logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

CHAPTER 7: KILIG FEELS

(ALLYSA'S POV):
Kasalukuyan na kaming nandito sa Simbahan para sana humingi ng tulong sa Pari, ngunit biglang nag-ring ang cellphone ko.
“Ma, Bakit?” tanong ko nang masagot ko na ang tawag mula kay Mama.
“Anak, Pumunta ka dito sa Ospital, ang Papa mo naaksidente.” halata sa boses ni Mama ang pag-iyak.
Kaagad akong nanlumo dahil sa aking narinig, para akong binagsakan ng tatlong kabang bigas sa ulo.
Ipinaalam ko na kaagad ang balita kay Shaira at dali-dali kaming nagtungo sa Ospital na sinend ni Mama.
“Ma, Nasaan si Papa?” mahingal-hingal kong tanong.
Ayon kay Mama, habang nasa Construction site daw si Papa ay aksidenteng nalaglagan daw ito ng mga Hallow blocks sa ulo na dahilan upang mabilis itong isugod sa Ospital at kinailangan pang maoperahan.
“Inooperahan na s'ya, Anak.” sagot ni Mama habang tumatangis.
Wala na akong ibang nagawa kundi pakalmahin si Mama at maghintay ng result tungkol sa operasyon ni Papa. Mga ilang sandali lang ay lumabas na ang Doctor.
“Sino ang relatives ng pasyente?” tanong ng Doctor matapos ibaba ang kanyang facemask.
Mabilis namang lumapit si Mama sa Doctor at ipinakilala ang kanyang sarili.
“Ako po ang asawa n'ya, Kumusta na po ang lagay ng asawa ko?” marahang tanong ni Mama.
“Don't worry, Mrs. Ortega, malayo na po sa panganib ang asawa n'yo at ililipat na namin s'ya sa Regular Room for monitoring.” magandang balita ng Doctor.
“Thank you po, Doc.” pagkatapos nun ay umalis na ang Doctor.

Sa ngayon ay nasa kwarto na ako ni Papa at nakaupo sa isang Monoblock na katabi ng Bed n'ya, upang bantayan s'ya dahil sandali munang umidlip si Mama sa sofa.
Alas-nuwebe na rin ng gabi at kanina pang alas-sais umuwi si Shaira sa Unit n'ya.
“Hayaan mo, maayos na naman ang papa mo eh.” bulong sa'kin ni…
“Ay!Manyakis na palaka!!” pagkagulat ko, kaagad kong tinakpan ang bibig ko ng aking dalawang kamay dahil baka magising si Mama at Kung-Fu-hin pa n'ya ako.
Ayaw kong magka-black eye noh!
“Bweset ka, Ano bang ginagawa mo dito?” mahinang tanong ko sa bweset na multo habang unti-unti kong ibinababa ang dalawa kong kamay mula sa aking bibig.
Ngumiti lang s'ya sa'kin at dahil 'dun ay lalong lumitaw ang Dimples n'ya sa magkabilaang pisngi na kaagad ko namang napansin.
Ang gwapo n'ya talaga!...Ay...hindi!! Ano bang nangyayari sa'yo, Allysa Ortega??
“Sa Kotse tayo mag-usap.” mahina kong pag-anyaya sa kanya at matapos nun ay lumabas na nga kami ng Room ni Papa.
Habang papunta ako sa Parking Lot ay may mga nakikita akong duguan na lalaki at mga batang multo sa paligid na nakatingin sa'kin.
D'yos ko! Bakit n'yo naman ako pinagkalooban ng ganitong sumpa, ha?!
“Huwag kang matakot, hindi ka nila kayang saktan.” saad ni Ian para mabawasan na ang kaba ko.
Sa sobrang takot ko ay dire-diretso nalang akong naglakad patungo sa nakaparada kong kotse.
Nang makapasok na ako sa kotse ay kaagad kong sinara ang pinto nito.
Kaya namang makapasok ni Ian sa kotse ko nang hindi dumadaan sa pintuan eh.
Sandali akong sumandal sa Driver's seat, pagkatapos ay huminga ng maluwag at tumingin sa katabi kong multo.
“Kung ganun, ang tinutukoy mong Fiancée ay ang kaibigan ko pala?” pag-uusisa ko.
Iniwas ng multong manyak ang tingin n'ya sa'kin bago s'ya sumagot.
“So, sinabi mo na sa kanya na nakikita mo ako?” pabalik n'yang tanong.
Natamime ako at ilang segundong nag-isip ng idadahilan.
“Kaibigan ko s'ya eh.” tanging nairason ko lang sa kanya.
May nakakatawa ba sa sinabi ko?
“Ano namang tinatawa-tawa mo d'yan?” naiirita kong tanong nang makita ko s'yang natatawa.
“Kaya mo ba s'ya pinatakot sa'kin para maniwala na s'ya sa'yo?” sarkastikong tanong n'ya.
“Tinakot mo naman.” mataray kong saad.
“Bakit d'yan napunta ang usapan natin? Sagutin mo muna ang tanong ko, bago ko rin sagutin ang tanong mo!” paghahamon ko pa.
Tumigil na s'ya sa pagtawa at biglang sumiryoso ang kanyang mukha.
“Kung anuman ang sinabi n'ya sa'yo....Totoo lahat ng 'yun.” tanging sagot n'ya at tumingin sa'kin ng nakangiti.
Umangat naman ako mula sa pagkakasandal at bahagya kong inilapit ang mukha ko sa kanya habang nakangisi.
“Kung ganun, s'ya nalang ang lapitan mo tapos tigilan mo na rin ang kasusunod sa'kin.” sarkastiko kong wika sa kanya.
Nanlaki ang mga mata ko nang mas inilapit n'ya pa ang kanyang mukha sa mukha ko na halos magdikit na ang mukha naming dalawa.
“Mangyayari lang 'yun kapag nakikita n'ya na rin ako.” mahinang sabi n'ya.
Umusog ako ng kaunti at inilayo ang mukha ko sa kanya, dahil sa sobrang pagkailang, ngunit lalo lang n'yang inilalapit ang kanyang mukha, kaya nang mahawakan ko na ang lock ng pinto ng aking kotse mula sa aking likuran ay binuksan ko na ito kaagad na naging resulta nang bigla 'kong pagkabalintong palabas ng sasakyan.
“Ahhhh!..!!” napasigaw ako.
Tila ba nag-slow motion ang paligid ko nang dahan-dahan kong ihangad ang aking ulo para makita ko kung sino ang nakasalo sa'kin na rason kung bakit hindi ako tuluyang lumagapak at nabagok sa sahig.
Natulala na lamang ako nang makita ko ang napakagwapong mukha ng nakasalo sa'kin.
Habang lutang ako ay dahan-dahan n'ya na pala akong tinutulungan makatayo.
“Are you Okay, Miss?” tanong n'ya na may pag-aalala sa kanyang mukha.
Hindi kaagad ako nakasagot sa kanya dahil sa pagkabigla.
“Miss, Are you Okay?” inulit n'ya ang pagtatanong sa'kin.
Bigla akong bumalik sa aking wisyo at nauutal na sinagot ang tanong n'ya. “I-I'm O-OKAY!” sabay ngiti sa kanya.
Umayos na ako ng tayo habang bakas sa mukha ko ang hiya.
“T-Thank you, kundi dahil sa'yo baka napuruhan na naman ang ulo ko.” nakangiti kong pagpapasalamat sa kanya habang naiilang.
“Sa susunod mag-iingat ka na.” nakangiti ring tugon n'ya sa'kin at sinusian na ang kanyang sasakyan kasabay nito ang pagpasok n'ya sa loob.
Nang makaalis na s'ya ay naiwan naman akong namumula at hindi maalis ang matamis kong ngiti sa aking labi.
“Kinikilig ka ba?.” tanong ng multong manyak.
Lumingon naman ako sa kanya at nakita ko s'yang nakapamulsa at tila nang-aasar ang kanyang tingin sa'kin.
“Che!!” tanging wika ko lang sa kanya at kasabay nun ang pagtaray ng dalawa kong mata.
Kinuha ko na ang isang Brown na kumot mula sa compartment ng aking sasakyan.
Muli na akong pumasok sa kotse ko at ni-lock na ang pinto nito, matapos nun ay sumandal ulit ako sa Driver's seat at ikinalupot na ang kumot.
Payapa na akong pumikit nang nakangiti.
Wala na akong pakialam kung katabi ko pa rin ang manyak na multo dahil hindi n'ya naman ako magagalaw lalo pa't para nalang s'yang hangin. Isa pa, sobrang inaantok na rin ako noh.

Komento sa Aklat (38)

  • avatar
    Christine Joy Sacla Butangen

    naka hurt na nakakakilig

    3d

      0
  • avatar
    SiclotMayann etorma

    hanggang 27 lng po ba too Ang Ganda po kasi

    21d

      0
  • avatar
    Alexander Lazarte NI

    Alexander

    31/07

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata