logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter Seven

MABILIS lang na lumipas ang mga araw. Isang linggo na lang bago ang nutrition month pageant kaya naman puspusan na ang pag-eensayo ng mga kalahok.
Si mama tuwang-tuwa dahil nasali ako sa ganoong patimpalak. Ayaw ko naman kasi talagang sumali sa mga ganoon kaya lang hindi naiwasan ngayon. Nadaya ako e.
Kasalukuyan akong nasa gym kasama ang iba pang kasali sa pageant nakaupo sa bench. Binigyan kami ng fifteen minutes break nang coach namin. Katabi ko sa upuan si Adrian, partner ko.
"Ah, shit! Nalimutan ko sa room 'yong bottled water ko." Kanina ko pa hinahalungkat yung bag ko. And it's late when I realized na naiwan ko pala sa room na nasa back pack ko na lalagyan nang mga books.
"Ibibili na lang kita sa labas Amarie, o gusto mo dito na lang?" Iniabot niya sa akin yung lalagyan niya ng tubig. "Hindi ko pa naman naiinu–"
"Here," nagulat ako nang makita si Jairus sa harapan ko. Halos ingudngod na niya sa akin yung lalagyan niya ng tubig.
"A-ah," nataranta ako dahil nasa harap ko siya. Hindi alam kung tatanggapin ba ang tubig na ibinibigay niya.
Bakit ganito? Natataranta ako sa simpleng gawi niya na iyon.
"Hindi na Jairus, ito na lang sa akin." Singit ni Adrian na pilit din na ibinibigay sa akin ang tubig niya.
Masama siyang tiningnan ni Jairus. "I got this."
"Hindi na, ito na lang." Pilit pa ni Adi.
Hindi ako maka-singit sa usapan nila. Magka-harap na sila at nagsusukatan ng tingin habang ang mga kamay ay naka-extend para iabot sa akin ang mga bottled water nila. Natatakot ako para kay Adrian alerto na kasing nakamasid ang mga bodyguards ni Jairus.
"Para kayong sira," tumayo ako sa gitna nilang dalawa at bahagya silang itinulak. "Bibili ako nang akin. Tabi!"
Hinawi ko sila at naglakad palabas ng gym.
Pero hindi pa ako tuluyang nakakalabas nang pumito ang trainor namin at pinababalik na kami sa formation. Kahit na nauuhaw napilitan na akong bumalik titiisin ko na lang hanggang sa next break. Nakakainis naman kasi ang mga lalaking iyon e.
Pinapila na kami. Isa-isang naglalakad sa stage ang bawat kalahok at kaniya-kaniya nang style sa posing. Una sa hanay ang mga first year at kasunod na ang mga higher years. Nang ako na ang kasunod, nakataas ang noo na umakyat ako sa platform. Ginalugad ko ang bawat sulok nang stage at ginawa ang pose na itinuro sa akin ni Lara.
Pati ang pag-akyat sa stage kasama ang partner ay pinraktis din namin. Hanggang sa pag-sayaw kapag itinalaga na kung sino ang nanalo at dahil hindi pa alam, ang by partner nang sections ang magkaka-partner.
Halos matumba ako habang nagsasayaw nang mapansin kung sino ang katabi namin na pareha. Sina Jairus at Olivia. Tinatapunan ako nang babae ng tinging mapang-maliit nginisihan ko naman siya. Apat na pareha lang sa special section ang kasali dahil isang section lang naman kada year sa kanila.
"Sumali ka pa, matatalo rin naman." Aniya na tiningnan pa ako head to toe. At ang bruha naka-six inch heels na agad e hindi pa naman pinagsusuot ng ganoon.
"Sigurado ka?" I give her my most irritating smirk. "May nagsabi kasi sa'kin na galingan ko para partner kami. And I intended to do that."
I saw how Jairus' mouth turns up as if suppressing a smile bahagya pang namumula ang tainga niya.
Olivia scoffed. "You wish."
"Yeah, I do."
Hindi na siya nakasagot nang i-dismiss na kami nang trainer para sa lunch break. Magkasabay kaming naglalakad ni Adi patungo sa mga bag namin sa bench.
"Amarie, sabay tayong mag-lunch?"
"Pwede rin naman," Pagpayag ko dahil alam kong tapos na si Lara kumain ng lunch. Almost one na kasi at tapos na ang lunch break nang regular students na hindi kasali sa pageant.
"Labas tayo?" Kumakamot sa ulo na tanong niya. "Or sa canteen na lang?"
"Actually, she hates the food on the canteen kaya ipinagbaon ko na siya at sabay kaming kakain."
Napatingin ako sa likuran ng may magsalita mula roon and I saw Jairus holding two lunch box. Hindi ko alam kung anung nangyari pero after that night na nagkita kami sa 7/11 hindi na niya ako tinantanan.
Hindi ko alam kung mabuti ba iyon o hindi dahil napapansin na iyon ng mga estudyante nang Cuarteros, maging ni Olivia. At natatakot ako na baka kuyugin na naman ako ng grupo niya.
"What did you say?" Kahit na kabado nagawa kong magtanong.
"Sabay tayong maglunch," Itinaas pa niya ang dalawang lunch box na kulay blue at pink. "Let's go."
Bumaling ako kay Adi na naiiling. "Sorry Adi, I-uh..."
"Go, I'll be fine." Naka-ngiting ani Adi while waving his hand.
Agad na hinagilap ni Jairus ang gamit ko saka isinenyas sa isa sa mga kasama niya na agad lumapit. Ibinigay niya doon ang gamit ko saka niya ako iginiya papalabas ng gym at patungo sa likod niyon. Ngayon lang ako nakapunta sa likod ng gym at hindi ko inaasahan ang makikita ko.
Isang tree house sa kabila nang pader.
"How the hell–"
"I own this, don't worry."
Tiningnan ko siya nang hindi makapaniwala. "Paano?"
"Hindi na ito sakop ng Cuarteros. You see that?" Itinuro niya sa akin ang maliit na gate.
Kahit hindi pa kasi kami nakakalabas sa gate na iyon tanaw na ang tree house dahil mataas ang tayo niyon sa sanga ng malaking puno.
"Come, nauna na sila doon." Tukoy niya sa mga bodyguards niya.
Lumabas kami sa maliit na gate. Akala ko ang tree house lamang ang makaka-bighani sa akin. Hindi pala. Malawak na bulaklakan ang nasa ibaba nang tree house. Iba't-ibang kulay at klase. Ang sarap din sa pakiramdam ng sariwang hangin.
Nakapagtataka lang na mayroong ganoong lugar sa pusod ng syudad. Nag-iisa ang malaking puno na kinalalagyan ng tree house. May nakasabit na kahon sa gilid ng puno na hindi ko alam kung para saan.
Nakakunot ang noo ko dahil naguguluhan ako kung paano aakyat doon pero nang igiya ako ni Jairus sa kahon ay doon ko lang nalaman na doon kami sasakay. Kahon iyon na kasya ang tatlong tao sa loob at transparent siya. Sumilid kami doon kasama ang isang bodyguard. May pinindot na kung ano sa gilid ang kasama namin at laking mangha ko ng dahan-dahan iyong umangat patungo sa taas.
A mini-elevator.
Habang pataas ay kita ang view, maging ang buong Cuarteros. "Ang ganda..."
Hanggang sa tuluyan kaming makarating sa tree house ay manghang-mangha pa rin ako.
"Roan."
Huh?
Napatalon ako nang may isang babae ang nagbukas ng pinto. Sino 'to?
"Hello Jairus, how are you?"
At nang makapasok kami automatic na bumukas lahat ng ilaw. Parang isang maliit na modern house ang tree house pwedeng manirahan doon ang isang maliit na pamilya.
"You have a company, Patrick. Is she harmless or I need to activate the shoot to kill gun inside this room?"
Grabe naman itong babae ni Jairus, nakakatakot. Napakapit tuloy ako sa laylayan ng damit niya.
"Don't scare our visitor Roan."
"Oh! I'm sorry." Bahagya itong yumukod. "She's Crishan Amarie Zaraga, you're beloved." Anang babae. "Forgive me, Miss Zaraga."
Dumadaldal si Roan at Jairus habang naglalakad kami patungo sa maliit na kitchen.
"B-beloved? What is she talking about Jairus?"
Nakaupo kami sa cushion kaharap ang hanggang tuhod na mesa, para itong mesa nang mga Chinese o Japanese ba iyon? I'm not sure habang nanatiling nakatayo si Roan sa gilid.
"’Wag mong pansinin 'yang si Roan. Ganyan talaga iyan, she can search anything in just a second. Pwede kang magtanong sa kaniya she can speak tagalog and almost all language, too."
"Search?" Lalo akong naguluhan sa mga pinagsasasabi ni Jairus.
Natawa naman siya sa nakikitang kalituhan ko. Tumayo siya sa tabi ni Roan. "Meet Roan, my all around security. She's a robot. Connected siya sa mga earpiece nang bodyguards ko, siya din ang nag-a-assist sa kanila when it comes to my safety."
"My god! I thought she's a human," Tumayo na rin ako at humarap sa robot. "Ang ganda mo."
Mahaba ang itim na itim niyang buhok. Naka-dress siya nang blue turtle neck at fitted iyon na hanggang itaas ng tuhod kaya kita ang hubog ng katawan niya naka-suot din siya nang isang five inches stilleto.
At kung titingnan mukha talaga siyang babae at hindi rin siya robot kung kumilos. Natural lang iyon na tila isa talaga siyang tao. Ang taas din niya pero mas mataas pa rin sa kaniya nang kaunti si Jairus. Hanggang dibdib lang niya ako. In short, she's a full grown woman. Dinaig pa nga niya si Aji3.
"Salamat. Ikaw rin, maganda." Sagot nito. "You guys start to eat, you'll be late to school."
"Thank you, Roan."
HALOS ayaw ko nang umalis sa tree house. Ang ganda kasi masyado ng ambiance at masarap ka-kwentuhan si Roan ang dami niyang alam. Literal na nagagawa niyang mag-search in just a second.
"Dadalhin kita ulit doon. Don’t worry, Amarie." Pahayag ni Jairus nang mapansin niya na panay ang lingon ko sa tree house.
"Weh?"
"Oo nga, kulit, saka hindi naman do'n naglalagi si Roan, kasa-kasama siya nung iba kong guards."
"Sigurado ka, ah?" Paniniguro ko pa.
"Bahala ka diyan!"
Mukhang napikon siya sa kakulitan ko dahil nauna siyang naglakad pero ilang hakbang lang naman bumalik din siya at sinabayan ulit ako hanggang sa makapasok na muli kami sa maliit na gate ay lumilingon pa rin ako.
"Amarie..."
"Huh?"
"You're not paying attention to me!" Naka-nguso niyang saad sa akin.
I stared at him. He's handsome. First glance at him and you'll think he's a grown up man. Iyong tipong CEO nang isang empire, iyong tipong nakakatakot banggain dahil maraming goons. Mga ganung datingan.
But the mere fact is that he's just a high school boy. A mysterious high school boy that I've been dreaming of since then.
*** AM

Komento sa Aklat (50)

  • avatar
    Monina Pilapil Buenafe

    Ang ganda po ng mga nobela nyo. Walang halong kabastusan🥰🥰🥰

    7d

      0
  • avatar
    RodriguezYhana

    Ang Ganda ng story 💗

    11/05

      0
  • avatar
    romerokhim hyena

    ITS SO AWESOME

    30/01

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata