logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Kabanata 06:

Nilinisan ko ang buo kong condo nang sa gayon ay maaliwalas itong tignan. Bukod sa wala ako gagawin ngayon ay gusto ko munang aliwin ang sarili sa paglilinis. Pagkatapos kong linisin ang buong condo ay agad akong dumiretso sa kwarto para linisin ang mga baril kong nakapatong sa ibabaw ng kama. Hindi ako mahilig pumatay ng tao pero mahilig akong humawak ng baril. Ito lang ang nagiging kakampi ko sa tuwing ako'y nasa binggit ng kamatayan kung kaya't lagi ko itong inaalagaan at nililinisan. Pagkatapos linisan ito ay nagbihis na rin ako ng damit para bumaba ng condo building tsaka dumiretso sa grocery store, kung saan kami magkikita.
"Pinagloloko ata ako ng lalaking iyon," bulong ko sa aking sarili bago tumayo at bumili ng cup noodles para dahil naramdaman ko ang pagkalam ng aking tiyan. Patapos na ako sa pagkain nang bigla ko siyang natanaw na naglalakad sa harapan ko suot-suot ang isang pormal na kasuotan animo'y pinaghandaan ang pagkikita namin.
"May pupuntahan ka ba?" Nagtataka kong tanong bago inubos ang noodles.
"Wala naman." Kibit-balikat niyang sagot na tinanguan ko naman.
"Diba ipapakilala mo sa akin si Villiancio?" Maya-maya'y tanong ko pagkalipas ng ilang minutong paninitig niya sa mukha ko.
"Kilala mo na ba ako?" Imbis na sagutin ang tanong ko ay nagtanong rin siya ng hindi konektado sa tanong ko. Pinagkrus niya ang kanyang mga braso tsaka ngumisi bagay na ikinataas ng aking kilay.
"Hindi ako interesado sayo," pambabara ko at minsanang napairap sa kawalan.
Ang dami pang satsat eh nagmamadali ako ngayon
Awtomatiko naman itong tumayo ng maayos tsaka inayos ang suot na americana at nakangiting tumingin sa akin bago inilahad ang sariling kamay sa harapan ko.
"I'm Zach Kaeius Villiancio, Shan." Ngiting-ngiting pagpapakilala nito at natutuwang tumingin sa akin dahilan upang magulat ako at nanlalaki ang mga matang napatingin sa kanya.
"Ikaw?" Hindi makapaniwala kong tanong sabay turo sa kanya. Taas noo siyang tumango-tango sa harapan ko ng hindi kumukurap.
"Oo," ngiti pa ring tugon niya at alanganing tumingin sa kamay niyang nakalahad pa rin sa harapan ko. Sinundan ko iyon ng tingin bago ulit tumingin sa kanya tsaka siya inismiran.
"Hindi naman pala gwapo," nanghihinayang kong saad matapos pasadahan ng paningin ang kabuoan niya dahilan para unti-unting anglaho ang maganda nitong ngiti.
"Ano bang... Hoy! Bumalik ka rito!" Asar niyang sigaw nang makitang iniwan ko siya pagkatapos niyang magkakilala na suot-suot ang americana.
Zach Kaeius Villiancio. Mukhang mapapadali mission ko nito.
Hindi agad ako dumiretso sa loob ng aking condo pagkatapos ko siyang talikuran. Gusto ko munang pagmasdan ang bawat kilos at galaw nito nang sa gayon ay makabisado ko. Hindi niya naman napansin na hindi ako tuluyang pumasok sa loob ng condo building dahil abala itong nagtitipa sa kanyang telepono habang salubong na salubong ang mga kilay. Maya-maya pa ay parang pinagbagsakan na siya ng langit at lupa nang may kung anong nabasa sa kanyang telepono. Pasimple akong napailing sa sarili bago pinasadahan muli ng paningin ang kanyang kabuoan.
Mula sa kanyang pagkakatindig ay aakalain mo na agad na isa siyang ganap na pulis. Ang matitipuno nitong braso na yumayakap sa suot niyang americana at ang magandang kurba ng kanyang katawan na bumabalandra sa tuwing siya ay gagalaw. Sa malapitan ay napansin ko kung gaano kakapal ng mga kanyang pilik-mata at kilay na mas lalong nagpapagwapo sa kanya. Nagbibigay halina sa akin ang asul at bilugan niyang mga mata. Nakakatunaw ng puso ang mapupula nitong labi lalo na kapag siya ay ngumingiti dahilan upang mas lalong makita ang magandang hugis ng kanyang panga. Matataba ang kanyang mga pisnge at mamula-mula ang matangos at maganda nitong ilong. Pinagmasdan ko pa siya ng ilang sandali nang biglang tumunog ang aking telepono.
"Yes dad?" Pagsagot ko sa tawag at tumalikod sa gawi ni Zach.
"Our transaction was successful, good job. Continue what you're doing until the transactions are done." Iyon lang at ibinababa niya na ang tawag.
Sa totoo lang kung ako ang papipiliin mas gugustuhin ko pang tulungan si Zach sa mga ginagawa nito kaysa sa ama kong wala ng ibang ginawa kundi ang kasakiman. Wala naman kasing maling ginagawa ang pulis na'to dahil hindi niya kasalanan na tapat at mapagkakatiwalaan siya sa trabaho kompara sa tatay kong nagpapalaganap lamang ng kasamaan sa buong mundo para makamit ang inaasam-asam na kapangyarihan.
Nang matapos ang tawag na iyon ay agad akong pumasok sa loob ng condo ko para magpahinga at matulog. Ipipikit ko na sana ang mga mata ko at handa nang matulog nang biglang umalingawngaw sa buong silid ang tunog ng aking telepono dahilan para inis ko itong dinampot sa bedside upang sagutin ang tawag.
"What?" inis na bungad ko sa kanya tsaka bumangad at isandal ang likod sa headboard.
"Huwag mo akong what-whatin, Shan sinasabi ko sayo!" inis rin na asik ni Samer na batid ko'y umirap na naman. Napangiwi ako sa tinig ng kanyang boses at napahilot sa aking sentido bago nagsalita.
"Ano ba kasi iyon?" Kalmado ng sinabi ko at umayos sa pagkakaupo.
"I-u-update lang kita sa celebration-celebration ng tangina mong tatay." Prangkang aniya kasabay ng pagtunog ng lamesa bagay na ikinairap ko.
"Oh bakit?" Hindi interesado kong tanong. Sa halip na sumagot siya ay narinig ko ang kanyang mga yabag na tila naglalakad kapagkuwan ay huminto tsaka may kinausap.
"Hoy kanina ka pa tulala dyan! Ikaw na kumausap kay Shan!" Rinig kong bulyaw nito sa kabilang linya kasabay ng pagkunot ng aking noo. Matagal na natahimik ang kausap ni Samer tsaka ito sumagot.
"Anong ako?" Pagtanggi agad ng kausap niya. "Diba sinabi ko na sayo lahat ng mga sasabihin mo sa kanya? Bakit ako?" Napangiwi ako nang makilala ko kung kanino nag mamay-ari ang boses na iyon.
"Nakalimutan ko lahat ng pinapasabi mo," pagdadahilan ni Samer.
"Ibaba mo muna ang tawag at isusulat ko ang mga sasabihin mo," mabilis na suhestiyon ni Jake na halatang ayaw akong kausapin. Naiintindihan ko naman kung bakit ayaw niya akong kausapin dahil alam ko naman na hindi makatarungan iyong ginawa ko.
"Tinatamad akong magsalita," buwelta ni Samer na batid ko'y bugnot na bugnot ng nakatayo habang nakakrus ang mga braso sa dibdib. Hindi ko alam kung ano iyong sinesenyas ni Samer kay Jake dahil bigla nalang nag-iba ang kanyang tono. "Isa pang iling susuntukin na kita." Rinig kong pagbabanta ni Samer sa kanya.
"Tangina!" Napipikong bulong ni Jake bago inagaw ang telepono kay Samer tsaka sunod sunod na tumikhim.
"S-shan m-maayos naman na i-iyong mga k-kakailanganin mo sa celebration party mo." Uutal-utal nitong panimula at umubo ng ilang beses para klaruhin ang mga salita.
Hindi ako kumibo at nanatili lang na tahimik, nalilito kung ano ba dapat ang sasabihin ko.
"Ite-text ko sayo ang venue kung gusto mo pumunta." Saad nito napabuga ng marahas na hininga.
"Hindi mo ako sasamahan?" Taka kong tanong bago pinasadahan ng daliri ang pula at mahaba kong buhok. Kadalasan kasi sa tuwing may pupuntahan ako ay lagi siyang sumasama kahit na hindi na kailangan ang presensya niya roon. Napansin ko rin na hindi na niya ako tinatawag sa 'nickname' na binigay niya sa akin.
"A-ano kasi... Busy ata ako bukas." Palusot niya na ikinairap ko.
"Jake," pagtawag ko at huminga ng malalim.
"What?" Mahina at takang tanong nito.
"Galit ka ba?" Prangkang tanong ko sa kanya. "Hindi ko sinasadya ang mga sinabi ko noong nakaraan at kung galit ka man hindi ako hihingi ng tawad," dugtong ko at napahinga ng malalim. Matagal siyang natahimik sa sinabi ko bago nagsalita gamit ang malambing at masuyo nitong tinig.
"Shan," mahinang tawag nito na batid ko'y nakanguso na.
"Hmm?" Ungot ko at ipinikit ang mga mata habang hinihintay siyang magsalita.
"Sorry," malumanay at sinserong paghingi nito ng tawad matapos tumikhim ng ilang beses. "Hindi na mauulit iyon. Promise! Sorry na please," masuyong aniya. Awtomatiko akong napairap tsaka pinagkrus ang mga binti na nasa ilalim ng comforter.
"Sasama ka ba bukas o hindi?" Pag-iiba ko sa usapan.
"Oo naman!" Masaya na nitong tugon na may bahid ng ngiti sa labi.
"Sige. Matutulog na ako," akmang ibaba ko na ang tawag nang bigla siyang magsalita.
"Bati na ba tayo?" Umaasang tanong nito na mahihimigan ng saya ang boses.
"Hmm," ungot ko at bahagya pang tumango. "Matutulog na ako," paalam ko ulit pagkalipas ng ilang minutong pananahimik niya.
"Goodnight baby, see you tomorrow!" Magiliw at tuwang pagpapaalam nito bago kusang pinatay ang tawag. Iling-iling kong nilagay ang telepono sa bedside table tsaka dahan-dahang inihiga ang aking sarili sa malambot na kama hanggang sa lamunin na ng antok.
Nagising ako kinabukasan nang maramdaman ko ang sikat ng araw na dumadampi sa aking pisnge. Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata at pupungay-pungay ang mga matang bumangon para pumuntang banyo at maligo. Pagkatapos kong maligo ay agad akong nagbihis ng damit tsaka sinuot ang leather jacket bago dumiretso sa venue na binigay ni Jake.
Nasa entrance palang ako pero kitang-kita ko na ang nakakahalina at napakaaliwalas na resort. Punong-puno ang paligid ng naglalakihang beach shells na nagsilbing disenyo sa bawat bahay panuluyang nakikita ko. Napakagandang tignan ang kabuoan ng paligid dahil bukod sa sariwang hangin na dumadapi sa aking balat ay nakakagaan sa damdamin ang mga ngiting sumasalubong sa'yo. Nakahilera ang iba't-ibang uri ng mapuputi at matitingkad na sea shells at sa harapan nito ay may mga upuan para sa mga tao na gustong magpahinga at magrelax. May pabilog rin na upuan kung saan pwede kang kumuha ng litrato na makukuha ang lahat ng tanawin sa islang ito. Tatatlong kulay lamang ang nakikita ko pero sapat na ito upang makontento ang mga mata ko. Tamang-tama lang at nababagay sa desenyo ng buong paligid.
Habang naglalakad ako sa mismong pupuntahan ko ay nakasalubong ko sina Sofilia at Elton na may dala-dalang iba't-ibang dekorasyon dahilan para mahinto ako sa paglalakad.
"Ano iyang dala-dala niyo?" Takang tanong ko nang makitang hirap na hirap silang buhatin ang nagbibigatang kahon.
Hindi ba sila nag-hire ng mga taong magde-decor sa party na'to?
"Dekorasyon raw," mahinang sagot ni Sof tsaka pinagpatong-patong ang tatlong malalaking kahon at inalsa ito sa kanyang mga bisig. Kita ko ang pag-alarma ni Elton sa ginawa ni Sofilia dahilan para bitawan niya ang hawak niyang tela tsaka mabilis na inagaw ang bitbit ni Sofilia.
"Ako na kasi magbitbit nito! Tigas ng ulo." Inis na saad ni Elton kay Sof at walang kahirap-hirap na inalsa ang tatlong kahon. Agad namang umiling si Sofilia, halatang ayaw magpatulong kay Elton.
"Akin na nga iyan! Kaya ko naman iyan ah!" Tanggi nito at isa-isang tinanggal ang patong-patong na kahon na bitbit na ni Elton bago nilagay sa sahig upang alsahin ulit ito. Akmang bubuhatin niya ulit iyong mga kahon nang bigla nalang tinabig ni Elton ang kamay ni Sofilia dahilan para irita siya nitong tinignan.
"Ano ba! Nananakit ka na ah!" Asik ni Sof na bahagyang tinulak si Elton dahilan para mawalan ito ng balanse. Hindi siya pinansin ni Sofilia at agad inalsa ang patong-patong na kahon tsaka nagsimulang maglakad paalis kahit na halata sa mukha niya na nahihirapan na siya.
"Sof ibaba mo iyan!" Naiinis na sigaw ni Elton at kinuha ang tela na nasa sahig tsaka bumaling sa gawi ko. "Mauna na kami, Shan." Paalam niya at nagmamadaling hinabol si Sofilia.
"Peste! Tulungan mo yong pesteng babae mo!" Galit na sigaw ni Sof bago nagpatuloy sa paglalakad. Iiling-iling naman akong naglakad sa likod nila tsaka dumiretso sa mismong venue.
"Wow! Good morning, boss!" Sarkastikong salubong ni Samer nang makita ako. Pinagkrus niya ang kanyang mga braso at inismiran ako.
Napangiwi ako sa sinabi niya tsaka pinalibot ang paningin sa paligid para lamang malaman na nandoon na lahat ng bagong miyembro ng grupo pati sila Samer. Tanging si Elton, Sofilia at Jake lang ang hindi ko nakikita.
"Bakit nagbibitbit sila Elton ng mga dekorasyon? Hindi ba kayo nag hire ng mga tao?" Pag-iiba ko sa usapan dahilan para ismiran niya ulit ako.
"Gusto mo bang magmukhang lamayan ang celebration mo? Hindi naman hamak na mas magaling akong mag decorate kesa sa mga iha-hire ng ama mo na walang ibang alam na kulay kundi ang itim at puti." Pagtataray niya habang nilalait ang ama ko tsaka walang pasabing umalis sa harapan ko. Iiling-iling ko siyang tinignan bago pinalibot ang mata sa venue.
Awtomatikong sumalubong sa mga mata ko ang nagkikintabang mala-kristal na chandelier na nasa itaas at ang mamahaling silhouette glass na nakapalibot sa loib ng dome shape building. Namataan ko rin ang mamahaling hagdan pataas sa iba't-ibang palapag na may nakapatong na red carpet. Sa second floor ay kitang-kita ko sila Margou na nag-aayos ng mga disenyo. Napangiwi ako sa disensyo na nakikita ko na nagmumukha ng birthday party ng dahil sa matitingkad na kulay na inilalagay nila.
"Shan!" Umalingawngaw sa buong paligid ang masayang boses ni Jake na patakbong sinasalubong ako ng yakap. Agad akong napatakip tainga ko dahil sa lakas ng kanyang boses.
"Ano ba! Nakakarindi ang boses mo!" Mahinang sita ko sa kanya ng makalapit na siya pero sa halip na tumigil ay nanggigigil niya akong niyakap na para bang ilang taon kaming hindi nagkita.
"Namiss kita," nakanguso niyang sinabi bago pinakawalan ang yakap tsaka ako nginitian, akmang yayakapin na naman ulit niya ako nang talikuran ko siya at umalis na sa harapan niya.
"Aalis ka na? Kakarating ko lang oh!" Bugnot na sinabi niya nang makitang aalis na ako. Tumango ako at sinenyasan siya na h'wag akong sundan dahil may gagawin pa ako.
Pagkarating ko sa tabi ng aking kotse ay agad kong sinagot ang kanina pa tawag ng tawag sa telepono ko. Unregistered number ang nakalagay at nakaka-twenty miss call na ito simula pa kanina. Wala akong balak na sagutin ang tawag pero may kung ano-ano sa aking kalooban na importanteng makausap ko ang caller na'to. Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita.
"Who's this?" Walang emosyong bungad ko sa kabilang linya.
Nanatiling tahimik ang kabilang linya kapagkuwan ay agad na umalingawngaw sa aking pandinig ang nakakaloko nitong tawa na siyang ikinakunot ng noo ko.
"I am asking you. Who's this?" Iritang uli ko nang hindi man lang ito sumagot sa mga tanong ko at patuloy pa rin sa paghalakhak animo'y natutuwa. Maya-maya lang ay huminto na siya tsaka sarkastikong natawa.
"You really don't know me, huh!" Sarkastiko nitong tugon na batid ko'y nakangisi.
"Bobo mo naman pala eh! Pano ko malalaman eh numero mo lang nakita ko rito!" Pambabara ko tsaka pinasok ang isang kamay sa bulsa ng pantalon.
"Tama nga ang sinabi nila. You're a strong and feisty woman." Halatang hindi ito sanay sa pagtatagalog dahil sa pamamaraan ng kanyang pagbigkas. Hindi ko siya sinagot at pinalibot ang tingin sa parking lot, hinahanap kung nandito rin ba siya. Nabaling lang ang atensyon ko nang tumawa na naman siya animo'y nasisiyahan.
"I'm not in the parking lot, Shan." Natatawang saad nito dahilan para magsalubong ang aking mga kilay.
"Talaga lang huh!" Nanunuyang sinabi ko at tumango-tango pa. "Ano ba pakay mo? Gusto mo rin bang sniperin kita sa ulo ng malibing ka na rin katulad ng kapatid mo?" Walang kagatol-gatol at dire-diretso kong pamamrangka.
Naramdaman kong natigilan siya sa kabilang linya dahilan para ako naman ang matawa. Sinandal ko ang aking likod sa hood ng kotse.
"Ano na Mr. Drex? Inuubos mo oras ko," inis na dagdag ko at napabuga ng marahas na hininga.
"Matatakot ka ba kapag nalaman mong hawak ko ang bunso niyo?" Nakakaloko at nang-aasar niyang tanong sa kabilang linya kasabay ng pagkawala ng natutuwa nitong pagtawa. Awtomatiko kong nilingon ang kabuoan ng parking lot at napaayos ng tayo habang mahigpit na hinahawakan ang telepono.
"I want your answer, Shan." Pagpapatuloy niya pa na batid ko'y malaki na ang pagkakangisi sa kabilang linya.
Bigla akong nanigas sa aking kinatatayuan at tumigil ang aking paghinga, ramdam ko ang panginginig ng aking kalamnan. Nanlalamig ang aking katawan at namumutla ang aking mukha. Nanghihina akong napaupo sa hood ng aking kotse at napakapit roon upang kumuha ng lakas ng loob. Nanlalamig ang mga kamay ko ng dahil sa magkahalong kaba at takot, bumibilis ang pagtibok ng aking puso sa takot na baka may mangyaring masama kay Ricko.
"D-dont," mahina ngunit mariin kong banta. Mariin kong pinikit ang aking mga mata para pakalmahin ang sarili.
"Why? Are you scared?" Ramdam ko'y nakangisi niyang sinabi. Agad akong nainis tsaka pinagtagis ang bagang at galit na galit na tumayo.
"Sinasabi ko sayo Drex, pakawalan mo ang kapatid ko!" Sigaw ko at tinuro ang kawalan na parang bang naroon siya sa harapan ko.
"Calm down, Shan. You're so scared huh," natatawang aniya na mukhang natutuwa sa nangyayari. Kusang kumuyom ang aking kamao tsaka isa-isang pinatunog ang mga daliri ko.
"Saan mo siya dinala?" Habol hininga kong tanong habang kinukuha ang susi sa bulsa ng aking pantalon tsaka sumakay sa kotse at pinaandar ito. Tumawa lang siya dahilan para mapabuga ako ng marahas na hininga.
"Saan mo sabi siya dinala!" Inis na sigaw ko at hinampas ang manibela. Sa halip na sagutin niya ako ay agad niyang pinatay ang tawag tsaka tinext ang address.
Agad kong pinaharurot ang kotse papunta sa address na binigay niya. Hindi na ako nagtaka nang mapunta ako sa isang eskinita. Bumababa ako ng kotse at pinasok ang abandonang bahay para lamang makita na walang tao roon. Pinalibot ko ang aking paningin sa loob ng lumang bahay na ito at napansin ang limang lalaki sa harapan ko na nakangisi at may dala-dalang kutsilyo. Inis kong sinabunutan ang aking sarili nang malamang naloko ako ni Drex.
"Tangina!" Inis na bulong ko sa sarili ko bago hinarap ang limang lalaki at pinosisyon ang aking sarili.
Hindi ko na sila hinintay na sumugod sa akin at basta nalang tumalon at sinipa ang hawak na kutsilyo ng isa dahilan para tumilapon ito sa tabi niya at dumaplis ang dulo ng kutsilyo sa pisnge ng kasamahan niya. Nakita ko ang gulat at pagkamangha na bumalatay sa mga mukha nila bagay na ikinatakot nito. Mahigpit nilang hinawakan ang patalim na hawak bago ako sinugod. Sinugod ko ang isa at inagaw ang kutsilyong hawak nito at sinaksak siya sa kanyang braso dahilan upang mapatili siya sa sakit na dulot nito. Nang makita ko na susugod ang isa ay hinugot ko ang kutsilyong nakabaon sa braso nito at inasinta sa tauhan na susugod sa gawi ko na direktang tumama sa binti niya. Agad itong pumilipit sa sakit at dahan-dahang napaupo sa sahig. Tatlo nalang ang natitira at iyong isa ay dumudugo pa ang pisnge ng dahil sa daplis ng kutsilyo. Napangiwi ako nang makitang hindi tama ang pagkakahawak nila sa kanilang kutsilyo. Sinuntok ko ang isa at sinikmuraan ang nasa gilid ko tsaka hinawakan ang buhok nung lalaking sinuntok ko at basta nalang pinagtagpo ang ulo ng lalaking may daplis sa pisnge, na susugod sana sa akin. Rinig ko ang pagtunog ng leeg nila dahilan para mapairap ako at hinarap ang natitira. Hatalang natakot siya nang makitang siya nalang ang natitira. Nanginginig ito sa takot at namumutla sa kaba. Buong lakas nitong tinapon ang hawak na kutsilyo sa akin na agad namang dumaplis sa aking braso.
Ramdam ko ang hapdi at sakit na dinulot nito sa buong sistema ko. Awtomatiko akong napahawak sa duguan kong braso tsaka sinipa ang kanyang dibdib dahilan para mapahiga siya sa sahig. Naglakad ako papunta sa gawi niya bago tinapakan ang kanyang dibdib gamit ang isang paa habang ang kanang kamay ko ay nakahawak sa kaliwa kong braso. Mas diniinan ko pa ang pagkakatapak sa kanya nang makita kong sinusubukan niyang kunin ang kutsilyo na nasa kanyang tabi kapagkuwan ay nanginginig niyang tinaas ang dalawa niyang kamay na para bang sumusuko na.
Matalim ko siyang tinitigan sa kanyang mga mata bago dahan-dahang tinanggal ang aking paa sa kanyang dibdib at habol hininga siyang pinanliksikan ng mga mata. Patuloy kong tinitiis ang hapdi na nanggagaling sa aking braso ngunit agad ring natigilan nang makitang dahan-dahan niya itinaas ang kanyang dalawang kamay sa ere tsaka nanghihinang lumuhod sa sahig.
"Wag niyo po ako sasaktan…" pagmamakaawa agad nito at yumuko sa mga paa ko. "May mga pamilya po ako… parang awa niyo na wag niyo po akong sasaktan," naiiyak na dugtong nito at mas lalo pang isinubsob ang mukha sa aking mga paa. "Sinusunod lang po namin ang inuutos ni Mr. Drex…Wag niyo po akong saktan," paulit-ulit na sinabi nito at pinanatili na wag mautal.
Mahina kong sinipa ang kanyang noo dahilan para takot siyang mapatingin sa gawi ko.
"Dalhin mo sa ospital iyang mga kasamahan mo." Sabi ko na siyang ikinagulat niya. Hindi ko na siya pinansin tsaka pilit na naglakad na paalis doon at sumakay ulit sa kotse ko tsaka ito pinaharurot.
"Bwiset na Drex na iyon!" Iritang bulong ko sa sarili ko habang ang kanang kamay ay nasa manibela at ang kaliwang kamay ay pinapahinga. Maya-maya pa ay tumunog ulit ang telepono ko kaya agad ko itong sinagot.
"Tangina mo!" Bulyaw na bungad ko sa kanya dahilan para matawa siya. Agad akong napangiwi nang maramdaman kong sumakit ang aking kaliwang balikat dahil sa biglaan kong pagsigaw.
"I can't believe that I just fooled you." Manghang sinabi niya tsaka natawa sa sariling kagaguhan.
"Ano ba talaga ang pakay mo ha?" Inis kong singhal na pabaling baling ang atensyon sa kausap at sa daanan. Bigla na lang siyang tumigil sa pagtawa at nagsalita.
"I'm warning you. Kung anong ginawa mo sa kapatid ko ay gagawin ko rin iyon sayo mismo!" Seryosong banta nito na siyang ikinairap ko nang wala man lang maramdaman ni katiting na takot. Pinatay ko na ang tawag tsaka agad na nagtungo sa condo ko.
Kung sa akin niya man iyon gagawin ay hindi talaga ako matatakot dahil alam kong kayang-kaya ko ang sarili ko, pero kapag sinaktan niya ang pamilya ko, hindi ko alam kung anong maaaring gawin ko!

Komento sa Aklat (9)

  • avatar
    Samuel C Abarra Jr.

    excellent

    16/04

      0
  • avatar
    Elyray Lactao Nuñez

    thank you for giving me more money to help my family

    07/08/2023

      0
  • avatar
    Jeric Vocal Flores

    nice novel

    30/08/2022

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata