logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 3

Kath's POV
Time flies so fast that we just moved in Mindanao. Medyo nakaka-pagod nga lang ang naging byahe namin pero nawala rin iyon nang makita ko kung gaano kaganda ang lugar na ito. Masaya din naman pala kahit na maliit na syudad lang ito pero matiwasay ang lugar na inuupahan nain.
Habang nag-aayos kami ng mga gamit namin ay biglang may tumawag mula sa labas, "TAO PO!"
Nagkatinginan kami ni mommy, "Sino 'yun?" tanong ni mommy pero naisipan niya nalang na tumungo sa pinto at lumabas kaya naisipan kong sumunod na lamang sa kanya.
Binuksan ni mommy ang gate nang isa pala iyong lalaki na may dalang mga pagkain.
"Oh, hello. May kailangan ka ba?" magalang na pagtatanong ni mommy sa lalaking nasa gate.
"Hi po, it's pleasure to meet you. I am Ken and I just lived inside the main subdivision. We know that you're new here at ang mama ko ang president sa subdivision na ito at ipinaimigay ito sa -" biglang napahinto sa pagsasalita si Ken nang bigla siyang napatingin sa akin, which is nasa likuran ako ni mommy. I know that I am pretty pero 'di enough 'yun kapag may mapilyo at makulit kang mga kapatid.
"Oh, hello! I'm Ken nga pala. And you are?"
"Hi," nahihiya kong pagbati sa bagong kakilala, "I am Kathryn Silvenia and it's a pleasure to meet you!" I greeted as well and maybe I will have new friends here, "Ano nga pala 'yan?"
Napatingin naman siya sa hawak niya at bumaling naman din sa akin na ngumingiti at mukhang nahihiya pa sa akin, "Oh - umm - it's just foods tapos mga cake na niluluto ng mama ko. Mahilig kasi magluto 'yon at pinapamigay sa lahat ng nasa subdivision."
"Mukhang masarap nga," mom said and handed him two plates, "Ilagay mo nalang dito sa plato, Ken para naman na mauwi niyo rin itong tupperware niyo. Anyway, tell your mom a thank you from us."
"Sige po, Ma'am."
"Nakakahiya naman ang Ma'am, parang guro lang?" biro naman ni mommy at napatawa naman din siya don, "Just call me Luz. It's better that way."
Tumango naman si Mike at ngumiti pa, "Sige po, Tita Luz! So, aalis na rin ako at baka hinahanap na ako sa bahay namin Bye, it's a nice meeting you all."
Once he left ay pumasok na rin kami sa loob habang dala ang pagkaing binigay ng bago naming kapit-bahay.
"So, mababait pala ang mga tao dito," I said at kitang-kita ko ang mapilyong ngiti ni mommy na tila nang-a-asar, "Mom, what's with that look?"
"Wala naman. I just guessed that mukhang may bagong nagka-crush sa'yo."
Nagtataka naman akong napatingin sa kanya habang kumuha ng pirasong brownies, "Sino naman?"
"Syempre, 'yung lalaki. Si Ken, hindi ba?"
"Oh, him," I said and rolled my eyes, "Well, he's kind of cute but he is not my type."
"Well, if you say so. I know you'll have one someday," she said and I just wished that one day, magkakaroon nga ako ng boyfriend.
x x x x x x x x
It's Saturday today and as usual ay maaga akong gumising para pumunta sa mini-garden para nagdilig nang mga halaman. It has been three weeks since we moved here in Butuan and napag-isipan ko na dalhin din ang tinanim kong halaman sa Cebu para hindi rin naman sayang ang mga pinaghihirapan ko.
"Hi Kath!" nagulantang ako at nabitawan ko pa ang hawak kong hose nang biglang lumutaw doon ang pagmumuka ni Ken sa may gate, "Oh, sorry. Nagulat ba kita?"
"Yeah, nakakagulat ka rin naman kasi. Ano bang ginagawa mo dito at ang aga-aga mo?"
"Pasensya na atsaka bored sa bahay e kaya naisipan kong pumunta dito," he said and stared at me for a second and speaks again, "Napaka-swerte talaga ng boyfriend mo. You're really pretty."
I rolled my eyes kasi naman mahirap ba yung magtanong ng 'may boyfriend ka na ba?'
Simpleng-simple lang kaysa naman sa tatanungin na ang swerte nga raw ng boyfriend eh wala namang boyfriend.
"Wala akong boyfriend."
Nanlaki ang mga mata niya, "Bakit naman wala? Ang ganda-ganda mo tapos wala kang boyfriend? Pinagloloko mo ata ako eh."
"Yeah, maganda nga ako pero hindi pa dumating ang lalaking para sa akin."
"Kung ganon, wala namang magagalit if yayain kita later for a dinner or on a date?" he asked pero naisip ko kung paano nalang ang mga kapatid ko? They are such a pain in the ass! Napansin niya naman na tila napahinto ako kaya nagsalita na naman siya ulit, "Kung ayaw mo, okay lang. I understand."
Wala naman din akong ibang gagawin mamaya at gusto ko pa din namang ma-tour ang Butuan City. Hindi pa kasi ako masyadong nakakapaggala aside noong last time na nagpa-enroll ako for third year college sa Father Saturnino Urios University. Aside from that, hindi na at mukhang maganda naman dito at baka may ibang lugar pa akong hindi napupuntahan.
"No, it's good for me! Anong oras ba?"
"How about six PM pupunta ako dito?"
I nodded, "Okay then. Just text or chat me."
"Sabi mo yan ah?" he smiled and I just smiled back, "Okay, see you later!"
x x x x x x x x
We've just finished our little get-together with Ken. He took me in a nice restaurant somewhere in J.C. Aquino Avenue and I swear, ang sarap-sarap ng mga foods doon. Napaka-sulit lang kasi at napaka-mura lang.
"Did you like it there?" Ken asked and I just nodded. Namamasada lang kami sa isang bus na palaging dumadaan patungo dito sa subdivision namin sa Bridge Town.
Nagtatalo pa nga kami kanina about sa pamasahe dahil gusto niya na siya ang magbabayad pero ayaw ko naman na maging pabigat. Nilibre na nga ako ng pagkain tapos pati sa pamasahe ay siya pa manlilibre.
Though, he won. Siya pa rin nagbabayad kaya hinayaan ko nalang dahil doon siya masaya e.
"That place is nice and I really enjoyed," I said nang nakababa na kami sa bus. Napatingin naman ako sa bahay namin which is along the main road, unlike Ken's place is inside the main subdivision. Napatingin ako sa relo ko at looked at him, "It's still quarter to nine. Do you want to go inside? Maybe you want to meet my siblings."
"Sure! I would love to."
I opened the gate at papasok na sana kami sa loob nang nakita na namin sa bintana ang kaguluhang nangyari. Sobrang ingay nila na tila parang halimaw kung paano magha-hagisan ng mga damit, laruan at mga papel.
"Oh, Kath?" napalingon naman ako kay Ken, "Nakalimutan ko nga pala na kailangan ko na palang umuwi ng nine. May gagawin pa kasi ako e."
"Ganun ba? Okay, sige," ngumiti naman ako ng peke dahil alam ko naman na ganun din ang mangyayari. Wala siyang pinagkaiba sa mga naging manliligaw ko and as usual ay hindi tanggap ang mga kapatid ko.
A MONTH LATER
"Bilisan niyo na nga d'yan! Male-late na kayo! Hala, malayo-layo pa yung school!"
Ang aga-aga pa pero rinig na rinig ko na ang boses ni mommy mula sa baba. Today is our first day of school and third year college na ako this year.
Camille is going to school same as mine dahil may senior high naman din sa school na pinapasukan ko and she's like grade 12, gagraduate na rin siya.
Nicole, Jeremy, and Sandra are going to Agusan National High School dahil Junior pa lang sila while Rafael will be in Butuan Central Elementary School dahil grade two pa lamang siya.
"HEY! BILISAN NIYO NA!"
"Opo! Pababa na po, mom!" kaagad na akong lumabas ng kwarto namin at kaagad pumasok sa kwarto ng lima kong kapatid at kitang kong ready na rin sila, "Halika na at male-late tayo. Camille, bilisan mo na dahil by schedule ang mga bus dito papunta sa downtown. We can't miss that."
Sumabay na sila sa akin sa pagbaba at doon nakita kong may nakahanda ng mga pagkain kaya sabay-sabay na kami sa pagkain. After eating, we have our own lunch boxes dahil hindi namin afford ang bili ng bili atsaka nagtitipid kaming lahat.
We got our things and also mom is ready to leave for work, "Kath, Camille, kayo na bahala. Out of the way ang school niyong dalawa. Sa akin na sasabay ang kambal, Sandra, at si Raffy," mom said and I nodded.
"Okay po, mom. Camille and I can manage."
Mom hugged us and we decided to go to the other of the road while waiting for a bus. After a few minutes, may lumabas na green bus kaya kaagad na kaming pumasok ni Camille sa loob.
We sat down and I just looked over the window nang napansin ko na nakarating na rin kami. Lumabas na kaming dalawa sa bus at aalis na sana si Camille nang tinawag ko siya, "Cams!"
"Yeah, sis?"
"Dito ka ba na belong na school? Kasi diba dalawang branch 'yun?"
She got her phone out from her bag at binasa ata ang announcements na nasa GC nila, "I think not po, kasi I'm from a private school last grade eleven. Dito kasi na branch is from the government."
I nodded, "Okay. Papasakayin muna kita ng bus na papunta doon ang route. After that, huminto ka lang sa may palengke nila and sumakay ka na naman ng motorized side car papasok kung saan ang school."
"Okay," she just simply replied. Busy siya sa pag-ci-click sa phone niya at may napansin na rin akong bus na papunta sa Libertad, Butuan kaya kaagad kong ipinara iyon para makasakay na rin si Camille.
Nang nakaalis na rin sila ay siya namang pagtalikod ko nang hindi ko namalayan na may tao pala sa likuran ko kaya nabangga at naapakan ko ang sapatos niya.
"Hanggang dito ba naman susundan mo -" nang napatingin siya sa akin ayt natigilan siya. Oo na nga, maganda na nga talaga ako.
Agad naman akong napayuko at humingi ng pasensya, "Pasensya ka na po, hindi ko sinasadya."
"A-ahh. A-ayos lang 'yun. Pasensya ka na rin at akala ko kasi sinadya mo 'yun. Ganun kasi mga babae dito sa school, papansin," sabi niya at napatingin sa unipormeng suot ko, "You must be a student here too, I'm Daniel Elizalde."
I look at his hands trying to be nice so I gladly accepted it, "I am Kathryn Silvenia but you can call me Kath. Sa totoo lang ay new student ako dito. Can you help me try to find this section and building?"
"Sure. Akin na ang schedule mo and siguro naman ay papasok na tayo sa loob ng campus," na-realize kong nasa labas pa kami ng school kaya sumabay na ako sa kanya papasok sa loob ng school, "Oh, ka blockmate pala tayo, section A-31. Tara na at pupunta na tayo sa klase at itou-tour na rin kita dito mamaya."
"Talaga? Thank you!" I happily said at sumabay na rin sa kanya papasok.
Pumasok na kami ni Daniel sa CB or College Building Main Grounds ng school.
I found the school so cool at nakita kong madami din palang tao dito. Sa ibang awra ay mahahalata mong napaka-yaman nila.
Magaganda naman ang schools namin sa Cebu dati, but hindi ko nakakasama or friends tao sa school. May kanya-kanyang circle of friends at napaka-arte pa.
Unlike dito, kitang-kita naman na mayayaman sila pero nakikihalubilo pa rin sa lahat.
For me, we're not rich. Simpleng pamilya lang din naman kami pero kayang-kaya naman ni mommy lahat ng gastusin lalo na't college at magco-college na si Camille.
Habang naglalakad kami ni Daniel ay medyo naiilang ako dahil pakiramdam ko ay lahat ng mga mata ng tao ay naka pokus sa direksyon naming dalawa.

Bình Luận Sách (33)

  • avatar
    Aising

    it's so beautiful Author, each chapter have an excitement part, even it's a short story but it's good highly recommend this story ❤️

    29/08/2022

      0
  • avatar
    Leslyn Cortez

    thanks 👍🏼

    30/06

      0
  • avatar
    AbagaJarimah

    🥰🖤

    17/05

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất