logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

CHAPTER 4

"ELSIE'S POV"
Tinalikuran ko s'ya dahil hindi ko kinakaya ang mga sinasabi n'ya, aalis na sana ako pero hindi pa ako nakahahakbang ay hinablot na nito ang braso ko saka iniharap ang mukha ko sa kaniya.
"Don't you dare turn your back at me when I'm talking to you, babe." Bago pa man ako umalma dahil sa tinawag nito sa akin ay mabilis na 'kong hinila nito, laking gulat ko ng maramdaman ang paglapat ng malalambot nitong labi sa aking labi.
Natulala ako at parang naging tuod habang tinititigan ang mukha ng lalaking nasa aking harapan. Nakapikit ang kanyang mga mata ng tignan ko ito. Nakita ko ang pag-ngiti niya at ng idilat niya ang kaniyang mga mata ay isang sampal ang iginawad ko sa kanya.
Nakita ko ang gulat sa kanyang mukha. Pero, hindi nagtagal ay ngumiti ito sa akin habang umiiling-iling.
"Totoo nga talaga ang kasabihang 'Love is Pain'. In fairness, masakit ang sampal mo, babe. "
"Tigilan mo ako sa pa-babe, babe mo, Zayne!" sagot ko sa kanya pero imbes pakinggan ako nito ay nginitian lang n'ya ako ng nakakaloko.
"So, what do you want me to call you, then?" Parang nang aasar-asar nitong tanong sa akin.
"Wala kang itatawag sa aking hinayupak ka!" pagkasabi ko non ay mabilis ko itong tinalikuran, iniwan ko siyang mag-isa kung saan siya nakatayo.
Ayaw ko na sanang bumalik sa sasakyan niya, gusto ko sana'y umuwi na lang mag-isa, ang kaso, hindi ko rin p'wedeng iwan ang mga kapatid ko. May tiwala naman ako sa kanya pero, gusto kong sabay kaming aalis, sabay rin kaming babalik.
Pagdating ko sa sasakyan ay binuksan ko na agad ang front door ng sasakyan sabay upo. Sinulyapan ko naman ang aking mga kapatid sa real view mirror at nakitang tulog ang mga ito. Nakita ko naman ang mabilisang pagsakay ni Zayne kaya iniharap ko kaagad ang aking mukha sa bintana ng sasakyan.
Narinig ko ang kanyang pagtikhim ngunit, binaliwala ko lamang iyon. Ang awkward ng atmosphere dahil din siguro sa katahimikan ng paligid. Hanggang ngayon ang lakas pa rin ng kabog ng aking dibdib lalo na't nasa malapit lamang siya.
"Babe, hindi ka ba nagugutom?" sasagot pa sana ako sa sinabi niya ngunit may nauna ng nag react sa akin, rinig ko ang mga bulungan ng dalawa kong kapatid kahit nakapikit pa rin ang kanilang mga mata at ngayon ko lamang napagtanto na nagtutulug-tulugan lang pala sila.
"Omg! Narinig mo ba iyon, Sis?"
"Omg rin! Yes, Sis! Rinig na rinig ko kaya!"
Maiinis na sana ako sa kanila dahil nagpanggap lang pa lang silang tulog ng mapansin ko ang mabilisang pagpikit ng isang mata ni Elixia, napangisi na lamang ako sa mga ito.
Narinig ko rin ang marahang pagtawa ni Zayne kaya tinignan ko siyang muli at sinamaan ito ng tingin.
"H'wag mo nga akong matawag-tawag na Babe!" galit kong sabi sa kanya na nagpatawa dito.
"Sabi ko nga sa iyo 'di ba? Ngayong alam mo na ang nararamdaman ko para sa iyo, hindi mo na ako mapipigilan sa mga gusto kong gawin at sabihin, Babe," salita niya habang nagda-drive at nakatingin sa daan.
Kapansin-pansin ang panaka nakang sulyap nito sa akin.
"Ewan ko sa iyo, h'wag mo na akong kausapin wala akong pakialam," sagot ko sa kanya habang patuloy sa pagkalabog ang aking dibdib.
Lumipas ang ilang minuto ay katahimikan ang namayani sa panig naming dalawa. At nang tignan ko ang dalawa kong kapatid ay napansin kong tunay na nakatulog na ang mga 'to.
Nakita ko naman ang pangalan ng lugar sa taas ng isang bridge kaya umayos na ako ng upo. Malapit na kami. Pagkalipas pa ng ilang minuto nasa harap na kami ng bahay, kaya ginising ko na ang dalawa na ngayo'y pawang nagkukusot ng mga mata.
"Elixia, Eliyah. Nandito na tayo, bumaba na kayo." Bago ako bumaba narinig ko pa ang reklamo nilang inaantok pa sila. Pagka baba ko naman nakita kong bumaba narin si Zayne sa sasakyan at pumunta sa likod ng sasakyan para kunin ang mga pinamili namin.
Tumungo din ako sa likod ng sasakyan para tulungan siya. Ngunit, halos magpantig ang tainga ko sa panibagong tawag nito sa akin.
"Mahal ko, ako na. Ayaw kong napapagod ka, maghanda ka na lang ng makakain natin dahil nagugutom na ang asawa mo." Ano daw? Tss, ang kapal!
Halos umusok ang ilong ko sa galit sa sinabi nito kaya bago ko pa siya masapak umalis na ako, nakaka imbyerna!
Habang humhakbang ako ay narinig ko ang pagtawa ng hayop na iyon. Mas lalo ko pang binigatan ang aking paa habang naglalakad upang kanyang malaman na hindi ako natutuwa sa mga inaasal niya sa akin.
Pagpasok ko sa bahay ay dumiretso agad ako sa kwarto dahil sa badtrip ko sa lalaking hudas na iyon. Hanggang ngayon hindi pa rin ako maka get- over sa pagnakaw niya sa akin ng halik.
My virgin lips. Nawala na lang iyon ng ganon-ganon lang! Syete siya!
Isang oras ang nakalipas ng maisipan kong lumabas nang kwarto. Sinulyapan ko pa ang wall clock sa dingding naming plywood at doon ay napansin kong mag aalas- singko na pala ng hapon.
Lumabas ako at dumiretso kaagad sa sala sa pag-aakalang umalis na iyong asungot. Pero, paglabas ko ay nakita ko ang mga pinamili nito. Ibig sabihin ay naririto pa ang impakto. Hay nako!
Aalis na sana akong muli upang bumalik sa aking kwarto dahil nakita kong nandito pa pala ang asungot sa amin pero, napahinto ako ng may narinig akong mahinang tinig na tila nagbubulungan, sinundan ko iyon dahil sa aking pagtataka.
"Huwag ka ngang maingay baka marinig tayo!"
"Ikaw naman kasi, naapakan mo ang paa ko malamang sisigaw ako dahil masakit, eh!"
Pasimple naman akong lumapit sa dalawang nagbubulungan at nakasilip ngayon sa may harapan ng gate namin. Dahil sa kuryosidad ko ay nakisilip rin ako na naging dahilan ng kanilang impit na pagsigaw.
Humarap ang mga 'to sa akin. Kita sa mukha nila ang gulat nang makita ako at lumapit pa sa akin ng kaunti saka bumulong si Elixia sa akin,
"Ate, h'wag kang maingay, ah? kinakausap ngayon
ni Kuya Elixian si Kuya Zayne dahil sinabi niya kay Kuya ang totoong nararamdaman niya para sa iyo."
Nanlaki naman ang mata ko sa nalaman ko. Umamin din siya kay Kuya?
Hindi ako nakapag salita sa aking nalaman bagkos, isa ako sa nakisilip, na ipinagkibit balikat ng dalawa kong kapatid na patuloy din sa pagsilip.
Nakita ko ang matamis na pag ngiti ni Zayne kay Kuya at nasisiguro kong nakita rin ng dalawang paslit na nasa tabi ko. May pa shake hands pang nalalaman ang mokong!
Hindi namin naririnig ang pinaguusapan nila dahil medyo may kalayuan ang mga ito kung saan kami nakatayo ngayon.
Sabay-sabay kaming napayukong tatlo ng mapansin namin na pabalik na sila sa bahay. Kaya mabilis kaming tumakbo habang nakayuko pa rin at nag-uunahang pumasok sa pinto.
Shit! Baka mahuli kami nila Kuya na nakikinig kami sa pinag-uusapan nila. H'wag naman sana.
Pagpasok namin sa loob ay dumiretso kami sa bintana at sinilip kung nasaan na sila o kung nahuli ba kami ng mga 'to.
Nakahinga ako ng maluwag ng mapansing walang pumapasok. Panigurado na nandoon pa rin sila. Mayamaya ay umupo kami sa aming sofa, ng magkatinginan kami ng mga 'to ay sabay sabay kaming nagtawanan dahil sa aming pinaggagawa.
"Ate, Mukhang seryoso talaga si Kuya Zayne sa iyo, ah? Bibigyan mo ba siya ng pagkakataon?"
Napalunok ako sa sinabi ni Eliyah at huminga ng malalim. Hindi ko alam ang isasagot sa tanong nito. Tila naging pala-isipan sa akin kung ano ang isasagot ko.
"Bigyan niya lang ako ng dahilan para bigyan ko siya ng pagkakataon. Pagkakataong mahalin rin siya," salita ko na ikinatango nilang dalawa.
LUMIPAS ang mga araw, linggo at buwan ay walang mintis ang pagsuyo ni Zayne sa akin. Pinatutunayan n'ya talaga na kaya nitong gawin ang lahat makuha lang ang aking 'OO'. Pakiramdam ko tuloy ay ang ganda ganda ko sa mga pinakikita niya sa akin at sa pamilya ko.
Sa totoo lang ay hindi ko akalain na magagawa niya ang mga bagay na hindi niya nagagawa sa kanila. Gaya ng pag-lilinis, pagluluto at kung minsan pinapalaba pa ito ni Kuya ng mga damit na minsan ay kinaiinisan naming tatlo dahil para sa akin ay sobra na iyon. Pero, dahil sabi nito na gusto niyang patunayan ang sarili niya sa akin at ang pagmamahal nito, ay hayaan ko lamang siya.
Inaamin ko, sa mga buwan na lumipas ay unti-unti na akong nahuhulog sa kanya. Lalo na sa mga ngiti niya kahit na alam kong pagod na siya. Tila wala sa kanya ang mga ginagawa nito miski ang kanyang paghihintay sa akin. Sa katunayan nga ay walang lumabas sa kanyang bibig na hindi nagpatibok ng mabilis sa aking puso. Doon pa lang, panalo na siya.
"Ang kaso kung kailan ready na ako at p'wede na doon kapa nawala sa akin."
Lunes ng hapon ng mapagpasiyahan namin na magluto ng sinigang na baboy. Mamalengke lang sana akong mag-isa ngunit, hindi ito pumayag na mag-isa lang akong umalis. Nagprisinta itong sumama sa akin.
Makalipas ang ilang oras, nang mabili na namin ang dapat bilhin ay agad kaming umuwi. Kapansin-pansin ang makulimlim na kalangitan na parang nagbabadyang umulan. Naglalakad kami patungo sa sakayan, dahil sabi ni Zayne ay gusto niya subukang mag commute.
Habang naghihintay kami ng masasakyan ay mayroong biglang tumakbo at nakasagi ng mga pinamili kong gulay at mga pang sahog ko sana para sa lulutuin namin mamaya.
Napa awang ang aking mga labi ng makita ang mga ito na mahulog sa daan. Nang matauhan ako ay mabilis naming pinulot iyon ni Zayne.
Tila hindi ito nahihiya sa ano mang sasabihin ng mga tao sa kaniya lalo pa't mukha itong may kaya sa buhay kaya tinulungan ko siya at hindi na lamang pinansin ang mga bulungan ng iba.
"Ano ba ang masama sa pagpupulot ng gulay sa daan?"
Nang mapulot na namin ang mga nahulog na mga gulay at sahog ay may nagbigay sa amin ng supot upang dito na lang iyon ilagay. Pagkatapos ng kaganapang iyon ay muli kaming naghintay ng jeep na masasakyan namin pauwi.
Habang nakatayo ay may nahagip ang mga mata ko. Nakita kong nasa gilid ng daan ang paboritong gulay ni Zayne. Mabilis akong lumapit kung nasaan ito para pulutin iyon. Abot kamay ko na sana ito nang magulat ako dahil sa pag bumisina ng malakas ng isang sasakyan, bigla akong napatayo at napaatras sa gitna ng daan.
Dinig ko ang mga sigawan ng tao. Nang humarap ako ay nakita ko ang mabilis na paparating na sasakyan. Napapikit ako sa pag-aakalang mababangga na ako nito ngunit, isang braso ang humablot sa akin at hinila papalayo mula sa paparating na sasakyan.
Naramdaman ko ang kahigpitan ng yakap nito sa akin nakilala ko ito dahil sa amoy ng pabango nito.
Bumagsak ang katawan namin sa daan pero, hindi ko man lang naramdaman ang sakit dahil nang hinila ako ni Zayne ay alam niyang may tyansa kaming matumba kaya sinangga nito ang kanyang katawan dahilan kaya doon ako natumba.
Sa aming pagbagsak ay narinig ko ang impit niyang pagdaing kaya mabilisan ko siyang tinignan ngunit halos manlumo ako sa aking nakita ng mapansin ang pulang likido na lumalabas sa likod ng ulo niya.
"Zayne?!" kasabay ng pagtawag ko sa pangalan niya ay ang pagbuhos ng malakas na ulan. Rinig ko ang bawat sigawan ng mga tao. Ngunit, hindi ko alintana iyon dahil naka pokus ang mga mata ko kay Zayne, kita ko ang kanyang hirap sa pagmulat ng kanyang mga mata ngunit bago pa man mangyari iyon ay may sinabi pa siya sa akin na mas lalong nagpaiyak sa akin.
Nilapitan ko siya at sinangga ang mga ulan na pumapatak sa mukha niya at gamit ang nanginginig kong kamay ay hinawakan ko ang mukha nito.
"S-Sana kahit anong mangyari ako pa rin," mahinang sambit nito sa akin. Kita ko ngayon ang mga luhang lumalandas sa mukha niya. "Please, d-don't cry, my love."
Pinatitigil ako nito sa pag iyak pero kita ko ang pagpatak rin ng mga luha niya habang hinang-hina ang kanyang tinig.
"Don't give up on me, my love."
Salitang sinabi nito bago pumikit ang kanyang mga mata, hindi ko alam pero sumisikip ang aking dibdib.
"Bakit ngayon pa ito nangyari? Bakit ngayon pa kung kailan mahal na kita, Zayne."
Doon ko napagtanto na kung nandiyan na ang isang pagkakataon para sa iyo ay wala nang dapat pang sayangin dahil hindi natin alam ang mangyayari sa susunod na oras o araw sa ating buhay.
*Present day*
Nang ma realized kong siya iyong lalaki sa may waiting shed ay mabilis pa sa alas kwatrong umangat ang ulo ko upang makita ang mukha niya.
Siya?
Ako naman ngayon ang nagulat ng ang lalaking pumigil sa babae at ang lalaking katabi ko kanina sa waiting shed ay ang lalaking . . .
Nagligtas sa buhay ko noon.
Ang lalaking mahal ko. Na ngayon ay tinitignan na lang ako pero tila wala na ang saya sa mga kanyang mga mata sa tuwing makikita ako. Hindi ko na makita ang mga ngiting pumapaskil sa kaniyang mga labi kapag nakikita ako. At wala na rin ang pagmamahal na dati ay pinaparamdam niya sa akin. Alam ko, kapag nagkita kaming dalawang muli ay wala na ang pagmamahal nito sa akin. Dahil kasama ng pagbura ng mga alaala niya ay ang ang pagbura ng nararamdaman niya para sa akin.
"Zayne?" salitang aking nasambit dahil hindi pa rin ako makapaniwalang nandito siya, bumalik na ang taong mahal ko ngunit, hindi ang kanyang puso. Hindi na siya gaya ng dati.
"Do I know you?" tanong niya sa akin na nagpasikip ng aking dibdib. Hindi ko napigilan ang pag landas ng luhang kanina pa gustong kumawala sa aking mga mata.
Doon ko napagtanto na ang taong mahal ko ay hindi na ako kilala at maalala.

Komento sa Aklat (87)

  • avatar
    جهيرة ۦۦۦۦ

    So cute

    17d

      0
  • avatar
    Diane Teting

    maganda ang story natutuwa Ako,

    20/08

      0
  • avatar
    Jhian

    so good 😊 rjbdkidhrihbdkdhvrir ndjfvfkdhrvhbdidgvt jdhvfdkifhrhjdidhvrjdid dkdvvrirurjrorirhrjrkeiegroduyteoryeyr dodjhrjrjrjdjdjdjdjrjddj snndndbdhdhshshshdbdodhdmd ekdjjdhdoeyrodyrrrksycrmsidgd ihgrugdhrldhhbeoyhekd siksyv dijbdhevr sjbbrirugegvrvrjriekwjvtpsygrurgvbdkd sjjbeviejhbwkwihveksgzudln 😹 ttigigigifystaawerirufohogogphigogigifjvicjvkvkcudjcjvjfkvifuelixurzhfsngxkhdnfJgsmhzkulhdkydirskyzkgxcocuxkhdkydlikyxouduoduyhdoyro jeheojhevjejehehejksicrisuwfeidurgririrvslfhdjjetjdudhdjdodid

    17/08

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata