logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chương 3 FH 2: TWS 3

Umupo siya at nagpasalamat kay Leonora nang dulutan siya ng orange juice at slice ng banana cake na may cream cheese sa ibabaw. “We are very impressed with Liam. Pero nauunawaan ko po kung may hesitation siya sa pagbalik sa Pilipinas. Nandito na ang buong buhay niya.”
“Oo. Pero gusto talaga namin ng ama niya na mag-retire sa Pilipinas,” sabi ni Leonora at umupo sa tabi ng asawa.
“Kung mamamatay ako, mas gusto ko sa Pilipinas.”
“Huwag naman mamamatay. Tatanda lang,” anang si Leonora na bakas ang pag-aalala sa mukha at hinaplos ang pisngi ng asawa. Bakas naman sa itsura ng matandang lalaki na may dinaramdam ito.
“Gusto mo bang makita ang pictures ni Liam noong bata ka pa?” tanong ng matandang lalaki at ipinalabas ang mga photo album sa asawa.
Sampung taon na pala si Liam nang mag-migrate ang pamilya nito sa Germany. Nakuhang researcher sa isang pharmaceutical compny ang ama nito at lumipat doon kasama ang buong pamilya.
Tinitingnan niya ang picture ng binata noong mag-JS prom ito nang marinig niya ang ugong ng sasakyan na pumarada sa garahe. “Nandito na si Liam.”
“Nanay, bumili na rin po ako ng carrots at brocolli,” sabi ni Liam pagpasok.
Biglang nawala ang ngiti nito nang makita siya at kumunot ang noo. “Miss Bautista? Anong ginagawa mo dito?”
“Uhmm… Nag-aalala kasi ako dahil hindi ka nakapunta sa usapan natin kahapon. Baka kasi may nangyaring di maganda kaya di ka nakarating,” sabi niya at isang matagumpay na ngiti ang sumilay sa labi. Akala siguro nito ay basta-basta na lang siya nitong matatakasan.
“Mag-uusap lang po kami ni Miss Bautista,” wika ni Liam sa seryosong boses at saka siya hinawakan sa braso para dalhin sa front porch. Pinaupo siya nito sa bench at saka humalukipkip. “Hanggang dito ba naman sinusundan mo ako?At sa mismong bahay ko pa.”
“Hindi ka kasi nagpunta sa hotel kagabi. Nag-aalala ako…”
“The message is loud and clear then. Ayokong pumirma ng kontrata,” mariin nitong wika at bahagyang inilapit ang mukha sa kanya. “Ayokong sumama sa iyo sa Pilipinas.”
“P-Perhaps you can consider,” aniya niya at binasa ang labi niya.
Hindi niya maintindihan kung bakit kinakabahan siya lalo na nang maramdaman niya ang init ng katawan nito. Liam was a bit intimidating. At hindi siya ang tipo ng babae na basta-basta nai-intimidate at kinakabahan. Pero bakit ganito ang nararamdaman niya kay Liam?
Nagsalubong ang kilay nito at inilapit ang mukha sa kanya. “Ayoko.”
“Pero baka naman…”
Lalong tumiim ang anyo nito. “Tagalog na nga, di mo pa rin maintindihan?”
Namanhid na ang dila niya nang ilapit nito ang mukha sa kanya at tuluyan nang nablangko ang utak niya. Hindi niya maintindihan ang nangyayari sa kanya. Nasaan na ang talas ng isipan niya? Sa ganitong sitwasyon ay nakakaisip agad siya ng witty remarks. Magaling siyang mangumbinsi ng mga tao dahil sa talas ng isipan niya. Nang mga oras na iyon ay lumipad na sa bintana ang anumang natitira sa utak niya.
Tumutok ang mata ng binata sa labi niya. Nahigit niya ang hininga. Parang may kakaibang kuryente na dumadaloy mula sa mata nito patungo sa labi niya. Humaplos ang mata nito sa labi niya. She felt hot all over. Hindi naman siya nito hinahawakan pero pakiramdam niya ay hinaplos siya nito. Pakiramdam niya ay gusto siya nitong halikan.
May ibang lalaki na sinosopla agad niya oras na maramdaman niya ang intensiyon. Walang nakakalapit sa kanya ng ganito. She was never romantically involved with any man. Not with a client. Not with a colleague. Not with anybody. At hindi niya sisimulan kay Liam Aramis – hindi sa arogante, antipatiko at… kung makatitig ay nakakatunaw na lalaking ito.
Pero bakit hindi magawa ni Cattleya na itulak ito palayo? Bakit parang gusto niyang lumapit pa ito sa kanya hanggang dumampi ang labi nito sa kanya. Gusto niyang maramdaman ang halik nito. As if it was something she had been waiting for a long, long time.
“Heto na pala ang banana cake mo, Liam. Baka gutom ka na,” sabi ni Eleonor at lumabas ng porch na dala ang tray na may lamang cake at juice.
Umigtad palayo sina Cattleya at Liam sa isa’t isa na parang tinamaan sila ng kidlat. Bigla siyang tumalikod at hinamig ang sarili. Habol niya ang hininga niya. Saka niya natuklasang kanina pa pala niya pinipigilan ang paghinga niya. Kung hindi siguro dumating si Eleonor ay baka ano nang nangyari sa kanila ni Liam. And she could feel her control slipping any moment.
Narinig niya ang paglapit ni Liam kay Eleonor at kinuha ang tray sa ina. “Nanay, sana po tinawag ninyo ako para hindi na kayo nagbitbit.”
“Hoy, Liam! Hindi pa ako matanda. Saka gusto kong pagsilbihan si Cattleya. Wala pa daw siyang boyfriend,” anang babae sa nanunuksong boses.
Matiim ang anyo nito at nakatuon ang tingin sa slice ng cake na nakahain dito. “Ma, bakit konti lang ang akin?” angal ni Liam. Mabuti na lang sa cake nakatuon ang atensiyon nito at hindi sa kanya.
“Dahil hindi ka pwede sa masyadong matatamis. Kailangan mo ng mas matinding disiplina lalo na’t pupunta ka na sa Pilipinas,” nanlalaki ang matang sabi ni Eleonor at saka bumaling sa kanya. “Ikaw na ang bahalang magbantay sa anak ko. Minsan kasi nasosobrahan siya sa matamis at minsan din matigas ang ulo sa pitch. Walang pakialam kahit ma-injured siya. Bisyo lang naman niya kape.”
Ngumiti siya kay Eleonor habang nagbibilin ito. Tango lang siya ng tango. Magaan ang loob niya sa nanay ni Liam. Naaalala kasi niya ang nanay niya na maalalahanin din.
“Nay, I don’t want to promise you anything. Wala akong planong umalis ng Germany,” magkasalubong ang kilay na wika ni Liam.
Nahigit ni Eleonor ng hininga. “Pero nandito na ang pagkakataon mo. Alam mo naman na noon ko pa gustong bumalik sa Pilipinas. Kami ng papa mo.”
Napipilan siya. Di niya inaasahang tahasang sasabihin iyon ni Liam sa harap ng nanay nito. She thought they would at least discuss things in private. Pero mukhang gustong ipakita ni Liam na hindi talaga ito interesado.
“I am sorry, Ma,” wika ni Liam at iniwas ang tingin.
“Pero si Miss Bautista…Sayang naman ang ipinunta niya dito.”
“Hindi sa lahat ng pagkakataon ay matutupad ang lahat ng gusto niya. I am sure she understands that.” At binigyan siya ng nagbababalang-tingin na huwag itong kontrahin. Pagdating sa isyu tungkol kay Liam at sa nanay nito ay di siya maaring makialam.
Lumipad ang tingin nito kay Liam. “Liam, ipasyal mo si Cattleya. Maraming magagandang lugar dito sa Hamburg. Gusto ko na mag-enjoy siya habang nandito siya.”
“Mama!” tutol agad ni Liam.
“Hindi na po kailangan, Tita. Ayoko na pong mang-abala pa,” maagap niyang sabi. Kaya naman niyang ipasyal ang sarili sa Hamburg. Di niya kailangan ng masungit na tourist guide.
“Hindi. Ipapasyal ka ni Liam kung ayaw niyang magalit kami ng tatay niya sa kanya. That is the least he can do. Who knows? Baka makumbinsi mo siya na pumirna na sa El Mundo,” wika ni Eleoor at kumindat.
“Nanay!” angal ni Liam.
Pinanlakihan nito ng mata ni Liam. “Ipapasyal mo siya. Narinig mo?”
Bumagsak ang balikat ni Liam. “Opo, Nanay.”

Bình Luận Sách (16)

  • avatar
    MangulabnanBles

    thanks

    24/07

      0
  • avatar
    KakaRikado

    ooh

    18/07

      0
  • avatar
    danishshazrul

    good

    29/06

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất