logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Monte Costa Series #1: Shore of Hearts

Monte Costa Series #1: Shore of Hearts

House of Sol


Prologue

PROLOGUE
HUMIGPIT ang pagkakahawak ni Teissa sa tela ng kanyang damit nang marinig ang sinabi ng lalaki. Parang sumikip ang kanyang dibdib at sa sobeang kirot, halos hindi na siya makahinga. Even her limbs felt weak. Tila anumang sandali ay bibigay nang tuluyan ang kanyang mga tuhod.
How could they do this to her? How could they betray her after everything? Nagpakabait siya. She listened to everything she's told to. Tapos ngayon ay ito pala ang kapalit ng lahat ng iyon?
Kinagat niya ang kanyang ibabang labi kasabay ng tuluyang pagpatak ng kanyang mga luha. Paano nila siya nagawang lokohin? Kung ganoon ay planado pala ang lahat? This can't be happening!
She turned her back on the slightly open door and ran. Her eyes were clouded with her tears but she didn't mind anymore. Nanlalabo ang kanyang paningin ngunit kung hindi pa siya aalis ay baka maging huli na ang lahat.
"Teissa! Saan ka pupunta?!" sigaw ni Manang Judy nang makita siya.
Huminto siya sandali upang tignan ang matandang babae. Humikbi siya at pinunasan ang kanyang mga luha habang pigil ang kanyang emosyon. "Manang, niloko nila ako."
Gumuhit ang lungkot sa mga mata ng matanda. Bumuntong hininga ito at tinawid ang kanilang pagitan hanggang sa tuluyan siya nitong nayakap. "Oh, Teissa. Hindi ka dapar umiiyak nang ganyan. Napakaganda mo para umiyak."
Ngunit lalo lamang siyang naiyak. "Manang, paano nila nagawa sa akin 'to? Siya lang ang gusto ko pero bakit kailangang mangyari 'to?" Tiningala niya si Manang Judy. "Manang, ang sakit-sakit."
Hindi alam ni Teissa ngunit nang kumurba ang mga labi ni Manang Judy, agad nitong pinaglapat ang mga labi upang pigilan ang sariling mapabungisngis.
"Ikaw talagang bata ka." Hinagod nito ang kanyang itim na buhok na umaabot hanggang baywang kapag hindi nakatali. "Anak, wala na tayong magagawa. Kailangan na lang nating tanggapin na—"
"Hindi, Manang—" She paused and bit her lower lip. Mayamaya'y iniwas niya ang tingin sa matandang babae. "Po. Hindi po, Manang. Hindi ako papayag."
"Teissa..."
Kumalas siya sa pagkakayakap ni Manang Judy saka walang anu-anong tumakbo palabas ng kanilang mansyon. Kailangan niyang pigilan ang maitim na balak ng mga tao. This is injustice! She can't believe they fooled her for this!
Pagkalabas pa lamang ng mansyon ng mga Mercado ay binabati na siya ng mga tao. Karamihan sa kanilang mga tauhan ay abalang maglagay ng mga dekorasyon dahil sa magaganap na piging.
May mga nagkakabit na ng banderitas. May naglalagay ng mga ilaw para sa magaganap na sayawan ngayong gabi. Mayroon ding nagsi-set up ng sound system. Buhay na buhay na naman ang mansyon ng mga Mercado dahil sa kaarawan ng kanyang lolo at siguradong mayamaya'y darating na rin ang kanyang mga pinsang galing ng ibang lugar.
She could have been the most excited today, pero dahil sa narinig na usapan ng katiwala at ng kanyang tito Esteban, nawala ang excitement niya.
Ni hindi niya na nagawang batiin pabalik ang mga tauhang wiling-wili sa kanya. Tumakbo siya patungo sa katayan upang pigilan ang pagsintensya kay Islaw—ang puting kalabaw na paborito niyang sakyan kapag nagpupunta sa malawak na bukirin.
Kinuyom niya ang kanyang mga kamao at pigil ang luhang binilisan ang kanyang takbo. Hindi siya papayag mawala si Islaw kahit anong mangyari. Mapalo man siya sa puwit dahil sa gagawin.
"HINDI nga po pwede, Mang Ekong! Kalabaw 'yan eh may puso 'yan! Wala po ba kayong mga puso?! How dare you kill the pambansang hayop? After everything Islaw did to this hacienda? Look oh? He's about to cry!" Tumuntong siya sa ibabaw ng tablang mesa at pinaningkitan ng mga mata ang mga tao sa katayan. "Ang hindi magmahal sa sariling alaga ay hindi makakarating sa paroroonan."
Napakamot ng ulo ang mga tauhan. "Teissa, puro ka talaga kalokohang bata ka. Bumaba ka na diyan at baka mapagalitan tayong pare-pareho ni Don Lino."
Sumimangot siya at tinignan ang nagsalita. "Ang dami-daming pwedeng katayin bakit pati ang walang muwang na si Islaw...po ay idadamay niyo?"
"Utos ng lolo mo, Teissa kaya sige na halika na." Lumapit ito at binuhat na lamang siya saka nito sinenyasan ang ibang simulan na ang pagkatay kay Islaw.
Nanlaki ang mga mata ni Teissa nang makita ang mga itak. Ang dibdib niya, para bang sumikip nang makita kung paanong gumawa ng ingay si Islaw na tila ba nagmamakaawa na tulungan niya kaya naman bago pa makalapit ang mga tauhan, tumakbo siya at niyakap ang kalabaw sa leeg saka siya pumikit.
"Sige...po! Saktan niyo na rin ako kung sasaktan ninyo si Islaw!"
There were murmurs about what she's doing. Halatang sumasakit na ang ulo ng mga tauhan dahil sa ginagawa niyang pagpigil sa pagkatay kay Islaw pero wala siyang pakialam. She maybe just eleven but she loves Islaw more than she loves the piggies and the goats. Isama pa ang mga manok at ang baka na madalas siyang habulin tuwing naka-pula siya.
"Just do it! Do it and—"
"Anong nangyayari rito?"
Biglang kumabog ang dibdib ni Teissa nang madinig ang tinig ng kanyang tito Melchor. Napamulat siya bigla at nang mabaling siya sa direksyon nito, hindi niya alam kung bakit lumihis ang tingin niya sa lalakeng kasama ng kanyang tiyo at mga pinsan.
"Ser, ayaw ho ipakatay ni Teissa si Islaw. Kanina pa nga ho kami nakikipagtalo sa batang 'yan. Dinadaan pa kami sa diplomasya. May nalalaman pang mga linyahan ni Dr. Jose Rizal."
Napanguso siya dahil sa pagsumbong ni Mang Ekong. Taksil! Ako ang laging nandito pero ako ang nilalaglag! Wala kayong pinagkaiba kay Emilio.
"Jose Rizal, huh?" Bahagyang natawa ang kanyang tiyo ngunit mas napansin niya ang pagpigil ng estranghero sa ngisi nito.
She gulped. At her age, handsome... Handsome is Bonifacio with his blade. Brave and masculine. This guy wearing ripped jeans and a shirt with a thug version of Jose Rizal print isn't supposed to look handsome in her eyes because he clearly doesn't care about history the way she does.
Ngunit bakit tila nahipnotismo siya ng kulay brown nitong mga matang medyo singkit at may mahabang pilikmata?  Bakit kahit ang sungit nito kung tumitig ay hindi niya magawang umiwas? Bakit napaawang ang mga labi niya nang hindi niya namamalayan nang mapagmasdan kung gaano kaganda ang hulma ng ilong at panga nito? Oh, his thin lips looked reddish at may dimple ito sa kanang pisngi. His dark brown hair is on a clean cut with a little longer top and he is almost as tall as her tito Melchor with a leaner body type.
Nahilot ng lalake ang batok saka sinulyapan ang kalabaw. "That's one weird-looking carabao."
Humagikgik ang kanyang ate Tammy na limang taon ang tanda sa kanya. "Favorite niya kasi 'yan, Armani. Mahilig maglakwatsa sa bukirin ang kapatid kong bunso kaya tignan mo medyo maitim."
She gasped with her eyes widely open. "I'm not maitim? I'm morena!"
Tammy rolled her eyes at her. "Yeah, right. Pabayaan mo na silang katayin 'yang si Islaw nang mamirmi ka na sa mansyon. Tignan mo nga ang itsura mo parang hindi ka apo ng haciendero, Teissa. Ang pangit mo."
"Mas pangit ka. Kung hindi ka pangit bakit ka bili ng bili ng make up?"
Pinaningkitan siya ng mga mata ng kapatid. Mayamaya'y tumikhim ito at tinapik ang balikat ng lalakeng tinawag nitong Armani. "Let's just go. Tito Melchor, hayaan niyo na po matigas talaga ang ulo niyan kaya laging napapalo kahit ang laki-laki na."
"Teissa that's enough, okay? Lumabas ka na mamaya," malumanay na ani ng kanyang tiyo bago naunang umalis.
Hatak sa braso ang lalake, lumabas ang ate Tammy niya ng katayan. Tammy is just sixteen but she's already into fashionable outfits. Hindi nga lang kasing konserbatibo ni Teissa kung manamit. Mahilig kasi ang ate Tammy niya sa mini skirt at spaghetti straps samantalang siya, mas gusto niya ang mga bestida.
Nag-uusap ang dalawa habang palabas. Hindi naman napigilan ni Teissa ang sariling pagmasdan ang lalake ngunit bago ito tuluyang nakaalis, muli itong lumingon sa kanya saka ito ngumisi.
"No, I don't think she's ugly actually. She's just a cuter, more carefree version of you, Tammy."
Tumawa ang kanyang ate. "Hindi mo kailangang bolahin ang intrimidita kong kapatid para lang ma-impress ako. Alam din naman niyang sa aming magkakapatid, siya ang hindi mukhang Mercado."
Bumagsak ang tingin ni Teissa sa lupa habang mariing magkalapat ang kanyang mga labi. Minsan gusto niya na lang paniwalaan ang mga sinasabi ni Tammy. Ito kasi ang numero unong kontrabida sa kanyang buhay at imbes na ipagtanggol siya sa mga nang-aasar sa kanya, ito pa ang nagiging pasimuno.
"Teissa, pasensya ka na pero kailangan na talagang katayin si Islaw."
Malungkot siyang napatingala kay Mang Ekong. Muli na naman tuloy nagbadya ang kanyang mga luha lalo nang makitang hindi talaga magbabago ang desisyon nitong katayin ang kanyang paboritong kalabaw.
She breathed in and touched Islaw's nose. "P—Pwede po bang makasama ko muna si Islaw kahit sandali pa? Iwan niyo po muna ako, please?"
Wala nang nagawa ang mga tauhan palibhasa alam ng mga itong hindi rin niya maitatakas ang kalabaw kahit gustuhin niya.
Nang sila na lang ni Islaw ang naroroon, naiiyak niya itong tinitigan. "Ipag-pi-pray kita palagi. I'm sorry, Islaw masyado pa akong maliit at hindi kita kayang bilihin para maligtas ang buhay mo." Humikbi siya kasabay ng pagpatak ng kanyang mga luha. "Sabihin mo kay Dr. Jose Rizal patawarin niya ako ha kapag nagkita kayo sa langit?"
Nakarinig siya ng mahinang halakhak. Nang bumaling siya sa pinto, muling nagwala ang dibdib niya nang makita ang lalakeng kasama ng tiyo at ate Tammy niya kanina. Pumasok ito at may dinampot sa lupa na mukhang nahulog nito kanina.
Mayamaya'y naglakad ito palapit sa kanyang direksyon na hindi inaalis ang titig sa kanyang luhaang mga mata. May maliit na kurba ito sa labi ngunit ang mga mata, kumikislap na tila naaaliw sa kanya.
"So you're Teissa, hmm?"
She sniffed and nodded her head. "Opo."
Yumuko ang lalake at sinangkal ang mga palad sa hita nito nang magpantay silang dalawa. "I'm Armani."
"Damit 'yon 'di ba?"
Mahina itong natawa saka ginulo ang kanyang buhok. "Ah, you're so cute." He sighed. "Kapag ba niligtas ko si Islaw ngayon, will you promise to be a good girl from now on?"
"But I am a good girl."
Ngumisi ito. "I guess you are." Tumuwid ito ng tayo. "I'm going to pay for Islaw so they won't kill it but in one condition."
"Ano 'yon po?"
Lumambot ang ekspresyong nakapinta sa mukha ni Armani. Pumungay ang mga mata nito at ang kurba sa mga labi ay naging basag na ngiti.
"Promise me that this will be the last time you're gonna cry." Tinulak nito ang ilang hibla ng kanyang buhok patungo sa likod ng kanyang tainga. "Your eyes are too beautiful to shed those tears..."

Bình Luận Sách (22)

  • avatar
    Maderaclaudine

    Thanks you she is so beautiful story so cute and so sad............. Habang akoy nag babasa na iiyak ako...........................

    11/11

      0
  • avatar
    22Aymee

    GANDA.❤️❤️❤️

    24/10

      0
  • avatar
    Chander Louie Mangalili Flores

    naks

    27/03/2023

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất