logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Kabanata 6

Kabanata 6
KUMUYOM ang mga kamao ni Tammy nang marinig ang pinag-uusapan ng kanyang lolo at tito Melchor sa silid ng kanyang lolo. She couldn't believe that while they're making them stay in the province, her unfair grandfather plans to send off her younger singer in a prestigious university in Manila once she graduates highschool.
"Siguraduhin mong maayos ang matitirahan ng apo ko roon, Melchor. Dapat lagi rin ninyong silipin."
"Papa, huwag kang mag-alala dahil sigurado namang magtitino si Teissa ro'n."
Bumuntong hininga ang kanyang lolo. "Kung sana maaari ring pakawalan si Tammy."
"Pa, alam mo namang hindi ako papayag na umalis si Tammy rito. Hindi ko mababantayan..." tugon ng kanyang tiyo Melchor na lalong nakapagpasiklab ng galit niya. She loves her uncle, alright? Parang tatay na niya ito mula nang mawala ang daddy nila pero masyado itong mahigpit sa kanya. Ayaw siyang hayaan lang na mag-aral sa Maynila nang malayo siya sa lugar na iyon.
"Alam ko, Melchor. Mahirap na rin at baka mamaya eh masalisihan lamang tayo kung malayo iyang batang 'yan."
Ayaw niyang umiyak dahil lang masyado talagang obvious na walang tiwala sa kanya ang mga ito. Sinabi niya na noon sa kanyang sariling hindi na siya magiging iyakin pa, pero pagdating talaga sa pamilya, napakababaw ng luha niya. Mabuti na lang ay daig niya pa ang mga napapabalitang poon na lumuluha ng langis; mahirap paniwalaang iiyak. It's a good thing, right? She doesn't need their compassion anyway, their care, their attention? She's not a kid anymore to still crave for those... right?
She looked at her midterms paper that got A's. Nais niya sanang ipakita iyon ngunit nagbago na ang isip niya dahil wala rin nga palang magbabago. Pinunasan niya na lang ang kanyang basang pisngi saka umalis sa pagkakasilip sa pinto. Aalis na sana siya ngunit nang makitang nasa likod na niya ang kapatid na si Teissa, lalong umusbong ang sama ng loob ni Tammy.
Look at this boring girl? Kasalanan nito lahat. Teissa stole everyone from her. Ang lolo at lola niya, ang atensyon ng mga tauhan sa hacienda, ang mga tiyuhin at tiyahin niya, tapos pati si Argus ay interesado pa rito?
She pursed her lips together when she realized the last part. Pakialam niya kung ito ang Mary full of grace na tinadhana sa saint Argus of Isabelang iyon? Bagay naman ang mga ito.
They are both innocent, prim, and boring!
Teissa's worried eyes stared into her bloodshot pools. "Ate, bakit ka umiiyak—"
Binangga niya ito sa balikat dahilan upang matamaan nito ang vase na naka-display sa ibabaw ng maliit na estante. Bumagsak iyon sa sahig at nagkapira-piraso. Ang ingay na nilikha ng pagkabasag ay natawag ang atensyon ng kanilang lolo at tiyo Melchor.
Halos mamutla ang kapatid niya habang nakatitig sa nabasag na vase. Natakot din si Tammy ngunit pinanindigan niya ang matapang na ekspresyon dahil sigurado namang siya na naman ang mapapagalitan. Lagi namang gano'n 'di ba? Dahil lang mas bata sa kanya si Teissa, siya lagi ang dapat mag-adjust, and dapat sumalo sa lahat.
Lumabas ng silid ang lolo nila kasama ang kanilang tiyo Melchor. Nang makita ng mga ito ang naiiyak sa takot na si Teissa, kaagad na rumiin ang pagkakalapat ng mga labi ng kanyang lolo kasabay ng pagtingin sa kanyang direksyon.
"Anong nangyari rito? Kayo na lang dalawa nag-aaway na naman kayo?" seryosong tanong ng kanyang lolo.
Teissa immediately shook her head. "Hindi po, Lolo ako po ang may kasalanan. Natabig ko po—"
"Yes, it's your fault because you're very clumsy kaya lahat na lang nagiging kasalanan ko rin."
"Tammy!" galit na sita ng kanyang tiyo Melchor saka siya hinatak palayo sa kanyang kapatid at lolo. Halos umigting ang kanyang panga sa galit at sama ng loob dahil bakit parang kasalanan na naman niya?
She wiped her tears while bowing her head. Nang marating nila ang maliit na library ng mansyon, saka lang binitiwan ng kanyang tiyo ang kanyang braso. He rubbed his palm on his face then looked at her in an obviously upset and disappointed way.
"You don't get to speak that way to your sister, Tammy. You know how much your—"
"Lolo loves her?" Sinalubong ng naluluha niyang mga mata ang tingin nito. "Kaya dapat, tito huwag akong magsalita nang gano'n sa harap ni lolo kasi mahal niya masyado si Teissa?"
Lumamlam ang mga mata nito, at nang mabakas niya ang awa para sa kanya, iniwas na lamang ni Tammy ang tingin niya saka siya suminghot.
"Your mom, Tammy, your mom loves the both of you very much... and it breaks my heart everytime I'm seeing you this way... dahil alam ko na... masasaktan din ang mommy niyo na ganito kayo ni Teissa."
Gusto niyang matawa. Masasaktan pala ang mommy niya bakit sila iniwan? Kung buhay lang ito eh 'di hindi sana ganito ang sitwasyon! Sana may nanay siya gaya ng iba na tutulungan siyang maintindihan ang sarili niya!
Melchor sighed when she didn't answer. Sandali silang binalot ng katahimikan bago nito kinuha ang test papers na hawak niya. Ayaw niya sanang bitiwan ngunit nang matagpo ang kanilang mga tingin at tila nagmakaawa itong ibigay niya, nagpunas na lang siya ng luha at hinayaan itong kunin ang exam papers niya.
"Bakit hindi mo sinabing mataas ang nakuha mo sa exams? I'm sure your Lolo will be proud of you, Tammy," malumanay nitong sabi na tila sincere ang mga salitang sinambit nito.
She drew in some air then looked at her uncle Melchor straight in the eyes. "Will it even change a thing, tito? Hindi naman 'di ba? I will still be stuck here, in this boring place habang si Teissa..." Nagngitngit ang mga ngipin niya sa inis kasabay ng pagpatak ng kanyang luha.
Napabuntong hininga ang kanyang tiyo saka siya pilit na niyakap. Naramdaman niyang tila nasasaktan ito sa nakikitang sitwasyon niya ngunit pinili na lang ni Tammy na itikom ang kanyang bibig.
"Tammy, hindi lang namin gusto na malayo ka rito... lalo na ako. I will always worry about you. Your welfare will always be my priority. Nangako ako sa... mommy mo, Tammy. Nangako akong hinding-hindi kita pababayaan. Kayo ni Teissa."
Lumunok siya at kumalas sa pagkakayakap ng kanyang tiyo bago siya tumakbo palabas ng library. Ayaw niyang naririnig iyon, kasi pakiramdam niya ay dahil lang namatay ang mommy niya kaya nito ginagawa ang responsibilidad na dapat sa mga magulang nila ni Teissa. She doesn't wanna be a burden just because her uncle has no other choice. Baka mamaya kaya ayaw nitong mag-asawa pa ay dahil kailangan pa siyang intindihin.
Narinig niyang tinatawag siya ng kanyang tiyo ngunit walang lingon-likod na bumaba ng hagdan si Tammy habang dinudukot ang susi ng kotse niya sa bulsa ng kanyang shorts. Bago pa makasunod ang kanyang tiyo, binarurot na ni Tammy ang kotse palayo.
Her tears kept clouding her eyes as she approached the open gate, kaya nang muntik na siyang bumangga sa paparating na pamilyar na kotse, halos mabingi siya sa lakas ng busina.
Argus jumped out of his car with his forehead creasing after he saw her crying face. Nang makita niya ito, pakiramdam ni Tammy ay lalong bumaha ang mga luha niya lalo na nang malinaw niyang nabakas ang matinding pag-aalala sa mukha ni Argus.
Dali-daling lumabas si Tammy ng kotse, at nang magkalapit sila ni Argus, pakiramdam niya ay nahanap niya ang lugar kung saan malaya siyang mailabas lahat ng sama ng loob na mayroon siya. She crashed onto his arms and cried heavily, his hand just caressed her hair while he's holding her closely as if he wanted her to know that she's safe with him.
Nang medyo kumalma, kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya at kinulong ang kanyang magkabilang pisngi sa mga palad nito. Her eyes met his worried pools, and as Argus wiped jer tears with his thumb, Tammy felt a different kind of warmth wrapped around her heart, easing away the pain and anger she's been keeping to herself.
Argus took in a deep breath then flashed a slight smile. "Congrats sa mataas na grades mo." Lumawak ang ngiti nito. "Huwag ka nang umiyak. May regalo ako sayo."
Pakiramdam ni Tammy ay tuluyang napawi ang kirot sa kanyang puso dahil sa ginawa nitong pagbati. Hindi niya akalaing ang simpleng "congrats" ay magdadala ng kakaibang kaligayahan at kapayapaan sa kanyang puso, siguro ay... dahil galing iyon kay Argus. Hindi niya maintindihan kung bakit tila napakalaking bagay kapag kay Argus nanggagaling ang ganoong mga salita, ngunit masaya si Tammy na narito ito ngayon kung kailan kailangang-kailangan niya ng masasandalan.
Argus guided her to get inside his car before he went to hers to park it inside the hacienda. Nang makabalik sa sariling kotse ay binigay nito ang susi sa kanya saka nito itinuro ang teddy bear na nakahiga sa likod ng kotse nito.
Her heart throbbed and a different kind of warmth filled her chest when she realized that it was the exact bear she posted on Facebook, hoping her family would see it and buy her one. Hindi siya makapaniwalang si Argus pa pala ang magbibigay no'n sa kanya, at sa totoo lang, hindi niya alam ang dapat na maramdaman.
Argus smiled and held her cheek to wipe her tears. Nang magtama ang kanilang mga tingin, sandali itong lumunok bago siya kinabig upang muling yakapin.
"Okay lang 'yan, Tammy. Hindi ko pa alam kung bakit ka umiiyak pero... kung handa kang magkwento, nandito naman ako. While the whole world seems too busy to pause and listen to you, I promise you that I'll always have my ears ready to hear the words you're keeping to yourself." Hinagod nito ang kanyang likod saka marahang pinatakan ng halik ang gilid ng kanyang ulo. "You have me, Tammy. You will always have me..."

Bình Luận Sách (51)

  • avatar
    Diane Sion Jove

    hi im daniah and i wanna do my best to read and i wanna get robux

    15d

      0
  • avatar
    DudenJunreal

    Very nice

    28/07

      0
  • avatar
    Roy Vincent Marcon Balbaguio

    I like it

    27/07

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất