logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

CHAPTER 5

~PRESENT DAY~
"Do I know you?" tanong niya sa akin na nagpasikip ng aking dibdib. Hindi ko napigilan ang pag landas ng luhang kanina pa gustong kumawala sa aking mga mata.
Nang marealize ko na ang taong mahal ko, hindi na ako kilala at maalala.
Napabalik ako sa huwisyo ng dahil sa tanong niya at pinahid ang luha sa aking pisngi. Sinulyapan kong muli si Zayne at napansin ko ang pagkunot ng noo nito. Pagtataka ang gumuhit sa gwapo niyang mukha.
"I'll get going, fix yourself, you look like a mess," aniya, na kinasaya ko dahil kahit papaano concern siya sa akin. Bago pa 'ko nakasagot sa kaniya ay kaniya na akong tinalikuran at nagsimula na siyang maglakad papalayo.
Bakit ang sakit? Bakit ang sakit makitang palayo ka sa akin? Bakit ang lapit-lapit mo na ngayon ngunit parang ang layo mo pa rin?
Habang nakikita kong papalayo siya sa akin, sumisikip ang dibdib ko na parang hindi ako makahinga. Ang sakit lang malaman na hindi ko na naman siya makikita.
Tatlong linggo na ang nakakalipas ng muntik na akong mapagsamantalahan. Sinampahan namin ng kaso ang nagtangka sa akin at nagpaalaman na madalas siyang ireklamo sa pulisya sa parehong dahilan.
Ang dapat sa kaniya mabulok sa kulungan. Upang hindi na niya magawa sa iba ang ginawa nito sa amin na muntikan na niyang mabiktima.
Umalis na rin ako doon sa pinagtra-trabahuhan ko.
Ayaw na ni kuyang mag trabaho akong muli doon at baka maulit pa ang nangyari kamakailan lang.
Sa ngayon, nasa bahay lang ako at inaasikaso ang aming mga kapatid. Hindi narin ako nakapag aral muli at tinuon na lamang ang aking atensiyon sa pagtratrabaho para sa mga nakakabata naming mga kapatid. Pero eto ako ngayon, nakapondo sa bahay. Tss.
Nakakabagot, nasanay na ang katawan ko sa pagtratrabaho kaya ngayong wala akong trabaho parang hinahanap ito ng katawan ko.
Kasalukuyan akong naghahanda na ng almusal para sa aming magkakapatid. Sina Elixia at Eliyah ay nag-aaral pa. Si Kuya naman may stable ng trabaho sa isang company dahil tinuloy niya ang pag-aaral noon at nakapagtapos.
Limang taon narin ang nakakalipas simula ng nangyari ang insidente at limang taon na rin ang nakalipas nang huli ko siyang nakita.
Kaya noong makita ko siya nang araw na iyon ay para akong natuod at hindi alam ang gagawin.
Gusto ko siyang yakapin ng mahigpit at sabihin ang hindi ko nasabi sa kaniya noon. Ngunit papaano ko gagawin iyon kung kahit pangalan ko man lang hindi niya na maalala.
Sa sobrang lalim ng iniisip ko ay hindi ko namalayan na nasusunog na pala ang itlog na niluluto ko. Kung hindi pa ata ako sinigawan ni Elixia ay hindi pa ako mababalik sa huwisyo.
"Ate! Ang layo naman ng lipad ng isip mo at hindi mo napansin ang niluluto mo," sabi niya habang pinagpapatuloy na ang pagluluto ko.
"Xia, nakita ko siya." Napatingin naman sa akin si Elixia na may pagtataka sa kaniyang mukha.
"Sino, Ate?" aniya at sinarado na ang gas stove, at tinuon ang kaniyang atensiyon sa akin.
Napalunok naman ako bago ko sabihin ang pangalan niya.
"Si Zayne."
Nakita ko naman ang pag awang ng mga labi niya at nanlalaki ang matang tiningnan ako ng hindi makapaniwala.
"OMG! Nakauwi na si Kuya Zayne? Kailan mo siya nakita Ate?" sunod-sunod na tanong nito na ngayon ay sobrang lapit na sa akin.
"Sa restaurant na pinagtra-trabahuhan ko," sagot ko. Nakita ko sa mukha ni Xia ang muling pagkagulat.
"Siya iyong sinasabi kong nagpahinto sa babae na nagtangkang sampalin ako. Nakatabi ko rin siya sa bus stop nang araw ding iyon. Ngunit, hindi ko alam na siya pala ang nakatabi ko at nalaman ko lang noong makita ko siyang muli sa restaurant," sabi ko ng tuloy-tuloy kaya ang kaninang gulat niyang mukha ay ngayon ay naiiyak na.
Nakita ko mula rito ang pagkinang at pamamasa ng kaniyang mga mata senyales na naiiyak siya.
"Bakit ngayon mo lang ito sinabi
ate? Ano'ng nagyari pagkatapos?" tanong nito sa akin.
"Hindi ko na ipinaalam sa inyo dahil masiyado ng magulo ang nangyayari noong araw na iyon. Ayaw ko na kayong bigyan pa ng palaisipan," nakayukong saad ko at tinitingnan na lamang ang sahig. "Pero, hindi ko kayang hindi sabihin sa inyo, kailangan niyo ring malaman." Inangat ko ang aking mukha at nabigla ako ng yakapin ako ng mahigpit ni Elixia.
Alam niya ang totoong nararamdaman ko. Sila ang karamay ko noong napag alaman kong aalis ng pilipinas si Zayne dahil doon na niya ipagpapatuloy ang pag aaral. Umalis siya dito ng hindi ako nakapag paalam. Hindi hinayaan ng mga magulang niyang makita ko siya dahil sa akin nila sinisisi ang nangyari kay Zayne.
"Paano pag nagkita kayong muli Ate?" tanong nito na nagpakaba sa akin.
"Hindi ko alam, hindi ko alam kung saan magsisimula..." sabi ko at napansin ko ang pagbuntong hininga nito.
"Anong mero'n? Bakit ang seryoso niyo diyang mag-usap?" sabay naman kaming napalingon sa gawi ng pintuan ni Elixia at sumalubong ang nagtatakang mukha ni Kuya sa amin.
Kailangan ring malaman ni Kuya Elixian na nakauwi na si Zayne dahil kahit hindi man sobrang tagal ng kanilang pagkakaibigan naging parte ng buhay namin si Zayne.
Tiningnan ko naman si Kuya at napansin ko ang biglang pagseryoso ng mukha nito ng mapansin ang mga reaction ng mukha namin.
"What's going on?"
"Si Zayne, Kuya, nakabalik na siya." Gaya ni Elixia ay parehas ang kanilang gulat dahil hindi talaga namin inaakalang uuwi siya.
Ang alam ko lang, may matinding dahilan kung bakit siya umuwi dito sa pilipinas.
Pagkalipas ng ilang oras ay mag-isa na lamang ako sa bahay. Nasa school na si Eliyah at Elixia. Si Kuya naman kakaalis lang para magtrabaho. Naglinis na ako ng bahay at naghugas narin ng pinagkainan.
Pagkatapos kong magawa ang mga gawaing bahay ay pumasok na ako sa kwarto at isisira na sana ang pinto ng marinig ko ang isang sigaw sa labas.
"Elixian! Elsie!" dinig kong sigaw ng tao sa labas.
Dali-dali naman akong pumunta sa bintana upang silipin ang taong nasa labas at noong makilala ko kung sino ito ay pumunta agad ako sa pintuan at lumabas. Ang disenyo ng gate namin ay makikita mo ang taong nasa labas dahil rehas-rehas ito.
Pagkabukas ko ng gate ay sinalubong ako ng yakap ni Nanay Helena na hindi ko na ipinagtaka dahil alam kong nabalitaan na niya ang nangyari sa akin sa pinagtra-trabahuhan ko.
Si Nanay Helena ay ang unang nakilala namin dito sa Sta.Cruz, noong bagong lipat pa lamang kami. Tinuturing niya kaming parang pamilya niya dahil wala siyang sariling pamilya.
Pumasok na muna kami sa loob ng bahay upang makapagpahinga si Nanay Helena at maikuha ko siya ng maiinom. Pagkatapos kong maihanda ang meryenda ni Nanay Helena ay dumiretso na ako sa sala.
"Naku! Nag abala kapa Iha, busog pa naman ako ngunit salamat parin," nakangiting saad ni Nanay. Nginitian ko lang ito.
"Iha, nabalitaan ko ang nangyari sa iyo, okay kana ba?" tanong ni Nanay Helena at tinignan niya ako ng may pag-aalala sa kaniyang mukha.
"Opo, Nay. Kayo po? Kamusta na po kayo?" nakangiting tanong ko na ikinangiti rin ni Nanay Helena.
"Okay naman ako Iha, nagtratrabaho ako bilang taga kuha ng order sa Canteen ng isang kumpanya."
"Mabuti naman po kung ganoon, pero kailangan niyo pong alagaan ang sarili niyo at ingatan ang kalusugan niyo. Lalo na't matanda na po kayo," sabi ko sa nag aalalang tono.
"Hindi naman mabigat ang aking trabaho doon Iha, dahil taga kuha lamang ako ng order nila at ipapasa sa nagluluto kaya huwag kanang mag alala."
"Salamat naman po kung ganoon." nakahinga naman ako ng maluwag dahil sa sinabi nito.
"Sa katunayan, kaya ako nandito upang ipaalam sa iyo na kakailanganin ko ng makakasama dahil umalis na ang kasama ko noon, at kailangan ng bagong makakasama. Hindi namin makakayang dalawa ng aking kasama ang gagawin dahil maraming nagtra-trabaho at maraming kumakain doon araw-araw."
"Siguro po, tatanungin ko po muna si Kuya tungkol po sa trabahong inaalok niyo," Malungkot akong tumingin kay nanay Helena.
"Alam niyo naman po si kuya sobrang over protective lalo na po ngayon, dahil muntikan ng may mangyaring masama sa akin," patuloy ko na ikinatango ni nanay Helena.
"Naiintindihan ko Iha, kahit ako man. Ngunit nasisiguro ko sa iyong walang mangyayari sa iyo doon. Dahil una, nasa loob tayo ng counter at sila lamang ang pipila at mag o-order ng makakain nila sa atin sa may receiving area," mahabang paliwanag ni nanay Helena.
"Saan nga po pala kayo nagtratrabaho 'Nay?"
"Sa Guevarra Company Iha, " aniya na ikinatigil ko.
"S-Sa Company ng mga Guevarra po? " ulit kong tanong dahil baka namali lang ako ng dinig.
"Oo, Iha. Sa canteen nila ako nagtra-trabaho."
"A-h kilala niyo po ba kung sino ang kasalukuyang nagpapatakbo sa kumpanya?" nagbabakasaling tanong ko.
Napakunot naman ang noo ni Nanay Helena at pinipilit alalahanin ang pangalan ng tinutukoy ko.
"Sa pagkaka alala ko, sir. Zayne ang tawag nila." Natigilan naman ako at biglang namawis ang aking kamay.
"Ah! Tama! Naalala ko na Iha, Sir. Zayne Vlad Guevarra. Siya ang namamahala ngayon sa kumpanya dahil sa kanya ito ipinasa ng kaniyang ama," nakangiting saad ni Nanay Helena ngunit ako ay hindi ko man lang magawang ngumiti dahil sa nalaman ko.
"Kailan po akong pwedeng magsimula?"
~~~~~
"Kuya payagan mo na akong magtrabaho!" pangungulit ko.
"Hindi ka mag tra-trabaho Elsie!" pansin ko naman na naiinis na si Kuya kaya lalo ko siyang iinisin.
"Kuya, puede ba?! Matanda na ako. Kaya ko nang protektahan ang sarili ko, hindi na ako bata!" sabi ko at napansin ko ang pagtigil nito sa kaniyang ginagawa at nauubusan ng pasensiya niya akong tiningnan.
Habang ang dalawa kong mga kapatid ay pawang nakatingin lamang at walang balak na pigilan kami sa pagsisigawan namin.
"Sige, papayag ako. Basta bigyan mo lang ako ng magandang dahilan," aniya na ikinatigil ko. Tinignan ko siyang muli. Ngunit, napakaseryoso ng mukha niya.
"K-Kuya, baka sa parang iyon, baka... makita ko siya," saad ko.
"Sino?" wala paring ideya si Kuya kung sino ang tinutukoy ko, dinig ko na napasinghap ang dalawa sa gilid, na sa tingin ko'y alam na nila.
"Si Zayne, kuya..." nakita ko namang natigilan siya at napaawang ang labi.
"Pag mamay-ari nila ang kumpanyang kung saan ako magtra-trabaho." Ibinaling ko naman agad ang ulo ko sa gilid dahil iniisip ko pa lang na posibleng makita ko siya'y, naiiyak na ako.
"Fine. Sundin mo ang sinasabi ng puso mo, pero kung makita mong hindi na talaga pwede tumigil kana." napatingin naman kaagad ako kay Kuya sa gulat na pumayag kaagad siya. "And, just please, take care of yourself. Ayaw kong may mangyaring masama sa iyo."
Napayakap ako kay kuya sa sobrang saya at naramdaman ko rin ang yakap ng dalawa ko pang kapatid.
This is it Zayne.
Hindi mo na ako maalala at makilala?
Pwes, ngayon, ako naman ang gagawa ng paraan para maalala at makilala mo akong muli.
At...
Baka sakaling..
Baka sakaling mahalin mo ulit ako.
Pero, iyon ang akala ko, akala ko'y madali lang, akala ko okay lang... Pero bakit, parang ang layo mo nang abutin ngayon? Dati naman wala kang ibang ginawa kundi ang pasayahin ang puso ko. Pero ngayon, wala kang ibang ginawa kundi ang saktan ang puso. Kahit hindi mo naman sinasadya...
Itong puso ko na ikaw lang ang nagpapasaya ngunit ikaw rin ang sanhi ng kalungkutan nito. Akala ko wala nang ibang mas sasakit pa noong mawala ka. Ngunit mas masakit na bumalik kana nga pero sa piling naman ng iba.

Komento sa Aklat (87)

  • avatar
    جهيرة ۦۦۦۦ

    So cute

    17d

      0
  • avatar
    Diane Teting

    maganda ang story natutuwa Ako,

    20/08

      0
  • avatar
    Jhian

    so good 😊 rjbdkidhrihbdkdhvrir ndjfvfkdhrvhbdidgvt jdhvfdkifhrhjdidhvrjdid dkdvvrirurjrorirhrjrkeiegroduyteoryeyr dodjhrjrjrjdjdjdjdjrjddj snndndbdhdhshshshdbdodhdmd ekdjjdhdoeyrodyrrrksycrmsidgd ihgrugdhrldhhbeoyhekd siksyv dijbdhevr sjbbrirugegvrvrjriekwjvtpsygrurgvbdkd sjjbeviejhbwkwihveksgzudln 😹 ttigigigifystaawerirufohogogphigogigifjvicjvkvkcudjcjvjfkvifuelixurzhfsngxkhdnfJgsmhzkulhdkydirskyzkgxcocuxkhdkydlikyxouduoduyhdoyro jeheojhevjejehehejksicrisuwfeidurgririrvslfhdjjetjdudhdjdodid

    17/08

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata