logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Kabanata 6

Kabanata 6
Kanina pa akong lutang habang naglalakad sa hallway ng building namin. We just had a special quiz on Calculus and not to exaggerate, but the equations this time feels like the hardest thing I've ever answered on my life. I'm afraid I might fail my grades on Calculus this time, 21/50 lang ako sa quiz kanina. Hindi man sinasabi ay halatang nadismaya sa akin ang professor namin, kahit hindi naman ako teacher's pet.
Calculus is fake, gawa-gawa lang ito ng mga illuminati. Joke!
I suddenly remembered Zen's offer. Parang gusto ko tuloy siyang tawagan. Hindi para magpatulong sa Math, kun'di magbuhos ng sandamakmak na rants sa kanya.
Sobrang dami kong konsumisyon bilang college student Two days from now, we'll present our thesis presentation. May tiwala naman ako sa mga ka-grupo ko dahil takot din naman silang bumagsak kaya maayos silang nakiki-koopera.
Paloka-loka ako minsan ngunit seryoso ako sa pag-aaral. Although I have many responsibilities, I always seek times for education. Nakakatakot bumagsak, ano. Back to zero ka, baka tuluyan ka nang mabaliw sa paulit-ulit na mga lectures na hindi mo maintindihan at worse, baka maabutan ka pa sa college ng mga baby pa lang ngayon.
Pumunta ako sa library at naghanap ng libro sa Calculus. Saglit akong nagbasa ng mga example illustration at basic equations. Sa halip na ma-gets iyon ay natulala lang ako sa pagbabasa. Sinara ko ang libro at tumayo. Lumabas na ako sa library.
Dahil tapos na ang klase, nagtungo muna ako sa shed upang mag-munimuni. Puno pa ang streetfoods stall sa harap kaya tumigil muna ako sa kinauupuan.
Pagkalipas ng ilang minuto ay na-bored ako kaya kinuha ko ang cellphone ko at nag-log in sa Facebook app ko. My account was flooded with so many messages. Matagal na akong hindi nagbubukas nito at paniguradong halos puro mga lalaking uhaw sa magagandang babae ang nag-message sa akin.
I read some of it. Nahalata ko agad ang hangin ng mga jejemon na lalaki na nag-message sa akin. Ew!
Hi poh, ang ganda mu poh. Puede paaksept ng add frend qoh? 😍
Ngumiwi ako, nanlalaki pa ang butas ng ilong. Auto-block agad 'pag ganito. I scrolled for more.
Hi Cathace. Ako 'To Si Mark. Kaklase Mo Ako Noong Elementary. Pwedeng Pakuha Ng Number Mo? :/)
Humagalpak ako ng tawa. Tumunghay muna ako para masigurong walang nakatingin sa akin. I covered my mouth. This is such 2012 feels!
I decided to search for Zenitsu's name instead. He's a good entertainer for me. Kailangan kong mag-friend request sa kanya for a healthy landian.
I tapped the account result with a name Zenitsu Espeña and stalked him.
Works at Cabuyao, Laguna. Yuck, boring. Samantalang ako'y nagtatrabaho sa The Krusty Krab, 'E 'di Sa Puso Mo, Swagger and Jaggers at iba pa. May dalawa rin akong loyal reactors dahil kaunti lang ang in-a-accept ko sa Facebook.
I miss the 2016 era of the society. Toxic na rin naman noon pero nakaka-miss maging cringey, tipong mga asong nakadilang filter ang gamit ko sa profile picture ko. And the wackies are always funny. We are also fond of lame quotes like, "hindi ako nanghihinayang, sa mga taong ako mismo ang sinayang". Katindig-balahibo.
I continued on stalking Zen's account. Ang profile picture niya ay litrato n'ya. He's wearing a denim shorts and fitted shirt that hugging the moderate ripples on his top. Nasa beach siya at malawak ang ngiti. Ang cover photo naman niya ay kulay blue at nakasulat ang acronym niya na Z. S. E.
Kaunti lang ang posts n'ya sa Facebook. It's just photos of him with his friend. Hindi ko alam kung talagang hindi siya masyadong nagpo-post dito o hindi lang naka-public ang mga iyon. Maybe he's more active on Twitter?
Bumuntonghininga ako at itinago na ang cellphone. Dumaan muna ako sa str.
"Girl, help me with these, please," sambit ko kay Karen at ipinakita ko sa kanya ang makapal na patas ng papel sa kamay ko.
"Sure. Pero kung about academics 'yan, sorry pero pareho tayong bobo," aniya.
I flipped my hair. "Ikaw lang, dinamay mo pa ako."
"May gig nga pala ako mamayang gabi sa bar. May binili akong gulay kanina, nasa fridge. You can just cook bulanglang later para makakain ka," saad niya.
"Oh? Sama na lang ako sa'yo," mabilis kong sagot.
"'Wag na! Tambak pa ang mga aaralin mo. You better study, teh," sambit niya.
"Ngi, katamad naman dito kung hindi kita kasama. Just let me go with you. Kahit shot lang ng gin!" pagpupumilit ko.
She lazily looked at me. "Cathace, you're still a student. Hindi ko sinasabing bawal kang pumunta sa bar o maging libre kahit papaano. But in your case like that, mas mabuting mag-aral ka kaysa samahan ako sa trabaho ko na luho ang tingin ng iba kung isa kang estudyante."
I suppressed a smile. "That helps me. Bait mo naman! Ano'ng nakain mo?"
"Wala naman, teh. Ayaw ko lang maging bad influence sa iba." She tapped my head and winked.
I pouted. Karen is really an ideal friend. Halos lahat ay hihiling ng kaibigang 'tulad n'ya. She's bitchy, but she's very caring and most of the time, she has the precise philosophy.
Umakyat ako sa kwarto ko at may kinuha sa bag. Phone number 'yon ni Zenitsu. I saved it in my contacts and texted it.
Me:
Hi, langit ka ba?
Kasi mahal na 'ata kita.
Me:
Do you know that there are 161 museums in the Philippines?
Ilang minuto akong naghintay ngunit hindi siya sumagot. Nagkibit-balikat na lamang ako at nagtipa ng panibagong mensahe sa huling pagkakataon.
Me:
Magpapaturo sana ako sa'yo sa Calculus. You offered me help in Academics, right? This is Cathace.
Zen:
Oh, hi Cath.
Zen:
Okay, I'll help you. What do you prefer? Sa coffee shop na lang o sa bahay ko?
Me:
Sa bahay na lang. Hindi ako makaka-focus 'pag sa coffee shop ih.
Zen:
Okay.
Zen:
Don't worry. Kasama naman ang kaibigan ko dito sa bahay.
Wala akong tinanong.
Pagkatapos no'n ay tinext niya sa akin ang address ng bahay niya. Hindi ko alam kung bakit may bahay na siya kahit estudyante pa lang. Siguro may trabaho rin siya.
Alas kwatro ay nagpaalam na sa akin si Karen na aalis. Naligo na ako at nagbihis. Binitbit ko ang plastic envelope ko na may lamang mga libro at graphic notebook.
Nang may dumaan na taxi sa tabihan ng daan ay pinara ko ito. Sasakay na sana ako nang makita ko si Zenitsu na nakasandal sa isang kotse at nakatitig sa akin.
My eyes widened. What the heal?!
"Joke time po, Kuya. Hindi pala ako sasakay, mwehehe. Peace," nagpeace ako sa taxi driver at ngumiti. Kinamot niya ang nagniningning niyang ulo atsaka tumango.
Naglakad ako papalapit kay Zenitsu. "Are you fetching me?" tanong ko.
"Para hindi ka na magbyahe. Sumakay ka na sa loob," sagot niya at binuksan ang pintuan ng shotgun seat para sa akin.
Tumango ako at tumingin muna sa kanya.
"What?" tanong niya. "Get inside, Cath." Ngumiti siya at nilawakan ang bukas ng pinto.
Nakarinig ako ng tawa mula sa loob ng sasakyan. Pagkapasok ko sa loob ay may nakita pa akong isang lalaki.
"Fer, you need to pay for this. Mabigat ang girlfriend mo," anito at humalakhak.
"G*go, hindi ko 'yan girlfriend. Kaibigan lang," sagot ni Zenitsu 'tsaka pumasok na sa sasakyan sa tabi ng kaibigan niya.
"Cathace, si Shin, kaibigan ko," pakilala ni Zen sa kaibigan niya.
"Hi, Cathace! Nice to meet you," sabi niya at inilahad ang kamay para sa handshake. Tinabig naman ni Zenitsu ang kamay niya.
Nagsimula ng paandarin ni Zen ang sasakyan. Mabilis din naman kaming nakarating dahil maluwag ang daloy ng mga sasakyan sa highway. Zenitsu told me it's Shin's car we're driving. Akala ko'y sa kanya.
Nakarating kami sa bahay niya. Maganda nga ang bahay, the walls are white and has a black linings. The roof are light red and the door is wooden.
"I'll stay here in the terrace. I-tutor mo na si Cathace, dude!" sabi ni Shin.
Hindi siya pinansin nito. Kinuha ni Zenitsu ang susi sa bulsa at binuksan ang pinto. Maganda ang bahay, simple lang at kasya na ang limang tao para mabuhay.
In-on ko ang TV gamit ang remote na nasa mesa sa sala. Umupo ako sa couch at ibinigay kay Zenitsu ang plastic envelope kung nasaan ang mga sample ng mga equations na ginawa ko.
Kinuha niya iyon. Kunot ang noo niya habang iniisa-isa ang bawat papel. Mayamaya'y ibinaba niya iyon sa mesa.
"This is wrong. Dapat ay---" Sinimulan niya akong turuan. Sa pagtuturo niya ay para bang easy lang ang Calculus para sa kanya. Ako nga ay kahit mag-otso-otso pa ay wala pa ring sagot na nalabas.
Walang madaling subject sa college lalo na kung hindi ka mag-aaral ng maayos. Kung gusto mong pumasa, mag-aral ka at 'wag puro barkada at cellphone ang atupagin.
Nag-inat ako matapos ang halos isang oras na pagtuturo sa akin ni Zenitsu. Ipinalibot ko ang tingin sa bahay at narealize na wala yata siyang picture frame ng pamilya niya.
Tumayo ako at nagtingin-tingin ng mga litrato na nakakapit sa pader.
"Sino 'to?" tanong ko kay Zen at itinuro ang babaeng nasa picture.
Napakaganda ng babae. Nakasuot siya ng magara at lumang kasuotan. May pamaypay siyang hawak. Nakapusod ang buhok niya at manipis ang kolorete niya sa mukha. Kung hindi makaluma ang fashion style nito ay iisipin kong girlfriend ito ni Zenitsu.
"That's my great great grandmother," sagot niya. "Lovely, isn't she?" aniya at ngumiti sa akin. Tumango ako dahil totoo naman. Nawa'y lahat pu.
Inilipat ko ang tingin sa ibang larawan. Pamilyar na pamilyar ang mukha ng lalaking iyon. Iniwas ko na lang ang tingin doon.
Madaling kinuha ni Zenitsu ang picture frame at ibinaliktad sa mesa.
Niyaya ko na lang maglaro ng chess si Shin at Zenitsu kahit patuloy pa ring pumapasok sa isip ko ang lalaking nakita sa larawan.
--
Illuminativity

Komento sa Aklat (10)

  • avatar
    RicaMei Gutierrez Dela Pea

    💖💖💖💖👌👏😌

    20/03

      0
  • avatar
    Heinrich Von Serrano

    g cvbhh

    27/01

      0
  • avatar
    Lowell Salubo Pastor

    okgffrddf

    11/11

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata