logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chương 2 Ang Mag-asawang Santos

Habang nasa himpilan ng pulisya tinanong ni Aurora kung bakit napawalay si Mimi sa kanya. “Sumama ako sa Prusisyon ng Itim na Nazareno kahapon pinahawak ko sa aking asawa si Mimi ngunit nabitawan niya ang kamay ni Mimi kaya napahiwalay siya sa amin!”. Pinagsabihan ng pulis si Ginang Dona na hindi dapat nagdadala ng bata sa pista ng Nazareno dahil maaari itong madamay sa tulakan o di kaya'y mawala, Lumipas ang ilang minuto ay dumating ang asawa ni Dona si William Santos agad nitong niyakap ang anak. Nagpasalamat ang mag-sawa sa pagkakabalik ng kanilang anak nais sanang bigyan ng pabuya si Aurora ngunit tumanggi ito sa kanila.
“Pasenya na po dahil hindi ako tumatanggap ng pabuya!” tanggi niya sa mag-asawa.
“kailangan ko na pong umalis hinihintay na ako ng aking mga kasama!” wika nito na nagmamadali.
“Saglit lang ate Aurora! magpapaalam na sayo si Molly!” nangako ang dalawa na magkikitang muli. Sabay nagpaalam kay Mimi at sa magulang into.
Nang makarating sa kanto ng Quiapo agad nagpaliwanag sa mga kasamahan si Aurora kung bakit siya nagtagal at naintindihan nila ito, kinabukasan sa Quiapo nagbebenta muli ng sampaguita ang dalaga.
“Ginoo at Ginang bumili na po kayo ng mababangong sampaguita!!” sigaw nito habang nagtitinda.
Maya-maya’y may batang sumigaw.
“Ate Aurora!!..Ate Aurora!!..”
Masayang-masaya na nakitang muli ni Mimi ang dalaga.
“Mimi!? ano ginagawa mo dito?”
“Nagsisimba kami nila Ina at Itay dito” tinawag ni Mimi ang kanyang mga magulang at agad itong lumapit sa kanila “Aurora nandito ka pala?!” tanong ni Ginang Dona.
“Nagtitinda po ako ng mga sampaguita dito sa Quiapo kasama ng iba kong mga kababata!” sagot ni Aurora “Mukhang kanina ka pa dito halika sumama ka muna sa amin upang kumain ng tanghalian kung ayos lang sayo?” mungkahi ni Ginoong William.
Hindi nakatanggi si Aurora dahil pinilit na rin siya ni Mimi.
Pumunta ang apat sa Mamahaling restawran malapit sa Quiapo, hindi na nagtaka si Aurora sa mag-asawa dahil may kaya ito.
“Masyadong mamahalin sa kainang ito puwede naman po sa simpleng karinderya?!” tumawa na lamang ang mag-asawa.
“Kami na ang sasagot sa pagkain mo kaya pumili kana lang” wika ni William, pumili si Aurora ng simpleng pagkain ngunit ang gusto ni Mimi ay mamahalin. Nang maihatid ang pagkain ay nagtanong si Ginang Dona tungkol sa buhay nito at kinuwento niya ang buong pangyayari ng kanyang buhay hanggang sa kasalukuyan. Nalungkot ang mag-asawa sa pinagdaan ni Aurora.
“Patawad Aurora kung naitanong namin ang tungkol sa pagkamatay ng iyong Ama!” marahang salita ng Ginang.
“Huwag po kayong humingi ng paumanhin sa akin sinasabi ko lang ang totoo!” nagpasalamat si Aurora sa mag-asawa dahil ngayon lang ulit ito nakakain ng mamahaling pag-kain.
Naikuwento ng mag-asawa na nag-trabaho sila sa ibang bansa bilang hardinero at magsasaka sa isang mansyon sa Townsville, Australya. Pagkatapos kumain ay lumabas na sila sa restawran at nakita ito ni Kiko, upang hindi makita ay sumandal ito sa likod ng poste umaaktong walang nakikita at sumisilip sa kanila.
“Bakit kaya kasama ni ate Aurora yung mag-asawang iyon?”
“Maraming salamat sa inyo lalo sayo Mimi” sinabi niya ito habang nakangiti, Bago umalis ay binigay ni Ginoong William ang isang supot ng plastik na naglalaman ng sari-saring prutas at tinanggap ito ni Aurora dahil sa pagpapasalamat. Nagpaalam muli si Aurora sa mag asawa at kay Mimi.
Nang pauwi na ay sumalubong si Kiko “Ate Aurora saan ka galing?” tanong niyang umaaktong walang nalalaman “Dito lang naman nakausap ko ulit ang mag-asawa na nakilala ko lamang kahapon!” wika ng dalaga “Ganun ba?! E, anu yung hawak mong supot ng plastic?” tanong ni Kiko “Ito ba? mga prutas ito bigay ng mag-asawa at sa atin itong lahat!”
Maya-maya'y dumating na ang iba pang kasamahan nila upang magsipag-uwian.
Habang naglalakad palaisipan pa rin kay Kiko ang nakita niya hanggang sa makauwi sila sa ambandonadong bahay sa Intramuros, ilang taon silang namalagi dito nang simulang iwanan ng may-ari ang buong bahay.
“Kiko napansin kong tahimik ka simula umalis tayo sa simbahan may problema kaba??” tanong ni Juanita kay Kiko ngunit hindi ito kumibo.
“Mga kasama may dala akong maraming prutas sa inyong lahat!!” tuwang-tuwa ang mga bata sa dalang pasalubong ni Aurora.
Nang oras ng pagtulog, hindi parin mawala sa kanyan isip at hindi makatulog si Kiko dahil inaalala niya ang kanyang Ate Aurora.
Kinaumagahan pagkatapos ng almusal ay nagsisipaghanda ang lahat sa kani-kanilang mga gawain maghihiwalay ang dalawang grupong kabataan upang makabenta ng mas marami ang pangkat nila Kiko at Aurora ay nasa Quiapo, ang ikalawang grupo ng kabataan ay nasa Simbahan ng Intramuros. Sari-sari ang mga paninda sa Simbahan ng Quiapo, Mga Imahe at rebulto ng Santo niño at Itim na Nazareno, Mga halamang gamot para sa may karamdaman, Mga alahas, Krus, Kalendaryo, Sampaguita at iba pa.
“Kay dami talaga ng mga tao dito sa Quiapo!” ani ni Aurora “Oo nga!! Ate Aurora.. Ang iba ay dumadayo lang dito upang masilayan at mahawakan ang Itim na Nazareno!” sang-ayon ni Anne isang ulila din kagaya niya.
Matapos ang ilang oras ay nagpahinga sina Aurora at Anne sa isang parke malapit sa Simbahan. Maya-maya'y dumating nasi Kiko at ang iba pang kasamahan.
“Kiko mabuti dumating na kayo!” ani ni Anne “Kaunti lamang ang aming nabentang diyaryo ngayong araw” Naisip ng iba na hindi pa sapat ang kanilang kita ngayong araw upang matustusan ang kalinang pagkain mamayang gabi.
“Ate Aurora!! Ate Aurora!! Dito sa likod mo!”
“Mimi?! Ginoong William at Ginang Dona?! Ano po ang ginagawa niyo dito?” “Hinahanap ka namin Aurora!” ani ng Ginang. Nagtaka si Aurora sa mag-asawa “Aurora maaari kabang kausapin namin ng ilang minuto?!”, pumayag si Aurora nagpaalam ng sandali ito sa kanyang mga kasama.
Sinundan ito ni Kiko, Anne at Juanita nagtago sila sa likod ng malaking puno upang pakinggan ang kanilang usapan.
“Bakit niyo po ako gustong kausapin!?”
“Alam namin marami kang pinagdaanan sa buhay at utang namin sayo ang ginawang kabutihan para sa aming anak na si Mimi” hindi maintindihan ni Aurora ang mag-asawa.
“Aurora nais ka namin kunin at alagaan!” wika ni Ginoong William hindi makapagsalita ang dalaga sa kanyang narinig.
Sa kabilang banda ay nagulat sina Kiko, Anne at Juanita sa kanilang narinig.
"Tama ba ang aking narinig nais kunin ni Ginang Dona at Ginoong William si Ate Aurora?!’ sambit ni Juanita na gulat na gulat. Biglang umalis si Kiko at tumakbo ng mabilis “Kiko saan ka pupunta!? Huwag mo kaming iwanan!!” sigaw ni Anne.
“Pero bakit po ako?!”
“Nag-usap kami ni William kahapon at nagdesisyon kaming dalawa na ampunin ka Aurora! Diba nais mong makapag-aral muli?”
“Pero?” sagot nito na nalilito, hinawakan ni William si Aurora sa balikat.
“Aurora hindi lang gusto namin na makapag-aral ka kundi bilang maging anak namin! bibigyan ka namin ng panahon para mag desisyon! Kung sasama ka sa amin ay bukas ng dapit hapon ay magkita tayong muli rito sa tapat ng Simbahan!..” sabi ni Ginoong William hindi alam ng dalaga ang kanyang sasabihan.
“Pag-iisipan ko po ang inyong sinabi!”
Umalis si Aurora upang makapag-isip isip bumalik ito sa kanyang mga kasamahan ngunit pagdating doon ay wala na. “Nasaan sila nagpunta?” hinanap ni Aurora ang mga kasamahan sa loob at labas ng simbahan ang tanging ginawa niya'y umuwi na lamang sa Intramuros at nag baka sakaling nanduon ang kanyang mga kaibigan.
Sa abandonadong bahay.
“Sigurado ka Kiko sa desisyon mo?”
“Oo!! Anne sigurado na ako na kailangan nating hayaan si Aurora sa kanyang buhay! Hindi nababagay si Aurora sa mga batang kagaya natin!” wika ni Kiko habang umiiyak “Pero magiging malungkot ang lahat!” ani ni Juanita “Oo pati ako magiging malungkot sa pagkawala ni Aurora!!, pero tinuruan niya tayong maging matatag sa lahat ng pagsubok sa buhay! At oras na para siya naman ang sumaya!”
“Tama si Kiko maraming pagbabago sa ating buhay simula nang dumating si Ate Aurora!” sagot ni Anne habang umiiyak.
Nagkasundo ang lahat sa desisyong paglisan ni Aurora, kahit masakit sa kanilang damdamin ay tinanggap na lamang nila ito.
Maya-maya'y nakauwi na si Aurora “Mga kasama bakit niyo ako iniwan sa simbahan?” ngunit walang gustong sumagot sa kanyang mga tanong at ang lahat ay tahimik at nakatikom ang mga bibig.
Biglang umiyak si Anne at sumunod si Juanita.
“Anne at Juanita bakit kayo umiiyak sabihin niyo ang dahilan?!”
“Dahil ito na ang huling gabing makakasama ka namin Ate Aurora!” Nagtataka ang dalaga.
“Pero bakit??” tanong niya sa lahat “Alam namin na kukunin ka ng mag-asawang Santos! At sasama kana sa kanila!” sigaw ni Kiko habang umiiyak “Hindi ko kayo iiwan dahil kayo na ang naging pamilya ko sa loob ng limang taon!” wika ni Aurora “Oo kami ang naging pamilya mo sa limang taon!! Pero kailangan mo ng tunay na mag-aalaga sayo! iyon ang pamilyang Santos!!” sigaw ni Juanita habang umiiyak,”At higit sa lahat may mag-papatuloy nang iyong pangarap sa buhay at hindi kana mahihirapan pa!” sambit ni Kiko.
“Ate Aurora huwag mo kaming kalimutan lalo't ang ating pagsasamahan dahil ikaw ang nagturo sa amin sa tamang landas na kahit mahirap man may pangarap!!”
Maraming mga bata ang umiiyak at nagpapasalamat kay Aurora dahil sa kanyang kabutihang ginawa sa kanila, Ang dalaga naman ay nakatitig lamang sa mga matang umiiyak at hindi nagtagal ay bumuhos na rin ang kanyang luha. Matapos ang iyakan ay niyakap ni Kiko si Aurora at sumunod si Anne, Juanita at lahat ng mga batang tinulungan ni Aurora. “Maraming salamat sa inyo dahil kayo ang naging pamilya ko sa loob ng mahabang panahon! Marami akong utang na loob sa inyong lahat! Maraming salamat! Maraming salamat!...”
Naging malungkot ang gabi para sa mga bata dahil sa paglisan ni Aurora at mawawalan sila ng isang mabutihing miyembro, ngunit natakpan ang kanilang sakit at nadaramang lungkot sa puso dahil sa pinakita nitong kabutihan at asal para sa lahat.
Sumapit muli ang kinabukasan, naghahanda na ang lahat sa paglisan ng dalaga sa ambandonadong bahay ngunit bago ang lahat ay niyaya muna ni Aurora si Kiko at iba pang mga bata na magsimba muna bago siya umalis.
Ilang minuto lamang nakarating na ang lahat sa simbahan sa Quiapo at doon ay isa-isa silang pumasok at umupo sa mga upuan. Bata't matanda, mahirap o mayaman ay taimtim na nananalangin, doon ay matiwasay silang nag dasal ng tahimik “Panginoon huwag niyo po sanang pabayaan ang mga kaibigan ko dito dahil sila na ang aking naging pamilya sa haba ng panahon!! sana tama ang aking naging desisyon! Sana lagi mo akong gabayan patungo sa tamang landas at lalo na sa aking mga kaibigan!” panalangin ng dalaga habang nakaluhod, gayun din ang panalangin ng ibang mga bata para kay Aurora.
Sa kabilang banda ay naghihintay ang mag-asawa sa pagdating ng dalaga.
“Inay at Itay wala pa si Ate Aurora! Marahil ay hindi na siya darating ayaw niya sa atin!” sambit ng bata, “Naniniwala kami ng Itay mo na darating si Aurora” sambit ng Ginang na umaasa.
Lumipas ang isang Oras ay hindi nila namalayan na mag-gagabi pala.
“Sa tingin ko'y hindi na siya darating Dona! Nais nalang niyang makasama ang iba pang mga bata! Hali na kayo at pumasok na sa sasakyan!” mungkahi ni Ginoong William, ilang sandali ay natanaw ni Mimi ang anino ng dalaga.
“Saglit lang itay nakikita ko na si Ate Aurora!” tuwang tinig ng bata.
Dumating si Aurora sa pook ng kanilang usapan at hindi binigo ni Aurora ang kanilang kahilingan na kupkupin ito, hindi lang si Aurora ang pumunta sa pook na iyon kundi kasama niya ang mga bata na naging kaibigan at pamilya niya, sinamahan nila si Aurora upang makapagpaalam ng maayos.
"Ginoong William at Ginang Dona sila po pala ang mga batang naging pamilya ko at nakapag-isip na ako na sasama na ako sa inyo!”
“Natutuwa kami na Pumayag ka Aurora na kupkupin ka namin! at kamusta kayo mga bata kinalulugod naming makilala kayong lahat!” wika ng Ginang na masayang masaya sa mga bata hindi nagtagal ay kinausap sila nila Kiko, Anne at Juanita na huwag pababayaan si Aurora, at pinangako ng mag-asawa hinding-hindi nila pababayaan si Aurora.
Sa huling sandali ay niyakap ulit nila ang dalaga “Ate Aurora babalikan mo pa rin kami dito sa Quiapo!” sambit ni Juanita, niyakap muli ng mga bata ang dalaga sa huling sandali, sumakay na si Aurora sa sasakyan ng mga Santos nung una'y kinakabahan ang dalaga pero kalauna'y nawala rin.
Natutuwa naman si Mimi dahil mag kakaruon ulit siya ng kapatid, bago umalis
“Ate Aurora pangako mo sa amin na kapag nakapagtapos ka ng pag-aaral mo'y dadalawin mo kami at huwag mo kaming kakalimutan!!”
“Oo naman Kiko hinding-hindi ko kayo makakalimutan at kayo ang magiging inspirasyon ko sa buhay” ani ni Aurora sa kanila, nagyakapan ang lahat ng walang bahid ng luha sa kanilang mga mata.
Sumakay na si Aurora at ang pamilyang santos sa puting kotse, bago umalis ay binigyang ng dalawang supot ng plastik ang mga bata ng makakain at tuwang-tuwa ang mga ito. Nang umandar ang sasakyan ay binuksan ni Aurora ang binta upang masilayang muli ang kanyang mga kaibigan.
“Paalam Kiko! Paalam Anne! Paalam Juanita! Paalam sa inyong lahat hinding-hindi ko kayo malilimutan” sigaw ni Aurora habang nagpapaalam.
Masayang nagpaalam sa isa't-isa ang lahat, hanggang sa makaalis na sila sa simbahan ng Quiapo. Masaya si Mimi na lagi niya makakasama si Aurora kahit saan man magpunta. Masaya rin si Aurora sa kanyang bagong pamilya.
“Saang lugar po sa Maynila kayo nakatira Ginang Dona?” tanong ni Aurora, tumawa ang mag-asawa at si Mimi.
“Hindi kami nakatira dito sa Maynila Aurora, dumalaw lang kami upang sumama sa prusisyon ng Itim na Nazareno dahil isa akong deboto!”
“Kung hindi sa Maynila, E, Saan kayo nakatira?” tanong nito.
"Nakatira kami sa Milagros, Masbate” sagot ng Ginang kay Aurora.
Matatagpuan ang Milagros, Masbate sa gitnang bahagi ng Pilipinas napapalibutan ito ng karagatan at mga pulong-pulong isla. “Ate Aurora sa wakas makakasama na kita at ipapakilala kita sa iba nating kapatid!” ani ni Mimi na masaya “Kapatid?? Ibig sabihin..”
“Oo tama ka sa narinig mo may iba ka pang magiging kapatid!" sagot ni Ginoong William habang nagmamaneho ng sasakyan nagtataka si Aurora.
"Kung may iba pang kapatid si Mimi bakit niyo po ako inampon??” tanong niya sa mag-asawa
“Tatapatin kana namin Aurora, Hindi namin tunay na anak si Mimi, kinupkop namin siya kagaya mo pati na rin ang iba pang mga bata” wika ni Ginang Dona.
“Bakit po kayo kumukupkop ng mga bata??”
“Dahil hindi na kami magka anak ni William simula ng nasa ibang bansa kami!” sagot niya sa dalaga. Habang nasa biyahe ay duon nalinawan ang pag-iisip ni Aurora sa mag-asawa.
Napatingin nalang ang dalaga sa mga gusaling kumikinang sa ilaw, ang lahat ng ilaw sa mga gusali, lansangan at parke ay nagsisilbing tala sa langit, bilog ang buwan ng gabing iyon kaya ang liwanag nito ay nagsisilbing gabay sa lahat ng tao. Naisipan ni Ginang Dona na ipahinto ang sasakyan sa isang pamilihan upang bilhan si Aurora ng panibagong mga damit, tumanggi ito ngunit sa huli ay pumayag din.
“Napakalaki ng pamilihan dito” wika ni Aurora na nabibighani sa ganda ng pamilihan, pinapili ni Ginang Dona ang dalaga, walang mapili si Aurora dahil sa subrang daming naggagandahang kasuotan sa paligid.
Maya-maya'y isang dilaw na kumikinang na damit ang kanyang napili agad naman niya itong sinukat at sumakto ito sa kanya, tuwang-tuwa si Aurora ng mga oras na iyon, marami pa itong napiling mga damit dahil ngayon lang ulit ito nakasuot ng magagarbong damit sunod na pinuntahan nila ang sikat na kainan sa bansa ang “Jollibee” at duon ay kumain sila ng masaya. Pagkatapos kumain at mamili ng damit ni Aurora ay sunod na pinuntahan ni Ginang Dona ang pamilihan ng pasalubong para sa iba pang mga bata.
Napaisip si Aurora kung ano ang mga itsura ng magiging kapatid niya. Nang makabalik sa sasakyan ay agad bumiyahe ito patungong timog, nadaanan nila ang pinaka sikat na Bulkang Mayon sa Albay ngunit hindi ito nakita nila Aurora at Mimi dahil malalim na ang gabi at natutulog na mga ito, habang nasa biyahe, mahigit pitong oras ang biyahe upang makarating sa pyer ng barko sa Bulan, Sorsogon hanggang sa sumikat ang umaga.
Ginising ni Ginang Dona ang dalawang bata upang magsipaghanda sa pagsakay ng barko at tuwang tuwa ang dalawa.
“Ang ganda ng lugar na ito halos asul ang aking nakikita!” manghang mangha ang dalaga sa kanyang nakikita. “Ate Aurora sigurado ako magugustuhan ka ng iba kong mga kapatid”
“Sana nga Mimi!!”
Tinawag ni Ginoong William ang dalawang bata upang sumakay na. Habang pasakay ng barko napansin niya ang mga batang sumisisid sa ilalim ng tubig upang kuhain ang mga barya, tinanong niya kung bakit ginagawa iyon ng mga bata
“Iyan ang kadalasan gawain ng mga kabataan dito sa pantalan ang pamamalimos!”
Kumuha si Aurora ng sampung piso at hinagis niya ito sa tubig, pagkaandar ng barko ay manghang-mangha ang dalaga sa dagat wala siyang makikitang isla sa paligid nito tanging sinag ng araw ang nagbibigay ng repleksyon sa mga mata ng dalaga na tila salamin sa kanyang paningin.

Bình Luận Sách (161)

  • avatar
    SorianoCrissanta

    RECOMMENDED!

    27/03/2022

      0
  • avatar
    Mari Celine

    I want robux

    26d

      0
  • avatar
    Lawrence Acuin

    i love reading this novels

    17/07

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất