakbang naming tatlo ang daan papasok ng airport at ng departure area. Bawat hakbang ko ay parang bumibigat pero kailangan kong gawin 'to.
"M-Mom, dito na lang po ako." I looked at them at nagsimula na namang umiyak si Mom. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya nang mahigpit.
"Stop crying, Mom. I'll be back." Kumawala ako sa yakap at humarap kay Daddy. Hindi siya umiiyak pero bakas sa mata niya ang nararamdaman niyang lungkot.
"Hey, Dad. Alagaan niyo ang sarili niyo ha. Wag kayo masyadong mag-overwork ni Mom. Maghanap na lang muna kayo ng temporary na papalit sa pwesto ko sa company." I gave him a hugged and he kissed my head.
"Mag-iingat ka roon. Do not forget to call us, okay? Baka bumisita rin kami roon any time soon," said by Mom. I just nodded and smiled at her.
Kinuha ko ang maleta kay Dad. Humakbang na ako paatras habang nakatingin sa kanilang dalawa.
Ipinatong ko ang bag ko sa maleta ko para maging free ang isang kamay ko. I waved my hand at them as I step backwards. They waved back their hands and smiled at me.
I mouthed 'I love you' at them and Mom mouthed 'I love you more'. I am lucky to have them as my parents. I will be forever grateful for having them.
Bago pa nila makitang tumulo ang luha ko ay tumalikod na ako sa kanila at naglakad papasok.
I raised my hand and waved it at them at pasimpleng pinunasan ang mga luha ko.
Nang makasakay ako sa eroplanong papuntang Cebu ay wala akong ginawa kung 'di ang bumuntong hininga. Nang makalipad ang eroplano ay naisip kong muli ang mga pangyayaring nagdala sa akin sa eroplanong ito papuntang Cebu.
Sana nasa Cebu ang peace of mind na hinahanap ko. Please be good to me, Cebu.
Naramdaman ko ang pagbalot sa akin ng antok habang nasa himpapawid. Ilang araw na rin akong kulang sa tulog dahil sa mga nangyari. Ilang gabi ko rin kasing inisip kung anong mali sa akin at kailangan kong maranasan ang ganitong kalalang sakit.
May mga araw rin na pumupunta ako sa mga bar kasama ang mga kaibigan ko para uminom. Sa sobrang pagod ko ay napabayaan ko na ang sarili ko maging ang trabaho ko.
Umidlip ako dahil hindi ko na kinaya ang antok na nararamdaman ko. Nagising lang ako nang marinig ko ang boses ng piloto na nagsasabing malapit na kaming mag-landing sa Cebu.
Tiningnan ko ang relos ko at halos isang oras din pala ang naging flight namin. Makaraan pa ang ilang minuto ay safe na nag-landing ang eroplano sa airport ng Cebu.
I'm here.
Dito ko bubuuin ang sarili ko. Dito ko muling ibabalik ang Chelsea na nasira dahil sa maling pag-ibig. Dito sa Cebu.

Bình Luận Sách (23)

  • avatar
    Bryan Mallari

    home and good

    23d

      0
  • avatar
    NacarJerry

    very good story telling

    14/06

      0
  • avatar
    PaineLaika

    good

    26/05

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất