logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chương 6 T1L5CA1SD: 6

Noong una, tutol ang ama niya sa mga video blogs niya. Pero nakita rin nito kung gaano kahalaga ang pag-angat ng kompiyansa niya dahil sa pagdami ng followers niya. Marami rin siyang napapasayang mga tao.
“Napanood ka din ng lola mo kanina,” sabi ng mama niya.
Nagnigning ang mga mata niya. “Talaga po? Ano pong sabi?”
“Tanungin mo ang Tita Celine mo mamaya kapag nag-chat kayo. Kumain ka muna bago ka tumutok sa computer,” bilin ng ina.
Excited siya sa paghihintay ng paglipas ng oras. Mag-aalas sais na ng gabi nang mag-log in sa chat ang tiyahin kasama ang Lola Myra niya. “Hello, Tita Celine! Hello, Lola Myra!”
Nakaupo ang matandang sa wheel chair habang nakatulala. Katabi nito ang tiyahin niya na pinakabatang kapatid ng mama niya. Nasa California ang mga ito. Dating caregiver ang tiyahin niya pero ngayon ay nag-aalaga na sa lola niya at sa mga pinsan niya.
“Kumusta na? Napagod ka ba sa concert mo kanina?” tanong ng tiyahin.
“Hindi naman po gaano. Kapag po masaya ang nga nanonood, masaya na rin ako. Nanood din po ba si Lola?” tanong niya.
“Masaya siya kaninang makita kang kumanta. Pumalakpak siya.” Tinapik nito ang kamay ng lola niya. “Nanay, nandito na po ang hinihintay niyo.”
Kumaway siya. “Hello, Lola Si Thalia po ako, ang apo ninyo.”
“Nanay, ‘yung napanood ninyong kumanta kanina. Gumising pa nga kayo nang madaling-araw para lang makita siya. Sabi ninyo gusto ninyo siyang makausap,” dagdag pa ng tiyahin niya.
Kumunot ang noo ng matandang babae “Thalia? Apo? Wala akong apo na Thalia ang pangalan.”
“Apo po ninyo ako sa anak ninyong si Mercedes,” pagpapaalala ni Thalia dito.
“Mercedes? Wala akong anak na Mercedes.” Hinakawan nito ang kamay ng Tita Celine niya. “Sino bang Mercedes ang sinasabi niya? Wala naman akong ganoong anak.”
Bumagsak ang balikat ni Thalia. Hindi pa rin siya naalala o nakikilala ng lola niya. Dati pa naman parang di na siya nag-e-exist para dito. Masama ang loob ng lola niya sa mga magulang niya dahil nagtanan ang mga ito sa batang edad. Pinili ng nanay niya na bunso nitong anak na huwag sumama sa pagma-migrate sa pamilya sa Amerika. Pinili nito ang tatay niya. Mula noon, ‘di na nito kinausap ang nanay niya. Tanging mga tiyahin lang niya ang nakakausap niya. At lumala iyon nang magkaroon ng Alzheimer’s ang lola niya. Tuluyan nang nabura dito ang mga alaala at kahit ang mismong Tita Celine niya na paborito nitong anak ay ‘di nito maalala. Ang alam nito, ang Tita Celine niya ay ang bestfriend nito na kasama sa dormitoryo noong college pa ito.
Tumuro ang lola niya sa screen. “Pero kilala kita. Ikaw si Anne Curtis. Lagi kong pinapanood ang mga video mo. Pinapagaya ko pa nga sa bestfriend ko ang make up mo para maging magkamukha tayo”
“Talaga po?” nagniningning ang mga mata niyang tanong. Nagsimula itong mag-respond sa kanya nang gawin niya ang isang dare kung saan ginaya niya ang pag-arte ni Anne Curtis sa Diyosa.
“Mabuti at nauso na ang mga ganito na nakakausap ang artista. Kantahan mo naman ako, Anne. ‘Yung Alone.”
Dahan-dahan niyang inangat ang tingin at ngumiti. Sinalubong niya ang mga mata ng lola niya sa screen ng laptop. “I hear the ticking of the clock. I’m lying here, the room’s pitch dark”
Pumalakpak ang lola niya habang ikinikiling ang ulo at sinasabayan ang kanta niya kahit na wala sa tono. Masakit sa kanya na hindi siya nito nakikilala na apo nito. Na hindi siya nito kinilala kahit na kailan.
Pero sa isang banda, masaya siya na napapalapit siya dito sa pammagitan ng videos niya, kahit pa nga akala nito ay siya si Anne Curtis.
"KUYA, gawan mo na ako ng project. Hindi ko na talaga alam kung ano ang gagawin ko sa Powerpoint Presentation ko. Kung paano I-insert at pagalawin ang text, photos at videos.”
Walang emosyon sa mukha ni Marvene nang lingunin ang kapatid na si Miley. Magkasalikop ang palad nito habang naninikluhod sa tabi ng mesa kung saan inaayos niya sa bayong ang iba pang cashew spread na ide-delivery sa palengke.
Pinapungay nito ang mga mata na karaniwang nagpapapalambot sa mga magulang niya. Pero hindi siya.
"Sana naisip mo ang mga pabor na hihingin mo sa akin bago mo pinakialaman ang profile photo ko,” sabi niya sa boses na singlamig ng ice water. Ayaw niya sa lahat na pinakikialaman ang mga pribadong gamit at mga bagay na pag-aari niya. At ngayon ay aasta ang kapatid niya na parang wala itong ginawang mali.
"Kuya, ginawan pa nga kita ng pabor, hindi ba? Inaamag na 'yung profile pic mo pero wala kang balak na palitan. Ang ganda kaya ng shot ko sa iyo. Naipakita ko ang talento ko sa mundo bilang mobile photographer. Di ka man lang supportive." At lumabi ito na parang inaapi niya.
"Anong klase bang suporta ang gusto mo?"
"Yung katulad ng ginawa ni Ate Thalia na nag-share siya ng picture mo. Ang dami mong reaction sa picture mo 'di ba? Kaya nga masaya ako kapag napupuri ka sa picture."

Bình Luận Sách (29)

  • avatar
    ParkSunghoon

    I like this story

    20/08

      0
  • avatar
    Daniero Mahinay

    Thanks

    24/07

      0
  • avatar
    Marceline Francisco

    marceline

    20/07

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất