logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Kabanata 6

Kabanata 6
UMALINGAWNGAW sa loob ng ospital ang iyak ni Teissa nang tuluyan niyang nalapitan ang wala nang buhay na lolo. He's still warm but his chest no longer move. At kahit anong yugyog ni Teissa rito, hindi na nito iminulat pa ang mga mata.
But she can't accept it. Hindi niya maproseso ang sinabi ng doktor kahit na nag-iiyakan na sila sa emergency room. Pilit niyang niyakap ang walang buhay na matanda at gaya noong maliit pa siya, sinandal niya ang kanyang baba sa dibdib nito saka siya humikbi.
"Lo..." Her voice cracked as the excruciating pain struck her heart once again. "Lo naman... Huwag naman ganyan." Nanginig ang ibaba niyang labi kasabay ng kanyang marahas na paghikbi. "Lo, di...di ba ang dami pa nating plano? Makikita mo pa akong magtapos..."
She sniffed. Her knees gone weak as she tried to hug him tighter. "Lo, sige na. Gising ka na..."
"Teissa..." Even Armani's voice sounds pained. Hinawakan nito ang kanyang likod na tila kinukuha ang kanyang atensyon. Nang lingunin niya ito ay namumula na rin ang mga mata. "I'm sorry but..."
Mapakla siyang ngumiti saka siya humugot ng malalim na hininga. "Hindi! Sus, si Lolo pa. Parang kalabaw kaya 'to. Di ba 'no, Lo?"
"Teissa, I'm sorry but he's gone-"
"Bakit ba iniisip niyo agad na wala na eh mabiro lang ang lolo ko."
Humikbi ang tita Mylene niya. "Teissa wala na-"
"Hindi po!" She sobbed hard. Napaupo na siya nang tuluyan sa sahig at nasapo ang kanyang mukha nang tuluyang rumahas ang kanyang pag-iyak. "Hindi pwede! Hindi ako iiwan ni Lolo. Mahal niya ko. Mahal niya tayong lahat kaya hindi niya tayo iiwan." Her shoulders quaked. "Hindi niya ko iiwan... Hindi niya ko iiwan... Lolo ko..."
Nadama niya ang paghapit sa kanya ng pamilyar na bulto. Pilit siya nitong pinatahan ngunit hindi na talaga niya makontrol ang kanyang emosyon. She cried and begged for her grandpa to open his eyes but he didn't. Naghisterikal na siya nang tuluyan hanggang sa hindi na siya makahinga dala ng sobrang pag-iyak. Nandilim ang kanyang paningin ngunit bago pa siya mawalan ng malay ay nadinig niya ang bagong dating.
"The Don is gone. The arrangements will take place after the burial."
The last thing Teissa heard was her aunt's angry voice. Binuhat siya ni Armani patungo sa kotse nito, palayo sa kaguluhang nagaganap dahil sa dumating na lalake.
Nang magising siya, nasa kanyang silid na siya sa mansyon. Ang sabi ng mga katulong ay si Armani ang nag-uwi sa kanya. Nang masigurong maayos na raw siya sa silid ay lumabas ito upang bumalik sa ospital.
Everyone in their hacienda was mourning for the death of her grandfather. Maging ang mga pinakabrusko nilang mga tauhan ay lumuha nang malamang wala na ang Don. Palibhasa ay sa kabila ng pagiging istrikto ng matanda, dama ng lahat ang malasakit nito sa mga tauhan.
"Naalala ko no'ng maatake si Tonyo. Si Ser pa ang nsgtakbo sa asawa ko sa ospital. Ang operasyon, siya rin ang gumastos," kwento ng isa sa kanilang tauhan.
Most of them gave their share of story about the Don. Maging iyong pagsugod ng lolo niya sa baha noong malamang na-trap ang pamilya ng ilang tauhan sa mababang bahagi ng bayan. He brought a rescue team with them and opened the hacienda as shelter to the workers' families. At alam ng lahat na hindi lang dahil sa pulitika ang lahat ng iyon. The Don has a heart for the people, that's why their whole town mourned for his death.
HINDI na maawat ni Teissa ang pagpatak ng kanyang mga luha habang tulala sa kabaong sa kanilang harapan. It was her grandfather's last night of wake but her heart still cannot accept that he's gone. And honestly, she doesn't think she'll ever do.
Nang mawala ang mga magulang niya, ang bisig ng kanyang lolo ang naging kanlungan niya. When things were so rough during her childhood, it was her grandpa who made the waves smooth for her. He was her protector from all the things people, especially Tammy, were telling her.
Ngunit ngayong naririto ang lolo niya, wala nang buhay habang nasa loob ng itim na kabaong, gusto niyang tanungin ang kanyang sarili.
"Malas ba talaga ako?"
Nadama niya ang pag-akbay ni Armani sa kanya. Nang hapitin siya nito saka mahinang piniga ang kanyang braso, tuluyang kumawala ang kanyang hikbi.
"Don't say that, Teissa. People come and go. Your grandfather is in a better place now," he said in a gentle tone as if he's trying his best to ease away her pain.
Tiningala niya ito. Nang matitigan niya ang malamlam na mga mata ni Armani ay basag siyang napangiti. "And what about me? Will I ever be in a better place now that he's gone? Narinig ko ang usapan ng mga tiyuhin at tiyahin ko. Now that my lolo is gone, mawawala na rin sa amin ang hacienda. This was his home. Our home..."
Kahit pa sabihing may pera naman ang mga tiyuhin at tiyahin niya, may mga pamilya rin ang mga ito. She transfered her savings secretly to Tammy's account before pati ang pera niya sa time deposit nang malaman niyang wala nang pera ang kapatid at hindi na nais tulungan ng mga kamag-anak nila.
Humugot ng hininga si Armani saka nito pinunasan ang luha sa kanyang magkabilang pisngi sa masuyong paraan. "Things will make sense someday, Teissa but I promise you. You're not gonna lose your home."
Suminghot siya saka umayos ng upo nang mapagtantong masyado na silang madikit ni Armani sa isa't-isa. "Salamat, Armani."
Armani smiled in a broken way. "You have nothing to worry about, Teissa. I'm here."
Tumango siya at pilit na lamang itong nginitian. Nang dumating ang ilang pulitiko para makiramay, napasali si Armani sa usapang naganap palibhasa ay galing sa angkan ng mga pulitiko at isa ring inaasahang papasok sa parehong mundo sa mga susunod na taon.
Nagpasya na lamang si Teissa na lumabas ng mansyon. Yakap ang sarili ay tinungo niya ang pinagpastulan sa kanyang kalabaw na halatang dama rin ang lungkot na bumabalot sa buong hacienda.
Tinabihan niya ito sa gilid ng mga dayami saka niya hinawakan ang sungay habang pigil ang kanyang mga luha.
"Islaw, ano na kayang mangyayari sa atin? Ibebenta raw yata ang hacienda. Wala naman akong milyones para mabili ito."
The carabao mooed, it's innocent eyes stared at her as if trying to comfort her. Mapakla tuloy siyang napangiti. "Huwag kang mag-alala. Kahit anong mangyari, hindi kita pababayaan. Mahal na mahal ka rin ni Lolo kaya nga nagsorry siya noong muntik ka niyang ipakatay." She laughed when she remembered that day. Todo konsensiya siya sa kanyang lolo para lang humingi ito ng tawad sa kalabaw.
Pumatak na naman tuloy ang kanyang luha at ang hikbi niya ay hindi na niya napigil sa pagkawala. "Mahal na mahal ko si Lolo, Islaw... Pero... Siguro tama sila. Sa... Sa kabilang buhay, wala na siyang sakit. Malakas na siya ulit at... Siguro, wala na siyang problema pa."
Tila ba naiintindihan nito ang kanyang pinagdaraanan. Inangat nito ang ulo at ipinatong sa kanyang tuhod ng ilang sandali bago muling bumalik sa orihinal na pwesto.
Pinalis ni Teissa ang kanyang mga luha nang matanaw ang lalakeng naglalakad patungo sa kanyang pwesto. Nang maaninag si Armani ay muli niyang binalik ang tingin kay Islaw upang itago ang kanyang itsura.
Armani sighed then sat next to her. "You should have told me you wanna see Islaw. Sasamahan naman kita. It's dangerous to be out here in the dark at this time of the night."
Niyakap niya ang kanyang mga tuhod. "Abala ka kanina at sanay na ako."
"Na magpunta rito ng gabi at mag-isa?"
"Sa dilim." She let out a painful laugh and then sighed. "This world. No matter how bright the sun seems, it still feels too dark." Mapakla siyang ngumiti at tiningala ang madilim na langit. "Parang... Parang iyong pwede ko lang yatang madamang saya sa buhay na ito, ganyan lang. Parang liwanag lang ng mga tala."
"Don't say that."
"Tanggap ko naman na. Masakit nga lang. Nang mawala ang mama at papa ko, sinisi ako ni ate Tammy. Nawalan kami ng mga magulang pero ako, pati ang natitirang kapatid ko nawala sa akin. Everyday when she looks at me, all I see is how much she blames me. Nawala rin si lola. Ang mga taong nakakahalubilo ko sa eskwelahan, ilag sa akin dahil malas daw ako. I kept myself silent, Armani. But being silent doesn't mean I am not hurting. And that pain I felt throughout those years made me realize that I have no right to seek for a better life." Pumatak ang kanyang luha ngunit mabilis niya rin itong pinalis.
"You shouldn't say that, Teissa. Everyone go through battles. Some people are just too good at hiding it. Isa pa..." Kinuha nito ang kanyang kamay saka marahang hinaplos ang likod ng kanyang palad gamit ang hinlalaki. "You don't have to face everything all by yourself."
Napaangat siya ng tingin kay Armani saka siya basag na napangiti. "You will regret that oras na maramdaman mo na rin ang epekto ko sa mga taong nagiging mahalaga sa akin."
Kumislap ang mga mata nito at ang ngiti ay naging tunay. Sandali itong natahimik, ngunit nang ipagsalikop nito ang kanilang mga kamay, natigilan si Teissa.
"I just want to know, Teissa. Sabi mo nagiging mahalaga sayo. Is that you confirming that I stand a chance even when you're already arranged for marriage?"
Napakurap siya. "Huh?" Nalukot ang kanyang noo. "I'm what?"
He leaned a little closer and then gently touched pressed the back of her hand with his thumb. May pangambang gumuhit sa mga mata nito nang muli silang magkatinginan.
"You're getting married soon, Teissa. That's the only way for your family to not lose the Hacienda Mercado..."

Bình Luận Sách (22)

  • avatar
    Maderaclaudine

    Thanks you she is so beautiful story so cute and so sad............. Habang akoy nag babasa na iiyak ako...........................

    11/11

      0
  • avatar
    22Aymee

    GANDA.❤️❤️❤️

    24/10

      0
  • avatar
    Chander Louie Mangalili Flores

    naks

    27/03/2023

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất