logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

CHAPTER 22

Alexis' POV
"What happened to you?" gulat na tanong ni kuya Daniel pagkapasok namin sa office.
"Something came up, but I'm fine" sagot ko at diretsong naupo sa swivel chair.
Hanggang ngayon ay napapaisip parin ako. Alam kong siya yon, marami mang taon ang lumipas sigurado akong siya yon. Pero bakit hindi niya ako makilala? Hindi na ba ako namumukhaan o nakikilala pagkatapos lumipas ng sampung taon?
Umikot-ikot ako sa kinauupuan ko habang nag-iisip parin. Talagang hindi ako magkakamali. May instinct told me that it was him. Hindi man niya ako makilala, alam kong siya yon.
"Alexis! Ano bang iniisip mo dyan?" tawag sakin ni kuya habang nagtatakang nakatingin sakin.
"Kanina pa yan tulala kuya, mula nong nasa presinto" singit ni Felix na kakapasok lang para bigyan ako ng sapatos.
"Did you ever contact Brent?" seryosong tanong ko.
"It's been two years noong huli ko siyang nakita. Ang alam ko lang ay lumipat na siya ng bahay" sagot ni kuya.
"Saan siya lumipat?"
"From his father's Province. Yan ang sinabi niya pagkagraduate niya sa college"
Hindi ako naniniwala. Pero kung sakaling totoo man, maaaring bumalik pa siya dito.
"Why did you asked?"
"I'm sure at seryosong nakita ko talaga siya sa the police station" seryosong sagot ko.
"Alin don?" tanong ni Felix.
"Yong lalaking nasa harapan ko…. Pero bakit hindi man lang niya ako nakilala?” naguguluhang tanong ko.
"Hindi ko siya napansin. By the way, let's move your meeting tomorrow. Umuwi at magpahinga ka muna baka guni-guni mo lang yan" saad ni Felix saka lumabas.
Napatingin ako ke kuya sabay kibit-balikat. Napapailing na lang siya habang nakatingin sakin. Bumuntong hininga nalang ako at inayos ang damit ko saka isinuot ang sapatos ko bago ako lumabas.
Naiinis at naguguluhan ang nararamdaman ko ngayon dahil ito ang unang araw na papasok ako sa kompanya ni dad ay naging palpak pa at isa pa bakit ba hindi niya ako makilala. Alam kong wala namang nagbago sa itsura ko ten years ago, kaya imposibleng hindi niya ako kilala.
O baka naman nakalimutan na niya ako?
Bagsak ang balikat kong sumakay sa sasakyan ko. Inaasahan ko namang galit siya sakin at okay lang naman na magalit siya sakin pero wag naman sana yong to the point na hindi na niya ako kilala. That f*ckin' kills my pride.
Umuwi akong lutang parin at maski nga ang mga pupuntahan ko ay hindi ko na naalala. Sinalubong ako ng tahimik na bahay kaya dumiretso agad ako sa kwarto ko. Lumapit ako sa salamin at tiningnan ang sarili ko.
Oh! Pano niya nga ba pala ako makikilala kung ganto naman ang suot ko. Baka ito ang dahilan kaya hindi niya ako nakilala.
Mabilis kong hinubad ang suot ko at naghanap ng oversized T-shirt and unisex short para sana magpalit kaso wala akong nahanap. Nagpalit nalang ako ng simpleng pambahay at saka nagmadaking umalis.
I'm going to buy some clothes na dati kong sinusuot ten years ago baka sakaling makilala or maalala niya ako pagpinuntahan ko siya bukas. I already planned na puntahan siya bukas sa presinto.
Dumiretso na ako sa isang shop at pinuntahan ang mga iba't ibang kulay ng T-shirts.Una kong pinulot ang kulay grey na T-shirt at tiningnan ang sarili ko sa salamin.
Better.
Iniikot ko muli ang paningin ko saka pinuntahan ang polo shirt na white and red striped.Bagay to ni kuya Clyde kaya kukunin ko nalang din.Kumuha pa ako ng mga apat na T-shirt ko at pati narin pants saka pumunta sa cashier.
Kring! Kring!
"Hello"
[Nasan ka?] tanong ni kuya Dominic.
"Bakit?"
[Papunta na kami dyan sa bahay, yong pasalubong ko ihanda mo hahaha] tatawa-tawang aniya.
"Tsk! Kasama mo si ate Michelle?"
[Yes, malapit na kami.]
"Iwan mo muna sa siya sa syota ni kuya Clyde, samahan mo kong tumingin ng sasakyan. Nasa mall ako ngayon, mag-commute ka nalang"
Pagkatapos magbayad ay lumabas na ako dala ang mga binili ko at sumunod na pumasok sa department store.
[Palitan mo yong perang magagastos ko ha,tutal marami ka namang pera]
"Oo, dalian mo" sabi ko at pinatay na ang linya.
Nagtingin ako ng mga bags para sa mga asawa't syota ng mga kapatid ko and of course hindi ko din makakalimutan ang kapatid ni Felix pati narin ang anak at asawa nito. Pumili ako ng isang klase pero magkakaibang kulay.
Nilapitan ako ng isang sales lady dala ang isang push cart. Nagpasalamat naman ako saka ko inilagay doon ang mga bag na napili ko at pati narin ang plastic na dala ko maliban sa bag ko at sumunod na pumunta sa damitan ng batang lalaki.
Hindi ko alam kung anong size ng anak nila pero nakukuha naman siguro ito sa tanong. Nilapitan ko ang babae na nagbabantay doon at tinatong ito.
"Excuse me, anong size ang kasya sa 2 years old boy?"
"Dito po ma'am" aniya at naglakad kaya sinundan ko siya.
"Thank you"
Hindi na uso sa akin ang mamili kaya naman kung anong nasa harapan ko ay iyon na lang ang kinuha ko. Kumuha ako ng ternos and denim jacket.
Kring! Kring!
[Nandito na ko, nasan ka?]
"Department store, sa boy's section"
[Okay, I'll be right there] aniya at binaba.
Inilagay ko na sa push cart ko ang nakuha ko at saka itinulak ito papunta sa baby's section. Mas magandang kasama ko siya sa pagpili ng damit ng magiging anak nila. At saka wala din naman akong alam sa mga ganto.
"Ang yaman mo talaga 'no?" saad ni kuya nang makarating siya.
"Pumili tayo ng damit ng baby niyo" sabi ko at naunang pumulot ng mga panglalaking damit.
"Ah? Eh hindi mo nga alam kung anong gender ng anak ko eh" napalingon ako sa kanya at takang tiningnan siya.
"Don't tell me hindi mo siya pinapa-ultrasound" mataray na sabi ko.
"Buwan-buwan kaya siya nagpapa-ultrasound. The case is we don't want to know the gender yet, gusto naming masorpresa"
"G*go ba kayo? Eh anong isusuot niyo pagkapanganak niyan?" sabi ko.
"HAHAHAHAHAHAHA...... syempre damit, b*bo" aniya at saka lumapit sakin.
"Ano bang gusto mong gender ng magiging anak namin?" tanong niya.
"Kahit ano, pero sigurado akong lalaki yon kaya ito ang bibilhin ko" mayabang na sabi ko at namulot pa ng mga asul na gamit ng baby.
"Yeah, same boat" aniya at tinulungan akong ilagay sa cart ang mga napili ko kaya pareho kaming natawa.
"San ka pa pupunta?" tanong niya sakin.
"Tulungan mo akong bumili ng ibibigay ko sa magkapatid, kumuha ka narin ng gusto mo pero isa lang ha alam kong marami kang pera" sabi ko sa kanya habang naglalakad kami papunta sa men's section.
"Wag na, ang damot mo naman"
"Good"sagot ko nalang.
Hindi naman na kami nagtagal sa pamimili ng damit kaya nang matapos kami ay dumiretso din agad kami sa cashier para magbayad.
Clyde's POV
Maghahapon na pero hanggang ngayon ay wala parin ang dalawa. Yong asawa ni kuya Dom dito ay kanina pa tulog kaya pinagising ko na ke El. Si dad naman ay nanonood dito kasama ko.
Rinig naming bumukas ang pinto kaya napalingon kami. Nagtataka namin silang tiningnan dala ang kanilang malaking bag.
"Bakit? Pinalayas kayo? haha" natatawang tanong ko kina kuya Daniel at ate Jana.
"Oh pati kayo?"natatawa ring sabi ni dad pagkapasok nila kuya Gab at ate Grace.
"We should stay here for a month habang marami pang pera ang bunsong kapatid namin" sabi ni kuya Daniel at nagkatinginan naman sila ni kuya Gab sabay tawa.
"Ayan, dyan kayo magaling. Tulungan mo si kuya don at pagod na pagod na ko" reklamo ni Louisa pagkapasok niya na may dala-dalang mga plastic.
Pare-pareho namin siyang pinasadahan ng tingin at saka ko siya nilapitan at kinuha ang mga bitbit niya. Nangingiti kong ibinaba iyon sa tabi ng sofa.
Sakto namang bumaba na ang dalawa kaya nagtipon-tipon kami sa sala habang nakatingin sa kapatid ko. May kasunod pa palang mga plastic na dala si kuya Dom kaya natutulala akong nakatingin sa mga plastic.
Gano kayaman ang isang mayabang na Hernandez? HAHAHA
"Ang dami naman nito, meron ba sakin dito?" tanong ni dad pagkaupo ni Louisa sa tabi niya.
"Of course...wala, tapos ka na dad" sagot niya kaya natawa kaming mahina.
"Bat pala sobrang late na kayo? Ito lang ba inatupag mo maghapon?" tanong ko sa kanya.
"Syempre hindi. Nasiraan lang kami pauwi kaya kami natagalan. Anong oras kakain? Gutom na ko."
"Pano to? Ayaw mo pa ibigay samin?" nakangising tanong ko.
"Walang sayo dyan, para sa mga in-laws ko yan. Magpapalit lang ako" aniya at dinala ang ibang plastic.
Nilapitan ko ang mga supot at saka ito inisa-isang tiningnan. Una kong nabuksan ang supot ng bag,at bag ulit, bag ulit at dalawa pang bag ulit saka sumunod ang plastic din ng gamit ng mga baby, sunod ang pambatang damit and then isang Penshoppe kaya yon ang kinuha ko at inilabas.
"Kay kuya Daniel yan, ito pasalubong ko sayo" aniya at ibinato sakin ang maliit na box.
Binigyan niya rin ang tatlo at saka ibinigay ang plastic sa mga babae. Hindi na ako nakapaghintay pa at agad na binuksan ang akin. Napangiti nalang ako nang makita ito.
"Thank you" sabay sabay naming sabi.
"No worries.... By the way ate Michelle, kulay blue ang mga binili kong gamit ng baby mo dahil ramdam at alam kong magiging lalaki ang anak mo”
"Anong boy? Babae yan anak, di mo ba nakikitang maganda magbuntis ang ate Michelle mo?" pagmamayabang ni dad.
"Lalaki yan dad sinisigurado ko sayo" pagmamayabang din ni Louisa.
"Why don't we have a bet?" tanong ko sa kanila at mabilis naman silang pumayag.
"Sino sa lalaki?" tanong niya sabay taas ng sariling kamay.
Sumunod ding nagtaas ng kamay si kuya Dom. Dumaan ang ilan pang mga segundo ay wala nang nagtaas kaya kaming lahat maliban sa dalawa ay nasa team baby girl na.
"Dad, pag lalaki ang magiging anak nila, itapon mo na yang kotse. At kapag nanalo naman kayo ibibigay ko sayo ang brandnew car ko and then 20k kayo tig-iisa" mayabang at seryosong saad nito habang nakatingin ke dad.
"Pano ako Louisa? Gusto ko din manalo ng pera" biro ni kuya Dom.
"Basta pag nanalo tayo, itatapon ni dad ang bulok na kotse niya. End" nakangising aniya saka tumayo.
HAHAHAHAHAHAHAHAHA. Nuknukan ng yabang.
Pagkatapos naming kumain ay nagkakwentuhan muna kami saglit dito sa sala. Dahil hindi kami kasya sa sofa naupo kaming mga kalalakihan sa lapag maliban ke dad at ang mga kababaihan naman ay nasa sofa. Nasa paahan ako ni El, ganon rin naman ang mga mag-asawa at magkatabi naman si dad at Louisa.
"I'm so thankful na hindi ako hinayaan at pinabayaan ng family ko. After ng sampung taong wala ako dito, mas narerealized at natatanong ko sa sarili ko na 'what if hinayaan lang nila ako?' 'what if hindi ako nalayo sa kanila?'. Siguro yong sakit ko nalang noon yong way ni mommy para maging ayos ako sa kanila. And I'm seriously never regret those things na nagawa ko sa inyo" kwento ni Louisa.
"Natatandaan ko pa non ang pagpunta ni dad sa room ko para dalhan ako ng lunch and then tinataboy ko lang siya. You still remember that, dad?" baling nito kay dad at tumango-tango naman ito habang lumuluha.
"Alam kong isang malaking sugat na yon sayo but you still keep on delivering my lunch box bago ka pumasok. Ganon ako kaclosed minded noon, I never treated my family dahil ang nararamdaman ko lang ay galit. Never ko ding pinakinggan ang side nila especially ang side ni dad" aniya at tinitigan si dad.
Kusa naring tumutulo ang mga luha ko kaya pinahid ko agad ito. Napatingin ako ke El nang hawakan niya ang pisngi ko.
"Did you still remember my high school bestfriend?" natatawang tanong niya habang tiningnan kaming magkakapatid.
"I saw him this morning, pero hindi niya ako makilala" aniya at nawala ang ngiti sa mukha.
"Sinabi ko naman sayo nasa probinsya siya" kuya Daniel.
"No, I saw his tag name. My eyes might be mistaken, pero hinding-hindi magkakamali ang pakiramdam. Mauuna na ako, baka masermonan na naman ako ni Felix bukas hahaha" aniya at tumayo.
Tahimik kaming naiwan habang nagtitinginan. Alam talaga naming lumipat narin ng bahay ang parents niya far from here but still that's not impossible para makita niya.
Itutuloy.....

Komento sa Aklat (128)

  • avatar
    BalmedinaSarah

    Ang ganda kahit introduction pa lang ang ganda na😍

    06/05/2022

      0
  • avatar
    Nhielzen Mhyck Cabunas

    siiwkw

    20/07

      0
  • avatar
    Stefanie Isidro Maximo

    great

    24/08/2023

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata