logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter 4: Doesn't Exist

DOESN’T EXIST
Pilit kong inaabot ang kahon sa ilalim ng kama, matagal na iyong nakatago at ngayon ko lang ulit ilalabas. Nang hindi na talaga kayang abutin ng mga kamay ko ay tumayo ako at kumuha ng walis para makuha na ng tuluyan.
Mag-sasampong minuto ko na ata ‘tong inaabot, tsk!
Nasa pinaka-gilid na parte iyon ng kama kaya hindi ko abot. Box ‘to ng juice, tila naging bahayan pa nga ng mga gagamba sa sobrang daming sapot.
I smile in victory when I reach my goal, kumuha ako ng pamunas bago umupo sa gilid ng asul na kama. 
“I’m such a foolish son,” ani ko habang binubuksan ang kahon.
Humatsing ako ng humatsing dahil sa alikabok na nalalanghap pero pagkatapos na mapunasan ay naging maayos din ang paghinga ko.
Bumungad sa‘kin ang magaganda niyang litrato. Iniisa-isa ko lahat, tiningnan at tinandaan.
She’s smiling with so much enthusiasm, it’s like she’s the happiest woman living on Earth, but too sad I never saw them for real.
This photo album I’m holding was their wedding day, they really look good together. These photos was captured late 90s.
Her eyes is pure, no hatred just love. I got my hazel eyes from her. 
The professional photographer behind of these wondrous photos is the father of Grimmie’s Twin, he’s my idol.
And these album led me to be a photographer, I want to capture every moment in my life. That’s why a photographer never leaves his camera yet now I don’t have one.
Pinasunog ng matandang mukhang politiko kaya naiwan nalang ang cellphone ko at laptop. Buti nalang at natanggal ko ang memory at naitago.
“Anak?” Mabilis kong tiningala ang ginang na tumawag sa‘kin.
She’s wearing a floral dress pairing red stilettos, her hair in a bun and her eyes were watery. It seems that she cried.
“Yes Mom?” Tanong ko at nilagay sa kahon ang mga litrato. Nakangiti lang siyang nakatitig sa akin, ngiti ng awa, tsk.
“Are you coming with us?” Napa-isip naman ako sa tanong niya.
Pupunta ba ako o hindi? Ano namang irarason ko para hindi sumama? Dad will scold me and he’s still mad at me because of our last conversation a month ago.
“I’m coming, just gonna take a bath.” Tumayo ako at binalik ang kahon sa ilalim ng kama. Tumango naman si Mommy at sinara na ang pintuan ng kwarto ko.
I should really get myself ready.
Pumasok ako sa banyo at may katagalang naligo, nang matapos ako ay lumabas na parang wala lang ang mga titig nila sa ‘kin. Inip na inip na siguro sila.
Simple lang ang suot ko, fitted jean and white longsleeve. Halos lahat naman kaming magkakapatid ay ganoon ang suot, except kay Gravis na naka-jumper na naman. 
“Let’s go,” saad ni Dad habang nakapulupot sakanya ang braso ni Mommy at naunang lumabas ng bahay, sumunod naman kami.
Lumapit sa ‘kin si Joc, he always do this. He’s afraid that he might do some ridiculous stuff in front of our father.
‘Tsaka alam niyang maipagtatanggol ko siya kung baka sakaling tanungin siya ni Dad kung saan na naman siya nanggaling kagabi, tsk.
Hindi ko na alam kung anong sasabihin ko sa kanya, palagi ko naman siyang pinagsasabihan pero wala lang ang mga iyon sakanya! Nagsasayang lang ako ng laway eh.
“Where are we going Dad?” Tanong ni Gravis bago pumasok sa loob ng puting van.
Puwede naman kaming magkanya-kanyang sakay sa mga sasakyan ng mga kapatid ko pero he won't listen. He want us to stick together like a child who doesn’t know anything.
“To the Benial’s Mansion.”
Umandar na ang sasakyan pero para akong timang. Napabuntong hininga na lamang ako. Matapos ang kalahating oras na byahe ay nakarating kami sa isang napakalawak na lupain. Bumungad ang mga malalaking puno ng mangga. ‘Di kalayuan ay matatanaw ang napaka-engrandeng mansion ng mga Benial.
Actually, it’s my first time in this place, siguro ay isang politiko ang pamilyang ito dahil hindi naman pupunta si Daddy kapag hindi tungkol sa politika.
Nang mai-park ni Manong Dalig ang sasakyan sa harapan ng mansion ay namamangha akong tumitig sa ganda ng disenyo.
This look like a castle!
“Woah, Benials are so damn rich huh,” wika ni Joc na malapit lang sa akin.
Biglang bumukas ang salaming pintuan at niluwa nito ang may edad ng lalaki. Lumapit siya kay Daddy at may binulong, tumango naman siya at sumunod sa matanda.
Bago siya sumama sa matanda ay may binilin siya sa amin.
“Mauna na kayong kumain, I'll go see Mr. Governor.” Nagpatuloy siya sa paglalakad kaya napatitig naman ako sa mga kapatid.
Mommy take the first step so we follow her. Ang kaninang namamangha kong mata ay mas lumaki ng makita kung gaano kaganda ang loob ng mansion nila. 
It’s like made of gold! Everything is shiny, with their gigantic vases! Mas malaki pa ata ang mga iyon kaysa sa puno ng saging!
Oh! Paintings!
Lumapit ako doon at kinuha ang cellphone, masaya sana ako ngayon kung hindi pinasira ng matandang mukhang politiko ang mga camera ko, tsk! 
“They look so beautiful aren't they?” Lumingon ako sa kaliwa ko nang may magsalita. Maliit na babae na may maikling buhok. 
Tumango nalang ako sakanya at kinunan ng litrato ang mga paintings nila.
“Would you mind if I take pictures of you?” Nagliwanag naman ang mukha ng babae at mabilis na nagpose. Naka-ilang kuha ako sakanya. 
Not bad, she’s good at posing.
“Oh my gosh! Your good at taking photos!” Halos tumalon siya ng makita ang mga larawan sa cellphone ko.
“Thanks for the compliment, and by the way do you have a social media account?” Nagtataka naman siyang tumitig sa akin.
“Is there's something wrong with my question?” Tumawa naman siya at napa-iling.
“Wala akong account,” aniya at nag-iwas ng tingin.
So saan ko ilalagay ‘tong mga larawan niya?
“Ipapa-develope ko nalang itong mga larawan mo at ipabibigay say-”
“Bakit hindi mo agad sinabi?” Ngayon ako naman ang naguguluhang tumitig sa kanya.
“Iyong kanina joke ko lang ‘yon, my Facebook name is Divine Clair Benial, now the only child of my parents,” nalaglag ang panga ko sa sinabi niya.
Was that a joke?! What the hell is that? Her jokes doesn't sound funny huh!
“How ‘bout you? What's your name Mr. Felipe?” Tanong niya at tumitig sa mga paintings nila.
Hindi na ako nagtaka na alam niya ang apelyido ko, paniguradong nasabi na ni Mr. Governor na dadalo kami.
“Travis,” maikling sagot ko at dumungaw ulit sa mga paintings. Nanatili kaming tahimik hanggang sa basagin niya iyon.
“These are my older brother's painting, my brother died a monthl ago.” Hinaplos niya ang mga litrato at mabilis na pinunasan ang pisngi.
Akala ko ba only child?
“My condolences.”
“Tara! Let's eat.” Sumunod ako sakanya nang nagsimula na siyang maglakad.
Tila nahilo ako dahil pasikot-sikot ang mga daanan nila pero hindi ko parin maiwasang mamangha sa mga nakikitang paintings.
He’s brother is a great painter, he painted different sights! If he didn’t die we’ll have a great bond for sure!
My lips parted when I saw their grand dining table, now their mansion is not just a typical mansion! 
It’s a castle, with those golden chairs, damn they really are rich! If I only have my camera I’ll take a picture of them!
“Oh anak!” Lumapit sa ‘kin si Mommy at iginaya sa isang ginang.
“Mrs. Benial this is our eldest son, Travis,” wika niya at pina-upo ako sa tabi ni Gravis na tahimik na naglalaro ng rubrics.
Napansin ko naman na tila kulang kami ng isa while Mrs. Benial introduce Divine to my brothers.
“Where’s Geryan, Gravis?” Imbis na sagutin ako ay may tinuro siyang pintuan. Naguguluhan man ay hinayaan ko nalang.
Tinuon ko na lamang ulit ang mga mata sa mga paintings nila, I am so speechless seeing his masterpieces.
“You’re a Felipe?!”
Bumaling ang ulo ko sa patanong na sigaw ni Divine, glaring at my brother; Geryan. Pinilig ko ang ulo, kitang-kita ko ang gulat sa mga mata ng dalawang ginang.
“You two knew each other?” Mabilis naman na umiling si Geryan.
“I don’t even know that such beauty exist.”
Napangiwi ako sa sinagot niya, so obviously they knew each other. Lumapit siya sa babae ng may nakakalokong ngiti, habang si Divine ay bumubulusok na ng usok ang ilong.
Napa-iling na lamang ako sa pinag-gagagawa niya pero mabilis siyang na-upo ng makita ang mga papalapit.
It’s Dad with his friend.
Naupo silang dalawa sa magkaharap na kabisera.
“Mr. Benial, that man is the one I’m talking about,” aniya kay Mr.Benial na kakaiba kung makatitig.
Napatingin naman ako sa kamay kong pinanggigigilan ang cellphone.
“What do you mean Dad?” Inosente kong tanong kahit alam kong tungkol na naman iyon sa politiko.
Gusto ko lang manigurado, palaging siya ang nasusunod pero this time I won't let him destroy my passion.
Sa napakasamang mundo, iyon na lang ang pinanghahawakan ko kaya bakit niya tututulan pa?
“What I mean is Mr. Benial will teach you how to be a great politician.” Nangitngit ko ang ngipin dahil sa inis na gustong sumabog sa kaloob-looban ko.
Masama ko siyang tiningnan pero kay Mr. Benial nakatutok ang mga mata niya kaya wala akong nagawa kundi ang magtimpi na lang.
I won't give up, that doesn't exist in my vocabulary!

Komento sa Aklat (14)

  • avatar
    Juanandonly

    🌹🌹🌹💪🏽

    11/06

      0
  • avatar
    Da Silva AlmeidaAna paula

    muito bom

    01/06

      0
  • avatar
    ParotchilinRose

    good

    27/05

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata