logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 01

Iniligpit ko na ang mga gamit ko bago inilagay ang lahat ng iyon sa loob ng aking school bag. Katatapos lang ng last subject at excited na akong umuwi.
"Eri may kasabay ka sa pag-uwi?" tanong sa akin ni Cecil nang makita niya akong papalabas na ng room.
Tumango naman ako bago tuluyang lumabas ng room. I went to the nearest mushroom shed to wait for my bestfriend. Mamaya pa kasi ang tapos ng last class nila kaya kapag ganoon ay dito ko na siya hinihintay.
Napatingin ako sa tabi ko nang may umupo doon. Si Cecil lang pala.
"Sinong hinihintay mo?" nakangiting tanong niya sa akin.
I looked at her bago ko binuksan ang bag ko at kinuha doon ang isang teen book.
"Si Lonzo," sabi ko sabay buklat ng pahina kung saan may nakalagay na bookmark.
"Ahh, pwede pasabay?" aniya and she even pouted in front of me which I find so uncute.
Tumango na lang ako at hindi na umimik pa. As much as possible, I don't wanna make friends, kapag sa umpisa pa lang ay alam kong pagkakaibigan o iba pang bagay ang pakay ng isang tao sa akin ay mas pipiliin kong hindi makipag-interact sa kaniya ng matagal.
I'm not an introvert pero hindi rin naman ako extrovert. Tama lang. Ambivert kumbaga.
While reading, I heard a rustle sound so that's why I looked at Cecil—only to find out that she's eating junk foods. Mukhang hindi pa niya yata nakita ang matalim na titig ko sa kaniya dahil hindi naman siya nakatingin sa akin kaya hinayaan ko lang.
I can't focus on what I'm reading when I'm hearing rustle and crackling sound. Even with music, pwera na lang kung may nabasa akong parte ng libro na may kinanta yung bida, then I'll play the music while reading that part.
I closed the book as I heard the bell—tanda na tapos na ang klase ng mga graduating highschool student.
Inayos ko pa ang lagay ng bookmark dahil baka mawala iyon sa pahina at malimutan ko ang chapter na binabasa ko.
I smiled as I saw Alonzo running to me. His arms are wide open—sign as he wants hug from me kaya hinintay ko muna siyang makalapit sa akin before I hugged him tight. Hindi naman labag sa loob ko ang panghihingi niya palagi ng yakap, halik sa noo, o baon ko imbes ay natutuwa ako kapag ginagawa niya iyon—hindi niya kasi alam na may gusto na ako sa kaniya.
I don't care about the surroundings as I hugged him. I really, really like this man. Hindi siya yung tipo ko pero sa kaniya ako nagka-gusto. We are childhood bestfriend. Nagkakilala lang kami dahil palagi siyang kasama ng kaniyang ama sa pagbibigay ng tulong sa mga taga Quezon.
Isang politiko ang kaniyang ama at kasalukuyang nanunungkulan sa probinsyang aming kinalakihan kaya ganito rin kami kalapit sa isa't isa.
"Ang daya, next year ay hindi na tayo magkaparehas ng school" nagtatampong wika ni Lonzo nang magkalas kami sa yakap.
Pangiti-ngiti lang ako kapag kaharap siya pero parang pinapatay na ako sa loob ng katawan ko sa sobrang kaba.
"Ayaw mo nun? Wala ng mangungulit sayo kahit nasa klase ka pa. Walang manghihiram sayo ng mga school supplies kahit on going yung class nyo. Walang mang-aabala ng klase nyo para lang manghingi ng baon dahil lang sa nalimutan ko ang sarili kong baon..." makahulugang wika ko.
Ginulo niya ang buhok ko at tumawa ng mahina. Even his laugh is so sexy!
"Mas gusto ko nga iyon kaysa sa walang nangungulit sa akin" wika pa niya.
"Ah pwede na ba tayong umalis?" Cecil interrupted us.
Epal.
"Sino sya?" mahinang bulong sa akin ni Lonzo ngunit wala rin naman iyong epekto dahil narinig na rin naman siya ng epal na Cecil na 'to.
"I'm Cecil Bendito, kaklase ako ni Erysia" aniya at inilahad ang kaniyang kamay.
Tinanggap naman iyon ni Lonzo kaya halos mapa-irap na lang ako habang pinapanood ang pagpapakilala nila sa isa't isa.
Isinukbit ko na ang bag ko bago tumalikod at naunang maglakad. Akala ko ay mapapansin ni Lonzo na nagtatampo ako pero nasa likod ko lang silang dalawa at nakasunod sa akin, hindi pa rin tapos ang kanilang usapan.
"So graduating ka na pala 'no? Grabe last year mo na rito tapos ay mawawalan na ng trainor ang mga trainee sa badminton!" mahabang putak ni Cecil.
"Oo eh pero ayos lang. May tiwala naman akong kaya na nilang laruin ang badminton nang walang nagtuturo sa kanila. Madali lang naman iyon, mas mahirap pa nga ang volleyball dahil masakit sa kamay" ani Lonzo.
Dahil nasa likod ko sila ay hindi ko makita kung naka-holding hands na ba sila o baka naghahalikan na.
Binilisan ko ang lakad ko at kapag tinamaan ka nga naman ng kamalasan ay natapilok pa ako dahil sa bato.
"Eri!" sigaw ni Lonzo bago nagmamadaling lumapit sa akin at tinulungan akong makatayo.
Hindi naman malayo ang pwesto ni Cecil kaya narinig ko pa ang bulong niya. Nanlalabo lang ang paningin ko pero hindi ang pandinig ko.
"Paawa lagi kay Lonzo, hindi naman maganda!" bulong ni Cecil.
Nagpalpitate ang tenga ko sa narinig pero ipinagsa-walang kibo ko na lang ang aking narinig.
Kung kanina'y nanlalabo ang paningin ko, ngayon naman ay nagdidilim. Mabuti na lang at wala akong nakikitang matulis o matalas na panaksak sa paligid ko, dahil kung nagkataong mayroon ay baka may bangkay na rito.
Bwisit na Cecil 'to, hindi pa ipinalaglag ng nanay niya nang wala akong konsumisyon sa buhay. Bukod sa math problems ay mukhang isa rin siya sa mga kailangan kong intindihin.
"Bitawan mo nga ako," pagalit na wika ko kay Lonzo nang makatayo ako.
Para naman akong pilay kung matulungan niya ako sa pagtayo.
Nang makatayo ako ng maayos ay inalis ko muna ang mga dumi na kumapit sa palda ko bago kumaripas ng takbo pauwi. Hindi ko na hinintay si Lonzo dahil naiinis ako. Naiinis ako sa hindi ko malamang dahilan.
Bwisit na Cecil iyon, dapat pala ay hindi ko siya hinayaang maka-sabay sa amin sa pag-uwi. Bwisit siya sa buhay ko.
Pagpasok ko sa bahay ay si Eliana ang bumungad sa akin. Nag-aaral siya nang mapansin niya ako. Kumunot ang kaniyang noo at bahagyang sumilip sa likuran ko.
"Ate bakit hindi mo yata kasabay si Kuya Lonzo?" she even pouted when she said that.
"May ka-date kasi ang Kuya Lonzo mo kaya nauna na ako" I said.
"Ate nagseselos ka ba?" tanong niya pa.
"Ano? Hindi ah!" agap ko.
Tumango-tango naman ang kapatid ko na animo'y kumbinsido sa sinabi ko. Pansin kong wala yata sina Mama at Papa rito. Siguro ay may pinuntahan ang mga iyon.
Lumabas mula sa kusina si Kuya Elias at may dalang meryenda. Ang aga naman yata niyang nakauwi?
"Kuya ang aga mo ngayon ah?" wika ko.
"Hindi ako pumasok, Eri" aniya at inialok sa akin ang tinapay na dala niya.
Kumuha ako ng isang piraso bago pinalamanan iyon. Napangiwi ako nang makitang walang ibang palaman kung di iyong liver spread na paborito nilang lahat. Ako lang kasi ang hindi nagpapalaman ng liver spread dahil hindi ko gusto ang lasa niyon.
"Bakit hindi ka pumasok kuya? Sayang ang oras para sayo, hindi ba't STEM ang strand na kinuha mo?" sabi ko habang inaalis ang tabi ng tinapay.
"Oo, gusto ko man pumasok, hindi ko iyon magagawa dahil nanganak si Mama. Walang maghahatid at magsusundo kay Eli kaya lumiban na lang ako" ani Kuya.
Naipatak ko tuloy ang tinapay ng wala sa oras. Naipanganak na pala ni Mama ang baby brother namin. Alam kong hindi pa niya due date ngayon kaya biglaan pero bakit naman ngayon ko lang nalaman. Ako sana ang lumiban sa klase para bantayan si Eli. Sayang kasi ang oras ni Kuya, mas higit niyang kailangan ang oras niya sa pag-aaral kaysa sa akin na third year highschool pa lang. Wala naman din naidulot ang pagpasok ko sa eskwelahan ngayong araw kung di sama ng loob. Hindi man lang din ako sinundan ni Lonzo rito, wala na sigurong pakialam kahit nagtatampo ako.
"Alam mo na ba kuya kung anong pangalan ng baby brother natin?" tumango siya bago kinuha ang cellphone at may tiningnan roon.
"Eljay Cabrera," aniya bago muling ibinalik ang telepono sa kaniyang bulsa.
"Bakit mahilig sina Mama at Papa sa 'E'?" ani Eli at huminto sa pagsusulat.
"Kasi lahat naman tayo ay nagsisimula ang pangalan sa letter 'E'. Alam mo naman ang mga magulang sa panahong ito, mahilig sa tambalan at first letter ng mga pangalan nila" wika ko sabay kagat sa bagong tinapay na kinuha ko. Pinulot ko na rin ang nalaglag na tinapay bago ipinakain sa ligaw na aso.
Hindi naman namin alam kung saan galing ang asong ito pero hindi na ito umalis sa amin, kaya nga pinangalanan na namin siyang 'Hachiko'.
Inilapag lang ni Kuya ang meryenda sa lamesa bago pumasok ng kusina para siguro magluto. Ang sabi niya kasi ay uuwi na rin daw sina Mama at Papa mamaya.
Umupo ako sa silya namin at binuksan ang tv. Hindi pa rin ako nakakapagbihis dahil nagmemeryenda pa ako nang biglang may kumatok sa pinto namin na siya namang pinagbuksan ni Eli.
"Oh Kuya Lonzo, tamang tama ang dating mo at nagmemeryenda kami!" nakangiting wika ni Eli.
Nang magtagpo ang aming paningin ay umirap lang ako at ibinaling ang atensyon ko sa tv. Nakasuot pa rin siya ng uniform at hindi pa rin siguro nakakauwi sa kanila. Mukhang na-enjoy niya talaga ang date nila ng Cecil na iyon! Sa susunod ay hindi na ako sasabay sa kanila, hahayaan ko silang mag-date hanggang sa mag-sawa sila sa pagmumukha ng isa't-isa.
Naramdaman ko ang pag-upo niya sa tabi ko pero wala akong pakialam. Hindi ko na nga naiintindihan ang pinapanood ko pero mas pipiliin kong huwag siyang tingnan.
"Galit ka ba sakin?" bulong niya sabay kulbit sa akin.
I didn't talk or do anything. Bahala siyang mag-sawa sa pangungulit sa akin.
"Eri galit ka ba?" tanong pa niya at muli na naman akong kinulbit.
"Hindi ako galit," I lied.
"Then look at me... please?" aniya.
I sighed and looked at him. Kahit papaano ay hindi ko rin matiis ang lalaking 'to.
Nang lumingon ako sa kaniya ay bahagyang nanunubig ang kaniyang mga mata. We are just silently staring at each other nang biglang tumulo ang luha sa kaniyang mga mata. Agad niyang pinahid iyon ng mabilis at nag-iwas ng tingin sa akin.
"Bakit ka umiiyak?" tanong ko habang pilit na hinuhuli ang kaniyang tingin.
Hindi siya umimik. Panay ang iwas niya ng tingin at panay rin ang paghuli ko sa tingin niya. Bahagya rin namula ang kaniyang tainga at tila nahiya sa akin.
"Look at me," sabi ko at agad naman siyang tumingin sa akin, ngunit naglulumikot ang kaniyang mata—hindi alam kung saang parte ng mukha ko titingin.
"Bakit ka umiyak?" muling tanong ko.
Bumaba ang tingin niya sa labi ko at nakita ko ang pasimpleng paglunok niya bago ibinalik ang atensyon sa aking mga mata.
"Akala ko kasi galit ka sakin eh!" aniya at nakitaan ko na naman ng panunubig ang kaniyang mga mata.
I smiled and hugged him unconsciously. Gusto ko siyang hampasin sa likod niya dahil mas lalo niya akong pinapasaya. Lahat ng inis at galit ko sa kaniya na inipon kanina ay lahat iyon nawala.
"Wala na 'to, di na ako makaahon sayo..." narinig kong bulong niya habang nakayakap sa akin.
©ash

Bình Luận Sách (29)

  • avatar
    UngosSantina

    vcfgyjjbfhmmkk

    27d

      0
  • avatar
    Raffy Esperanza

    lupit

    15/08

      0
  • avatar
    SilaganHeinz

    ala wabalo patotoya

    23/07

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất