logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter 6-Moving On

"Sometimes you are in the middle of your destiny before you even know it has begun."
―Sarah Holman
Present time…
Desiree's POV
"Hmn, nice. Very nice." Komento ng isang tinig na napakapamilyar at napakasarap pa ring pakinggan kahit mahaba-habang panahon na ang nakalipas. Agad akong napalingon sa pinanggalingan niyon. And there was James standing so tall at the door of my boutique looking so hot and handsome though he was just wearing white polo shirt tucked inside a maong pants. For sure he could even wear a sack and still look gorgeous. Hindi ko napansin ang pagpasok niya. Kung hindi pa siya nagsalita ay hindi ko malalaman na bisita ko siya ngayon.
"I didn't know you have a heart for business. Ang alam ko, edukasyon ang kursong kinukuha mo noon," nakangiting pahayag nito habang nakatitig sa'kin.
Tinapunan ko lang siya ng matipid na ngiti. "Yeah, well. Hindi ko rin alam noon na may hilig pala ako sa negosyo. Later ko lang na-discover."
True.I never thought that I would have the guts to enter the business world. Si Tiya Agnes na kapatid ng aking ama ang nagbigay sa'kin ng ideya na magnegosyo na lamang sa halip na magturo. Nagtayo rin kasi ito ng mini-grocery sa Nueva Ecija at nag-click naman iyon. At dahil may konting hilig naman ako sa fashion, itinayo ko ang TheDesire.
Agad nabura ang ngiti sa mga labi ko nang maalala kong malapit na nga pala akong mawalan ng negosyo dahil sa napakalaking building na iyon na malapit nang matapos sa harap ng TheDesire ko. At ang higit pang nakakalungkot ay ang katotohanang ang may-ari nito ay ang nasa harapan ko ngayon. Ang lalaking siyang dahilan kung bakit tuma-tambling tambling na naman ang puso ko. Nakakainis na ganito pa rin ang maramdaman ko sa kabila ng ginawa niya sa'kin noon. Well, okay, I should give him the benefit of the doubt. Baka nga hindi talaga niya alam ang ginawa ni Britney.
"Paano ka nga palang napunta rito? Wag mong sabihing bibili ka ng damit. You should go to SM or Robinson's or wherever you could buy signatures."
I didn't mean to sound patronizing but since he was a very wealthy man, people expect him to wear classy and branded clothes. Katulad ngayon, hula ko ay Lacoste ang suot niyang polo shirt. It hugged his body so lovingly. Mukha siyang modelo ng mga polo shirts. Pinigil ko ang mapalatak.
"Nabanggit ni Randall na may puwesto ka dito so I had this urge to see you."
Napataas ang isang kilay ko."And why would you have the urge to see me naman?"tanong kong parang wala lang pero sobrang curious ako.
"We never had the time to talk last night. At saka contrary to your belief, hindi lamang ako sa SM o Robinson's o saan mang sikat na mall bumibili ng damit. Kahit saan bumibili ako, basta't nagustuhan ko at kasya sa'kin."
Napababa ako ng tingin. Totoo naman kasi ang sinabi nito. Sa maikling panahon na nakilala at nakasama ko siya hindi ko man lang kinakitaan ng pagiging arogante. He was always good-mannered. Always the perfect gentleman. Napaka-down-to-earth niya sa kabila ng katayuan sa buhay. Isang bagay na hinangaan ko sa kanya noon.
"Wala naman tayong dapat na pag-usapan. I already welcomed you last night," sabi ko bago lumipat ang pansin ko sa kapapasok lamang na mga customers. Bumulong ako rito ng excuse me for a while upang lapitan sana ang mga customers ngunit nauna nang lumapit si Jaq sa mga ito.
"Actually, marami tayong dapat pag-usapan. Higit sa lahat ang tungkol kay Britney. So, can I take you to lunch?"
Si Britney? No! Ayokong maalala man lang ang babaeng iyon tapos lalabas pa kaming dalawa para lamang pag-usapan siya. Para ko na ring pinarusahan ang sarili ko.
"I don't think we need to talk about her. Matagal na iyon. Irrelevant nang pag-usapan pa ang tungkol sa kanya."
"You're wrong. Kailangan natin siyang pag-usapan. Gusto kong malaman kung bakit at paano mo siyang nakilala. At kung bakit inisip mo na nagpakasal kaming dalawa."
On second thought, may point ito. At hindi ko rin naman ikakaila na interesado akong malaman kung bakit hindi pala nito pinakasalan si Britney. Ano kaya talaga ang nangyari?
"So I'll be back in two hours. Nandito lang ako sa kabila. Be ready by then." Pagkasabi niyon ay tumalikod na ito. Wow! Bossy lang? Ni hindi pa nga ako pumapayag na makipag-lunch sa kanya e, umalis na at inaasahang naka-ready na ako pagbalik niya.
Ngunit sa totoo lang, curiousity was eating me like a plague. Gawa-gawa lamang ba ni Britney ang sinabi nitong buntis ito at si James ang ama? Bakit naman niya gagawin ang bagay na iyon? At wala ba talagang kaalam-alam si James tungkol sa ginawa ni Britney?
Maybe I should really go out with him, talk to him and once and for all end whatever it was that we had before. Para pareho na kaming maka-move on.
***
Five minutes before twelve, a ruggedly handsome guy wearing light pink polo shirt and maong pants was getting out of a car. Akala ko sa mga babae lamang nababagay ang pink ngunit ngayon ay napatunayan kong mas bagay pala ito sa mga lalaki. James looked so fresh and clean and definitely heart-melting. Parang ang bango nito at ang sarap lang singhotin.
"Hey," bati nito pagkakita sa'kin pagpasok ng boutique. Pinasadahan ng mga mata nito ang suot ko. Sa tingin ko ay nasiyahan naman ito sa nakikita base sa pagkakangiti. Hindi ako handang lumabas ng araw na ito. Malay ko ba naman kasing bigla na lamang susulpot ang lalaking ito dito at yayayain akong lumabas.
Ang suot ko lamang kanina ay isang body-hugging cotton shirt, skinny jeans at sneakers. Nope. Hindi ako bumabalik sa dati kong favorite attire. Ginhawa lang talaga akong kumilos kapag ganoon ang suot ko. Mabilis akong nakakaakyat sa attic upang kumuha ng stocks o kaya naman ay sumalampak sa sahig kapag naglalagay ako ng price tag sa mga produkto.
Kaya lamang ako nakapagpalit ngayon ay dahil sa meron akong nagugustuhang bagong dating na three-fourths shirt of light blue. Noong isang araw ko pa sinisipat ito sa pagkaka-hanger. I wanted it so much for myself. I just couldn't take it. Baka kasi hindi ko bayaran. Pero dahil wala akong isususot ngayon, I had no choice. Wala rin akong baong pampaa kaya hindi ko na hinubad ang suot kong sneakers. Anyway, blue din naman ang kulay nito kaya bagay na rin sa shirt.
"Hi,"seryosong tugon ko rito pagkatapos ay binalik ko ang pansin sa pagliligpit ng mga gamit sa mesa ko. He might notice that my hand shook a little bit and my heart was racing like I ran a thousand miles and had just arrived at the finish line.
"Still a man of punctuality huh,"puna ko rito.
Lalong lumuwang ang giti nito. "Hindi naman palagi. Nale-late din ako. But at the moment, I'd rather not take the risk."
"At ano naman ang ibig mong sabihin?"taas ang isang kilay ko.
"I'm afraid na kapag na-late ako ng kahit isang segundo, pagsundo ko dito wala ka na. Dahil sinadya mong umalis para hindi makasama sa'kin?"
"Well, I was considering that. After all, hindi naman ako pumayag na sumama sa'yo di ba?"
"Kaya nga nakahinga ako nang maluwag nang matanaw kita e."
His smile was making my heart melt like butter exposed to heat. "I hope you're not planning to bring that backpack? You see, baka hulihin ako ng pulis dahil akala ay menor -de- edad ang kasama ko. You look like a teenager on your get-up."
Bigla akong natawa sa sinabi nito. Oo nga pala. Backpack ang bag na dala ko kanina. Basta ko na lang isinukbit iyon dahil bagay sa outfit ko.
"Huwag kang mag-alala, hindi ko dadalhin 'yan,"sabi ko.
"Salamat naman. Do you mind?" mabilis itong lumapit sa'kin. Bago ko pa mahulaan kung ano ang balak niyang gawin ay hawak na niya ang buhok ko at natanggal na ang pagkakatali niyon. Napigil ko ang paghinga. He was standing so close. The smell of his expensive cologne played on my nostrils. Napakabango niya. I closed my eyes for a fraction of seconds. Then I felt his hand gently touching my hair as it slowly and gently cascaded on my shoulders and back. For a while, hindi ko malaman ang gagawin.
"There. Mas okay at mas bagay sa'yo," narinig kong ang saad niya mula sa likuran ko.
"I...I think I'm ready to go,"kumakabog ang dibdib na sabi ko upang lumayo na siya sa'kin. Pakiramdam ko kasi ay nanlalambot na ang mga tuhod ko at parang gusto kong ihilig ang likod ko sa dibdib niya. Gosh! Ano ba itong pinag-iisip ko? Dapat kong ipaalala sa sarili na nasaktan ako noon dahil sa lalaking ito. Sinadya man nito iyon o hindi, may kasalanan man ito o wala ay nasaktan pa rin ako. At ang worst, malapit na akong mawalan ng hanapbuhay. Iyon ay dahil pa rin sa lalaking ito.
"You're right. Let's go. I'm famished."
Saka ko pa lang napakawalan ang napigil kong paghinga nang kumilos ito palayo sa'kin at tunguhin ang pinto. "Jaq. Bahala ka na muna dito ha. At kumain na kayo ni Ash. Baka naman hintayin n'yo pa ko," bilin ko sa dalawang kasama ko bago sumunod kay James.
"Okay. Enjoy yourself. Syempre kakain na kami. Sigurado namang hindi mo na kami maalala mamaya habang kumakain,"ani Jaq saka sinundan iyon ng malakas na tawa.
"Kaw talaga, Jaq. Ba-bye," napapangiting sabi ko.
*****

Komento sa Aklat (29)

  • avatar
    QuintosKyla

    sobrang gandaaa.

    15/12

      0
  • avatar
    AcobaKenneth

    oky

    09/06/2023

      0
  • avatar
    Retchan Capangpangan

    ❤️❤️❤️

    28/05/2023

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata