logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Monte Costa Series #4: Beautiful Burns

Monte Costa Series #4: Beautiful Burns

House of Sol


Prologue

Prologue
Namimilipit na sa sakit ang babae nang bumukas ang pinto ng maliit na apartment. Butil-butil ang kanyang pawis at ang kanyang palahaw ay hindi na niya mapigilan sa pagkawala. The baby is coming and if it wasn't for her friend, hindi na niya alam kung paano pa niya itatakbo ang sarili sa ospital. Pumutok na ang kanyang panubigan at kung hindi pa mailalabas ang bata sa lalong madaling panahon ay baka mamatay ito sa kanyang sinapupunan.
Nilapitan siya ng lalakeng kaibigan na siyang sumaklolo sa kanya. Laking pasalamat niya na sa kabila ng kanilang naging tampuhan, naririto pa rin ito para tulungan siya matapos siyang talikuran ng lahat dahil sa pagbubuntis niya.
"Halika na! Itatakbo na kita sa ospital!" he said worriedly after checking up on her.
She sobbed as pain struck her once more, but despite what she's enduring right now, she cannot help but still ask about her child's father who promised her to be next to her as she delivers the fruit of their love.
"Da...Darating ba siya?"
Gumuhit ang inis sa mukha ng kaibigan at kahit hindi niya tanungin, alam na niya kung bakit ganoon ang naging reaksyon nito sa kanyang tanong. Hindi pa rin nito natatanggap ang lalakeng napili niyang pag-alayan ng kanyang puso.
Umigting ang panga nito kasabay ng pag-iwas ng tingin ngunit ang galit sa mga mata nito, malinaw na hindi para sa kanya kung hindi sa ama ng dinadala niya.
"Sinabi ko na sa iyo. Pinaglaruan ka lang niya. Wala kang mapapala sa taong iyon," tugon nito bago siya binuhat patungo sa labas ng apartment at papasok sa sasakyan nito.
Humikbi siya dala ng magkahalong sakit ng napupuntong panganganak at hinanakit. Hindi iyon totoo, hindi ba? Nangako sa kanya ang ama ng anak niya. He promised that he's going to be there for her. Naiipit lamang ito sa problema ng pamilya nito ngunit mahal siya nito.
Dinukot niya ang cellphone na nasa loob ng bag na kasamang binitbit ng kaibigan. Kahit na namimilipit na siya sa kirot ay pilit niyang hinanap ang numero ng tatay ng bata upang tawagan.
Halatang lalo lamang nainis ang kanyang kaibigan. Humigpit ang hawak nito sa manibela saka bumuntong hininga sa marahas na paraan. "I told you he's not coming. Bakit kasi ayaw mong maniwala sa aking may iba siyang mahal? He tricked you! He used you for his convenience and worse," napailing ito kasabay ng pagtingin sa kanyang tiyan. "He even left a baggage for you to remember how much of a fool he made you."
Nangilid lalo ang kanyang mga luha. That wasn't true, right? Mahal nila ang isa't-isa. Pinaglaban siya nito sa sarili nitong pamilya. Kahit pa sabihing anim na buwan na mula nang huli itong nagpakita, nanatili siyang nakakapit sa mga binitiwan nitong pangako.
Suminghot siya at marahang hinaplos ang kanyang tiyan habang todo ang pagpigil sa sariling pumalahaw dala ng matinding sakit na nadarama. Darating ang tatay mo, anak. Darating siya at magkakasama-sama tayo bilang isang pamilya.
Winaksi niya ang takot na totoo ang sinasabi ng kaibigan. Imbes na makinig, tuluyan niyang tinawagan ang numero ng ama ng bata ngunit ilang ring pa lamang, sinagot na ito ng isang hindi pamilyar na tinig.
Tinig ng isang babae.
"H—Hello? Si—Sino ka?"
"Sino ako? Aren't I supposed to be asking you that question? Who are you and why are you calling my boyfriend in the middle of the night?"
Para siyang binuhusan ng malamig na tubig. Boyfriend? Boyfriend niya ang may-ari ng numerong iyon? Imposible!
Kinuyom niya ang kanyang kamao at pilit kinalma ang sarili kahit tumitindi na ang sakit ng kanyang tiyan.
"Pakibigay sa may-ari ang...ang phone."
"Sino ka nga muna—"
Bago pa natapos ng babae ang sinasabi nito ay naagaw na ng taong pakay niya ang phone. Bumuntong hininga ito sa kabilang linya bago tuluyang nagsalita.
"Listen. We cannot see each other anymore."
Napakurap siya. Ang kanyang puso ay tila bigla tumigil mula sa pagtibok. "A—Ano?"
"Ginamit lang kita kaya tigilan mo na ako. Wala kang mapapala sa akin."
"P—Pero manganganak na ako at—"
"Wala akong pakialam. Ipaampon mo kung hindi mo kaya. I don't even know if that thing is mine."
That thing. Natawa siya kasabay ng pagbaha ng kanyang mga luha. "How dare you." She sobbed. Nanikip nang tuluyan ang kanyang dibdib. "Isinusumpa kita! Magbabayad ka sa kahayupan mo—ah!"
Nabitiwan niya nang tuluyan ang kanyang phone nang madamang lalabas na ang bata. Agad namang tinigil ng kanyang kaibigan ang sasakyan at lumabas upang umikot patungo sa tapat ng shotgun seat.
He lowered the seat and held her hand. Bakas sa mukha nito ang magkahalong awa, takot, at matinding pag-aalala para sa kanila ng kanyang anak na tahasang tinakwil ng sarili nitong ama.
"We don't have much time. Hindi na tayo aabot sa ospital." Hinawi nito ang buhok niyang dumikit na sa kanyang pisngi dahil sa luha at pawis. "You need to push now. Huwag kang matakot nandito ako. You can do this, you hear me? You can do this."
She had no choice because he's right. At sa kanilang dalawa, mas maalam ito sa maaaring mangyari sa kanya kung sakali dahil sa propesyon nitong dalawang taon na nitong tinalikuran.
Napahikbi siya sa sobrang sakit at awa na rin sa kanilang mag-ina. Ngunit alam niyang wala na sitang magagawa pa kung hindi ilabas ang anak sa gitna ng daan, kahit walang kasiguraduhan ang bukas na naghihintay sa kanilang dalawa.
She pushed while holding her friend's hand as tight as she can. Gumuguhit ang matinding sakit sa buo niyang sistema at ang kanyang palahaw ay umaalingawngaw sa madilim na gabi.
A few more push and the loud cry of her baby echoed. Napabagsak ang ulo niya sa sandalan ng upuan dala ng matinding pagkahapo. Hinubad naman ng kaibigan niya ang suot nitong jacket para ibalot sa bata bago nito pinahawak sa kanya.
Her tears trailed down her cheeks as she kissed her baby's forehead. Nang tignan niya ang kanyang kaibigan ay tuluyan siyang napahikbi.
"Thank you..." halos paos na niyang ani.
He just smiled and was about to say something when her vision slowly went blurry. Unti-unting nanghina ang kanyang katawan at bago sumara ang kanyang mga mata, ang tinig ng kanyang kaibigan na sumasabay sa iyak ng anak niya ang huli niyang nadinig.
"Raiah!"

Bình Luận Sách (12)

  • avatar
    Cris Llaguno

    amazing

    11/01/2023

      0
  • avatar
    PajaPrincess ruth

    ang ganda ng story sna may next chapter na

    28/04/2022

      0
  • avatar

    ilove thisss!!

    17/02/2022

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất