logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter 6

Katatapos lamang namin gumawa ng takdang-aralin namin, si Inang ay nagluluto ng hapunan, habang kami ay kapwa magkatabi ngayon at ina-ayos na pabalik ang mga gamit sa bag namin. Napatingin kami sa orasan na naka-sabit malapit sa pintuan, maga-ala-singko na pala.
"Ngayon lang ako hindi nasundo ni Nanay, kahit sana iyong si Mang Leo nalang, kaso kahit ang driver namin hindi dumating." hindi ako nagsaliga at pinakinggan ito.
"Ano daw ba ang sabi sa lola mo?"
"Ang totoo ay wala akong alam, basta si Inang dapat ang susundo sa iyo, ngunit nagrepresenta ako."
"Nakapagtataka lang talaga, pwede naman sana na sa amin na ako dito dumiretso, o kaya ay nag-commute nalang ako pauwi para hindi na ako naka-abala sa inyo."
"Ayos lamang Maricel, isa pa ang pabor nga sa akin itong nangyari dahil nagkita tayong muli." ngumisi ako dito, bahagya naman itong natawa.
"Tsaka huwag mo na masiyadong alalahanin ang hindi nagawang pag-sundo sa iyo ni Nanay, marahil ay may mahalaga lang talagang ipinagawa sa kanila ay iyong ina."
"Siguro."
"Elo, apo." pag-tawag sa akin ng aking lola.
"Bakit po?"
"Halika dito, at bumili nga pala ako ng lansones kanina sa palengke, kumuha ka dito at kumain kayo ni Maricel, sandaling uuwi ang Nanay mo mamaya dito para sunduin si Maricel." tumayo ako mula sa pagkaka-upo.
"Sandali lamang." tinungo ko ang kusina at ini-abot ang hawak ni Inang, ngunit bago ako bumalik kung nasaan si Maricel ay kinalabit ko ito.
"Inang, ano po ba kasi talaga ang rason kung bakit hindi nasundo ni Nanay si Maricel, o kung bakit dito siya pinadi-diretso?" tanong ko, nilingon naman ako nito.
"Ano ang itinuro ko sa iyo Elo?" napanguso ako, bago sumagot.
"Huwag po paulit-ulit, kapag hindi pwede, ay hindi pwede, kapag bawal ay huwang ng ipilit." sagot ko na napahimas sa taas ng aking kaliwang kilay.
"Oh, bakit ang kulit mo?"
"Inang naman ang sungit, sige na nga po babalik na ako doon."
Nang makabalik sa sala ay naabutan ko na inilalagay ni Maricel ang ilan sa mga kulot niyang buhok sa gilid ng kaniyang tenga. Lumapit ako dito, dala ang lansones.
"Gusto mong sa tree house dito sa likod ng bahay natin ito kainin?"
"May tree house kayo? sige tara." natuwa ako ng makitang nananabik ito sa aking sinabi.
"Ayon kay Inang ang mga pinsan ko ang gumawa nito ng nag-bakasyon sila dito ng nakaraang taon." kumuha ako ng isang lansones para balatan iyon at kainin, kapwa magkatabi kami ngayong naka-upo, at tinatanaw ang pag-lubog ng araw.
"Kay husay naman pala ng mga pinsan mo." tumango ako dito.
"Madalas ka ba pumapanik dito?" tanong nito, napadaan sa aking isipan ang pinupuntahan ko tuwing naiinis kay Tatay, maliban duon ay dito talaga ako namamalagi para magpahinga at makapagisip-isip ng mga bagay na hindi ko maintindihan.
"Oo, para sa akin ito iyong perpektong lugar para matahimik ang aking isipan."
"Kung maka-tagalog ka talaga ah!" kapwa kami natawa, tumayo ito mula sa pagkaka-upo, kaagaran ko naman itong hinawakan sa braso.
"Ano ka ba Elo, hindi ako mahuhulog dito, sa payat ko na ito? kahit hangin ay kaya akong palutangin at saluhin." humagikgik ito, binitawan ko naman ito.
"Pasalamat ka nga at inisip ko pa ang iyong kapakanan, baka kasi kako bigla ka na lamang lumandag." nilingon ako nito, matalim ang tingin sa akin, kaagad naman akong humingi ng tawad, natatakot na baka bigla na naman ako nitong hampasin.
"Hindi ako lulundag, hindi naman ako palaka." natawa ako dahil sa sinabi nito.
"Kung palaka ka man, hindi ka pa lumulundag ay ihu-hulog na kita dito."
"Napaghahalataan na takot ka sa palaka!" tumawa ito.
"Eh ano naman ngayon? lahat naman tayo ay may kinakatakutan." hindi na ito nagsalita, pinagmasdan ko ito na nakatitig sa papalubog na araw.
"Tingnan mo may araw ngunit umulan."
"May kinakasal siguro na tikbalang." sabi ko dito.
"Alam ko iyan, nabanggit sa akin ni Nanay." napangiti ako, bumaling itong muli sa bahagyang kahel na kalangitan.
"Kung madalas akong mapupunta dito ay ito ang magiging paborito ko na puntahan." wika nito.
"Nakikita ko sa mga mata mo na hilig mo din ang tumingin sa kaulapan." tumango ito.
"Tama ka diyan, ang ganda kasi lalo na kapag gabi tapos maraming bituin, tuwing napapa-galitan ako ni Mommy ay ito ang pampagaan ko ng loob."
"Ako naman gustong-gusto ko iyong nasa mataas ako na lugar tapos pagmamasdan ko iyong kaulapan, sa pamamagitan nito, tila hindi ko man ito maabot, hindi ko man makita iyong kalangitan sa likod nito, kahit pa-paano ay napapa-lapit ako dito."
"Ayun eh!" napakamot ako sa aking sintido.
"Ano ba iyan, ayoko pa naman nagiging matalinhaga, tila nagagaya na ako sa aking guro."
"Uy, normal lang din sa isang tao ang maging matalinhaga, alam mo kung ako ang tatanungin ay gusto ko ang ganoong tao, mabilis makapalagayan ng loob." magsa-salita na sana akong muli ng ituloy nito ang kaniyang sinasabi.
"At isa kang matalinhaga na tao, kayat mabilis tayong naging close." napasimangot ako, tila nanga-asar lang naman kasi ito.
"Alam ko na kung ano yung gagawin natin." halos mapatalon pa ako sa gulat ng bigla ito muling mag-salita.
"Ano?"
"Magtatanong tayo sa isa't-isa tungkol halimbawa sa ano paborito natin na kulay, basta tungkol sa atin tapos isusulat natin pareho, para mas lalo natin makilala ng isa't-isa!"
"Gusto ko iyan, pero wala naman tayong nadala na papel at ballpen dito."
"Kukuha ko sa bag ko tapos papanik na lang ako dito ulit." pinigilan ko ito.
"Ako na, maghintay ka lang dito."
"Sige, bilisan mo ah." nakangiting tumango ako dito.
Nang pumasok akong muli sa bahay ay na-amoy ko na ang niluluto na hapunan ng aking lola, binuksan ko na ang aking bag at naglabas ng dalawang ballpen at notebook. Kasasara ko lamang ng aking bag at babalikan na si Maricel ng marinig ko ang boses ni Inang, mukhang may kausap ito sa cellphone.
"Mabuti na nga at dito mo muna pinatuloy ang bata, kawawa naman kung makikita niyang naga-away iyong magulang niya." bahagyang kumunot ang aking noo sa narinig, dahan-dahan akong lumapit sa kusina at nagtago sa gilid ng pader.
"Sana ay maayos naman nila ang pamilya nila, katulad ng sana ay umayos na din ang pagi-isip ni Carlito ng maitaguyod naman ang pamilya niyo." maya-maya pa ay sabi nito.
"Tama lang iyong desisyon ng ina ni Maricel na huwag muna ipa-alam sa bata na may ibang pamilya ang ama niya." napa-awang ang aking bibig, kasabay ng pagkahulog ng dalawang ballpen na naka-ipit sa kwaderno na aking dala, kaagad napalingon sa akin si Inang.
"Elo!" napalunok ako, yari na naman ako nito.
"Wala, sige na at ako na muna ang bahala sa kaniya." huling sabi nito sa katawagan na tiyak ko naman na si Nanay.
"Elo nakikinig ka ba sa usapan? kanina ka pa riyan?" hindi ako nakasagot, pinulot ko na din ang nahulog kong mga panulat.
"Emmanuelo tinatanong kita."
"P-Pasensya na po Inang." akala ko ay magagalit ito, bumuntong hininga ito ng malalim at lumapit sa akin, pagkatapos ay hinawakan ako sa aking magkabilang balikat.
"Pakiusap apo, ano man ang narinig mo, naii-intindihan mo man ito o hindi ay ipangako mo na mananatili lamang ito sa atin, maliwanag ba?" napakurap-kurap ako ng aking mga mata, naiintindihan ko ang aking mga narinig, ngunit hindi ko maunawaan kung bakit kailangan ilihim, 'gayong iyon naman ay isang katotohanan?
"Ngunit hindi ba at kailangan po iyon malaman ni Maricel?" kaagad na umiling si Inang, at sa halip na kasagutan ang itugon sa akin, ay isang katanungan din ang aking natanggap.
"Nais mo ba masaktan ang iyong kaibigan?" umiling ako.
"Kung ganoon ay huwag mo sa kaniyang sasabihin." tuluyan ng nagsalubong ang aking kilay, hindi ko ito lubusan na maunawaan.
"Pero Inang ang pagsabi po ng katotohanan ay isang tamang gawain hindi po ba? at ang pagsi-sinungaling ay isang pagkaka-mali?" tumango ito, bahagyang ngumiti sa akin.
"Apo, hindi lahat ng tama o katotohanan ay makaka-buti, at hindi lahat ng pagsi-sinungaling ay masama na, magiging mali lamang ito kung habang buhay mo itong dadalin."
"Ano po ang ibig mong sabihin Inang?"
"Minsan panandalian na kailangang magsinungaling para hindi masiyadong masaktan ang isang tao, ngunit darating din naman ang panahon na sasabihin mo na sa kaniya ang katotohanan."
"Edi masasaktan pa din po siya."
"Marahil ay masasaktan nga siya, ngunit hindi ganoon kasakit. Katulad mo ay bata pa si Maricel, sa buhay kasi natin apo, kapag hindi natin naiintindihan ang isang bagay masasaktan lang tayo kahahanap ng paraan para maunawaan ito, kaya't mabuti ng malaman niya na lamang ang katotohanan sa panahon na handa na siya" napatitig ako kay Inang, at dahan-dahang napatango.
Palaging may tamang panahon para sa lahat, madalas laging kasama iyon sa mga payo at pangaral sa akin ng mga tao na nagma-mahal sa akin, marahil ay tama nga ito, siguro kaya may mga tao din na nasasaktan ng sobra ay dahil pinipilit nilang unawain iyong isang bagay na hindi pa naman tamang panahon para malaman nila, o kaya naman ay hindi talaga para sa kanila.
"Bakit nagtagal ka?" ngumiti ako dito, hindi ko maintindihan ang aking nararamdaman, tila hindi ko ito matingnan ng mabuti, sa kalooban ko ay naaawa ako dito.
"Susundan na sana kita eh, kaya lang kagaya ng palaka kung minsan bigla na lamang susulpot." pinanliitan ko ito ng aking mga mata, isinantabi na muna ang aking mga nalaman tungkol sa kaniyang ama.
"Mag-umpisa na tayo, tama na ang panga-asar mo sa akin." kinuha nito ang isang panulat, at kinuha niya ang hawak kong kwaderno.
"Pumilas ka dito, para may masulatan ka din." sumandal ako sa aming inu-upuan.
"Hindi na, kaya ko na palang kabisaduhin."
"Ikaw ang bahala, ikaw din kaoag nalimutan mo hindi mo na sa akin pwedeng itanong."
"Oo nga, pustahan pa tayo kung gusto mo." tumawa ako, napangiwi naman siya, tila ayaw talagang maniwala sa akin.
"Magumpisa tayo sa, ano ang paborito mong kulay?"
"Itim."
"Niloloko mo ba ako Elo?" natawa ako dito.
"Hindi ako nanloloko, bakit mo naman na isip iyan?"
"Ilan lang kasi iyong may paborito sa kulay na iyan, madalas ang paborito ng iba ay iyong maku-kulay, parang iyong pula, iyon ang paborito kong kulay, dahil simbolo iyon ng pag-ibig."
"Ikaw, bakit mo naman kasi naging paborito ang kulay na itim, kay daming ibang kulay ah, parang kadiliman ang nai-isip ko sa paborito mong kulay Elo." tinawanan ko ito, napapa-iling naman ito.
"Hindi naman ngunit itim, ay kadiliman na, may maganda itong kahulugan sa kabila ng nakakatakot nitong kulay."
"At ano naman iyon?" tanong nito sa akin.
"Kapag madilim, tuwing nakaka-kita ako ng kulay na itim, palagi kong naiisip na mayroon ding liwanag sa bawat kadiliman."
"Kadalasan kasi ang puting kulay ang kailangan upang magamit ang itim na kulay, parang iyon lang ang nagpapa-lakas ng loob ko sa tuwing may problema ako, halimbawa ako ang pinaka-mababa ang marka sa quiz namin o kahit problema sa pamilya, siguro kaya kailangan magkaroon ng dilim sa ibang parte ng buhay natin ay para maalala naman natin na mayroon pa ding liwanag, nandito pa din si Lord." napatitig ito sa akin, napangiti naman ako.
"Kay ganda naman ng sinabi mo." isinulat nito sa kwaderno ang paborito kong kulay.
Kapwa tinanong namin ang isa't-isa, ano ang paborito kong pagkain, artista, kung ano ang aking pangarap at mga bansa na gustong puntahan pagdating ng araw. Nalaman namin ang iba pang hilig ng bawat isa, ang mga bagay na kapwa nagpapa-saya sa amin, at kung ano ang aming mga kinaka-takutan.
"Takot ka pala sa malalaking gagamba ah." natatawa kong panga-asar dito, humalukipkip naman ito, inirapan pa ako, dahilan upang mas lalo akong matawa dito.
"Huwag ka nga tumawa diyan." ngumuso ito, napaparami na ang pag-irap sa akin.
"Ikaw, ang lakas mo mang-asar, ngunit kapag ako na ay ang bilis mo maasar." humagikgik ako.
Kapag masaya ka parang ayaw mo na matapos ang oras na iyon, parang gustong-gusto mo ulitin at mangyari muli.
Ngunit hindi na nga pala mababalikan ang isang pangyayari sa ating buhay na parte na ng nakaraan.

Komento sa Aklat (29)

  • avatar
    Daphnie Flores

    Ang Ganda ng kwento nakaka iyakk

    11d

      0
  • avatar
    Lester Garces

    tama ang lahat ng sinabi ng kanyang lola

    14d

      0
  • avatar
    Jens Marylaine Navarrosa

    good

    27/07

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata