logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

I love you, Professor

I love you, Professor

Minionshere


Simula

Nasa gitna ako ng pagmumuni ng magsalita ang kaklase ko.
"Alam niyo ba narinig ko kay Ms. Kathleen na si Sir Sarmiento ang magiging teacher natin sa Math." Isa sa mga kaklase ko ang nag bunyag at agad siyang nilapitan ng mga classmates kong babae.
"Talaga ba Tesa? Pano mo naman nalaman? Baka naman hindi sa section natin?" Pero halos lahat ay umiingit na sa kilig at excited.
"Oo sa section natin, kasi tayo nalang ang walang Professor sa Math eh. Lahat meron na bukod tanging tayo lang ang wala And I can't wait! Ang gwapo gwapo kaya ni Sir Sarmiento." Si Tesa na ngayon at hinahampas ang kanyang table.
"Ako man, paano kaya siya magturo? Sabi ng iba kong naging classmates sa ibang subj napaka gwapo daw magturo ni Sir lalo na daw kapag seryosong nagpapa recitation. Kyaaah." Halos mapuno ng usapan at hiyawan ang class room namin.
Ako tahimik lang ako nagmamasid sakanila ng bumaling sakin si Mara. "Ikaw Euricka? Diba ay Crush mo din si Sir Sarmiento." Nagtinginan silang lahat sakin ng nabanggit ni Mara 'yon. Mabilis akong umiling.
"Eh diba noon sinabi mo sakin yan, way back 4th year high school tayo. Aminin mo Euricka?" Pagpapaamin sakin ni Mara. "Wala akong maalala na may sinabi ako sayo." Pero ang totoo Oo matagal ko ng Crush si Sir Sarmiento pero ayokong kumalat yon. Alam kong alam nila Mara 'yon. Ewan ko bakit biglang may ganyan siyang eksena.
At itong si Tessa masama agad ang tingin sa akin. Ewan ko din dito kay Mara kung bakit nakikihalubilo pa siya sa mga 'yan. Maybe kinikilatis niya ang mga ito. Napailing nalang ako muli sa weird na ginagawa ng kaibigan ko.
"Nako Euricka deny pa more." At binalewala na ulit nila ako at pinag usapan na naman nila kung ano ang magiging gimik nila kapag nagtuturo na si Sir. Napairap nalang ako sa kawalan.
Lumipas ang mga oras ng hindi ko namamalayan. Sa tatlong Subject ko sa araw na 'to ay wala ni isang pumasok na Prof. Ni hindi rin ako lumabas ng room gaya ng ginawa ng mga classmates ko. I'm bored, gustuhin ko mang magliwaliw sa labas ay sinantabi ko. Hindi ko alam, wala ako sa ulirat ngayon.
Iilan nalang din kami ang nandito at halos lahat ay nandon sa kung saan. Hoping na hindi na sila bumalik or di kaya mamaya nalang kapag uuwi na sila. Payapa ang isip at buhay ko kapag wala sila. Like ang iingay nila, maingay din naman ako, I mean siguro sa mga oras na 'to. Ayoko lang talaga ng maingay at gusto ko lang ng Peace of Mind today.
Sa pagmumuni ko ay bigla naman akong nilapitan Brix isa sa mga kaklase ko sa Bio Sci. Tinanguan ko lang siya at naramdaman kong tumabi siya sakin.
"Ang tahimik mo ngayon, kapanibago." Sabi niya na nakangisi. Dinedma ko lang ito.
"Ang layo ng tingin mo, nandito naman ako. Sakin ka tumingin Eury!" Umirap ako sakawalan. Syempre hindi ko yon pinakita sakanya.
"Ano na naman bang Problema mo?" Singhal ko dito. Natawa siya sa inasta ko. Tch.
"Ang sungit naman, mayron kaba?" Tanong pa niya. Nakakairita ang to. I said I want a Peace of Mind pero bat nandito ang isang 'to.
"Wag mo muna akong kausapin sa ngayon Brix." Malumanay kong sabi sakanya. Hindi na rin niya sinundan pa ang mga tanong niya. Bagkus ay tumayo siya at umalis na.
Thanks Brix.
Tumingin ako sa orasan at mag aalasingko na pala ng hapon. Nag decide nakong umuwi at wala namang magandang nangyari sa araw na 'to.
Hindi ko na rin namalayan na tatlo nalang kami sa room at nagsi-uwian na pala ang iba.
May mood talaga ako na ganito, na gusto ko lang ng tahimik at walang kakausap sakin. Im crazy that way.
Pagkauwi ko ng bahay ay isang makalat ang bumungad sakin.
Then narinig ko ang sigawan na ng gagaling sa taas.
"Putanginang utang na yan, kailan kaba titigil sa pangungutang Marline. Akala ko ba ay tama na at yon nalang iyon."
"Oo nga, huli na iyon. Pero kasi Manuel, kinailangan ko lang talaga ngayon. I'm so sorry for that. Are you mad because of the money? I can pay, hintayin mo lang." Maarteng sabi ng aking Ina sa aking Ama.
"Naririnig mo ba ang sinasabi mo Marline? Ni hindi mo nga mabayaran yung utang mo sa iba, tapos ang yabang mo pang sabihin na babayaran mo ako? MyGod Marline. Hindi ko alam kung saan mo ba dinadala ang pera." Halos madiin na sambit ni Papa kay Mama.
"I said hintayin mo Manuel at ipapakain ko sayo yung punyetang mong pera!!" Sigaw ni Mama at tsaka ko narinig ang malakas na hakbang pababa ng hagdan.
Umiwas agad ako ng tingin at nagkunyari na may hinahanap ako sa bag ko. Ayokong makita nila na naapektuhan ako sa araw-araw na pag aaway nila ni Papa. Nag-iisang anak lang ako pero bakit ganito? Hirap na hirap sila samantalang ako lang naman ang binubuhay nila bukod sa sarili at pangangaylangan nila.
"Oh Euricka nandyan kana pala." Dinig kong sabi ni Mama galing sa kusina.
"Kamusta ang pag-aaral?" Tanong ni Papa sakin ng nakalapit siya sakin. Hinalikan niya ako sa noo. Iniwas ko agad ang sarili ko.
Pero hindi iyon pinansin ni Papa. Parang walang buhay ang pamilya na meron ako. Kung magkakaron man ng ingay ay yun yong bangayan nila. Gusto kong maiyak pero wala naman magbabago sa takbo mg buhay namin ngayon. Akmang aakyat nako sa kwarto ko ng nag salita si Papa.
"Euricka, sabihin mo sa Mama mo na pupunta akong office para asikasuhin ang mga gusot niya sa kompanya natin." Malamig at walang kaemosyon-emosyon na lintanya ni Papa.
Tumango ako at yumuko at bigong pumasok sa kwarto. Nilock ko agad ito at wala ng balak na bumaba pa.
Minsan naaawa din ako kay Papa. Pinaghirapan niya yung kompanya na 'yon na pinaman pa sakanya ni Lolo. Pero sa huli malulugi at babagsak lang iyon ng ganon kadali. Galit ako kay Mama, hindi lang sa madami siyang utang. Siya ang dahilan kung bakit nawalan ng tiwala si Papa sakanya. I love my mom but its not the right time to tolerate her mistakes. She needs to accept what's the consiquence she made. I hate her but I really admire her coz I'm look like her. Every little inch of her face and body. Wala akong talo. Pero maling mali pa rin ang lahat. Aanhin ko tong nakuha sakanya kung sa twing nakikita ako ni Papa ay nag papaalala sakanya na wala akong pinag iba kay Mama. Kaya ganyan siya makitungo kung minsan sakin. Nasasaktan ako para sakanilang dalawa.
Hindi nila sinasabi kung gaano ba kalaki ang damage sa kompanya. Pero I know everything. Marami akong naririnig na usapan kapag nagagawi ako sa office ni Papa.
Si Mama ay nangutang sa mga co-holders ng kompanya namin. As in lahat sila. Wala siyang pinatawad. Hindi siya nakuntento sa kung ano ang mayron kami at kung gaano kalaki ang binibigay ni Papa sakanya. Ultimo ako ay hindi ko alam kung saan ba niya dinadala ang pera na 'yon. Higit sa million ang utang niya kada isang kompanya. Kaya si Papa, ganon nalang ang galit niya. Kasi pinaghirapan ni Papa 'yon. Lahat ginawa niya. Dugo at pawis ang pinuhunan niya don pero isang iglap nawala ang lahat ng 'yon.
Naghihirap na kami pero nakukuha pa niyang mangutang sa iba pang tao. Hirap na hirap na si Papa sa pagbabayad ng mga utang niya pero wala, hindi niya iyon nakikita. Napapabayaan na nila ako. Nag-iisang anak nila ako pero hindi nila ako prioritize.
Naramdaman ko ang luha na dumaloy sa pisngi ko. Agad kong pinawi at nilakasan ang loob. Everything will be okay.
Kinabukasan maaga akong nagising at sobrang nakaramdam ng gutom. Naalala ko na hindi nga pala ako nag hapunan at hindi manlang nag abala si Mama na tawagin ako at ng makakain. Ano paba ang bago don?
Naligo at nagbihis agad ako. Pagkababa ko ay walang katao-tao sa bahay. Kaya umalis na din ako ng bahay at dumeretso na sa school.
Dahil sa gutom ako ay sa canteen nako pumunta tutal maaga pa naman at malelate na naman yung Adviser ko.
"Isang spaghetti at orange juice po Ate." Sabi ko at tsaka ko kinuha ang wallet ko na may laman nalang na 500 pesos. Bumuntong hininga muna bago ko inabot ang isang buong daang piso. Sinuklian naman ako ng 65pesos. Agad akong umupo sa malapit sa cashier. Hindi ko na nakuhang dumulo pa dahil ramdam na ramdam ko na ang sikmura ko na nagwawala dahil kagabi pa ito walang laman.
Habang kumakain ako ay nahagip ng paningin ko ang isang lalaking naka polo shirt na hanggang siko at fitted jeans. Kitang kita ko kung paano dumidepina ang kanyang mga muscles sa kanyang katawan. Ang hot niya maglakad, mabagal pero smooth. Pag angat ko ng tingin ay nag init agad ang mukha ko sa kahihiyan.
Si Sir Sarmiento. Nakataas ang isa niyang kilay habang nakatingin din sakin. Yumuko nalamang ako at hindi na sinubukang bumaling pa sa kung saan siya nakatayo. Hindi ko alam kung umalis naba siya o ano. Inubos ko na ang pagkain sa harap ko at agad na tumayo't nagmamadali pang makalayo sa canteen dahil baka malate nako.
Hingal na hingal akong pumasok sa room at laking gulat ko na nandito na lahat ng classmates ko at tahimik na nakamasid sakin. Nagtaka ako sa inasta nila. Napatingin ako sa orasan at nakita kong 7:30am palang naman. At dahan dahan akong lumakad papapunta sa upuan ko ng hindi tumitingin sa harap. Nakakahiya, late na ba ako? Bat ang aga naman?
Narinig kong bumulong si Cherry "Hoy Euricka, hindi ka manlang nag sorry at late ka." Hindi ko siya pinansin at nagmadali nalang na maupo ako.
"Sorry huh, coz you're late." Isang malamig na boses ang narinig ko. Kung kelan paupo nako ay tsaka ko tumingin sa harap at nanlaki ang mata ko ng si Sir Sarmiento pala ang Prof namin ngayon. Akala ko ba ay si Mam Ingrid ngayon? Mygod.
Hindi ko alam kung saan ako huhugot ng salita. I was shocked! Tahimik pa rin ang mga kaklse ko at wala atang balak na magsalita dahil si Sir Sarmiento ang nasa harap.
"Uh-uhm.." OhGod, Euricka kalma ka naman please.
"What's your name?" He asked. Bigla akong kinabahan. Anong gagawin niya? Bibigyan niya agad ako ni minus dahil sa late ako? Hindi agad ako nakasagot kaya si Tesa na ang nagsalita.
"Euricka Sir." Malanding sabi ni Tesa. I rolled my eyes.
Nakita kong seryoso pa din si Sir na nakatingin sakin. "Surname?" Habang sinabi niya 'yon ay titig na titig siya sakin. Naiilang man ako ay hindi ko pinahalata.
"Hernandez." Si Tesa muli ang sumagot kaya bumaling sakanya si Sir Sarmiento. Kaya kinilig ang grupo nila.
"May I have a sit?" Matapang kong tanong sakanya. Napasinghap ang iba. I don't care. Nangangalay nako dito sa kinatatayuan ko.
Nakita kong sumama ang tingin niya sakin pero dinedma ko lang 'yon kahit pa naghuhurumentado nako sa kaba.
Hindi siya sumagot, bagkus ay nagsimula na siyang magbukas ng book para ata sa lesson namin. Kaya umupo na ako at nagbuklat ng notebook.
Habang nagdidiscuss siya ay ako naman itong nag lalaro ng Flames. Wala akong naiintindihan sa mga tinuturo niya bukod sa mahina talaga ako sa mga numbers, I hate mathematics.
Nilagay ko ang buong name ko at nang isang singer na sikat sa opm na Idol na idol ko. Wala lang baka sakaling kami pala talaga, at married ang kalabasan edi ayos.
Habang binibilang ko na ang kabuuan ay bigla nalang may humila ng papel sa table ko. Agad akong nag angat at sumilay ang kaba sa dibdib ko. Damn! Ako na naman.
"Anong ginagawa mo? Related ba yan sa tinuturo ko?" Taas kilay niyang tanong sakin. Nilibot ko ang mata ko na ngayon ay samin ang atensyon nila. Napabuntong hininga ako at hindi manlang ako sumagot sa tanong niya.
"I'm asking you Ms. Hernandez." Halos mapamura ako sa tawag niya sakin. Umirap ako ng patago pero hindi iyon nakaligtas sakanya.
"Rolling your eyes kid?" Isang sampal sakin ang sinabi niyang 'yon kaya tumindig ako ng upo at tsaka siya tiningnan. I hate you Larmer Sarmiento! "I'm not a kid anymore!" May diing bulong ko sakanya. Ngumisi lang siya ng nakakaasar kaya mas nairita ako, pero hindi maitatanggi na may dulot itong kilig sakin.
"You are kid, so much kid Ms. Hernandez." At tsaka niya ako tinalikuran at bumalik siya sa kanyang topic. Samantalang ako, buong klase niya ay lutang ako.
I'm 20 years old for godsake. Pano niya yon nasasabi? Ganon ba siya katanda para sabihin na bata ako. Anong bang edad para sakanya ang hindi na bata? I still like him, pero naiirita ako sa paraan ng pagtawag niya sakin kanina.
Natapos ang klase na wala akong natutunan. Nakita ko ang mga kaklse ko na nagsisimula ng lumapit sa teacher table para siguro lapitan si Sir Sarmiento. Narinig ko pa ang tili ng mga kaklase ko kaya napabaling ako doon. Agad na nagtama ang mata namin at isang ngisi ang sumilay sakanya. Napayuko ako dahil pakiramdam ko ay namumula ako. Agad na humupa ang ingay sa loob at nag angat ako ng tingin. Halos lima nalang kami ang nandito sa room. Kakatapos ko lang ligpitin ang mga gamit ko at nag konting retouch. Nakita ko siyang nakatayo sa harap ng pintuan at may kausap sa phone. Kaya naman nakakuha agad ako ng pagkakataon na lumabas ng hindi niya mamamalayan.
Lalagpasan ko palang siya ng narinig ko ang sinasabi niya sa kausap niya.
"I'm on my way. I miss you." Agad akong nagmadali na lagpasan siya. Pakiramdam ko kapag nandyan siya lahat ng mali sakin ay mapapansin niya.
Sino naman ang kausap niya? Girlfriend niya? Or Asawa niya? I don't care ugh!
"Nagmamadali?" Napapikit ako ng narinig ko sa gilid ko ang boses na 'yon. Hindi ko siya pinansin. Naiinis pa rin ako at mas nainis ako ngayon. Mas binilisan ko pa ang lakad ko dahil ayokong maramdaman ang presensya niya.
"Hey Kid!" Pang aasar niya. Huminto ako at humarap sakanya.
"I said I'm not a kid!" Naiinis kong sabi. Nag-iba ang aura niya at naging seryoso.
Lumapit siya sakin at mas kumalabog ng husto ang puso ko.
"I know, you are still my kid." Dahan dahan niyang binaba ang mukha niya para mag level ang mata namin. Hindi ako kumurap. Ayokong ipakita o ipahalata sakanya na hanggang ngayon ay gusto ko pa din siya. Kahit yon naman talaga ang totoo.
"I'm not yours Sir." Mayabang kong lintanya. Mas sumeryoso ang mukha niya at nagpadepina kung gaano ka-attract ang mukha na mayron siya..
"Yeah, then?" Panghahamon niya.
Hindi ko alam kung anong sasabihin ko gayong sobrang lapit na ng mukha niya sakin. Nagdikit na ang ilong namin at ramdam na ramdam kong kanyang hininga sa aking mukha. Mas lalo lang nagwala ang sistema ko sa ginawa niya.
"Bakit ganito ka ngayon, Sir?" Diniin ko talaga ang salita "Sir" para alam niya kung gaano kalaki ang agwat naming dalawa. Ngumisi siyang muli. "Para kanina lang ay hindi mo ako kilala at ngayon ay kung makalapit ka sakin ay para bang close tayo?" I glared at him. Masama ang loob ko. Nawala muli ang ngisi niya at napalitan ng galit.
"Sa tingin mo? Kakumustahin kita ng kaharap ang mga kaklase mo? Kakausapin kita bilang isang kaibigan hindi bilang estudyante ko? No Euricka! Until now, you are still kid. Walang nagbago doon." Halos manlabo ang mata ko sa sinabi niya. Why not? Bakit hindi ba pwedeng kamustahin niya ako? Nang malaman ng mga kaklase ko na magkakilala kami. Hindi ba pwede na kausapin niya ko hindi bilang estudyante niya? Hindi ba talaga pwede 'yon? Then he thinks I'm still kid? My God! Hindi ako tumuntong sa ganitong edad kung sa tingin niya ay bata pa rin ako. He always say that! That's insult me!
"Okay then, don't talk to me!" Sabi ko at agad na kumawala sa bitag niya. Mabilis na tumalikod at naglakad. Tsaka bumuhos ang luha at ang mga alala noong highschool palamang ako.

Komento sa Aklat (133)

  • avatar
    SanchezRosielyn

    nakakatuwa nmn po magbasa ng mga novela

    14d

      0
  • avatar
    ArribaAceey

    nice

    26d

      0
  • avatar
    Trisha

    my peyborit 🫶🥹

    18/08

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata