logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

The Love That Never Fades

The Love That Never Fades

Seashell


SIMULA

[The Love That Never Fades]
SIMULA.
TAHIMIK akong namumulot ng mga kabibe sa tabing-dagat. Nais ko sanang gumawa ng maraming kwintas at palamuti na maaari kong maibenta sa kabayanan.
Nakaka-isang puno na ako ng hawak kong lagayan. Iba't iba ang kulay ng mga ito, tiyak na magagandang kwintas ang magagawa ko para maibenta. Mas makulay, mas maganda. Iyon kasi ang gusto ng mga turista rito sa isla.
Ang mga kwintas, bracelet at palamuti na ginagawa namin gamit ang mga kabibe ay gustong gusto ng mga turista. Ito kasi ang ginagawa nilang pasalubong o kaya ay regalo para sa mga minamahal nila.
"SANDRA!!" sigaw ng aking kaibigan mula sa hindi kalayuan.
Napatigil ako at hinawi ang buhok kong tinatangay ng malakas at malamig na hangin. Pinaningkit ko ang mga mata at tinanaw ang kaibigan kong tumawag sa akin.
"Bakit nanaman ba? Lumapit ka nga rito at 'wag ka sumigaw," tawa ko at naalarma ako nang muntik na siyang madapa. "Magdahan-dahan ka lang kasi" saway ko at inalalayan siya.
"M-May...chika ako" hinihingal na sabi niya at nasapo ko naman ang noo ko.
"Dahil lang doon? Chismosa talaga nito" asar ko sakaniya at dinuro ang noo niya.
"Basta! Diba ay may itatayo raw na hotel diyan sa malapit? Nabalitaan ko kahapon..." kwento nito habang nagni-ningning ang mga mata. "Kanina lamang dumating ang mga manggagawa, at alam mo ba? Kasama na nila si Engineer!" Tili nito at inalog-alog ang braso ko.
"Oh, tapos?"
"Ehh? Hindi ka ba excited? Ang gwapo kaya ni Engineer, baka ito na ang panahon para magka-lovelife ka, Ayaw mo ba? Jowain mo na si Engineer!" Pilit niya at sinusundan ako habang naglalakad. "Sayang naman ang ganda mo kung hindi ka magno-nobyo, Sige ka aagawin ko iyon" hagikhik niya.
"Magtigil ka, isusumbong kita kay Anton" tukoy ko sa asawa niya kaya agad siyang napangiwi.
"Ito naman, biro lang...pero sige na tignan lang natin, nandoon sila ngayon sa kabayanan kasama si Mayor, naglilibot din sila sa palengke ngayon" Anito at kumapit sa braso ko. "Tara na kasi, baka mamaya ay kainin mo iyang mga sinabi mo kapag nakita mo na si Engineer ah!" ngisi nito at napairap naman ako.
NAPAKAMOT ako sa noo nang matagpuan ko nalamang ang sarili dito sa aming pwesto sa palengke. Hindi talaga ako tinigilan ni Helia at pinilit ako na maaga magbukas ng pwesto namin para lang makita ko ang Engineer na pinagmamalaki niya.
"Ayan na sila, Sandra!" tili nito sa gilid ko at hindi na siya mapakali. "Ang gwapo talaga niya, tignan mo!" kumbinsi niya at itinuro ang kinaroroonan ng mga panauhin.
Bumaling naman ako roon at dumapo ang paningin sa lalaki, pormal ang ayos nito at nakangiti habang kausap si Mayor.
Halos kapusin ang hininga ko habang nakatingin sa binata na ngayon ay seryoso na ang mukha at tila may ipinapaliwanag sa mayor na kaniyang kausap.
Gusto kong sampalin ang sarili para lang masiguro kung totoo itong nangyayari. Ayaw maniwala ng buong sistema ko sa nakikita. Kinurot ko pa ng patago ang sarili, nang masaktan ako ay agad akong nag-iwas ng tingin.
Hindi ko kaya na titigan manlang siya tulad noon, matagal na panahon na ang lumipas. Isang dekada na, sampung taon pero ang puso ko ay nakikila pa rin siya. Ang lalaking ipinagmamalaki ni Helia, kilalang-kilala ko ito, higit pa sa inaasahan niya.
Hindi ko namalayan ang paglandas ng luha sa mga mata ko, bakit ngayon pa siya nagpakita? Ayos na ako...maayos na ulit ang puso ko, nabuo ko na ulit ito.
"Sandra? Umiiyak ka ba?" may bahid ng pag-aalala ang boses nito. "Anong nangyari?" tanong niya at sinilip ang mukha ko.
"W-Wala...gagawa muna ako ng mga kwintas" paalam ko at tumalikod bago hinarap ang mga kabibe na inipon ko.
"Ayos ka lang ba talaga? Hindi mo na 'ata nakita si Engineer, sayang..." bulong nito sa huling salita. "Bakit kaba umiiyak?" tumabi ito sa akin.
"Wala, ayos lang ako, naalala ko lang bigla si Mama..." Bulong ko.
Nagamit ko pa tuloy si Mama sa pagsisinungaling. Sorry, 'Ma.
"Oh, tahan na" alo niya sa akin.
Alam niyang ayaw ko pag-usapan ang tungkol kay Mama kaya hindi na ito nagsalita pa at hinayaan nalamang ako.
Muling pumasok sa isipan ko ang lalaki, Mukhang naging tagumpay na siya sa buhay. Mukha rin siyang masaya...Kamusta na kaya ang asawa't anak niya? Kilala pa kayo ako no'n?
Malungkot akong napangiti, malamang ay hindi na. Umusbong ang sakit sa aking dibdib. Matapos ng lahat ng sakit at hirap na pinagdaanan ko noon at ng mga nagdaang taon ay hindi ko na gugustuhin pang balikan ito. Kung masaya na siya sa buhay at pamilya niya...edi happy birthday.
Ang mahalaga ay naka-move on na ako.
Inabala ko nalang muli ang sarili sa paggawa ng mga kwintas at inalis siya sa isipan ko, wala ng space sa isip ko para sa lalaking iyon. Isa pa'y marami pa akong bagay na mas dapat pagtuunan ng pansin kaysa sakan'ya.
Duhh!

Komento sa Aklat (187)

  • avatar
    DenteAngel

    goods

    7d

      0
  • avatar
    Josephine Oposa

    judtime

    19d

      0
  • avatar
    Sicnarf Somar

    nhff jhgdsssssddgg

    24d

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata