logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chương 7 T1L5CA1SD: 7

"Kaya may papuso ka rin sa post ni Thalia at kung sinu-sino gamit ang account ko?" Gusto rin nito ng atensyon at papuri.
"'Yung kay Ate Thalia lang naman ang pinusuan ko. Nakalimutan ko kasi na hindi ko pala account iyon."
"Haha!" Pagak na tumawa si Marvene. "Nakalimutan mo? Ni hindi ka man lang nagpasintabi sa may-ari ng account."
Umikot ang mga mata ni Miley. "Pinusuan ko lang naman, Kuya. Di ako nag-comment. Di ba natuwa pa nga siya dahil akala niya pinusuan mo ang post niya? Sabi niya dine-dedicate daw niya ang performance niya sa iyo. Ano? Di ka man lang marunong mag-appreciate ng mga bagay-bagay."
"Anong gagawin ko sa mga likes at puso?" Hindi naman maiko-convert iyon sa grades o pambili ng bigas.
Praktikal siyang tao. Hindi siya nasisiyahan sa mga papuri o bagay na ‘di makakatulong sa pang-araw-araw niyang buhay. Kaya nga ‘di siya babad sa social media para mag-abang lang ng komento o makipag-away sa mga ibang tao an ‘di naman niya kaharap para lang patunayang tama siya.
"Appreciate. Appreciate lang," giit ng kapatid niya. "Kaya sana naman huwag ka nang magtampo sa akin."
Napailing na lang si Marvene. Ibang klase talaga ang kapatid niya. "Sa halip na i-recognize mo 'yung mali mo at sabihing di mo na uulitin, ako pa magpapasalamat sa iyo at dapat mag-appreciate? Kumusta naman ang right to privacy? According to Republic Act No. 10173, Section 29 or Unauthorized Access or Intentional Breach. – The penalty of imprisonment ranging from one year to three years and a fine of not less than Five hundred thousand pesos but not more than Two million pesos…”
“Kulong? Kulong agad? Kakasuhan mo ba talaga ako? Saka minor lang ako. Kahit ireklamo mo ako, sila nanay at tatay din naman ang magbabayad sa kaso ko. Bibigyan mo ba talaga sila ng problema?”
Pumalatak siya. “Miley, hindi mo ba nakuha ang punto ko? Nang-invade ka sa privacy at pwede kang makasuhan. ‘Di biro ang kapalit kapag ginawa mo sa ibang tao. At ‘di ka man lang nagi-guilty. ‘Di dahil kuya mo ako, tatapak-tapakan mo na lang ang kaparatan ko.”
“Kuya naman! Sorry na. Hindi ko na uulitin. Gawan mo na ako ng project please,” pakiusap ulit nito.
Tinapos niya ang paglalagay ng mga bote ng cashew spread sa bayong. “Nanay, pupunta na po ako sa palengke. May pahabol pa po bang order?”
“Wala na,” anang nanay niya na abala sa paghuhugas ng mga buto ng kasoy. “Mag-iingat ka, anak.”
Kumapit sa braso ng nanay niya ang kapatid. “Nanay, huwag po ninyong payagan umalis si Kuya. ‘Yung project ko po. Nangangain po ‘yung computer. ‘Di ko po alam ang gagawin.”
Hinaplos ng nanay niya ang buhok ni Miley. “Nahihirapan ka ba talaga, anak?” Tumango naman ang kapatid at suminghot. Nag-level up na ang pagdadrama nito. May paiyak na. Malalmlam ang mga mata ng nanay niya nang bumaling sa kanya. “Marvene, baka pwede kahit mamaya ka na mag-deliver…”
“Nanay, kailangan po itong mga paninda ng mga suki ninyo. Sayang po ang benta. Saka may tiwala po ako sa kakayahan ni Miley. Magaling po iyan, Nanay. Marami ngang likes at puso reaction iyan sa Facebook.”
At iniwan na niya ang pumapalahaw na kapatid. Oras na para matuto itong mag-isa. Kaya nga nitong makialam sa account nang may account. Siguro naman kaya nitong tiyagain ang paggawa ng Powerpoint Presentation. Kapag may gusto, may paraan. Hindi ito pwedeng laging dumepende sa kanya. Kung inuuna sana nito ang pag-aaral kaysa pagdutdot sa social media, mas madali itong matututo.
Mabuti na lang at pinili niyang huwag magpadala sa drama ng kapatid niya. Inip na inip na ang mga tindera na binabagsakan nila ng paninda sa palengke. “Buti nakarating ka rin, pogi. Mabilis naubos ‘yung cashew spread. Maraming naghahanap nito.”
Luminga siya sa paligid. “Manang, nasaan po pala si Lola Myra?”
“Madalang na siya dito. May magandang babaeng sumundo sa kanya. Kaya ‘di na siya naglalagi dito.”
“Sino pong babae?” tanong niya.
“Hindi ko naman kilala. Nakita lang ng anak ko na sinundo siya kanina. Baka umuwi na ang anka niya mula sa abroad. Mabuti na rin iyon kaysa namamalimos siya dito. Malungkot din ang buhay ng matandang iyon.”
Namatay ang mga lolo at lola niya bata pa lang siya. Kaya naman sabik siya sa sariling lola. Hindi niya matagalan na may lola o lolo na walang kamag-anak na nag-aalaga sa matandang edad nito. Naalala niya ang sinabi ni Thalia sa kanya - bakit daw kailangan niyang tumulong sa matanda na hamak mas mayaman pa sa kanya? Hindi nito alam na ‘di lahat ay tungkol sa pera. ‘Di sa nanghuhusga siya sa mga kamag-anak ni Lola. Iba daw ang kultura sa ibang bansa kung saan ipinapadala na lang sa mga home for the aged ang nakatatanda. Ayaw niyang gawin iyon sa mga magulang niya. Kaya siya nagsisikap para makasama at maaalagaan pa rin niya ang mga magulag hanggang sa pagtanda ng mga ito.
Sa kabilang bayan pa nakatira ang matandang babae kaya di niya ito madadalaw. Kailangan niyang umuwi para tapusin ang assignment. Kung may kamag-anak nang mag-aalaga dito, mas mabuti iyon.
Nag-aabang siya ng tricycle na masasakyan nang may tumigil sa harap niya. Nagulat siya nang sumilip mula sa sidecar si Thalia. “Hi, Marvene! Saan ka pupunta?”

Bình Luận Sách (29)

  • avatar
    ParkSunghoon

    I like this story

    20/08

      0
  • avatar
    Daniero Mahinay

    Thanks

    24/07

      0
  • avatar
    Marceline Francisco

    marceline

    20/07

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất