logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter 04- Lotus

Fritz' POV
Kumunot ang noo ko nang marinig ang nakakairitang tunog ng alarm clock.
Kinapa-kapa ko ito sa lamesa sa tabi ng kama ko. Nakapa ko na ito pero hindi ko nakuha.
Umusog ako para mangapa ulit dahil nakakarindi ang alarm tone.
Agad akong napadilat ng naramdaman kong nahulog ako sa kama.
"Anak ng— aray!" pagdaing ko at dahan-dahang tumayo pero nahulugan ako ng cellphone sa ulo kaya napadaing ulit ako.
"Ah! Talaga naman!" sigaw ko at agad na tumayo kaya nagkanda hulog-hulog ang mga gamit na nakapatong sa lamesa. Pinilit kong kunin ang cellphone at pinatay ang alarm kahit antok pa ang mga mata ko at medyo nahihilo ako.
Hindi ko na inayos ang mga nahulog at humilata ulit sa kama.
Wo! Good morning!
Maya-maya ay bigla kong naalala ang kadramahan ko kagabi kaya napadilat na ako ng mata.
Kaya ayokong nalalasing dahil bumabalik na naman ang negative na pag-iisip ko na 'yon.
Ano ka ba Fritz Yellow, mahal ka ng mga 'yon, sutil ka lang talaga.
Pero kahit anong kumbinsi ko sa sarili ko ay tama pa rin ang negative na pag-iisip ko.
Sutil ako dahil gusto ko ng atensyon nila. Pero ako lang talaga ang masaya kapag nakukuha ko 'yon at... mali rin ang ginagawa kong pagkuha ng atensyon. Mabuti pa't magpakanda layo-layo na lang ako.
Agad ako umupo mula sa pagkakahiga at umiling-iling.
Taragis ka Fritz, wala ka ngang pera maglalayas ka pa.
Bumuntong hininga ako, ayoko nang isipin 'yon, ang mahalaga... ang mahalaga... ay–ah! Kainis.
Napako ang tingin ko sa painting area ko rito sa kwarto ko, kailan kaya ulit ako makakapag pinta—
Teka– ano?!
Bumangon ako at pumunta doon 'tsaka isa-isang tinanggal ang mga tela na nakatakip sa mga paintings.
Napaamang ako ng matanggal ko ang huling tela.
Pambihira.
Napasuklay ako ng buhok gamit ang daliri ko habang 'di pa rin makapaniwala sa nakikita.
Anak ng tokwa, pininta ko talaga ang babaeng 'yon?! Pagkatapos masira ng public image ko dahil sa sampal niya nagawa ko pa siyang ipinta?!
"Bobo mo talaga Fritz!" mahinang suway ko sa sarili at padabog na pumunta ng CR para maghilamos.
Oo nga pala, matagal ng sira ang public image ko, tsk. Mabuti na lang at gwapo ako.
Diretsyo ligo na ang ginawa ko, simula noong umalis sila Mom laging kain muna bago ligo ang routine ko, ngayon na lang ulit ako naliligo bago kumain, ewan ko lang sa tatlo.
Agad akong nag-ayos at sumilip sa wallet ko. Nice. 50 pesos. Nice.
Huminga ako ng malalim at nilapitan ang mga pininta ko.
Nakakahiya naman ibenta 'to sa isang Art Gallery, masyadong maganda.
Tinakpan ko na ang iba kong pininta. Ngayon, nanghihinayang na ako dahil mukhang nag sayang lang ako ng canvas, pero seryoso, nakikita ko na mas magaling na ako ngayon magpinta kaysa sa dating Fritz.
Maga-alas-sais pa lang ng umaga ay gising na ako, hindi ko rin alam kung paano ko 'to nagagawa. Lagi na lang akong late matulog ta's ang aga magising.
Napabuntong hininga ako matapos ayusin ang mga gamit na nahulog mula sa lamesa sa tabi ng kama ko. Paano naman kaya ako magkakapera nito? Pinangbili ko kasi ng ibang painting materials ang pinadala nila Mom, tapos allowance ko pa.
Ayoko naman manghingi kay Puti dahil baka sermonan ako. Si Azure... malay ko kung nasaan 'yon, tahimik na nga rito sa bahay lagi pang wala. At lalo namang ayaw ko manghingi kay Pula kahit 'yon ang mas mukhang galante sa aming apat. Ayoko lang umasa lagi sa kanila.
Ibenta sa Art Galleries? hindi naman porket nagbebenta sila ng artworks ay ibebenta na nila ang akin. At saka... parang manliligaw ako sa isang Art Gallery kung gusto ko talaga magkapera gamit ang mga pininta ko. Isa pa, kailangan pa 'atang i-explain ang mga ipininta ko, aba, alanganaman na sabihin kong mema ko lang 'yan at na-imagine lang habang naliligo?
Dalawa lang ang itinira kong paintings para pagpilian ibenta, ang pink lotus at 'yong babaeng sumampal sa akin.
Ilang minuto rin ako nag-isip at sa huli ang lotus na lang ang pinili ko. I mean, ayoko lang ibenta 'yong pininta ko kagabi, kasi... nanghihinayang ako. Tama, 'yon nga 'yon.
Siyempre, para mabenta 'to ay kailangan ko ng back-up, kaya tinawagan ko na si Sven.
"Yo! Dude" sabi ko sa kabilang linya ng sagutin niya ang tawag.
["Bakit? Teka lang babe kausapin ko lang 'to. Oh ano 'yon?"] tanong niya kaya napa-buntong hininga ako. Maka 'babe' sa kausap niya akala mo sineseryoso, eh bukas o sa susunod na mga araw iba na naman 'yan. Aba humahabol ata 'to kay Ryle.
"Gusto mo ba bumili? Pwede 'to i-display sa hotel niyo o sa mansion niyo." sabi ko at alam naman niya ang ibig kong sabihin.
["Anong klase ba 'yan?"] tanong niya.
"Acrylics dude, lotus." sagot ko, narinig ko naman ang pag buntong hininga niya.
["I don't think so, puro sculptures ang nasa hotel, gano'n din sa mansion. At lalo namang hindi ko 'yan mabibili dahil hindi ko hilig ang bulaklak lalo na't color pink lotus 'ata 'yan."] sabi niya at mahinang tumawa. Tama, pink lotus nga 'to.
At saka mga sculptures pala ang hilig ng pamiya nila, bakit ko ba nakalimutan 'yon?
"Oh sige, salamat. Ipagpatuloy mo na 'yang kasiyahan mo diyan," umiiling na sabi ko sa kabilang linya, narinig ko naman siyang tumawa.
["Oo dude, naka bingwit ng model eh. Ayaw mo ba sa Art Galleries?"] tanong niya, aba ang aga-aga may model agad.
"Ayoko, 'di pa ako ready," walang ganang sagot ko, masyado pa akong tamad ngayon para gawin 'yon, next time na lang siguro.
["Sus! Sige ikaw bahala, good
luck sa pagbebenta."] sabi niya at tumawa ulit.
"Sige." sagot ko bago siya babaan ng cellphone.
Si Ryle kaya?
"Ryle dude." bungad ko ng sagutin niya ang tawag.
["Ano? Aga-aga tumatawag."] sabi niya at parang inaantok pa.
"Gusto mo ba ng painting? Or may kakilala ka?" tanong ko.
["Hmm, wala eh... try ko tanong sila Mama, magkano ba 'yan?"] napangiti ako sa sinabi niya, sana magustuhan ni Auntie Ria ang gawa ko.
"Ikaw na bahala mag presyo." sagot ko na lang, ayoko mag-presyo dahil hindi ako sigurado kung maganda ba. Ilang segundo ang lumipas pero wala pa rin siyang sagot.
"Hello? Dude, and'yan ka pa?" tanong ko at nanahimik muna, narinig ko ang hilik niya sa kabilang linya kaya maharas kong pinatay ang tawag.
Taragis na 'yan.
Tinulugan ako ng bobo. Bumuntong hininga ako, naiintindihan ko naman, nalasing pala 'yon kagabi.
Okay, last chance.
"Hello, Yohan."
["What do you want?"] tanong niya.
"Kung gusto mo ba bumili ng painting ko? or may kakilala ka? Kailangan ko lang." sabi ko, sana lang. Manlilimos talaga ako nito. Ilang segundo siyang hindi sumagot kaya kinabahan na ako, huwag mo sabihin na wala–
["Okay, I think I know someone who can sell your work."] sabi niya kaya napangiti ulit ako.
"Dude, hindi 'yan scam ha?" pabirong tanong ko, pero sana hindi talaga.
["Meet me at the Borrom Café, 6:30am."] sabi niya ibinaba agad ang tawag.
Maingat kong inilagay ang pininta kong lotus sa itim kong holder bag na para lang sa mga canvas at isinabit sa balikat ko.
Lumabas ako ng kwarto at nakitang kumakain si Puti sa kusina, siguro tulog pa si Pula, si Asul? malay ko, ang sabi lang ni Pula huwag nang makulit at tanong ng tanong dahil nasa mabuting kalagayan naman si Asul, edi 'wag, hindi na lang sabihin, concern lang naman ako. May alam naman din ata si Puti kaya chill lang, OA kasi 'to kapag may nawawala sa dalawa, tsk.
Nang mapansin ako ay agad niya na kumunot ang noo niya. Hindi ko lang 'yon pinansin at kumuha ng slice bread 'tsaka ipinalaman ang nutella, mabuti at hindi nagkatoyo si Pula at inupakan ito.
"At saan ka naman pupunta?" nakakunot noong tanong niya. Ngumisi lang ako, mabuti at walang pasok ngayon.
"May kikitain bro," naka-ngisi kong sagot, ngumisi rin siya at tiningnan ang canvas bag holder na nasa balikat ko.
"Ibebenta mo 'yang pangit mong pinta? Ha. Good luck." sabi niya at itinuloy ang pag-kain. Mabuti na lang at hindi natanggal ang ngisi sa labi ko.
Tinapik ko ang balikat niya.
"Salamat bro." sabi ko at umalis na. Paglabas ko ay huminga ako ng malalim.
Dumeretsyo ako kung na saan naka-park ang nag-iisa naming bike.
Umupo ako doon at dinama ang hangin na dumampi sa balat ko sabay kagat ng tinapay.
Ano ka ba Fritz, nagbibiro lang 'yon.
Kumbinsi ko sa sarili ko dahil bumabalik na naman ang mga ala-ala noong mga bata pa kami.
Ayoko na naman isipin 'yon dahil nalulungkot lang ako, dapat masaya ako ngayon.
Inubos ko muna ang tinapay dahil medyo maaga pa 'tsaka inumpisahan ipedal ang bike papuntang Borrom Café.
Pagdating ko roon ay nakita ko agad si Yohan na nagkakape.
"Dude!" tawag ko at tinanggal ang bag sa pagkakasabit sa balikat bago umupo sa harap niya. Tumango naman siya.
"May I see?" tanong niya kaya inilabas ko na ang hindi kalakihang canvas na may pinta na pink lotus.
"Ayos ba?" tanong ko, perfectionist kasi 'tong si Yohan. Hindi ko nga alam kung bakit hindi 'to nag-engineer o architect, eh.
"Yes... I think she'll like it, papunta na siya." sabi niya at tumingin sa wrist watch niya. Isinandal ko muna ang painting sa glass wall ng café dito sa gilid ko at umorder ng kape. Sana si Yohan na ang magbayad.
Maya-maya may dumating na babae na hindi inaasahang makita.
"Hi, Mr. Yohan Sy... and oh! You too Mr. Fritz Sachi!" naka-ngiting sabi niya kaya tumayo na din ako at nakipag-kamay na rin, 'tsaka siya umupo sa tabi ni Yohan.
"We met again Ms. Azineth Cruix." sabi ko at humigop ng kape. Siya ba ang bibili? Nakakahiya naman dahil ang professional niyang tignan. Natandaan ko tuloy noong nasa bar kami, taragis lang, masyado kong na-miss ang mga babae. Sana hindi sira ang image ko sa kanya, tsk, akbayan ba naman at kausapin ng parang magka-level lang kami, tsk, minus points agad.
Ngumiti naman siya kaya tumikhim si Yohan.
"So since, you already know each other. Shall we start?" tanong niya kaya agad kong inabot kay Ms. Cruix ang pininta ko at tinanggap naman niya iyon 'tsaka naka-ngiting pinagmasdan.
"Hmm, pink lotus. My daughter really love flowers. So may I ask why did you painted this? Bakit hindi mga famous flowers like roses and sunflowers?" she asked, ito na nga ba ang sinasabi ko eh. Teka– anak?!
Umiling ako, wala ako rito para mang-usyoso kaya dapat umayos ako lalo na't halatang professional itong si Ms. Cruix, ibang-iba sa nakita ko sa bar.
Para sa pera at passion, Fritz!
"Uhmm... dahil isinisimbolo nito ang purity , because the lotus flower emerge from murky waters perfectly clean and beautiful. Kaya ito isinimbolo sa pagiging pure." sabi ko at ngumiti. Hindi naka-takas sa paningin ko ang pagngisi ni Yohan.
"That's right, ang tanong ko na lang ay... bakit kailangan kong bilhin 'tong likha mo?" tanong niya ulit, kasi maganda 'yan at wala talaga akong pera.
Huminga ako ng malalim, mabuti na lang at may kaunti akong nalalaman tungkol sa lotus flower.
"Ang meaning ng lotus flower ay maganda, it holds such power because it can offer hope and strength to people struggling in their daily lives, since hindi naman 'yan isang literal na lotus ay sana mabili mo pa rin dahil ipininta ko 'yan ng galing sa puso, at sana magustuhan niyo rin ng buong puso," nakangiting sabi ko, totoo naman 'yon, kaya gumaganda ang ginagawa dahil ginawa mo 'yon ng galing sa puso. Napataas naman siya ng dalawang kilay at ipinatong sa lamesa ang canvas 'tsaka humalukipkip.
"Thank you for informing me about the meaning of it, you convinced me, you're still learning right? Maganda ang gawa mo at sigurado akong magugustuhan 'to ng anak ko. I know there's more improvements to come. I'll take this, how much?" tanong niya kaya nanlaki ang mata ko, seryoso?
"Uh... kayo na po ang bahala magpresyo." sabi ko at napakamot ng ulo. Ngumiti naman siya at tumango.
"Artists like you— newbie or not must know the worth of their masterpiece." Hindi na lang sa sumagot sa sinabi niya.
Hindi ko nga alam halaga ng sarili ko, mga pinta ko pa kaya.
"Okay, I understand. How about 50 thousand? 60?" tanong niya, mabuti nalang at ubos na ang kape ko dahil kung nagkataon ay baka maibuga ko 'yon.
"P-Pero hindi ba't masyadong malaki 'yon?" nag-aalangang tanong ko, acrylics lang 'yan. Ang inaasahan kong presyo ay limang libo o sampong libo pero sobra ang ibinigay niya.
"Why? You deserve it. Babayaran kita ng buong puso kaya sana tanggapin mo ng buong puso," nakangiting sabi niya kaya wala akong nagawa kundi pumayag na lang at magpasalamat. Ita-transfer na lang daw niya yung pera sa bank account ko na isang libo na lang 'ata ang laman.
May tinawagan siya at may isang lalakeng naka-tuxedo ang kumuha ng painting.
Doon na kami natapos, nagpasalamat din ako kay Yohan, at mukhang wala lang 'yon sa kaniya.
"Eh... matanong ko lang, bakit ka nga pala nasa bar noong nakaraang gabi?" tanong ko nang makalabas kami, nauna na kasi lumabas si Yohan dahil may pupuntahan pa raw siya.
Tumigil naman siya sa paglalakad at hinarap ako.
"Ah ayon ba? Pasensya kana lasing kasi ako no'n, nai-stress kasi ako kaya chill muna. Anyway, let's forget about it alright? Keep on painting, and check your bank account later, inform mo na lang ako kung wala pa. I have to go, have a good day." sabi niya at sumakay na ng kotse. Sinundan ko lang ng tingin 'yon hanggang sa hindi ko na makita 'tsaka ako nakangiting pumunta sa pinag-park-an ko ng bike.
Hay salamat, nakaraos din.

Komento sa Aklat (105)

  • avatar
    Calix Bril

    wow ang ganda basahin

    14d

      0
  • avatar
    Rolando O. Ballos

    jdjjsisjjf

    18/08

      0
  • avatar
    GallazaGemuel

    Is wow the God

    05/08

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata