logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter 5

Ika-lawang araw na ngayon na hindi nakaka-pasok sa kaniyang pagtuturo ang aming matalinhaga na guro, ang balita ko ay sinugod daw ang ina nito sa ospital, kahit pala nakaka-antok ay hahanap-hanapin ko pa din ang kaniyang mga salita.
"Ayan ang sinasabi ko, nabasa ka tuloy. Pagda-dala lang ng payong ay kinahihiyan mo?" pagse-sermon sa akin ng aking lola ng umuwi akong bahagyang basa dahil sa ulan.
"Inang, pambabae lamang ang pagpa-payong." inabutan ako nito ng tuwalya, tinaggap ko naman iyon at pinunasan na ng sarili.
"Nako Elo, hindi na mahalaga kung pambabae ba o pan-lalaki, ang mahalaga ay hindi ka magkaka-sakit." napasimangot ako, pagkatapos ay dumiretso sa tukador kung saan naroon ang aking mga damit.
"Simula bukas ay magda-dala ka na ng payong, hindi lang naman ikaw ang mahihirapan kapag nagka-sakit ka, pati kami ng Nanay mo." napa-isip ako duon, nawalan ako ng kibo.
"Magbihis ka diyan at may pupuntahan ako." nilingon ko ito.
"Saan po?"
"Susunduin ko si Maricel sa kaniyang paaralan, tumawag ang Nanay mo, dito ko muna daw padiretsuhin pagkatapos ko sunduin." bahagyang napakunot ang aking noo, naguguluhan.
"Po? bakit nasaan si Nanay? may nangyari ba sa kaniya?"
"Basta, mayroon siyang ginagawa sa trabaho, at kailangang hindi muna maka-uwi sa kanila si Maricel." mas lalo na akong naguluhan, ang paghi-hinala na nasa aking isipan ay lalong lumala, tila unti-unting dumadami ang mga katanungan sa aking isipan habang ako ay tumatanda.
"Sige na at aalis na ako." dali-dali akong nagpalit ng aking damit.
"Inang, sandali lamang ako na lang susundo sa kaniya, tutal ay dito din naman muna siya sa atin." napalingon ito sa akin, ngumiti naman ako dito.
"Hindi na Elo, magpapabasa ka lang sa ulan." kinuha nito ang kaniyang payong na naka-sabit sa gilid ng pinto, hinabol ko ito.
"Inang naman, ako na po ang susundo sa kaniya, gagamit po ako ng payong." agad itong napalingon muli sa akin, tila hindi pa naniniwala.
"Sigurado ka? akala ko ba ay pambabae lamang ang pagpa-payong?"
"Binabawi ko na po." agad kong tugon dito, bahala na ngunit ang gusto ko ay ako ang susundo kay Maricel, halos may isang linngo na din kasi simula ng huli kaming magkita, nito kasing mga nakaraang araw ay hindi na ako nakaka-punta sa eskwelahan nila para makita si Nanay dahil sa marami akong takdang-aralin.
"O siya sige, ang sabi ng Nanay mo ay duon mo si Maricel puntahan, kung saan sumisilong iyong bantay sa paaralan nila."
Bagama't pumayag na akong gumamit ng payong ay sadyang hindi ako komportable na gamitin ito, bukod sa para sa akin ay mga babae lamang ang gumagamit nito, sa gamit kong payong ni Inang, ay kitang-kita ang mga disenyong bulaklak dito.
Nang makarating duon ay kaagad na akong nagtungo sa guard na naka-bantay sa may tarangkahan ng eskwelahan.
"Bawal ng pumasok, hindi ka na naka-uniporme, at isa pa ay uwian na."
"Narito po ako para sunduin si Maricel."
"Maricel? De Luna ba?" nagulat ako dito ng alam nito ang apelyido ni Maricel, ngunit ganoon siguro talaga kapag mayaman ka, gaano man kadami ang tao, gaano man kalawak ang lugar ay makikilala at makikilala ka.
"Opo siya nga." may nilingon ito sa loob, pagkatapos ay bumaling muli sa akin.
"Kaano-ano ka ba niya?" hindi ko man nais, ngunit natawa ako sa tanong nito sa akin.
"Ginoo, huwag po kayong mag-alala at hindi ko pa kakayanin na gumawa ng masama, kagaya ng dukutin ang isang De Luna" bahagyang napa-kunot ang noo, nito nilaro pa sa palad ng batuta na hawak nito.
"Biro lamang po." pansin ko ang ilan na napapatingin sa aking mga estudyante, ang ilan ay mahina pa na humahagikgik, halos mag-init tuloy ang aking tenga ng maalala na may gamit mga pala akong payong na may disenyo pa na bulaklak.
"Ginoo, pakisabi kay Maricel na narito ako para sunduin siya. Ang pangalan ko ay Emmanuelo."
"Kaano-ano mo nga siya iho?" muling tanong nito sa akin.
"Kapatid ko po Ginoo, huwag niyo po sabihin na magtataka pa kayo, maganda siya at gwapo naman ako, sapat na siguro iyong ebidensya." pinanliitan ako nito ng mga mata.
"Biro lamang ulit." nahihiya akong tumawa ng mahina. Tumikiim ako.
"Ako po ang anak ni Nelya Ignacio na kaniyang Yaya, ako po ang naatasan na sumundo sa kaniya dito dahil sa personal na kadahilanan." halos palakpakan ko ang aking sarili, sa paraan ng aking pagsa-salita siguro ay tiyak naman ng maniniwala ito.
"Ah, ikaw pala ang anak ni Nelya, pilyong bata." napalunok ako sa sinabi nito.
"Sige at tatawagin ko na si Maricel, siguraduhin niyo lang na magi-ingat kayo." kaagaran akong tumango dito, gumilid pa ako dahil mas dumadagsa na ang mga papauwing estudyante.
"Inang naman kasi, pwede naman sanang wala ng ganitong burda ng bulaklak ang kaniyang payong, nais pa ng ma-disenyo." mahinang bulong ko, maya-maya lamang ay may kumalabit sa akin, napa-ngiti ako ng malawak ng makitang si Maricel ito.
"Masaya ako't nagkita tayong muli, kaibigan." ngumiti ito sa akin.
"Ako din Elo, nasabi na sa akin ng guard na ikaw ang susundo sa akin, kanina pa nga ako naghahantay, nagtataka ako kung bakit wala pa si Nanay, bakit nga pala ikaw ang narito?" napabusangot ako.
"Sa iyong tanong ay tila ayaw mo akong makita." tumawa ito.
"Nagkaka-mali ka diyan, bago nga kami umuwi ni Nanay ay palagi akong umaasa na pupunta ka dito sa eskwelahan, tutal iyon naman ang madalas mong ginagawa para makita si Nanay hindi ba?" tumango ako dito, nangingiti.
"Sadyang nagtataka lang talaga ako, marahil ay may alam ka kung bakit ikaw ang sumundo sa akin dito." napansin ko na naka-payong din pala ito, sana naman ay hindi na nito mapansin ang disenyo ng gamit kong payong.
"Si Inang dapat ang susundo sa iyo dahil tumawag sa kaniya si Nanay na hindi ka niya masusundo, may ginagawa daw ito sa trabaho, sinabi din nito na pagkatapos kang sunduin ay sa amin ka muna dumiretso." napangiwi ito, nang mapatingin ako sa mga mata nito na may mahahabang pilik-mata ay napagtanto ko na siya ay naguguluhan, tila marami ng umiikot na tanong sa kaniyang isipan.
Nasa kalagitnaan kami ng paglalakad ng marinig ko ang mahinang pag-tawa nito, napatingin tuloy ako dito, bahagyang namumula ang mukha nito.
"Bakit ka tumatawa riyan?"
"Kay ganda ng disenyo ng iyong payong Elo, sana pala ay madalas umulan ng makita kitang ginagamit iyan." naningkit ang aking mga mata dito, tila gusto ko na lamang tumakbo bigla upang magtago.
"Ikaw ah, ina-asar mo pa ako. Isipin mo nalang kung wala ako, malamang ay para kang isang isda na hinihintay na mawalan ng tubig ang dagat." napangiwi ito, bahagya pang umirap.
"Totoo talaga ang sabi ni Nanay na hindi mo makikilala ng lubusan ang isang tao sa isang pagkikita lamang." hinigpitan ko ang hawak sa gamit kong payong dahil bigla humangin.
"Ano ang ibig mong sabihin?" tanong nito sa akin.
"Sa unang tingin ko sa'yo para sa akin ay tahimik ka lamang, kahit na napa-away ka din ng mga panahon na iyon ay alam kong hindi ka masiyadong makabasag-pinggan, hindi ko akalain na mapang-asar ka pala." tumawa ito.
"Isa iyang aral Elo." napailing na lamang ako.
"Gumilid ka at baka mahagip ka ng mga sasakyan."
"Naka-gilid naman ako." sagot nito sa akin.
"Malayo pa ba tayo sa bahay ng lola mo?" maya-maya ay tanong nito.
"Malapit-lapit na, bakit napapagod na ba ang prinsesa? Ikaw kasi sinabi ko naman sayo na ayos lang na mag-tricycle tayo, ngunit tumanggi ka." nagulat ako ng biglaan ako nitong hampasin.
"Aray!" halos magising ang mga aso ng mga nadadaanan namin na bahay, kamuntik ko pa mabitawan ang hawak kong payong.
"Tila hindi malakas na hangin ang magpapa-bitaw sa akin dito sa payong na hawak ko, kung hindi ang iyong hampas, grabe."
"Alam mo, iyang sinasabi mo ay isa na din uri ng panghu-husga."
"A-Ano? hindi kita hinuhusgahan ah, ikaw nga diyan bigla-bigla na lamang nangha-hampas." pinanliitan ako nito ng mga mata. Natutuwa ako sa kaniyang itsura ngunit hindi ako tumawa, ngayon ay natitiyak ko ng ka-uri siya nina Nanay at Inang, kung saan-saan napupunta ang kamay.
"Sa gamit mo ng mga salita, at ang paraan kung paano mo iyon bigkasin, nanghu-husga ka." hindi ako kumibo, hinayaan ko na matapos ito sa pagsa-salita.
"Nagmula ako sa mayaman na pamilya, hindi ako sanay mapagod at mahirapan, iyan ang nasa isipan mo hindi ba?" pinagtaasan ako ng isa nitong kilay, napa-lunok naman ako.
"Isa pa, wala ka naman narinig na reklamo sa akin, kaya't sa makatuwid wala akong pagsisisi na hindi tayo nag-tricycle." napakamot ako sa aking sintido.
"Pasensya na."
"Hala ka, ikaw ah napapansin kong paulit-ulit ka lang humihingi ng pasensya, pero umuulit ka pa din naman." napa-nguso ako.
"Dahil diyan sa susunod na makikita natin si Mang Kanor na magkasama tayo ay ililibre mo ako ng ice cream sa kaniya." bahagyang nanlaki ang aking mga mata sa kaniyang sinabi.
"Ikaw kaya iyong dapat nanlilibre diyan, ang yaman mo kaya." saad ko dito, ngumisi naman ito.
"Wala sa mayaman o mahirap iyan, nasa may kasalanan." naiwang naka-awang ang aking bibig, tiningnan ko na lamang ito habang tuloy sa pagbungisngis.
Saktong pagtila na ng ulan ng makarating kami sa bahay ng aking lola Linda, mula sa harapan ng bahay ay naaninag ko na kausap nito si Antonio.
"Heto na pala sila."
"Antonio kaibigan, ano ang iyong kailangan?" masayang pambungad ko dito.
"Manghihiram lang sana ako ng kwaderno mo, kokopyahin ko ang lektyur natin kanina."
"Ganoon ba?" kinuha ko ang kwaderno sa loob ng aking bag at ini-abot iyon sa kaniya, napatingin naman ako dito ng hindi niya iyon kaagad napansin, nakatoon pala kay Maricel ang tingin.
"Hoy, Antonio! ano at tila nakakita ka ginto diyan?" saad ko dito, kaagad naman itong lumingon sa akin, tila kinakabahan na tumawa.
"Ikaw naman kaibigan, natulala lamang ako sa kagandahan ng binibini na iyong kasama." tumawa si Inang, siniko ko naman si Antonio.
"Bata pa tayo, iwaksi mo sa iyong isipan iyan." sabi ko dito, kinuha naman niya sa aking kamay ang kwaderno.
"Ikaw naman Elo, biro lamang." tumawa ito, nilingon si Inang.
"Alis na po ako, sadyang ito lamang ang sadya ko kay Elo." tumango naman ang aking lola dito, bago ako lingunin muli ay bumaling ito kay Maricel.
"Paalam magandang binibini, sana ay magkakilala din tayo na lubos sa ibang pagkakataonm" nakita kong tumango at ngumiti si Maricel. Lumingon na sa akin si Antonio, sagad ang ngiti.
"Elo, kaibigan isasauli ko na lamang ito sa eskwelahan tutal wala naman din tayong takdang-aralin dito." ngumiti ako dito, tinapik ito sa balikat.
"Sige, gandahan mo ang iyong pag-sulat ng hindi ito nasasabihan ng ating mga guro na tila kinalaykay ng manok." kapwa kami natawa.
"Oo gagandahan ko." napansin kong nakatingin itong muli kay Maricel, siniko ko itong muli. Kinikilabutan ako, kay bata pa nito ay tila iba na ang nasa isip, at tila ganoon din naman itong babae na nasa aking gilid, kung makangiti ay akala mong hindi sadista.
Nang makaalis si Antonio, ay kaagad na kaming inanyayaan ni Inang sa loob ng bahay.
"Inang, iniwan ko na nga po pala ang payong niyong panira ng ka-gwapuhan ko sa gilid ng pintuan." matalim ang mga mata nito ng lingunin ako, nahagip naman ng aking paningin si Maricel na naka-upo hindi kalayuan at pinipigilan ang kaniyang pag-tawa, naningkit ang aking mga mata. Bago pa ako makurot ni Inang sa aking singit ay kaagad na akong nagtatakbo sa aking kwarto.
"Magbibihis lamang po ako."
Habang nagbibihis ay hindi ko maiwasang mapangiti, kakaibang saya ang aking nararamdaman ngayong araw, marahil ay dahil may ibang tao kaming kasama ng aking lola ngayon dito. Kapag kasi kami lamang ay marami lamang naglalaro sa aking isipan, palagi ko lamang naa-alala ang hindi pag-gampan ni Tatay sa kaniyang responsibilidad sa amin, tila mas lalo ko lamang hindi napipigilan ang pinto sa aking puso para papasukin ang hinanakit dito.
Palagi kong nais makabalik sa panahon ng aming mga asaran...

Komento sa Aklat (29)

  • avatar
    Daphnie Flores

    Ang Ganda ng kwento nakaka iyakk

    12d

      0
  • avatar
    Lester Garces

    tama ang lahat ng sinabi ng kanyang lola

    14d

      0
  • avatar
    Jens Marylaine Navarrosa

    good

    27/07

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata