logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Kabanata 2

Nakabalik na kami sa room at wala naman gaanong nakapansin dahil tutok sila sa pakikinig sa tinuturo ng Science teacher namin. Akala ko ay hindi siya dadating. Naupo nalang kami ni Cesar sa bandang likod para hindi gaanong mapansin ni Ma'am.
"Late na tayo." Si Cesar, tumango lamang ako.
"At dahil 1 month nalang at mag eend na ang grading na 'to. May ipapagawa ako sainyo. Ito na ang Project niyo sakin. At dito rin nakasalalay ang pinaka final ng grades niyo sakin. Ang project niyo sakin ay mag dadisect kayo ng Palaka. By partner. Kung sino ang gusto niyo. Hindi ko na kayo igugrupo sa hindi niyo naman gusto. So feel free and wise to chose your partner." Anang sabi ng Teacher namin na si Ma'am Lupi.
Bago pako makapag react ay nagsalita na agad ang katabi ko.
"Tayo nalang ang Partner ah." Cesar said.
"May pagpipilian ba ako?" Sarcastic kong tanong sakanya. Nag pout pa siya at tsaka ako inakbayan.
"Wala, sinabi ko lang para siguradong sigurado." Then he wink at me.
"Ma'am Palaka ba talaga?"
"Yucky, hindi ko kayang humawak non." Si Ana na isa sa grupo ni Bella.
"Ayoko, wala na bang iba?"
"Thats final, kailangan niyong maranasan ang ganon bago pa tayo maghiwa-hiwalay. At kung wala disect. Walang grade sakin. Mas malaking palaka, mas mainam. And bring your materials, Vials, Flying Board, Pormalin, Barbeque stick, mask, gloves. At mga iba pang gagamitin niyo para sa disect na yan. Maari na din kayong magpaturo sa mga kakilala niyo. Ipapasa niyo sakin yan na Disect na at nakalagay na sa garapon. Hindi ko na ito papahabain pa. Class dismiss." Agaran na lumabas si Ma'am Lupi at biglang nagka gulo ang mga kaklase ko. Kesho ayaw daw nila gawin 'yon. Nakakadiri daw, nanakasuka, lahat ng kaartehan sa buhay.
Nilapitan ako ni Bella. "Sino kapartner mo don Euricka." Tinuro ko si Cesar na kausap ang mga barkada niya.
"Akala ko wala pa, tayo nalang sana, pero teka, nagtataka nako ah, kayo na ba ni Ceasar ha?" May kakaibang tingin siya sakin. Umiling agad ako. Pero bigla nalang niya akong kiniliti na akala mo kinikilig ako.
"Bakit palagi nalang kayo magkasama? Halos girls tayong lahat at kaunti lang ang boys. Dapat ay samin kana lang sumama." Sabi pa niya. Ngumit ako sakanya bago nagsalita.
"Nahihiya ako sainyo. At magkaibigan lang kami ni Cesar. Walang malisya don." Maikli kong paliwanag mas ngumiti pa siya ng husto.
Hinila niya ako palayo sa pwesto nila Cesar.
"Good to hear. Matagal ko ng crush si Cesar. Wala lang akong pagkakataon na umamin. Thank you naman at hindi kayo at magkaibigan lang kayo. I hope na maging friends tayo. I mean maging close. Wag kana muna maingay. Ako mismo ang aamin sakanya." Maarte at kinikilig niya pang sabi.
Gusto kong umirap pero mamaya nalang. Niyakap niya ako na parang close na agad kami. Naki sakay nalang ako at ginaya ang ginawa niya. Nag paalam na agad siya at lumabas na ng room kasama ang mga alipores niya.
Bumaling ako sa banda nila Cesar. Nagtatawanan sila at nag aasaran. When he realize that I'm still here. Napabaling din siya ng tingin sakin. But it's too late, lalapit na siya sakin ng tinaas ko ang kamay ko. Bigla ako nawalan ng gana, I mean wala ako sa mood ngayon. Kaya uuwi nako hindi na niya ako kailangan na ihatid dahil hindi naman niya talaga obligasyon ang bagay na ganoon.
Pero bigla nalang siya lumapit sakin at kinuha ang mga gamit ko.
"Ihahatid na kita." Malambing niyang sabi. Umiling nalang ako.
Pero bago pako makaapila ay lumabas na siya ng room at hindi manlang sinunod ang gusto ko. Tumingin nalang siya sakin ng nasa labas na siya tsaka sumenyas na lumabas na ako. Wala nakong nagawa kundi ang sumunod nalang. Inakbayan niya ako at hinayaan siyang gawin 'yon. Hawak niya sa kabilang kamay ang aking bag. May mga nadaanan kaming mga estudyante na naka tingin samin. Ang iba ang nagsimula ng mag bulungan. Ang iba naman ay bumabati at nakikipag ngitian.
"Bakit ka nilapitan ni Bella?" Tanong ni Cesar sakin. Kaya naman bumaling ako bahagya sakanya. Nakatingin lang siya sa daan.
Nasa banda na kami ng CHE Building. Katapatan lang naman ang Building namin nito. Sa Carpio Hall.
"Tinanong kung may kapartner nako don sa Disect."
"Bakit daw?" Kumunot ang noo ko. Bakit pa niya tinatanong.
"Partner daw kami kung wala pa rin akong kapartner. Pero sinabi ko ikaw na yung partner ko." Yon nalang ang sinabi ko. Hindi ko babanggitin ang sinabi ni Bella na gusto niya si Cesar. Hindi na rin ako magugulat kung hindi lang si Bella ang may gusto sa kaibigan ko na ito.
"Good! Ako lang dapat palagi mong kapartner." Seryoso niyang sabi. Tahimik kaming naglalakad ng may mga magtitilian sa harap CIT building.
Si Cesar ay naasar dahil sa ingay. Ako naman itong gusto rin makiesyoso. Pero hindi ako makakalapit dahil hawak ako ni Cesar. May pagkakataon talaga na gumagana ang pagiging chismosa ko.
Pero bago pa kami makalayo don ay lumingon ako sa pinaka Entrance ng CIT Building at laking gulat ko na si Sir Sarmiento ang nandon. Marami siya kausap na kapwa Professor din at ang ibang studyante ay todo kuha ng litrato niya. At ang iba kinikilig kahit pa hindi sila ito pinapansin.
Hinawakan ni Cesar ang pisngi ko at iniharap sa daan.
"Pati ba naman ikaw?" May inis sa tono niyang tanong.
"Huh?"
"Yung Prof na 'yon. Pati ba naman ikaw ay nahuhumaling na din don?"
Oo noon pa man, pero syempre ayokong sabihin sakanya ang totoo. Bukod tanging ako lang ang nakakaalam ng tunay kong nararamdaman para Kay Sir Sarmiento. Ultimo si Lenytia ay hindi alam. See? Bestfriend ko siya pero kahit siya ay hindi alam.
"Muka bang gusto ko 'yon? Ang tanda na non eh." Palusot ko. Halos matawa ako sa sinabi ko. Matanda? Really Eury? Eh kahit 8 years ang tanda ng tao sayo pero humaling na humaling kapa din. Halos kuya ko na 'yon eh. Pero hindi.. gusto ko pa din siya.
Tsaka dapat lang din na wala ni isa ang makaalam. Baka infatuation lang 'to at next year makalimutan ko na din siya kapag College nako. Syempre bata pa ako. Kapag gwapo crush na agad eh. Kaya kapag nag dalaga na ako, for sure na marami nakong makikilala na kaedad ko lang at alam kong may pag-asa.
"Siguraduhin mo lang." Tumango tango nalang ako. Nakalabas na kami ng Main Gate at tinawagan ang driver nila. Wala pang ilang segundo ng nasa harap na namin ang service niya.
Pinakasay niya ako sa kabilang side at tsaka lang pumasok at tumabi sakin.
"So pano? Sa weekend na tayo mag simula sa pag disect ng Palaka?" Tanong niya.
"Natural, ikaw mang huli ng palaka ah." Ngisi kong sabi sakanyan. Biglang nanlaki ang mata niya at tsaka tumawa.
"Seriously? Magpapahuli nalang ako. Tsaka sa weekend pa naman. Wednesday palang ngayon Euricka." Tinusok tusok pa niya ang tagiliran ko, dahil inaasar ko pa rin siya na siya ang dapat manghuli.
"Stop it Eury!" Napipikon na siya. Kaya mas inasar ko pa siya lalo. Pero di talaga siya pumayag. Mag papahuli nalang daw siya.
"Okay, magpahuli ka para sayo. Magpapahuli ako sa iba." Sabi ko kunyare na nagtatampo. Wtf dahil lang sa palaka Euricka? Well titingnan ko lang kung hanggang saan aabot ang pasensya niya at kung papayag ba talaga siya.
"What? Kanino ka magpapahuli?" Nakakunot niyang tanong. Pero bago ko pa siya sagutin ay sumingit agad siya. "Fine, I'll try. Manghuhuli ako kung yan ang gusto mo." Tiningnan ko siyang nakatitig sa daan. I smiled widely, papayag naman pala eh.
Nasa tapat na kami ng bahay namin ng nagsalita siya.
"Wag kang magpapahuli sa iba." Seryoso niyang sabi. Ngumisi lang ako at sinarado na ang pinto ng sasakyan nila. Ilang segundo pa ang hinintay ko dahil hindi pa umaandar ang sasakyan nila. Bumukas yung bintana at tinawag ako para palapitin sa kotse. Sumenyas siya na lumapit pako. Kaya yumuko ako dahil mukang may sasabihin pa siya.
"May sasabihin ka pa no?" Sabi ko ng nakadungaw na sa bintana.
Pero laking gulat ko na hinawakan niya ang batok ko at mas inilapit sakanya at sabay halik sa noo ko. Bago pako makapag react ang sinarado na niya ang bintana at agad umandar ang sasakyan nila.
Hindi ko alam kung ano ang irereact ko. Kahit kailan talaga si Cesar. Luminga linga pako baka may nakakita sa ginawa niya. Gusto ko lang makasigurado dahil ayaw kong maissue sa mga ganoong bagay.
Napahawak nalang ako sa buhok ko na medyo gusot. Tumalikod nako para makapasok na sa gate ng may isang mabilis na sasakyan ang dumaan sa harapan ng bahay at parang nagmamadali pa.
Kapag pasok ko ng bahay ay wala na naman akong nadatnan na tao. Wala si Daddy at Mommy. Palagi nalang ganito kapag uuwi ako. Kung hindi si Daddy ang wala, si Mommy naman. Hindi na kami halos nagkikita sa bahay. I feel so lonely, may bahay at pamilya ka ngang inuuwian pero wala din namang saysay. It was like hunted house. Tahimik at walang kabuhay buhay. Kagaya lang ng relasyon ng magulang ko. Parang hindi sila nag sumpaan sa harap ng Altar. Ngayon ay parang hangin nalang ang tingin nila sa isa't isa. Nararamdaman pero hindi nakikita.
Dumeretso ako sa kusina para sana kumain pero ni isang pitchel ng tubig ay wala. Mas bumaba ang balikat ko sa naramdamang iritasyon at pagka-gutom. Sana pala nagpalibre ako kay Cesar. Nagpasya nalang ako na umakyat sa kwarto.
Nagpalit ako ng isang white dress at tsaka ko ulit inayusan ang sarili. Tinext ko agad si Cesar na magkita kami at sunduin ako ngayon din. Hindi ko na siya hinintay na magreply dahil ilang minuto lang ay may bumusina na.
Halos kumaripas ako ng takbo dahil gusto ko na siyang ayain na kumain. MyGod! I'm fucking hungry!
Nakita ko siyang nasa labas na ng kotse niya at nakapamewang na akala mo ay kanina pa siya naghihintay. Imagine, sa murang edad niya ay sanay na siyang magmaneho ng sasakyan. Buti at maluwag ang parents niya sa ganyang bagay. Hinahayaan nila na magawa ang maaring gawin hangga't bata pa.
Unlike my parents, sariling kagustuhan at kapakanan lang ang iniintindi nila. They don't asked me, what I want to my life. What I want to do and go. What my favorites stuff etc. Bukod sa busy sila sa kanya kanya nilang buhay. Busy din sila sa mga bisyo, at sugal. Kaya nga nalugi ang negosyo namin. Halos bumagsak ang kompanya na pinaghirapan pa ng Grandfather ko.
Hindi ko alam kung ano bang gusto nila sa buhay, kung ano paba ako sa buhay nila. Palibhasa at iisa lang ako at akala nila ay ayos 'yon. Ang hirap kaya maging only child. Kapag wala yung parents mo, wala ka manlang makausap ni kahit ano, kahit sana kapatid, kaso wala. Ni kahit pinsan. Ultimo nag iisang bestfriend ko ay wala. Na dapat ay siya ang kasama ko kapag ganito. Naiintindihan ko naman, may kanya kanya din kaming buhay pero hindi ba niya ako namimiss.
Sa murang edad ko na sixteen years old ay masyado ng open ang isip ko sa ganitong bagay. Pano ipinamulat nila sakin ang ganitong buhay.
"Hey, saan mo ba gustong kumain?" Halos malimutan kong nasa loob na ako ng sasakyan ni Cesar at panay pa rin ang isip ko sa problema ng pamilya ko. Isantabi mo muna ang lahat ng iyan Euricka, mamaya nalang kapag nasa bahay na.
"Kahit saan, basta mabubusog ako. Libre mo ah." Magiliw kong sabi.
"Yea, hindi naman ako papayag na gastusan mo ang sarili mo na ako ang kasama mo." Malambing niyang sabi kaya naman tinusok ko ang kanyang tagiliran para tuksuhin siya.
"Ang sweet naman ng Boy-friend ko." Pagkasabi ko palang ay lumingon agad siya sakin na nakakunot at nakangising tingin.
"Anong sinabi mo Eury? Can you please repeat?" Mas ngumisi pako ng halata sa itsura niya ang pagka mutla.
"Boy-friend." Hagikgik ko. Tsaka siya nakangiti ng husto. "Lalaking-kaibigan." Pag eksplenasyon ko. Wala pang ilang segundo ay nagbago ang expression ng mukha niya. Biglang lumungkot ang mukha at nagpout ang makipot niyang labi. Kaya naman tumawa ako tsaka siya niyakap sa tagiliran.
"Ito oh, umasa siya ayiiee." Namula siya sa sinabi ko. Kaya naman nagkunware siyang magtampo.
"Wag na kaya tayo kumain?" He said seriously. Kaya naman imbis na asarin pa siya ay tumahik nako.
Bumitaw ako sa braso niya at tsaka humarap sa daan. Minsan itong si Cesar hindi sanay sa biruan. Ayaw manlang ako sakyan sa biro ko. He knows me, at bakit hanggang ngayon ay parang bago sakanya ang mga ganito kong gimik.
"Wag mo na ulit gawin 'yon. Doon tayo kumain sa restaurant ng tita ko. Masarap ang pagkain don. Baka sakaling malibre din tayo." Tumango nalamang ako. Kaya naman hindi din niya ako na tiis at siya naman ngayon ang kumulit sakin.
Papasok palang kami ng parking lot ay halos wala na kaming mapagpark ng sasakyan. Mabuti nalang at kakilala nga si Cesar dito at doon kami pinagpark sa VIP parking. Marami-rami din ang nandito.
Si Cesar na ang nag bukas sakin ng pinto tsaka niya ako tiningnan mula ulo hanggang paa. Nakataas lang ang kilay ko at hinihintay na magsalita siya.
"Look stunning huh?" Nakangisi niyang sabi. Kaya naman ang ginawa ko dahil pinuri niya ako, hinawi ko ang buhok ko at tsaka nagpacute sakanya. Bigla niyang ginulo ang buhok kong inayos at tsaka tumawa kaya natawa na din ako.
Sobrang ganda ng restaurant ng Tita niya. Labas palang ay ang classy na. Kaya naman ng pumasok kamin ay nagulantang ako sa laki at sosyalin ang mga gamit. Hindi ko nga lang nailibot ang mata ko dahil nakita kami mg kanyang tita.
"Oh Cesar, hindi mo sinabing dito kayo kakain. Ipakilala mo naman ako sa magandang babae na ito." Maligalig na sabi ng kanyang Tita. Nahihiya ako dahil first time kong ipakilala sa karelatives ng kaibigan ko.
"Uhm, Tita Marise si Euricka. Kaibigan ko po." Pagpapakilala ni Cesar. Agad akong nakipag beso sakanya at ngumiti ng matamis.
"Hello po Tita Marise." I greeted her. She hugged me tight. Nagulat pako doon.
"For the first time, nagpakilala din itong si Cesar ng babae." Halata mo sa itsura niya na kagustuhan niyang yakapin pa ako.
"Tita naman, may mga nakaraang kaibigan na din akong pinakilala ah." Napakamot pa si Cesar kaya natawa ako. Ang cute niya lang kasi.
"Nako, basta kapag nag turn in to lover yan, sabihan niyo ako ah. Bagay kayo ng pamangkin ko Euricka." Palihim akong ngumiwi, kaibigan lang talaga ang gusto ko. Hindi na aabot pa sa pag-iibigan. I swear. Pero hindi ako naging bastos. I smiled widely, ipinakita kong walang malisya siyang sinabi.
"Osha, Tita pwesto na kami doon ah." Nagpaalam na kami sakanyang Tita Marise. Napili namin yung bandang likod na kita ang labas. Agad kaming inasikaso ng mga stuff and waiter. Syempre umorder ako ng masarap at mabubusog. Hindi na rin ako nahiya pa, Si Cesar lang naman yan. We're closed at alam kong ganon din naman ang sasabihin niya sakin. Umorder ako ng marami. Well, masasabi kong maswerte ako dahil nandyan si Cesar. Hindi man swerte sa pamilya, swerte ako sa kaibigan. Kagaya lang ni Cesar.

Komento sa Aklat (133)

  • avatar
    SanchezRosielyn

    nakakatuwa nmn po magbasa ng mga novela

    14d

      0
  • avatar
    ArribaAceey

    nice

    26d

      0
  • avatar
    Trisha

    my peyborit 🫶🥹

    18/08

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata