logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

OBVIOUSLY DESTINED TOGETHER

OBVIOUSLY DESTINED TOGETHER

Andy_Cate03


CHAPTER 1

This story is a work of fiction.
No part of this story may be reproduced, stored in a retrieval system, or transmitted, in any form or by any means without the prior permission of the author.
Names, characters, some places and incidents are product of the author's imagination and are used fictitiously.
Any resemblance to actual events, places or persons, living or dead, is entirely coincidental.
PROLOGUE
Isa ka ba sa mga nagmahal ngunit paulit ulit nasaktan?
Naging tanga sa isang taong mahal mo at ipinipilit ipaglaban kasi hindi na tama?
Naging Marupok dahil sa palusot na "mahal ko eh?" What now? Porque ba mahal, kailangan paulit ulit tinatanggap?
Naging Martyr ka din ba? Yung tipong hindi na maiwan kahit na sinasaktan, bulgaran na't nakikita mo na lahat lahat ang nangyari nagbubulagbulagan parin?
Dahil ano? Mahal mo? Ano pa nga bang ibang rason kung bakit mo ito nagagawa? Ang magpakatanga, maging marupok at martyr sa taong mahal mo.
Kung naiinis kayo sa marupok at nagpapakatanga, ako din (in short naiinis ako sa sarili ko) okay lang but you must know their feelings kung bakit ba nila nagagawa 'yon, they have their own reasons why.
Makakarelate ka dito sa story na ito kung isa ka sa mga iyon, if you have a partner who's willing to ignore everything just to have you, Napakaswerte mo, sana huwag mong abusuhin, huwag pakampante na makagawa ng kasalanan kasi feeling mo mapapatawad ka naman.
Not forever he or she can understand you, don't wait the time na kung kailan narealize mong sobra ka na, ay doon siya sumuko, wala ng pake at echapwera ka na sa kanyang mundo.
Ang tatanga tanga, rurupok rupok, mamartyr martyr! Natatauhan din, hindi man ngayon, pero pagdating ng panahon.
PLAGIARISM IS A CRIME!!!!
CHAPTER 1
Ylona's Point of View]
"Ang sakit sakit kasi Rhy eh, kitang kita ko yung saya niya habang nakatingin kay Jessa" sabi ko habanag patuloy lang na umiiyak na parang bata.
"Ano ba Ylona! Umayos ka nga!" inis na sabi ni Rhy.
"Para kang teen ager! Hoy 27 ka na, kaya umayos ayos ka ang sagwa mo" sabi niya.
"Ewan ko sa 'yo Rhy" sabi ko habang pinupunusan ang mga luha ko.
"Isa ka kasing dakilang tanga at bayani ng marurupok eh, sinabi ko naman na sa 'yo na kapag ang isang tao ay nagloko, uulit ulitin niya iyon" sabi niya.
"Hindi ka naman nakakatulong eh" ani ko at lalong humagulgol.
"Alam ko naman na nasusulsulan lang siya ng barkada eh" sabi ko at sumisinghot singhot pa.
"Tumigil ka na sa pag-iyak ang pangit mo eh" sabi niya.
"Peste ka! Ilibing mo na ang sarili mo sa hukay! HIndi ka nakakatulong!" sigaw ko sa kanya, bumuntong hininga naman siya.
"Seryoso na Ylona, isa kang tanga, marupok at Martyr, come on, he's not the only guy around the world! Why don't you find someone better, someone who deserves your love more, not like him!" seryosong sabi niya.
"Rhy mahal ko yung tao eh, masama ba 'yon?" I asked, while wiping my tears away na parang water falls kung umagos, muli siyang bumuntong hininga at naupo na sa harapan ko para pantayan ako, inilagay niya ang mga kamay niya sa mga balikat ko.
"Hindi masama ang magmahal, actually loving someone make us happy, pero Ylona look at you, you look horrible, your'e so broken, a real man, won't let his girl cry"
"You mean, hindi ako mahal ni Francho?" I asked at ayun na naman ang mga luhang nag uunahang umagos, napapikit siya at bumuntong hininga ng mas malalim, he wiped my tears gamit ang kanyang kamay, and stayed his palms in my face.
"He does, don't worry" iyon na lamag ang nasabi niya.
"Tahan na" sabi at ngumiti, sana si Rhy nalang ang mahal ko, haist.
"Thanks Rhy" sabi ko.
"Anything for my princess" sabi niya at humalik sa noo ko.
"Una na ako, may klase pa akong tuturuan" sabi niya.
"Sige ingat ka" sabi ko.
"Take care of yourself okay?" sabi nito, isang tango naman nag ibinigay ko.
Meet my Childhood bestfriend Nathaniel Rhylee Eugenio Rhyrhy for short, pronounce it as Rayray.
Napabuntong hininga ako ng malalim, maybe tama na, hiwalayan ko na si Francho ang sakit sakit na eh, oo tama, makikipaghiwalay na talaga ako, kahit mahal na mahal ko siya, sobra na kasi eh, hindi ko na kaya, durog na durog na ang puso ko.
Tama si Rhy I deserve someone better. Ako nga pala si Blythe Ylona Cuevas nuknukan ng rupok at pagpapakatnga, yeah aminado ako dun, kasi ito lang naman ang unang beses kong magmahal kaya naman nilubos lubos ko, mali pala kasi napakasakit, ilang taon na kami pero heto ako hindi parin siya malubayan.
But now, hihiwalayan ko na talaga, akala niya ah! Kaya kong mabuhay ng wala siya! Mabilis kong kinuha ang cellphone ko at saktong nagdadial ako ay tumawag siya.
~~Honey is calling~~
Napairap pa ako bago sagutin, buti talaga at tumawag 'to dahil hihiwalayan ko na talaga siya.
"Francho I----"
"I miss you honey" malambing nitong sabi.
0_0
What the eff! Bakit biglang umurong ang dila ko.
HIndi! Kaya ko 'to!
"Francho----"
"Honey, please go to work, I really miss you, I love you honey, what's your problem, please tell me"
Anak ka ng tinapa oh! How can I break this guy!
"Honey?"
"I--I'm sick" pagpapalusot ko, at napaiwas ng tingin sa kung saan kahit hindi ko naman siya kaharap.
"Why you didn't tell me, para naman sana, naalagaan kita, nasaan ka?" he asked.
"C-condo" nauutal ko pang sabi.
"I'll be there, wait me okay? I love you honey" sabi nito at ibinaba ang tawag, napamaang nalang ako.
'What the hell! Hindi ko kaya' makalipas ng ilang minuto ay nandiyan na nga si Francho.
"Honey" emosyonal na sabi nito at patakbong lumapit sa akin at humalik sa labi ko at yumakap ng mahigpit, miss na miss talaga ako, paano ko 'to hihiwalayan kung ganoon, maybe another chance?
"I'm worried" aniya, halata nga.
"I'm sorry" sabi ko.
Gusto kong batukan ang sarili ko, bakit ako nagsosorry eh siya ang may kasalanan.
"Actually, nagtatampo ako sa 'yo" sabi ko.
"Oh come on honey, tungkol parin ba ito kay Jessa? Hon believe me, that's nothing, I will not going to deceive you again, I promise" sabi niya at kitang kita ang sinseridad.
"I'm sorry" sabi nito at ikinulong na naman ako sa braso niya at pahiga niya akong hinalikan. Damn this man! nakakabaliw!
"Damn! Why can't I resist you?" ani ko.
"Because you love me and I love you too" sabi niya.
Wala na, karupukan attacks me again, well he deserve another chance ako lang naman ang nag-overthink eh.
So ayun nga, we stayed together at naglandian lang naman kaming dalawa, hanggang sa.
"Hey, who owns this one?" sabi niya at kinuha ang wallet, shet! kay Rhylee yun.
"Nathaniel Rhylee Eugenio?" tugon nito at masamang tingin ang ipinukol niya sa akin.
"He's here earlier, am I right?" he asked sa seryosong tono.
"Francho--"
"What did you do!?" sigaw niya.
"Francho we didn't do anything" sabi ko.
"Francho huh?" nakangisi niyang tanong.
"Isn't it honey? O baka may iba na?" sabi nito.
"Francho listen!"
"What now!?" sigaw niya.
"Kasalanan ba siya ang nandyan para aluin ako habang nasasaktan ng dahil sa 'yo!" hindi ko na napigilan an sarili kong sumigaw.
"Ha! Talaga! Are you stupid, hindi mo alam? Malamang ay nanantsing na iyon sa iyo"
"Hindi siya gano'n!" pagtatanggol ko.
"Now your covering him! Damn Ylona, lagi nalang nating pinagtatalunan yang lintik mong kaibigan! Hindi mo man lang ba maiwasan para sa akin ha!" sabi niya.
"Francho--"
"What the hell!" sigaw niya ulit.
"Ano ba, makinig ka naman"
"Isa lang ang hinihiling ko Ylona, layuan mo siya"
"No!"
"Damn! Gaano ba siya kaimportante sa 'yo ha!" sabi nito at hinawakan ang kamay ko ng mahigpit.
"Nasasaktan ako Francho! Ano ba!" sabi ko.
"Magsama kayo!" sabi at binitawan ang kamay ko.
"Francho please---"
"I don't care anymore!" sabi nito at maglalakad na nang pigilan ko pero itinulak niya ako dahilan para tumama ang braso ko edge ng center table, tumingin siya pero nagtuloy tuloy na palabas.
Doon na naman ako umiyak ng umiyak hindi lang sa sakit na tumama sa braso ko kundi sa katangahan ko.
Why do I need to suffer like this?
I hug my knees and burst in tears, what the hell I'm doing, desidido na kasi akong hiwalayan siya kanina, bakit hindi ko pa itinuloy kung ganito lang din naman pala, lagi nalang.
Hinayaan ko lang ang sarili kong magmukmok dito hanggang sa naramdaman ko ang pagbukas ng pintuan at may pumasok.
"I brought you pizza bhie" ani ni Rhylee, yes endearment namin ang bhie bilang magkaibigan, napalingon naman ako sa kanya, at ganoon nalang kabilis napawi ang maganda niyang ngiti.
"Anong ginawa mo sa sarili mo! Damn your too horrible! Mas malala kesa kanina. Kung alam ko lang na magmumukmok ka edi sana hindi nalang ako umalis kanina" nag-aalala talagang sabi niya.
"Send beer" pilit kong biro, umiling iling naman ito.
"Gaga, kailan ka pa natutong uminom?" aniya, hindi naman kasi talaga ako umiinomm ng kahit na anong alak, siya din.
"Ngayon palang" sabi ko.
"Manahimik ka! Heto kumain ka nalang" sabi nito.
"Naiwan mo pala wallet mo dito" sabi ko.
"Yeah, sinadya ko iyon, para may dahilan para bumalik ako" sabi niya at kumindat pa, napangiti naman ako dahil doon.
"Huwag ka na ngang magdrama diyan, hindi bagay sa 'yo, buti sana kung ang ganda mo umiyak pero hindi eh" sabi nito.
"Ang pangit mo magbiro Rhy" sabi ko.
"Muka ba akong nagbibiro, Blythe?" tanong nito.
"Gago ka talaga, nasasaktan na nga ako eh, ganyan ka pa" sabi ko.
"Huwag kang ganiyan tch" sabi niya.
"Anong gusto mong gawin mo? Magcelebrate?" inis kong tanong, bumuntong hininga siya.
"To feel pain is normal, kahit sino naman ay nakakaramdam no'n, and I'm sure, everyone feel that, no one is excempted, pero sa bawat sakit na nararamdaman at nararanasan, dapat may natutunan ka para hindi na paulit ulit na ganiyan ang epekto sa 'yo" sabi niya.
"Pagmumukmok is not the solution Ylona, be tough, be strong" sabi pa niya, 'tsaka ako inakbayan, naipatong ko naman ang ulo ko sa balikat niya.
"Easy for you to say Rhy" mahina kong sabi, pero maririnig parin niya.
"Bhie, please don't do this to yourself" aniya, hindi ako sumagot at bumuntong hininga lang.
"I hate seeing you like this, he's not the only man in this world Ms. Cuevas, look around you" sabi ko.
"Yeah, he is not the only one man but in my world he is all I want" sabi ko.
"Don't be blind" sabi nito at narinig ko pa ang paglunok niya.
"Be feel sorry to yourself, for making it uneasy for your own" dagdag niya.
"What should I do?" I ask.
"Ikaw lang din makakasagot niyan" sabi nito.
Nanatili kaming ganoon, hinayaan naman niya ako at hinayaan ang sarili ko na makatulog sa braso niya.
~to be continued ~

Komento sa Aklat (78)

  • avatar
    Yuri

    good

    23d

      0
  • avatar
    Neth Casipong Palis

    ang ganda ng story kakakilig 🥰🥰🥰🥰🥰

    23d

      0
  • avatar
    Omell Galabo

    goods story 🫶🏻

    12/08

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata