logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

CHAPTER 5

"Yes, I have and she needs me now. You may go," agad kong sabi.
"Who's the father?" Sa way ng pagtatanong niya, para siyang nasasabik na makita si Magdalen. Para siyang umaasa na anak niya ang batang nasa loob ng kubo. Pero hindi e. Hindi siya ang ama.
"It's none of your business, but he's definitely not you." Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa dahil ayaw kong umasa pa siya.
"Mama?" muling tawag ni Magdalen sa akin.
"I'm coming, darling."
Tinapunan ko siya ng isang seryosong tingin. "Please go, Tary."
Hindi ko na hinintay na sumagot pa siya dahil agad na akong pumasok sa kubo at isinarado ang pinto. Nilapitan ko si Magdalen na nakahiga pa rin na eksaktong humikab nang haplusin ko ang pisngi niya. "You may sleep again, darling."
"Ma, what happened outside?" Mausisa na talaga siya.
Hindi ko muna sinagot ang tanong niya dahil baka nasa labas pa si Tary. Nakiramdam muna ako bago ako nagsalita. "I talked to a guy friend lang. Limang taon din kasi kaming hindi nagkita. Nangamusta lang siya," sagot ko sa kaniya.
"Ma, does he want to see me po kaya?"
Bahagya akong napaisip sa itinanong ng anak ko. Bakit bigla nalang niyang naitanong? "Of course, darling. He wants to see you. I'm sure he'll be happy to see you."
"Is he kind po ba?"
"Of course, darling."
Ngumiti ako matapos kung sagutin ang tanong niya. Sa totoo lang, hindi ako sigurado sa sagot ko. Tary was kind way back, but there were times that he became so selfish and he even slapped me for Pete's sake. Bisyo lang ang inaatupag niya noon. Nambabae rin siya. Ngunit naniniwala pa rin ako na mabuti siyang tao. Lahat naman nadadapa. Lahat naman may hindi magandang ugali. Lahat naman hindi perpekto.
"Ma..."
"Oh, bakit?"
"Puwede ko po ba siyang maging papa?" biglaan pero seryoso niyang tanong.
Hindi ako nakapagsalita kaagad dahil nabigla ako sa itinanong niya.
Puwede niya nga ba siyang maging papa? Pero may tunay siyang papa.
"Huwag mo na munang isipin iyan sa ngayon, anak. Basta tandaan mo na mahal na mahal kita. Hindi ka pababayaan ni mama."
Isang matamis ngiti ang isinagot niya sa akin bago siya tumayo at ginawaran ako ng isang halik. Halos matunaw ang puso ko sa ginawa ng anak ko. Dahil nakaupo ako sa papag ay abot na abot niya ang pisngi ko.
Lumipas ang ilang araw, masuwerteng nakahanap ako ng trabaho sa isang tindahan ng gulay. Naging tindera ako ng mga gulay ni Aling Nilya. Ang buong akala ko nga hindi na ako magkaroon ng trabaho. Malapit lang sa elementary school ang tindahang binabantayan ko. Minsan sumasama sa akin si Magdalen pero madalas nagpapaiwan siya kay Aling Speranza.
Ngayon ay kasama ko si Magdalen habang nagbabantay sa tindahan. Naka-display sa harap ng tindahan ang iba't ibang gulay samantalang nasa bandang likuran ko naman ang anak ko habang naglalaro. Maluwang at sementado ang loob ng tindahan. May isang malapad at medyo may kahabaang bangko na puwedeng higaan si Magdalen kapag gusto niyang matulog. Pangsapin nalang sa bangko at unan ang dinadala ko para makatulog pa rin siya tuwing hapon.
Hindi na kami nagkita ulit ni Tary matapos niyang manggaling sa kubo nakaraan. Sa isip-isip ko mabuti nga iyon para hindi kami magkaroon ng ilangan. At para hindi madagdagan ang inis ko sa kaniya na akala ko wala na. Sa kamatis, talong, kalabasa, at marami pang gulay nalang ako nagpo-focus. Pero siyempre si Magdalen ang pinaka-focus ko. Madalas marami ang bumibili pero nakikipag-cooperate naman ang anak ko. Hindi siya nagpapasaway. Marunong siyang makinig sa mga pakiusap ko at isa iyon sa dahilan kung bakit proud ako sa kaniya.
"Pabili ngang isang kilong kamatis. Magkano?" malumanay na sabi ng isang ale.
"40 pesos po," sagot ko naman.
"Sige, bigyan mo ako."
Matapos niyang i-confirm na bibili siya ay naglagay na agad ako sa isang paper bag ng iilang kamatis bago ko tinimbang. Paper bags ang ginagamit na lagayan para eco-friendly daw sabi ni Aling Nelya. Mayroon kaming iba't ibang size para maiayon sa ilalagay.
"Salamat, ineng."
"Salamat din po," nakangiti kong sabi at pinanood nalang siyang maglakad papalayo.
Sakto ang ibinayad niya kaya hindi ko na kinailangang magbarya pa. Mabilis lang ang naging transaksiyon namin. May mga experience na rin ako na kunti lang ang binili pero sobrang laki ng dalang pera, ang labas magpapabarya pa ako sa ibang tindahan. Minsan kasi wala rin kaming barya. Mabuti nalang nasa likod lang ng tindahan ang bahay ni Aling Nelya kaya napapakiusapan ko siyang bantayan muna ang tindahan kapag magpapabarya ako. Nagpapa-iwan naman sa tindahan si Magdalen kapag ganon ang sitwasyon.
Nagbabalot ako ng tig-sampung pisong kamatis nang biglang may narinig akong mga yapak na papalapit sa tindahan. Hindi ko nakita kaagad kung sino ang papalapit dahil sa mga kamatis ako nakatitig.
"Ano pong sa inyo?" tanong ko bago ako nag-angat ng tingin para tignan kung sino ang bibili.
"Ikaw na naman?" medyo inis na tanong ko nang mapagtanto kong si Tary pala ang lumapit sa amin.
Bakit ba lapit pa siya nang lapit?
Hindi siya umimik kaya nagsalita ako ulit, "Bibili ka ho ba, sir?"
Nagtitimpi lang talaga ako dahil kasama ko si Magdalen. Ayaw kong maging hindi magandang halimbawa sa anak ko.
"Sir, bibili ka ba?" sarcastic kong tanong sa kaniya dahil hindi pa rin siya sumasagot. Nakangiti lang siya habang nakatingin sa...
Napalingon ako sa tinitignan niya... Kay Magdalen siya nakatingin! At laking gulat ko dahil nakangiti rin ang anak ko sa kaniya.
Nahihibang na ba siya?! Hindi niya anak ang anak ko!
"Anak, stay ka lang dito ah. May gagawin lang si mama."
Nang tumango si Magdalen bilang sagot ay hindi na ako nagsayang ng oras dahil lumabas na ako sa tindahan at hinila si Tary palayo.
"Ano bang problema mo ha?! Hindi mo siya anak!" walang preno-prenong sabi ko nang masigurado kong medyo malayo na kami sa tindahan. Bagaman mahina ang boses ko ay nangingibabaw pa rin ang diin sa bawat salita. Hindi ko nakalimutan na kailangan ko pa ring mag-ingat dahil baka marinig ako ng anak ko.
"Why are you like that? Hindi ko naman sinabing anak ko siya. Natutuwa lang ako sa bata," seryosong sagot niya sa akin.
"Eh, ang kapal mo kasi. Hindi mo sinagot ang mga tanong ko tapos ngingiti-ngiti ka sa anak ko. Ano ka, timang? Ito ang tandaan mo, Tary, hindi ka puwedeng lumapit sa kaniya. Hind mo siya puwedeng kausapin. Hindi kayo konektado. Wala siyang koneksiyon sa iyo kaya huwag ka nang lalapit sa amin. Baka nakakalimutan mong may atraso ka sa akin. At hindi pa kita napapatawad."
"I can't promise anything," maikli niyang sambit.
"I don't want you to promise anything. I want you do to a thing. Keep away from us. Gusto ko ng tahimik na buhay kasama ang anak ko. At magiging tahimik lang ang buhay namin kung hindi ka na lalapit sa amin. Alam kong matalino ka kaya umaasa akong naiintindihan mo ang gusto kong mangyari. Matagal na tayong wala kaya wala ka na ring karapatan sa akin at mas lalo na sa anak ko na hindi mo anak." Wala na sa tamang hulog ang mga pinagsasabi ko pero alam kong isa lang ang gusto ko, ang huwag na siyang lalapit pa sa amin ulit.
"Mas lalo lang akong nakumbinsi na mas lumapit pa sa inyo dahil sa mga pinagsasabi mo," seryoso niyang sabi.
"Mas lalo mo lang ding pinatunayan ang sarili mo. One word is enough for a wise man. Akala ko pa nama---"
"I don't need to prove anything. That's it. Start from now on, expect my presence in your daughter's life. Taryx Ponce Domingo is back in your life."
"You're insane. Hindi ka na welcome sa buhay ko. Hindi ka welcome sa buhay ni Magdalen. At mas lalong hindi ka magiging welcome sa buhay namin," pigil ang inis na sabi ko.
"Magdalen? Her name sounds gorgeous and it suits her well. She's a good-looking kid. I bet her father is---"
"Stop your nonsense! Umalis ka na nga! Huwag mo akong susundan dahil baka makita mo ang hinahanap mo at mapapahiya ka talaga sa lugar na ito." Isa iyong pagbabanta na hindi ko alam kung kaya kong gawin.
Mabilis akong naglakad papunta sa tindahan para matapos na ang pag-uusap namin na wala namang saysay. Nang nilingon ko siya, nakatingin lang  siya sa akin na para bang pinapanood niya akong maglakad pabalik kay Magdalen.
Ang kapal talaga ng mukha niya! Hindi siya makaintindi.
Pero imbes na magpaapekto, nagtuloy-tuloy nalang ako sa paglalakad at tumuloy na sa pagtitinda. Hindi rin nagtagal ay umalis na siya.
"Pabili nga ng isang kilong kalabasa," bungad ng isang babaeng ka-edad ko lang siguro. Drawing lang ang kilay niya. Naka-black lipstick. Naka-short lang siya na black with matching crop top na black din.
Puro itim naku.
"Saglit lang," sabi ko bago ako pumili ng kalabasa na bibiyakin.
"Anak mo?" maarte niyang tanong na parang may halong panunuya.
"Oo, bakit?" naiilang kong tanong habang binibiyak ang kalabasa.
"Ang ganda niya..." Natuwa naman ako sa sinabi niya kaya napangiti ako.
"Mana sa aki---"
"Well, hindi kayo magkamukha. Tsk."

Komento sa Aklat (1274)

  • avatar
    Honie Sanico Mantawil

    nice stories

    05/03/2022

      5
  • avatar
    KingMortal

    this app is good and excellent!!

    27/02/2022

      5
  • avatar
    PingkianLucille

    ML M-MOBILE L-LEGENDS

    2d

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata