logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

My Greatest Fear

My Greatest Fear

K.Cativo


CHAPTER 1: THE BEGINNING

DISCLAIMER:
This is a work of fiction. Names, characters, places and incidents either are the author's imagination or are used fictionally. Any resemblance to actual persons, living or dead, events, or locales is entirely coincidental.
COPYRIGHT © 2022 BY: K.CATIVO
All rights reserved. No part of this book may be reproduced, distribute, or transmitted in any form or by any means, including photocopying, recording, or other electronic or mechanical methods, without the prior written permission of publisher.
PLAGIARISM IS A CRIME!
******************************************
(THIRD PERSON'S POV):
“Alam mo bang mahal na mahal kita?” malambing na tanong ng dalaga sa kanyang minamahal habang dumadampi sa kanyang mukha ang malakas na ihip ng hangin.
Mula sa likuran n'ya ay yinakap s'ya nito ng mahigpit at damang-dama ng dalaga ang kapayapaan mula sa bisig ng binatang kanyang lubos na tinatangi.
“Kahit hindi mo pa ako mahal, I will still continue loving you till the death do us part.” romantikong wika ng binata.
Halata sa mukha ng dalaga ang kilig na nadarama nito dahil sa pamumula ng kanyang mga pisngi. Dahan-dahan n'yang itinaas ang kanyang dalawang kamay upang haplusin ang bisig ng binata.
“Ano ka ba! May pa-english-english ka pang nalalaman d'yan...Hindi pa naman tayo ikinakasal para sabihin mo 'yan eh, tsaka mo na 'yan sabihin kapag nasa harap na tayo ng Altar.” sabi ng dalaga na may matamis na ngiti sa kanyang labi.
Saglit na tinanggal ng binata ang kanyang mga bisig na nakayakap sa dalaga. Hindi inaasahan ng dalaga na magtatampo ang binata dahil sa sinabi n'ya kaya humarap s'ya rito.
“S-Sorry…” sasabihin dapat ng dalaga ngunit hinarangan ng binata ang kanyang labi ng hintuturo nito kaya napatigil s'ya.
“Shhhhhh”
“'Wag ka nang mag-sorry, Hindi naman ako magtatampo sa'yo kahit anumang sabihin mo eh.” wika ng binata.
Hinampas ng bahagya ng dalaga ang dibdib ng binata dahil hindi n'ya na mapigilan ang pagkakilig. Natawa na lamang ang binata dahil sa inaasal ng kanyang kasintahan.
“Ikaw ang babaeng gusto kong makasama habang buhay kahit pa sa kabilang buhay, ayaw ko nang malayo pa sa'yo.” napaka-romantikong wika ng binata habang inilalabas ang isang maliit na itim na kahon mula sa bulsa nito.
Unti-unti namang tumulo ang luha ng dalaga dahil napapagtanto n'ya na ang ibig-sabihin ng kasintahan.
“My beautiful star, will you marry me?” nakakahalinang tanong ng binata sa kanyang iniibig habang binubuksan ang maliit na kahon.
“Yes! I do!!” masayang sagot ng dalaga.
Kaagad nang isinuot ng binata ang sing-sing sa daliri ng kanyang minamahal at hinalikan ito ng napakatamis na tila punong-puno ng galak ang kanyang puso.
Nagtataka man ang dalaga kung paano nakabili ng ganitong mamahaling engagement ring ang kanyang kasintahan, mas minabuti n'ya na lamang ipagsawalang-bahala ito.

Ginabi na ang magkasintahan kaya naman napagpasyahan na nilang umuwi. Habang nagda-drive ang binata upang ihatid na ang kanyang Fiancée pauwi sa bahay nito ay naisipan nilang tawagan ang bestfriend nila upang ikuwento dito ang magandang balita.
“Anong balita ang dapat kong malaman?” nae-excite na tanong ng kanilang kaibigan.
“Beh!!We're finally engaged!” masayang balita ng dalaga sa kaibigan.
“Oh My God, Beh!! Congratulations!!” tugon nito na sa tono nang pananalita ay hatalang sobrang saya at kinikilig-kilig.
“Kailan naman ang kasal n'yo?!” kinikilig nitong tanong.
Ngunit sa halip na masagot ng magkasintahan ang tanong ng kaibigan ay biglang nabalot ng takot at malakas na ingay ang paligid.
BOOOOOOMMM!!!!
“B-B-B-he O-Okay lang ka-y-yo?”
“Nasa-an ka-y-yo?”
Bh-Bhrrrrrr...Banggggg!!!…
Tutot!!!.....tutot!!!....Tutot!!!...
***
(SOMEONE'S POV):
“Kung ito na ang katapusan ko.....Sa huling sandali, naging masaya ako.....dahil nakasama kita.....”
Wari'y mga boses na lang ng mga taong tumatangis at ang boses ng mga natataranta ang aking naririnig.
Naaninag ko rin ang mukha n'ya na puno ng dugo at pinapasok sa isang Ambulansya hanggang sa wala na akong makita kundi kulay itim na paligid at naramdaman ko na lang na may luhang tumutulo sa aking mga mata papunta sa aking sintido.
***
(ALLYSA'S POV):
Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata, dama ko ang hapdi sa aking siko at paa, ganun din ang makirot kong bumbunan.
ARAY KO NAMAN!!
“Anak, sa wakas, sa awa ng D'yos, nagising ka na rin.” paghagulgol ni Mama sa kaiiyak.
Unti-unti ko nang natatanaw ang mga mukha ng mga taong nasa paligid ko.
“Bakit po ako nandito?” mahinang tanong ko sa kanila nang mapagtanto kong nasa Ospital ako.
Lumapit sa akin si Mama at ipinaliwanag ang lahat.
“Anak, naaksidente ka, tapos isang buwan kang na-comatose.” maiyak-iyak na wika ni Mama.
Bakit wala akong maalala tungkol 'dun?
“Ma, sino 'yung lalaking na sa likuran n'yo? Bakit ngayon ko lang s'ya nakita?” magkasunod na tanong ko nang makita ang isang hindi pamilyar na lalaki sa likuran ni Mama.
Parang ang creepy din ng lalaki.
Nagtinginan naman silang lahat sa likuran ni Mama at pati din mismo si Mama ay napalingon din sa kanyang likuran.
“Ah, s'ya ang Papa mo, Anak. Bakit, hindi mo ba s'ya naaalala?” nagtatakang tanong ni Mama sa'kin.
“Hindi mo na ba ako naaalala, Anak?” nag-aalalang tanong naman ni Papa.
Ano ba sila, naaalala ko naman silang lahat eh, pwera lang sa mistisong lalaking nasa likuran ni Mama! Sino ba kasi 'yun??
“Naaalala ko kayong lahat, pwera lang sa mistisong lalaking nasa likuran ni Mama.” tugon ko na nagpakunot sa mga noo nila.
Hinaplos ni Mama ang pisngi ko.
“Oh, s'ya sige na, Anak, iiwan ka muna namin dito para makapagpahinga ka na.” pagpapaalam ni Mama at hinalikan n'ya ang aking noo pagkatapos ay sumunod na si Papa, yumakap naman sa akin ang aking Bestfriend at ang immature kong kapatid.
Sandali lang ay umalis na sila habang naiwan naman ang misteryosong lalaki sa kwarto ko. Bahagyang tumayo ang balahibo ko sa pangingilabot ng ambang lalapit s'ya sa'kin.
Bunga yata 'to ng sinasabi nilang Aksidente, nababaliw na yata ako!
“S-Sino ka? A-anong ginagawa mo dito?” nauutal kong tanong na nagpahinto sa kanya na lumapit sa akin.
“Umiiyak ka ba? May nasabi ba akong Mali?” natatarantang tanong ko sa kanya nang makita kung may tumulong luha sa kanyang pisngi mula sa nangungusap n'yang mga mata.
Kung ilalarawan ko s'ya, matangkad lang s'ya ng isang dangkal sa'kin dahil ang height ko naman ay 5'8, maputi ang kanyang balat at higit sa lahat ay may maamo't gwapong mukha. Ang suot naman n'ya ay isang kulay gray na Hoodie Jacket at nakapantalon.
“Maayos na ba ang pakiramdam mo?” nakakapagtakang tanong n'ya.
Bakit naman s'ya mag-aalala sa'kin, eh hindi ko naman s'ya kilala at higit sa lahat, hindi kami close?
“H-Hindi kita kilala, Umalis ka na, baka naligaw ka lang ng napasukang Room.” utos ko habang may pagkailang sa aking tono.
Lalo kong nakita sa mga mata n'ya ang ikinukubli n'yang lungkot.
“Nakikita mo nga ako.” nakakapikong tanong n'ya.
S'yempre may mata ako kaya nakikita ko s'ya. Hindi naman ako bulag eh!
Kinagat ko nalang ang ibabang bahagi ng aking labi at tumingin ng masama sa kanya dahil sa pagkairita.
“Sino ka ba? Anong ginagawa mo rito? Bakit hindi ka nakikita nila Mama? Grabe, ang creepy mo ah.” pag-uusisa ko.

Komento sa Aklat (38)

  • avatar
    Christine Joy Sacla Butangen

    naka hurt na nakakakilig

    4d

      0
  • avatar
    SiclotMayann etorma

    hanggang 27 lng po ba too Ang Ganda po kasi

    21d

      0
  • avatar
    Alexander Lazarte NI

    Alexander

    31/07

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata