logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 43

Venedict.
Kanina ko pa naiisip, kung isang specialist ang nanay ni Serafina, specialist na pala ang babaeng 'yon kahit hindi siya binigyan ng kapangyarihan ni Alisis. Ang nakaka-ironic no'n, ayaw niyang magkaroon ng kapangyarihan dahil ayaw na ayaw niya pero may dugong specialist na pala siya.
"Anong iniisip mo, Venedict?" Napatingin ako kay Wyeth na nasa tabi ko at parang alalang-alala siyang nakatingin sa akin.
"Wala naman, kaya huwag ka ng mag-alala diyan." Turan ko sa kaniya at napansin ko pa ang pagbuntong-hininga niya.
Nakita namin si Laura kanina na naglalakad-lakad sa buong kastilyo, kahit nakasuot 'yon ng itim na roba ay hindi mo maaalis na isa talaga siyang puting bampira. Hindi man sabihin ng mga prinsipe, binabantayan parin nila ang kinikilos ni Laura na baka makagawa siya ng kakaiba. Pero nalulungkot ako para sa kaniya, halata kasing inlove na inlove talaga siya kay Xyron pero parang walang nararamdaman si Xyron sa kaniya.
Xyron is a cold vampire, hindi siya palangiti at hindi siya nagpapakita ng ekspresiyon. I wonder kung bakit? Kasi sa pagkakaalam ko, lahat ng mga cold ay may pinagdaanan na no'n. Kaya nasisigurado akong may pinagdaanan si Xyron kaya ganiyan siya ka-cold.
"Kailangan na nating maghanda, Venedict. Susugod na tayo sa kastilyo ng mga puting bampira para iligtas ang asawa ng ina ng kaibigan mo." Sabi niya kaya napatango nalang ako.
Ewan ko pero hindi parin ako mapakali, hindi parin ako mapakali dahil sa naging mate niya noon. Isang specialist, babaeng specialist at hindi ko maintindihan kung bakit hindi sila nagkatuluyan. Kakayahan ni Wyeth na i-mate ang dalawang bampira at kaya niya ring ipawalang-bisa ang bond ng dalawa. Ano kayang nangyari sa kanila?
Napakarami ko paring tanong na hindi pa nasasagot, kailangan ko na ba siyang tanungin? What if ayaw niyang pag-usapan? What if ayaw niya ng balikan ang nakaraan? Pero alam ko namang walang mawawala sa akin kung magtatanong ako diba? Wala nga ba?
"Paano nga pala nabuksan ang mga pinto ng bawat mundo, Wyeth?" Tanong ko nalang sa kaniya kaya napansin ko ang pag-seryoso ng mga mata niya.
"Ewan ko pero dahil 'yon sa mga Diyos. Alam kong may Diyos ng pagkabuhay at pagkamatay, Diyos ng pagkasira at pagkaayos at Diyos ng oras. Sila lang naman ang may kayang gawin ang lahat, pero sa pagpunta ko sa Avalon ay nakita ko kung paano naging bato ang isa sa mga Diyos na nabanggit ko." Sagot niya na kahit hindi ko masiyadong maintindihan pero tumango nalang ako.
"Ang Diyos ng oras, pinaglaruan nila ang oras kaya mas lalong bumukas ang mga pinto ng bawat mundo. Bumalik ang mga nilalang na hindi naman dapat nasa oras natin ngayon." Dagdag pa niya.
Siguro pagbalik ko sa Avalon, kailangan kong sabihin sa kanila na ang mga Diyos na binanggit ni Wyeth ay siyang dapat hanapin para hindi na mabuksan ang bawat mundo.
Pero nang dahil sa mga pinto na 'yon ay nakilala ko si Wyeth, nakilala ko ang lalaking nagpatibok ng puso ko.
Hayst kaloka! Alam kong hindi ako babae at paulit-ulit na sumasagi sa isip ko na huwag ako masiyadong choosy o maarte baka kasi hiwalayan ako at ipawalang-bisa niya ang bond naming dalawa. Pero may tiwala naman ako kay Wyeth kaya alam kong hindi niya gagawin ang mga naiisip ko.
"Venedict, hindi rin naman ang Avalon ang nangangailangan ng tulong ng kaibigan mo. At may mga sikreto pa na dapat mong malaman na hindi ang mga nasa paligid mo dapat magsabi sa inyo." Bigla naman kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Sikreto? Na dapat ako lang ang makaalam?
"A-Anong pinagsasabi mo Wyeth? May nalalaman ka ba na hindi namin nalalaman ni Alisis?" Tanong ko sa kaniya pero bigla nalang siya umiwas ng tingin sa akin at para narinig ko siyang napamura. May tinatago nga siya sa akin, may kakaibang nangyayari sa kaniya.
"Wyeth, magsabi ka sa akin ng totoo. Huwag mong itago ang nalalaman mo, baka makatulong 'yan para bumalik ang lahat sa dati. Hindi lang naman ang Avalon ang nangangailangan ng tulong diba? Paano kapag nalaman ko ang sikreto na sinasabi mo? Matutulungan ba nito ang buong Verdugal?" Turan ko sa kaniya at napatango nalang siya.
"Sasabihin ko sa'yo lahat Venedict sa tamang panahon. Hindi lang kayo ang may mali, pati ang nasa paligid niyo na nakasanayan niyo ay nagsisinungaling din. May itinatago ding sikreto." Turan niya kaya kaagad akong kinabahan dahil sa tinuran niya, napakaseryoso niyang tignan at sa mga tingin niyang kakaiba ay agad akong natakot.
"Kailan ba ang tamang panahon na sinasabi mo, Wyeth?" Tanong ko sa kaniya, pinilit ko ang sarili ko na hindi mautal para hindi niya maramdaman ang takot na nararamdaman ko ngayon.
Mga sikreto, kapaligiran na nakasanayan, lahat hindi ko maitugma pero kapag sinabi na sa akin ang lahat ni Wyeth ay malalaman ko na ang lahat. Kailangan ko siyang pilitin, baka makatulong ang sasabihin niya para maibalik ang Avalon sa dati at mailigtas ang pamilya ni Alisis—pati ang akin.
"Pagkatapos ng labanan, sasabihin ko sa'yo ang lahat at kapag nalaman mo ang lahat, sasama ako sa'yo pabalik sa Avalon." Nagulat ako sa sinabi niya.
Sasama siya sa akin sa Avalon? Pero paano ang mundo nila? Hindi puwedeng iwan nalang niya ang kaniyang kastilyo dahil siya ang isusunod na hari! Ako ang magiging dahilan kung mawawalan ng matapang at magaling na hari ang mga itim na bampira.
"Hindi ka puwedeng sumama, paano na ang kaharian niyo? Ikaw ang sunod na hihiranging hari." Turan ko sa kaniya na may lungkot sa pananalita ko. Nakita ko siyang nagulat pero kaagad 'yong napalitan ng seryosong ekspresiyon.
"Tama ka, hindi ko nga pala dapat iwan ang kastilyo. Pero kailangan mo ako!" Nabigla ako sa biglaan niyang pagsigaw.
"Pero mas kailangan ka nila dito!" Sigaw ko pabalik.
"Hindi naman kita ipagpapalit kong 'yan ang nasa isip mo, ayoko ng basahin pa lahat ng nasa isip mo dahil basang-basa ko na sa emosyon na ipinapakita mo. Wyeth, mahal kita pero mas kailangan ka dito ng pamilya mo. Kapag maayos na ang lahat dito, ang akin naman ang isosolbar ko. Babalik ako dito kapag naayos na ang lahat, magmamahalan pa tayo." Dagdag ko pang sabi sa kaniya at wala siyang ibang nagawa kundi mapabuntong-hininga nalang. Wala siyang magagawa, kailangan siya dito, kailangan siya ng pamilya niya at kailangan siya ng buong Verdugal.
"Huwag kayong mag-away, hindi maganda 'yan sa inyong dalawa." Napalingon kami sa harapan at bumungad kaagad sa amin ang maamong mukha ni Seyenee.
Bigla nalang nawala ang takot at kaba ko dahil sa presensiya niya. Nawala ang mga pag-aalala ko dahil sa mga ngiti niya at para akong huminahon dahil sa maamo at inosente niyang mukha. Napatingin ako kay Wyeth at gano'n din siya sa akin, bahagya pa akong yumuko dahil sa init na nararamdaman ko ngayon.
"Seyenee, huwag mo ng gamitin 'yang abilidad mo sa amin. May pinag-uusapan kaming importante kaya huwag kang mag-alala, hindi kami nag-aaway." Napatingin ako kay Wyeth sa sinabi niya at ibinaling ko kay Seyenee ang mga tingin ko. Ngumiti pa siya sa akin ng matamis pero mapapansin mo ang hiya sa ikinikilos niya.
"Venny, kakayahan kong baguhin ang nararamdaman ng mga nilalang. At tiyaka pasensiya na kung nakaabala ako, nagsisigawan kasi kayo kaya lumapit na ako sa kwarto niyo na hindi naman nakasirado." Pagpapaumanhin niya kaya nginitian ko nalang siya, bagay na bagay din sa kaniya ang kakayahan niyang pabaguhin ang nararamdaman ng mga nilalang. Kaya pala agad gumaan pakiramdam ko pagkapasok pa lang niya sa kwarto.
"Sige lalabas na ako, huwag na kayong magsigawan at baka mapagkamalan kayo. At tiyaka, uso din kasi ang mag-lock ng pinto." Ngiti niyang sabi sa amin kaya napahagikhik nalang ako, may pagka-pilya din pala itong si Seyenee.
"Napaka-inosente talaga ng babaeng 'yon, parang hindi nakakabasag ng mga plato, parang hindi nadadapa." Turan ko at napatingin kay Wyeth. Agad naman akong kinabahan dahil sa ekspresiyon niyang napakaseryo.
"B-Bakit?" Utal kong tanong pero wala siyang sagot. Unti-unting lumalapit ang mukha niya kaya mas lalo akong nataranta dahil sa mapanuri niyang mga tingin. Kaloka siya! Bakit ganito siya ka-hot sa paningin ko? Kahit gusto ko mang araling kung paano maging pormal magsalita pero jusko! Bumabalik ang pagiging asal-tao ko dahil sa ginagawa niyang nagpapabuhay ng mga hormones ko!
"Mahal kita, Venedict. Tandaan mo 'yan." Bago pa ako makasagot ay kaagad niya ng sinakop ang mga labi ko na siyang ikinagulat ko. Napapikit nalang ako to feel the moment.
The way his lips moving, its fucking hell! Mapapamura ka nalang talaga sa sarap ng sensasiyon na ibinibigay ng mga labi niyang mainit. Parang may gustong pumasok sa bunganga ko kaya bahagya ko pa 'yon nginanga at nagulat nalang ako dahil dila niya na pala ang gustong mag-explore sa loob. Gosh! Parang nagpa-cleaning ata ako dahil sa libot na libot ng dila niya ang nasa loob. Bawat detalye, bawat galaw at bawat pagdikit ng dila niya sa loob ay mas lalo akong nakakaramdam ng init sa katawan.
Handa na sana akong hubarin ang roba niya nang may naramdaman kaming presensiya kaya agad kaming napahiwalay at napatingin sa pintuan. Seryoso lang siyang nakatingin sa amin kaya agad akong napayuko dahil sa hiya.
"Istorbo talaga kayong mag-asawa, Wilvam. Sinasadya niyo bang pumasok dito na hindi kumakatok?" Dinig kong sabi ni Wyeth at rinig na rinig ko ang frustration sa pagkakasabi niya no'n. Hayst nakakahiya tuloy! Nakita pa kami ni Wilvam!
"Para sabihin ko sa'yo brotha, walang maikakatok sa pintong nakabukas. At anong iyong sinabi? Istorbo kami ng aking asawa? Bakit, galing ba siya dito? Kanina ko pa kasi siya hinahanap eh." Turan niya at napanganga nalang ako dahil sa haba ng sinabi niya, hindi kasi ako sanay na palasalita ang lalaking 'yan.
"Wilvam, hindi mo ako maloloko. Umalis ka na nga! Pakisarado ng pintuan!" Sigaw sa kaniya ni Wyeth.
"Mamaya niyo na iyan tapusin brotha, kailangan nating magpulong para sa planong paglusob sa mga puting bampira. Hinahanap na kayo ni Amang Hari, siguro iyon din ang sasabihin sana ng aking asawa pero ganito ata na sitwasiyon kayo niya naabutan kaya hindi niya na nabanggit." Agad akong napatingin kay Wilvam dahil sa sinabi niyang pagpupulong.
"Sige susunod kami." Turan ni Wyeth at wala ng nagawa si Wilvam at umalis na.
"Hayst, minsan naiisip ko kung ano ang nakain no'n at bigla-bigla nalang naging palasalita. Nagiging Walace na din ang ugali niya." Pagkasabi niya no'n ay hindi na ako sumagot pa at kaagad ko na siyang hinila dahil baka mainip ang mga nando'n. Expected si Wyeth dahil siya ang susunod na hari.
Sa paghila ko sa kaniya ay kaagad kaming nakarating sa isang silid para sa pagpupulong. Kasing-laki din 'to ng dining hall nila kaya nakakamangha din ang laki. May chandelier din katulad ng nasa dining hall, pero kakaiba lang ang lamesa na nasa gitna mismo. Isang bilugan at gawa sa diyamante ang kabuuan nito, walang ibang gamit sa silid na ito kundi ang lamesang bilugan na gawa sa diyamante at mga mamahaling upuan nito na gawa sa ginto at ang chandelier na nasa itaas na nagbibigay liwanag sa buong silid.
Napatingin sa amin ang Inang Reyna at Amang Hari na nakangiti kaya napangiti nalang din ako ng matamis. Nadako ang tingin ko kay Walace at kay Wilvam na ngisi kaming tinitignan gano'n din ang mga asawa nila. Agad kaming umupo sa magkatabing bakanteng upuan.
"Hindi na dapat tayo magtagal sa pagpupulong na ito dahil marami pa kaming gagawing paghahanda." Pagsisimula ng Amang Hari.
Nilibot ko ang mga mata ko pero hindi ko nakita ang ina ni Serafina. Siguro hindi na siya pinasali sa pagpupulong na ito para wala na siyang ipag-alala pa. Kahit ako ay nag-aalala sa asawa niya, gustong-gusto pa naman silang hanapin ni Serafina. Pero siguro may ginagawa pa silang misyon ni Alisis sa Avalon. I miss them so much!
"Lulusob tayo bukas! Bukas na bukas at hindi nila dapat mamalayan na nando'n tayo sa kanilang teritoryo. Kikilos tayo na hindi nila nalalaman, diyan tayo magiging lamang." Segunda naman ng Inang Reyna.
"Hindi lang ang asawa ng specialist na hawak natin ang dapat nating tulungan. Kukunin din natin sa kanila ang kaibigan kong matagal na nilang ikinulong sa kanilang selda." Sa sinabing 'yon ni Amang Hari ay agad napasinghap ang Inang Reyna at napatingin sa kaniya na may gulat sa mga mata. Parang walang alam ang Inang Reyna sa sinabi ng kaniyang asawa na kahit mga kapatid ni Wyeth ay wala ding kaalam-alam.
Si Wyeth lang ata ang sinabihan, kami lang ni Wyeth ang nakakaalam sa kanilang lahat.
"Huwag mong sabihin Wedwell na ang kaibigan na sinasa—"
"Oo aking reyna, ang matagal ko ng kaibigan galing sa Avalon na matagal na ring nakakulong sa selda ng mga puting bampira." Pagputol sa kaniya ng Amang Hari kaya napatango nalang ang Inang Reyna.
"Ano ang kaniyang pangalan, Amang Hari? Anong klaseng specialist ba ang iyong kaibigan?" Tanong ni Walace kaya sa kaniya na-focus ang tingin ng Amang Hari.
"Hindi siya basta-bastang specialist mga prinsipe kong anak, isa siyang Titan God. Mas malakas pa sa ordinaryong Diyos..." Turan nito at hinihintay namin ang susunod na kaniyang sasabihin.
"Ang kaniyang ngalan ay Dracunox, The Titan God of Life."

Bình Luận Sách (147)

  • avatar
    Meizaa

    Grabe pinahanga mo talaga ako ng sobra author yung sa akala ko lang sa hidden goddess ako mapapahanga hindi pala ito din pala ang mag papahanga sakin galing mo talaga sobra author 😊🫶

    1d

      0
  • avatar
    santiasFernando

    nakakapulot ng aral at my matutunn

    10d

      0
  • avatar
    ReyesAngelica Sacyan

    Wow 😍😍😍😍

    19d

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất