logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

KABANATA 5: FEELING THE PAIN OF LOVE

(IVORY POINT OF VIEW)
Tahimik lang ako hanggang sa nagsalita ulit si Anthenese. "May de-worming ba rito sa school clinic niyo?" tanong niya bigla sa akin na kinalaki ng mata ko.
Aanhin niya ang de-worming? May sakit ba 'to sa tiyan? Pero mukha naman siyang okay.
"De-worming? Bakit ka magpapa-deworm? May bulate ka ba sa tiyan? May sakit ka ba?" tanong ko na nag-alaala na sa kalagayan niya.
Nakita ko na nag-isip pa siya. Wait, hindi niya ba ramdam kung may sakit siya o wala? Bakit kailangan pa niya mag-isip?
"Ewan ko kung anong tawag dito, parang may nagrarambulan sa tiyan ko and parang paro-paro na nagliliparan kapag kasama ko si..."
Napataas ang aking kilay dahil hindi niya tinuloy ang sasabihin niya. Kahit hindi naman niya ituloy ay alam ko kung sino ang ibig niyang sabihin. "Si Zaire ba?" tanong ko para asarin siya.
Sinamaan niya ako ng tingin. "Hindi, 'yong alaga kong pusa," seryoso niyang sabi.
Nawala ang ngisi sa aking labi at napalitan ng simangot. Bakit kasi ayaw na lang niya aminin na nahulog na siya kay Zaire?
"Joke ba 'yan? Kakaiba ka rin," hindi makapaniwala kong tanong at napailing.
"Problema mo? Masama bang magkagusto sa pusa?" parang tanga niyang tanong.
Sinong matinong tao ang nagkakagusto sa pusa? Baliw lang ang gagawa ng bagay na 'yon. "Kakaiba rin, alam ko naman na si Zaire 'yan," sagot ko sa kanya tapos napaiwas siya ng tingin.
So tama talaga ang hula ko na may gusto siya kay Zaire. "Alam mo naman tapos nagtatanong ka pa," nakairap niyang sabi.
Kaya napalaki ang mata ko at napahiyaw. Hindi talaga ako makapaniwala na may gusto si Anthenese kay Zaire. Ship ko pa naman sila.
"Hindi mo kailangan ng de-worming, kailangan mo si Zaire," asar ko at sinundot ang tagiliran niya.
Pabalya niyang inalis ang kamay ko sa tagiliran niya. Napakabrutal talaga ng babaeng 'to. "Bakit ko naman siya kailangan? Kadirdir kaya," sabi niya sa akin at umiiwas ng tingin.
Napangisi naman ako kasi namumula na 'yong tainga niya. "Admit it or not, you're already inlove to Superior Maxton Zaire Sevendsen," sabi ko at tumayo ng matuwid.
Pinagpagan ko rin ang aking mga damit na nakabitan pa ng mga damo na galing sa inupuhan namin. Tumayo rin si Anthenese na mukhang nagmamadali. Saan na naman kaya ito pupunta?
"Tara, kailangan kita dalhin doon," sabi niya at bigla akong hinila palayo roon.
Saan ako nito dadalhin? Hindi ko talaga alam ang tumatakbo sa isipan nito. "Gagi, saan mo ba ako dadalhin? Matatakot na ba ako?" tanong ko at marami pa akong sinabi pero hindi man lang niya ito sinagot.
Ang ganda naman nitong kausap. Parang nakikipag-usap lang ako sa hangin. Pinagtitingnan na kami ng mga tao sa loob ng campus at sa mga taong nadadaanan namin. Baka akala nila ay nababaliw na kaming dalawa.
"Saan ba tayo pupunta at nagmamadali ka?" tanong ko ulit pero hindi niya sinagot.
Ang lakas kasi makahila at ang bilis din maglakad na parang may hinahabol na oras. Nakapasok kami sa isang building at pamilyar sa akin dahil pumunta rito ang hindi kabilang sa grupo nila.
"Bakit tayo pupunta rito? Lungga 'to nila Zaire. Bawal pumunta rito,"
Hindi pa rin niya ako sinagot bagkus tuloy niya ang kanyang balak. Ayaw man lang niya ako pakinggan kaya mapapahamak kami nito. "Mapapahamak tayo sa ginagawa mo," mahina kong bulong habang patingin-tingin sa paligid.
Baka may gumawa sa akin dito ng masama lalo na nakakatakot sila. Aware naman ako sa mga kakayahan nila. Hindi ko namalayan na nakarating na kami sa pintuan kung saan doon nagtatambay ang grupo nina Alden.
Nagulat ako sa ginawa ni Anthenese dahil pabalya niyang tinulak ang pinto na halos ikasira nito. Binitawan niya ang kamay ko at pumasok agad-agad. Lahat ng mata nila ay nasa amin dahil napatigil sila sa pag-uusap at ginawa nila.
"Hoy madaldal na Alden Axton Hillson? Anong ginawa mo sa kaibigan ko?!" malakas niyang tanong na halos umalingawngaw ang boses niya sa boung room.
Napatakip naman ako sa aking tainga sa sobrang lakas ng boses niya. "Sh*t! Kumalma ka naman," pagpakalma ni Ace na halos sumigaw rin.
Sinamaan siya ng tingin ni Anthenese kaya natahimik si Ace. Malaki pala ang galit ni Anthenese kay Ace dahil sa ginawa niya kay Riya. "Hindi na ako magpaligoy-ligoy pa. Hindi ko ginusto ang ginawa mo kay Ivory. Mahal na mahal ka kanya pero binasted mo lang. Kahit anong gawin mo ay hindi ako magkakagusto sa iyo dahil kaibigan lang ang turing ko sa'yo," diretsang sabi ni Anthenese kay Alden.
Nakita ko ang pagtingin sa akin ni Alden pero iniwas niya rin agad. Naghiyawan ang mga kaibigan niya maliban kay Zaire na nakatingin kay Anthenese.
"Alam ko naman kaso ayaw kong umasa siya sa akin. Masasaktan lang siya sa akin," sagot naman niya na nakatingin kay Anthenese.
I wish it would be me but it will never happen. "Remember, I don't like you. Sana hindi dumating ang panahon na pagsisihan mo ang pagtataboy mo kay Ivory. Tandaan mo, nasa huli ang pagsisi," seryoso niyang sabi at nilingon ako.
Okay lang ako, Anthenese. Magiging masaya rin ako. "Dito ka lang muna, may gagawin pa ako," sabi niya at tumakbo palabas.
Narinig ko pa ang pagsara ng pinto. Bakit iniwan niya ako rito? Napaubo ako ng mahina at nahihiyang tumingin sa kanila. Aalis na lang ako rito.
"Alam mo, kung ayaw niya sa iyo. Ako na lang, handa akong mahalin ka," sabi ni Jace pero napailing na lang ako.
"As if naman papatulan ka niya," sagot sa kanya ni Ace na parang patulog na.
Ewan ko kung bakit ganito ang tipo ni Riya sa lalaki. Pero kapag inlove ka pala ay tingin mo sa kanya ay ang gwapo na niya.
"Aalis na ako," sabi ko pero nagulat ako sa biglang pagtayo ni Alden at hinila ako palabas.
Napansin ko na marahas ang pagkakahawak niya sa kamay ko. "Alden, nasasaktan ako. Bitiwan mo ako," sabi ko sa kanya at pilit na pinapakawalan ang pagkakahawak niya sa kamay ko.
Binitawan niya ako kung saan niya ako dinala noon. Masama ang tingin niya sa akin kaya nakaramdam ako ng kaba. "May problema ba?" tanong ko sa kanya.
Ang tingin niya ay parang siyang papatay ng tao. Hindi ganito ang tingin niya dahil kilala siya na pinakamabait sa lahat. "Ikaw ang problema ko," sabi niya habang hindi niya inaalis sa akin ang tingin.
"What do you mean?"
Galit na galit ang tingin niya sa akin na parang may ginawa akong masama sa kanya. "Masaya ka na ba?! Hindi na ako papansinin ni Anthenese dahil sa iyo?! Bullshit, sabi ko na huwag kang magpakatanga sa isang katulad ko! Kahit kailan ay hindi kita magugustuhan dahil hindi ka si Anthenese! Akala ko mag-move on ka na pero hanggang salita ka lang. Walang-wala ka kay Anthenese kaya hindi kita nagugustuhan," sabi niya kaya agad na dumapo ang palad ko sa pisngi niya.
How cruel this man? Bakit sa kabila ng pinagsasabi niya sa akin ay mahal ko pa rin siya? Damn this heart of mine.
"Don't worry, dadating ang panahon na hindi na ikaw ang mamahalin ko. And I can't wait para makita ang araw na 'yan," sabi ko at umalis na roon na tumutulo ang luha.
Soon, Alden. Huwag kang atat.

Komento sa Aklat (77)

  • avatar
    Jecyrile Pepino Vallarta

    so happy reading..

    19d

      0
  • avatar
    May Amar

    Hilo

    17/08

      0
  • avatar
    del CastilloJoanna

    real to

    07/08

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata