logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

CHAPTER 6

Nagising ako, hindi sa tunog ng alarm clock dahil wala kami no'n. Nagising ako sa mga pusang nag aaway sa itaas ng bubong namin, dapat panga akong magpasalamat sa kanila dahil sa away nila nagising ako ng maaga.
Sinulyapan ko naman ang cellphone ko sa gilid ng unan ko. Ala-singko na nang umaga, tumayo na ako sa kama at sinimulan ng ayusin ang kumot ko.
Pagkatapos kong ayusin ang pinaghigaan ko ay lumabas na ako sa kwarto at sinilip ang aking mga kapatid sa kwarto nila. Nakita ko namang tulog na tulog pa sila. Mamaya ko na lamang silang gigisingin kung nakahanda na ang almusal.
Pagkababa ko ng hagdan ay pinagmasdan ko naman ang kabuan ng bahay na tinitirhan namin. Dito kami pinatuloy ng kapatid ni Mama na kailan lang din namin nakilala. Kaya kami dito lumipat nalaman din naming may iba ng asawa si Mama at itong bahay na ito ang tinitirhan nila dati ng bago niyang asawa at ngayon umalis na sila dito at lumipat na nang ibang bansa.
Nalaman ng aming tiyahin ang kalagayan namin kaya niya kami pinatira dito sa bahay at hindi na kami tumanggi pa dahil kailangan din namin ng bagong malilipatan.
Pag mamay-ari ng pamilya ni mama ang bahay na ito kaya hindi na namin kailangan magbayad dahil magkapamilya naman daw kami. May apat na kwarto, may kalakihang sala, kusina at dalawang cr.
Dumiretso na ako sa kusina at nag toothbrush muna bago ko simulan ang pagluluto.
PAGKATAPOS kong maisalang lahat sa mesa ang aming agahan ay lumabas na ako ng kusina para gisingin ang dalawa kong kapatid. Napadaan ako sa cr at narinig ko ang pagdaloy ng tubig mula sa gripo senyales na may tao sa loob. Si Kuya Elixian.
Pagkapasok ko sa kwarto nina Elixia at Eliyah ay marahan kong ginising si Elixia at nagising naman ito kalaunan.
"Pakigising nalang din si Eliyah, nakahanda na ang agahan sa lamesa, mag almusal na muna kayo," saad ko.
"Opo, ate." tugon ni Elixia habang nagkukusot pa ng mga mata, halatang antok pa.
Pumunta naman agad ako sa kwarto at hinanda ang susuotin ko sa trabaho. Tuloy na tuloy na talaga ang pagtratrabaho ko sa kumpanya ni Zayne. Pinayagan na ako ni kuya. Alam kong hindi ko siya makikita sa aking trabaho dahil CEO siya ng kumpanya at alam ko ring hindi siya mapapadpad sa canteen ng mga nagtratrabaho sa kanila. Pero magbakasakali parin ako, baka makita ko siyang muli doon.
Pagkatapos kong maihanda ang aking susuotin pumunta na ako ng kusina at sinabayan ang mga kapatid ko sa pag- aalmusal. Nakita ko rin na nandoon na si kuya.
Pagkaupo ko sinalubong agad ako ni kuya ng tanong na ikinatigil naman ng dalawa sa pagkain.
"Tutuloy ka pa rin ba sa trabaho?" Sinulyapan ko naman si Kuya at nakitang seryoso niya akong tinitingnan.
"Opo, Kuya," tugon ko.
"Kung makita mong hindi na kaya at hindi na pwede huminto kana, talo ka dahil hindi kana niya ngayon kilala at maalala," sabi ni kuya. Nanlabo ang aking paningin sa nagbabadyang luha kaya iniwas ko ang aking tingin sa kaniya.
"Alam ko na sinabi niya sa iyong huwag mo siyang susukuan, pero kung makita mong masaya na siya, kailangan mong respetuhin iyon," aniya.
Parang kutsilyo ang mga salita nito na tumatarak sa aking puso . Ang sakit isiping may mahal na siyang iba ngunit mas masakit isiping dahil doon kailangan ko na siyang bitawan.
Hindi na lang ako umimik at pinagpatuloy na lamang ang pagkain.
Kung dadating man ang araw na iyon sana ang handa ang puso ko, sana handa kong tanggapin na mero'n nang ibang mahal ang lalaking mahal ko.
Pagkatapos naming mag almusal ay dumiretso na ako sa kwarto dahil si kuya nalang raw ang maghuhugas ng pinagkainan.
Lumipas ang ilang minuto at nakabihis na ako at ready ng umalis.
I'm wearing a plain white shirt and a fitted black pants. Hinayaan ko lang na bagsak ang hanggang balikat na buhok ko.
Bago ako lumabas ng kwarto ay tinignan ko pang muli ang aking sarili sa salamin at napansin na tanging ang mapula-pulang labi ko lamang ang natatanging kahit papaanong may kulay dahil hindi ako sanay mag make -up at tanging pulbos lamang ay okay na.
Paglabas ko nakita kong naghihintay na sila. Lumapit na ako at sabay na kaming lumabas ng bahay para sa kaniya-kaniya naming patutunguhan.
Pagkalipas ng ilang minuto nasa jeep na ako at hinihintay na lamang mapuno ang jeep. Kaloka naman kasi si manong driver kahit puno na isa pa daw, eh halos kalahati nalang ng puwet ko ang nakaupo.
"Para po, Manong!"
After 20 minutes ay nakarating na ako sa Guevarra company at ngayon ay nakangangang nakatingala sa isang mataas na building, na tantiya ko'y nasa mahigit 40 floors.
Nang binalik ko ang aking tingin sa daan ay napansin ko ang mga panaka- nakang sulyap ng mga tao sa 'kin. Napaayos naman ako ng tayo dahil doon.
Napabaling naman ang aking paningin sa taong tumawag sa pangalan ko, nakilala kong si nanay Helena pala ito.
"Iha, mabuti at nandito kana, tara at ipapakilala kita sa mga kasama natin. Tuturuan pa kita ng mga kailangan mong gawin," saad ni nanay Helena matapos akong salubungin ng mahigpit na yakap.
After non ay dumiretso na kami sa work place namin.
Pagkapasok namin napanganga na lamang akong muli ng mapansin ang laki ng canteen . Napaka-aliwalas at sobrang linis. Napatingin naman ako sa harap at napansin ang counter. Parang sa mga fast-food lang, sa itaas mo makikita ang mga pagkain na pagpipilian at halos manlaki ang mga mata ko nang mapansin ang presyo ng mga pagkain. Bakit ang mahal! pang mamahaling restaurant price na ata ang presyo dito!
Narinig ko naman ang mahinang pagtawa ni nanay Helena kaya ibinaling ko ang paningin sa kaniya.
"Kaya ganiyan ang mga presyo ng pagkain dito dahil ang mga nagtratrabaho sa Guevarra company ay mga mayayaman," napakunot ang noo ko sa sinabi ni nanay Helena.
"Mukhang wala ka atang alam sa kumpanyang pagtratarabahuhan mo Iha," aniya. Nagpatuloy naman ito sa pag kwento kaya tinuon kong muli ang aking atensiyon rito.
"Ang Guevarra Company ay isang malaking kumpanya kung saan lahat ng mga nagtratrabaho dito ay hindi basta-basta, maraming gustong magtrabaho sa mga Guevarra dahil isa ito sa pinaka successful na kumpanya hindi lamang sa bansa natin, kundi sa buong mundo. Ngunit, hindi lahat nakakapasa sa taas ng standard nila para makapagtrabaho ka rito. Mahal ang mga pagkain dahil bukod sa mayayaman ang ilan sa kanila, malaki rin ang pa suweldo dito."
Napalunok naman ako sa aking narinig. Kaya ko bang makuha ulit ang isang Zayne Vlad Guevarra kung ganito pala kataas ang buhay niya? Alam kong mayaman sila, ngunit hindi ko inaasahan na ganito sila kataas na parang kahit sa isip ko man lang ay hindi ko pa rin maaabot.
"Iha, halika na, marami pa akong ituturo sa iyo, mamaya pa namang 12:00 noon ang lunch break ng mga empleyado, pero bago iyon kailangan mo munang malaman ang dapat mong gawin." Nagsimula nang maglakad si nanay Helena kaya sumunod ako na bagsak ang balikat. Hanggang ngayon iniisip ko parin kung itutuloy ko pa ba ang plano ko dahil sa mga nalaman ko ngayon.
Habang naglalakad kami ay pansin ko ang mga bawat gamit na madadaan ng mga mata ko, sumisigaw ang karangyaan kahit pa canteen lamang ito.
Pagkapasok namin sa loob ng isang kwarto ay nahulog na naman ang panga ko sa nakita ko, sa ganda at laki ng kusina. Maaliwalas at malinis rin at kada bawat tingin mo sa mga gamit ay makikita mo ang repleksiyon mo dahil sa kintab nito. Sa kabilang dako naman ay may isang pintuan at tatlong maliliiit na bintana sa gilid nito na sa tingin ko ay doon ipapasa ang mga order ng mga trabahante at ang pintuang iyon ay papasok sa counter.
Sa sobrang mangha ko ay hindi ko napansin na pumasok na pala kami sa isang kwarto, nagtaka man sumunod parin ako at nakita ang mga iilang tao sa loob ng kwarto na sa tingin ko'y dito ang lugar kung saan kami pwedeng magpahinga. Napansin ko naman ang paghinto nila sa kanilang mga ginagawa at tinignan ang taong pumasok, at noong sa akin na napunta ang paningin nila ay kita ko ang pag awang ng mga labi nila.
Narinig ko naman ang pagtikhim ni nanay Helena kaya halos sabay silang napatayo dahil doon. Limang babae at anim na lalake ang nakatayo ngayon sa aming harapan at halos mailang ako sa pamamaraan ng kanilang tingin.
"Gusto kong ipakilala sa inyo ang bago nating makakasama sa trabaho." Nakita ko naman ang gulat sa mukha nila ng mga realize na makakasama nila ako sa trabaho.
"Siya ang makakasama namin ni Rhain sa counter." Napansin ko naman ang pagbaling ng tingin ni nanay Helena sa isang babae. Napatingin rin ako rito at nginitian naman niya ako.
"Pwede kang magpakilala, Iha," saad ni nanay, kaya marahan akong tumango at ibinaling muli ang aking tingin sa aking mga mga katrabaho
"A-Ah, Ako nga pala si Elsie Lianne Medina," nginitian ko naman sila at nagpatuloy sa pagpapakilala. "Sana makasundo ko kayong lahat."
"kahit ang pangalan mo maganda!" Napangiti naman ako sa aking narinig at ibinaling ang tingin sa nagsalita. Nakita ko naman na lumapit siya akin at nginitian ako.
"Angela Cruz, walang nakakatalo sa ganda ko noon, pero ngayon talong talo na ako. " Natawa naman ako sa aking narinig ganoon din ang iba .
"Hoy, Angela! hindi kana nahiya kay Elsie, anong pinagsasabi mong walang makakatalo sa ganda mo eh, wala kangang ganda," aniya ng isang lalaking kasama namin. Napansin ko naman ang takot sa mukha nito ng makitang papalapit sa kaniya si Angela.
"A-Aray! Angela, baby, Bitawan mo ang buhok ko!" nakita naman namin na pinipilit tanggalin ng lalaki ang kamay ni Angela sa buhok niya pero bago iyon bitawan ni Angela ay may pahabol pa muna itong batok.
"Huwag mo akong matawag, tawag na baby! Hindi mo ako anak!" sigaw ni Angela at ibinaling agad ang tingin sa akin.
"Pasensiya kana Elsie, ang tabil kasi ng dila eh." nahihiyang sambit ni Angela na ikinangiti ko.
"Okay lang," aniya ko at nginitian din siya. Pagkatapos non ay sunod-sunod na silang nagpakilala at nagpapasalamat ako na mababait sila at masayang kasama.
"Tama na muna iyan at mag umpisa na tayong mag trabaho." Napatingin naman kami kay Nanay Helena. Pagkatapos naming marinig ang kaniyang anunsiyo ay nagpaalam na muna kami sa isa't isa.
Napatingin naman ako kay Rhain na kaninang tinutukoy ni Nanay Helena na makakasama namin sa counter at nakitang papalapit siya sa akin . Ang ganda niya na parang pag dumikit ka sa kaniya mahihiya ka. Kusa ka ring mapapatingin sa mapula nitong labi na tila inaakit ka na tumigin rito.
Sa ganda niyang iyan at sa hubog ng katawan niya na kapansin pansin kahit naka white T-shirt at pantalon lamang ay pwede siyang maging isang modelo.
MAKALIPAS ang isang oras ay natutunan ko na ang mga dapat gawin sa in-assign sa akin na trabaho. Naisip ni nanay Helena na kaya na naming dalawa ni Rhain dito sa counter kaya napagpasiyahan niyang sa kusina na lamang siya, na sinang ayunan naming dalawa ni Rhain para makapagpahinga siya. Sigurado kaming hindi siya roon pagtratrabahuhin ng aming mga kasama.
Nakita ko naman na palaging sumusulyap si Rhain sa kaniyang relo kaya napatingin din ako sa relo ko at napansin na dalawang minuto na lamang alas-dose na, kung saan lunch break na ng mga trabahante.
LUMIPAS ang ilang minuto ay marami na ang nandito sa canteen para mag tanghalian. Napansin ko ang bawat pagsulyap nila sa akin na ipinagtaka ko. Sinulyapan kong muli si Rhain na ngayon ay diretsong nakatingin sa kung saan, kaya tiningnan ko rin ito. At nakitang sa entrance pala ng canteen siya nakatingin.
"Ah, hi miss, isa ngang lasagna at isang sliced ng pizza, please." Napatingin naman kaagad ako sa taong nagsalita at dali-daling sinulat ang order niya.
"Hello po, iyon lang po ba ang order niyo?" tanong ko sa lalaking aking kaharap. Napansin ko namang natigilan ito.
"Kailangan ba magaganda ang mga naka assign sa counter ng cateen?" tanong nito at nagpabalik-balik ang tingin niya sa akin at kay Rhain.
"Mapapadalas na ata ako dito ah,"
sabi ng lalaking kaharap ko at siniko naman siya ng kasama niya na ikinabigla niya at hinarap siya.
"Huwag na si Rhain, kung ayaw mo masibak sa trabaho," sabi ng lalaking kasama niya na nagpakunot ng noo ko dahil sa pagtataka sa sinabi nito.
Napansin ko naman ang biglang pagtahimik ng lugar kung nasaan kami ngayon na kaninang parang tyangge sa ingay.
"Nandito na siya, tara alis na muna tayo." Nakita ko naman ang madaliang pag alis nila at nakalimutang kunin ang kanilang order. Pagka alis nila, doon ko lamang napansin na lahat ng tao ay nakatingin sa entrance na siyang ipinagtaka ko kaya napatingin na rin ako roon.
Natigilan naman ako ng malaman kung sino ng taong nasa entrance ng canteen.
Zayne...
Halos kapusin ako ng hininga nang mapansing papalapit siya sa amin na nagpabilis din ng tibok ng aking puso.
Nasa harapan ko na siya ngayon pero halos bumagsak ang mundo ko ng lampasan niya ako at nag dire-diretso sa isang taong hindi ko aakalain na lalapitan niya.
"Sabi ko sa iyo eh, gusto talaga ni sir Zayne, si Rhain," dinig kong bulong ng bagong lalaking dumating na nagpangilid ng luha ko at parang kutsilyo ang bawat salita niya na tumarak sa puso ko.
Sinulyapan kong muli si Zayne at nakitang nakangiti ito kay Rhain.
Naramdaman niya sigurong may nakatingin sa kaniya kaya sinulyapan niya ako at nakita ko mula rito na natigilan siya, ngunit binalik muli ang tingin kay Rhain matapos siya nitong tawagin.
Hindi ko kinaya ang mga nakikita ko kaya mabilis akong umalis sa counter at dumiretso sa kusina ng biglang narinig ko ang pagtawa nito na sa tanang buhay ko kahit noong nililigawan niya palang ako ay hindi ko narinig mula sa kaniya.
Nasasaktan akong makita kang masaya sa piling ng iba mahal ko,
ngunit hindi ko ipagkakait sa iyo ang kasiyahan na nararamdaman mo dahil lang nasasaktan ako
Pagkalabas ko tumambad kaagad sa akin ang kusina nakita ko naman na napansin ako ni Nanay Helena kaya nilapitan niya ako at tinanong bakit ako lumabas. Sinabi ko na lamang kailangan kong mag banyo at pumayag naman siya. Siya nalang raw muna ang aasikaso sa naiwang trabaho ko, tutal wala naman daw siyang ginagawa.
Hindi ako dumiretso sa cr kundi lumabas ako sa back door at naglakad-lakad muna sa labas para mawala saglit ang sakit ng nararamdaman ko.
Pagkalipas ng ilang minuto mukhang hindi iyon nakatulong dahil mula rito sa kinatatayuan ko nakita ng dalawang mga mata ko ang ang pagyakap ni Zayne, kay Rhain.
Hindi ko namalayan na parang ulan na naguunahan ang mga luha na bumagsak sa aking pisngi. Ang mga luhang kanina ko pa pinipigil ay kusa na ngayong nagbasakan. Kasabay ng aking pag luha ay ang pagbagsak ng ulan na parang nakikisimpatya sa sakit ng aking nararamdaman.
Nakita mismo ng mga mata ko ang mabilasang pag akbay ni Zayne kay Rhain at umalis sa gitna ng ulan. Naiwan akong mag isang nakatayo at patuloy paring pinagmamasdan ang mga papalayong pigura ng kanilang mga katawan.
Patuloy parin ang pagbagsak ng aking mga luha. Hindi alintana ang mga taong nakatingin sa akin.
Ngunit, may nangahas na lumapit sa akin at pinayungan ako ng dala niyang payong.
Wala na akong lakas para magsalita o tumingin man lang sa taong pumapayong sa akin at nagpatianod na lamang ng marahan niyang hinawakan ang kamay ko at nagsimulang maglakad .
Ngunit hindi ko aakalain na ang taong iyon ang taong magbibigay sinag ng araw sa makulimlim kong buhay.

Komento sa Aklat (87)

  • avatar
    جهيرة ۦۦۦۦ

    So cute

    17d

      0
  • avatar
    Diane Teting

    maganda ang story natutuwa Ako,

    20/08

      0
  • avatar
    Jhian

    so good 😊 rjbdkidhrihbdkdhvrir ndjfvfkdhrvhbdidgvt jdhvfdkifhrhjdidhvrjdid dkdvvrirurjrorirhrjrkeiegroduyteoryeyr dodjhrjrjrjdjdjdjdjrjddj snndndbdhdhshshshdbdodhdmd ekdjjdhdoeyrodyrrrksycrmsidgd ihgrugdhrldhhbeoyhekd siksyv dijbdhevr sjbbrirugegvrvrjriekwjvtpsygrurgvbdkd sjjbeviejhbwkwihveksgzudln 😹 ttigigigifystaawerirufohogogphigogigifjvicjvkvkcudjcjvjfkvifuelixurzhfsngxkhdnfJgsmhzkulhdkydirskyzkgxcocuxkhdkydlikyxouduoduyhdoyro jeheojhevjejehehejksicrisuwfeidurgririrvslfhdjjetjdudhdjdodid

    17/08

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata