logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter 15: Punches and Knives

Naputol ang pagrereview ko ng biglang bumukas ang pinto ng office kung nasaan ako. Pumasok doon ang babaeng kanina ko pa hinihintay saka nito malakas na sinaraduhan ang pinto dahilan para mapatalon sa gulat ang natutulog na si Siri sa kqndungan ko. Ipinilig nito ang kanyang ulo saka ipinagpatuloy na lang ang pagtulog sa sofa. Dahan dahan kung pinagpag ang hita ko dahil may mga naiwan pang balahibo sa pants ko bago ilipat ang atensyon ko sa babaeng nakatayo lang sa harap ko na parang bagot na bagot na.
"Anong drama to ha?" Sigaw ng nakakainis na babae saka pabagsak na naupo sa sofa na nasa harap ko.
"What kind of drama?" Tanong ko saka muling ibinalik ang atensyon ko sa pagrereview.
"Expelled na ako diba? Bakit mo ako pinapabalik?" Sigaw nyang muli. Ang ingay nya! Kinuha nya ang tasa sa ibabaw ng table ko at walang paa-paalam na uminom sa tasa ng bagong order ko Lang na kape. Napapikit na lang ako Ng mariin at napakuyom ang kamao para mapigilan ang sarili kung wag syang sapakin.
"Hell yeah! I really don't want to see your ugly face, naaawa lang ako sayo," I said, Kinamot ko ang ilong ko at nang-aasar syang tiningnan.
"Fuck you," pagmumura nya, "Hindi ko kailangan ng awa mo, dude. Ako na lang ang kusang aalis dito sa school mo. Saksak mo pa sa baga mo." Walang tigil ang bibig nito kakasalita. She's really annoying and fuck yong kape ko mauubos na nya. Walang hiyang babae! Hindi pa man ako nakakapagsalita ng minemorya kung litanya para bumalik lang sya ay tumayo na ito at nagmarcha patungo sa pinto nitong office.
"Ciao!" Pasigaw nyang paalam. Napahawak na lang ako sa sintido ko ng biglain nyang muli ang pagsasara ng pinto dahilan para lumikha iyon ng malakas na tunog. Saan ba pinaglihi ang babaeng iyon at napakapasaway nya? Fuck! Anong idadahilan ko kay mommy? Nakakainis. Nakakaubos ng pasensya. Bahala sya. Desisyon na nya yun e. Hindi ako maghahabol. Tsk.
Slaine's POV
Napapikit na lang ako ng mariin ng malakas na sumarado ang pinto. Nagulat ako sa sarili kung kagagawan. Crush siguro ako ng Lead na yun kaya nya ako pinapabalik. Gusto nya akong makita palagi para may inspirasyon sya sa lahat ng bagay. Pwe! I can't imagine. Ano ba tong mga naiisip ko. Dala lang siguro to ng gutom ko. Hindi pa kasi ako nag-aalmusal. Napa-kibit balikat na lang ako pero bago pa ako makalayo sa office ni Lead ay may biglang nagpop up na idea sa utak ko kaya bumalik ako sa office ni Lead.
"Why did you come back? Kala ko ba aalis ka, saksak ko pa sa baga ko diba?" Panggagaya nya sa sinabi ko kanina. Hindi ko alam kung nang-aasar ba to o ano. Napakamot na lang ako sa batok ko at dahan dahan na naglakad palapit sa table nya.
"Pengeng five thousand," Sabi ko. Naupo na ulit ako. Itinuon ko ang dalawa kung palad sa baba ko habang nakatingin sa kanya na busy pa rin sa pagbabasa. Hindi nya talaga ako pinapansin. Napaisip naman ako dahil dakila akong overthinker. Nawala ang ngiti sa mukha ko at agad na napalitan ng cold expression. What if pinaglalaruan nya nga lang ako. Pinaalis nya ako bigla tapos bigla ding pababalikin without any reason. What if iniisip nya ngayon na mukha akong pera dahil sa sinabi ko. What if iniisip nya na handa akong bumalik sa school na to kahit pinalayas nya ako ng walang dahilan para lang sa pera---that's a no no. Tatayo na sana ako para umalis at sabihing joke lang pero mabilis na syang nakakuha ng pera sa wallet nya at nailapag sa ibabaw ng table sa harap kk. Sa tingin ko ay hindi lang iyon limang libo.
"I was just joking. I don't need that." Malamig kung sabi. Tumayo na ako at naglakad palapit sa pinto. Hindi ako mukhang pera 'no. Nagbibiro lang talaga ako.
"I'm sorry," he suddenly said. Napatigil ako sa paglalakad at agad na napalingon sa kanya ng marinig kong nagsalita sya. Bat sya nagsosorry?
"For what?" Nalilito kung tanong.
"Sa pagpapaalis ko sayo without valid reason. Bumalik ka na," he pleaded. Ano to bumalik ka na di na ako galit. Ulul.
"Luhod ka muna," utos ko. Actually, bumalik na naman ako. Hindi siguro sinabi sa kanya ni Coser kahapon kaya wala syang kaalam-alam ngayon. Nakakatuwa syang lokohin. Wala na naman sakin yong pagpapaalis n'ya. Parang lately nawalan na ako ng pake. Go with the flow na lang ako, kung san ako dalhin ni tadhana dun na. Parang ayoko na lang kumontra. Matatawa na sana ako at sasabihing joke lang ulit pero tumayo na sya at lumapit sakin.
"Kung ang pagluhod sa harap mo ang magiging way para bumalik ka, I will do it," he said. Namilog ang mga mata ko ng wala syang hesitasyon syang lumuhod sa harap ko. Hindi ako makapag-isip. Hindi ko akalain na gagawin nya talaga ang lumuhod sa harap ko. Ganun ba talaga sya nagsisisi na pinaalis nya ako at handa syang lumuhod sa harap ko bumalik lang ako?
"Bumalik ka na please,"Pagmamakaawa nya. Shit! Nakayuko ang ulo nya kaya hindi ko makita ang expression nya ngayon. Seryoso ba sya?
"Nagbibiro lang ako." Mahina kung saad. Hindi ko naman akalain na gagawin nya talaga. Ilang segundo din syang nakaluhod at nakayuko sa harap ko bago ko makita ang paggalaw ng kamay nya. Humakbang ako paatras at naging alerto. Agad naman syang nakatayo at bumunot ng isang patalim mula sa likuran nya. Good thing at agad akong nakaiwas ng ihagis nya sa direksyon ko ang bagay na iyon at sa likod ng pinto tumama ang dagger. Parehas kaming nakatingin doon at ng humarap ako ulit sa kanya ay wala na sya sa dati nyang pwesto. Nasa gilid ko na sya. Sya ang unang umatake. Puro iwas lang ang nagagawa ko sa mga sipa at suntok nya. Ewan ko pero kinakabahan ako at yun ang nagiging dahilan para manghina ako at hindi makasabay sa mga atake nya. He continued throwing punches and kicks at me. Sa lawak ng office nya ay naikot na namin iyon. I don't want to fight back pero napilitan ako ng muntik na nya akong macorner.
"Bakit ba galit na galit ka sakin?"  Nahihirapan kung sigaw sa kanya dahil sa mabilis na paggalaw. Patuloy lang syang umaatake at puro salag at iwas lang ang nagagawa ko.
"Did you think na hindi ko malalaman ang ginawa mo sa Ducati ko?" Sigaw din nya pero at nag-uumapaw ang galit sa boses nya. Gusto kong tumigil saglit para isipin kung ano bang ginawa ko sa Ducati nya pero hindi ko magawa dahil patuloy lang sya sa pag-atake sakin. Good thing at agad kung naalala ang ginawa ko sa motor nya noong nakaraang araw. Natawa ako bigla ng maalala ko kung paano bumaon sa gulong ng kanyang pinakamamahal na ducati ang micro blade ko. Binuhat ni Lead ang silya at walang alinlangan na itinapon sa direksyon ko kaya agad akong tumapak sa nakabarang sofa at tumalon sa ere upang iwasan ang papadating na silya. Tawa lang ako ng tawa. Tumigil na naman si Lead sa pag-atake sakin.
"HAHAHAHAHA!" Umalingawngaw sa buong opisina ni Lead ang malakas kung tawa.
"I... hahahaha I'm hahahahaha" hinawakan ko na ang tyan ko dahil sumasakit na ito sa sobrang pagtawa. Gusto kung magsalita at depensahan ang sarili ko mula sa ibinibintang nya pero hindi ko magawa. Nakatingin lang naman sakin si Lead n wari ko'y naguguluhan na sakin at iniisip na nawawala na ako sa katinuan. Pinigilan ko ang sarili ko at pinilit na umayos.
"Anong pinagsasasabi mo? Anong ginawa ko?" Tanong ko. Pinahid ko ang luhang lumabas sa mata ko dahil sa sobrang kasiyahan. Naupo ako sa nakabarang sofa saka ako dumekwatro. Itinaas ni Lead ang kamay nya akala ko kung ano na namang patalim ang itatapon nya sakin pero hindi may ipinakita syang maliit pero matalas na bagay. Halos kasing laki lang iyon ng micro sd card. Iyon ang ginamit ko para butasin ang gulong ng motor nya.
"Sayo to, diba. Sinira mo ang gulong ng motor ko." Pang-aakusa nya sakin. Ramdam ko ang galit sa boses ni Lead. Mahal na mahal nya talaga ang kanyang Ducati.
"What?" Natatawa tawa kung sabi but at the same time kunwaring naguguluhan sa pinagsasasabi nya. Nakakainis! I can't stop myself from laughing. Hindi tuloy sya naniniwala na wala akong ginawa sa motor nya, na hindi ako ang sumira nun. Ipapahamak talaga ako ng sarili ko.
"I didn't do it." Dagdag ko pa. I looked at him in his eyes para malaman nya na nagsasabi ako ng totoo.
"Then why are you laughing?" Hindi nakatakas sa aking paningin ang paglabas ng litid sa leeg nya. Nanggigigil talaga sya sa inis dahil sa nangyare sa motor nya. Kunot na kunot na din ang noo nya.
"Because who ever did it is a freaking genius." Napapailing ko pang sabi. I wiped the tears that fell down to my cheeks because of too much laughing. Ramdam ko ang pagtitig nya sakin dahilan ng pagkailang ko. Kung saan saan ko na lang pinadapo ang paningin ko. Ilang segundo na ang nakakalipas pero nanatili pa rin syang nakatayo sa harap ko at nakatitig sakin. Nababahala na ako.
"What? You still don't believe me? Just because I'm laughing? I don't even care about your d*amn Ducati, dude." Iniikot ko ang mata ko. Saka pinaglaruan sa aking daliri ang napulot kung lapis sa sahig.
"Wooops!" Agad akong nagpatalikod mula sa pagkakaupo ko. Gumulong ako sa sahig para makalayo sa kanya at maiwasan ang nakakapanindig balahibo nyang sipa. Inatake na naman nya ako at wala na akong nagawa kundi makipagsabayan sa kanya. Oo, ako ang sumira sa motor nya pero hinding hindi ako aamin. Kahit nakalatag na sa harapan naming dalawa ang ebidensya na ako nga ang gumawa nun hindi pa rin ako aamin.
"Ahh!" He throw knives at my direction that I don't even know where did he get those.. Halos maduling na ang mata ko sa pagsunod sa mga kutsilyo kung saan sila tatama para maiwasan ko.
"Just because of your freaking Ducati you're going to kill me?" Sigaw ko.
"Yes." sagot nya. Fuck!
"Are you fucking serious, dude?!" Sigaw ko. Madali kung dinampot ang silya na kanina pa namin pinagbabalibagan saka ko iniharang sa aking mukha sakto naman na parating sa direksyon ko ang dagger na ibinato nya. Ibinalik ko sa direksyon nya ang silya kung saan tumama ang dagger ngunit mabilis din nya itong naiwasan.
We throw puches, kicks, and hard things at each other. Sobrang kalat at gulo na ng kwartong ito ngunit walang gustong magpatalo sa aming dalawa.
"Ugh..." Hirap kung sabi ng tumama ang likod ko sa nakabarang table na sinipa ni Lead kanina. Napapikit ako ng mariin kasabay ng paghawak sa tyan ko. Natamaan ako ng gago. Pakiramdam ko sandaling umikot at nandilim ang paningin ko. Ang lakas nya. Itinuon ko ang kamay ko sa nakabarang table para tulungan ang sarili kung makatayo. Muntik pa akong mabara dahil sa hilo. Buong lakas nya ba ginamit nya sa pagsipa sakin? Ganun na ba sya kagigil na masaktan ako?
"Just tell me if you want me to take you to the clinic. " Tunog nang-aasar ang boses nya. Concerned pa pala sya ng lagay na yan? Tiningnan ko lang sya. Iniisip kung ano ang posibleng iniisip nya ngayon. Nakokonsensya pa kaya sya? Nakakatawa. Bakit ko pa nga ba naisip yun. Bakla siguro to si Lead. Nananakit ng babae. Huhu
Itinaas ko ang kamay ko na parang pinapahinto sya.
"Nah. Okay lang ako. Kaya ko," Paninigurado ko. Tumayo na ako ng tuwid at nagpagpag ng kamay. Nakaramdam naman ako bigla ng pagkagutom kaya nagpaalam na ako sa kanya.
"Ahhy. Nagugutom ako,"Sabi ko saka Hinimas himas ko ang aking tiyan at napasimangot. Iniikot ko ang mata ko sa buong paligid at dun ko lang narealize na sobrang kalat na ng office ni Lead. Nakabara yong sofa at table. Nagkalat din ang papel. After kung mapagmasdan ang paligid ay awkward akong ngumiti kay Lead saka nanakbo sa pinto.
"Ikaw na mag-ayos nyan ah. Ciao!" Paalam ko. Agad agad kung sinarado ang pinto at nanakbo palayo sa office nya. Aba! Baka ako pa pag-ayusin nya ng office nya. Ano sya sinuswerte? It's a no.
At dahil nagugutom ako naisip kung pumunta sa cafeteria. Sarili ko lang ang nakikita kung pagala-gala dito sa labas habang ang mga ka-schoolmate ko ay busy-ng busy sa pag-aaral. Pagpasok ko sa cafeteria ay agad na napatingin sa'kin ang mga vacant teachers na naroon at busy sa pagtitipa sa kanilang laptop. Nagpatay malisya na lang ako at dumeritso sa counter. Tahimik lang akong nag-isip habang tinititigan ang mga pagkain sa malaking screen na nasa harap ko. Si ate girl naman ay nakasunod lang ang tingin sa'kin. Wala akong nanakawin, 'te lubayan mo ako ng titig mo. Bigla naman akong nagcrave sa pizza kaya ngumiti ako ng awkward kay ate girl na nagbabantay at dahan dahan na naglakad patalikod para umalis na sa cafeteria. Nanakbo ako palabas hanggang sa makarating ako sa tapat ng gate. Sarado pa ito dahil class hour pa naman.
"San ang punta mo, neng? May klase pa ah." Puna sakin ni manong guard na feeling principal ng school. Matangkad sya na mataba at maitim ang batok at leeg. Alam kung hindi niya ako palalabasin basta-basta kaya umisip ako ng paraan para makalabas at makakain na. Bakit kasi walang pizza sa cafeteria. Hinawakan ko ang tiyan ko at umakto na parang masakit iyon. Ngumiwi ngiwi pa ako saka halos mamilipit na lumapit kay manong guard.
"Manong, baka naman pwede mo akong palabasin." Kunware'y nahihirapan kung sabi habang nakakapit pa rin sa tiyan ko. Sakto naman na pawisan ako dahil sa pagtakbong ginawa ko kanina.
"Bakit?" Tanong nya. Manong guard naman oh. Babakit pa e kita na ngang namimilipit na ako dito.
"Masakit kasi ang tyan ko. Natatae na ako. Nakakain yata ako panis sa cafeteria kanina," paliwanag ko. Pinunasan ko ang pawis ko. Tuloy lang ako sa pag-arte na masakit ang tiyan ko.
"Bakit ka pa lalabas? Maraming comfort room dito ah. Dun ka dumumi." Utos nung guard. Napangiwi ako lalo. Ang kj naman nitong guard na to. Hindi nauubusan ng tanong.
"E hindi ako komportable sa mga cr dito saka malapit lang naman ho bahay namin. Paglabas lang ng gate tas kunting lakad. Dun na. Sige na, manong lalabas na e. Gusto mo ba magkalat ako dito?" Pananakot ko pa sa kanya. Napakamot si manong guard ng batok nyang maitim. Narinig ko pa ang pag-hays nya habang naglalakad papasok sa guard house. Ilang sandali lang unti-unti ng bumubukas ang gate. Hala! Automatic pala to. Ngayon ko lang nalaman. Nang tuluyan ng bumukas ang gate ay agad na akong tumakbo palabas doon baka magbago pa isip ni manong e. Agad din naman akong bumalik ng may maalala ako.
"Salamat, manong." I giggled before running out of the gate. Nagpunta naman ako sa malapit na order-an ng pizza. Isang Hawaiian pizza ang in-order ko. Some people hate pineapple on pizza but me? I really love it. I think pineapple makes pizza more tasty and unique. Yeah.
Naglalakad na ako pabalik sa school ng maramdaman kung parang may sumusunod sakin. Binalewala ko yun at nagpatuloy sa paglalakad. Palingon lingon din ako at napansin ko ang tatlong lalaki na nakasuot ng black suit. Matatangkad sila at malalaki ang katawan. I checked my pulse under my maxillary. Parang hindi na naman normal ang pagtibok ng puso ko dahil sa sobrang bilis nito. At sa sobrang lakas ay nqririnig ko na rin ito. Nakakaamoy na naman ako ng trouble. Dapat pala sa cafeteria na lang ako kumain bakit kasi nagcrave ako bigla sa pizza. Nakakainis ka naman, Slaine. Lagi ka na lang napagtri-trip-an.
Tumakbo na ako at napansin ko na tumatakbo din sila kaya mas hinigpitan ko ang kapit ko sa tali ng pizza at mas binilisan ang pagtakbo ngunit agad din akong napapreno ng makasalubong ako ng mga taong nakaitim din katulad nung tatlong lalaki na humahabol sakin kanina. Paglingon ko naman ay papalapit na din sakin yong tatlong lalaki na humahabol sakin. ilang sandali pa ay may dumating na itim na van at bumaba doon ang iba pang lalaki. Pare-parehas silang nakasuot ng itim na suit. Napapalibutan na nila ako at wala na akong takas sa kanila.
"And where do you think you're going?" tanong nung isang lalaki na humabol sakin kanina. Malagong ang boses nya dagdag pa ang panget nyang pagmumukha kqya mas lalong nakakatakot pero ang taray englishero ang lolo mo.
"U-uuwi na hehe." Nagbibiro kung sagot pero mukhang hindi sya natuwa doon. Mas tumalim ang tingin nya sakin. Sino ba tong mga to? Anong kailangan nila sakin? Tauhan na naman ba to ni Reid? Talagang gusto nyang makipaglaro sakin ah. Malaman ko lang talaga kung saang saya sya nagtatago. Humanda sya sakin dahil babaliin ko lahat ng buto sa katawan nya. Nag-isip ako ng paraan kung pano makakatakas sa kanila pero walang pumapasok sa isip ko. Marami sila, napapalibutan nila ako, dagdag pa na nagugutom na ako dahil kape lang ang inalmusal ko kaninang umaga bago ako pumasok sa school. Pagtingin ko naman sa wristwatch ko ay malapit ng mag-alas dos. Maghapon na naman pala akong absent sa klase. I wonder kung nakakailang absent na ba ako sa pagkakaalam ko mag-iisang buwan pa lang ako sa school na yun. Ang tanging paraan na naiisip ko para makatakas sa kanila at makakain na ay ang lumaban. Umayos ako ng pagkakatindig at sandaling pumikit. Pinakalma ko muna ang naghuhuramintadong puso ko sa pamamagitan ng paghinga ng malalim. Inilagay ko ang bakante kung kamay sa loob ng suot kung pants. Pinagmasdan ko kung gaano kalalayo ang pwede kong target-in. Hindi ko alam kung sinong uunahin ko kqya napangisi na lang ako Ng mahawakan ko ang matalas na bagay sa loob ng bulsa ko. Mabuti na lamang at parati akong may dala nito in case of emergency, like this.
Nakakahalata na yata ang mga lalaki sa harapan ko kaya agad na silang kumilos at sinugod ako. Akmang susuntukin na ako ng isang lalaki ngunit nahinto ang kamay nya sa ere ng may pumigil dito na Isa pang kamay. Namilog ang dalawa kung mata sa gulat ng makita ko si Coser at Gun sa tig-kabila kung gilid. They are protecting me from those guys who wants to attack me.
"Go! Kami ng bahala dito." Bulong ni Coser sa akin. Agad naman akong napaatras.
"Watch me." Ngumisi pa ang Coser na may kasamang pagkindat kaya naman agad na tumaas ang sulok ng labi ko na parang nandidiri sa ginawa nya. Lumayo ako sa kanila. Naupo ako sa bato at pinanood silang maglaban laban. Anong ginagawa nila dito? Sinundan ba ako ni Coser or talagang nagkataon lang na nandito sila?
Ipinilig ko na lamang ang aking ulo at nagsimulang panoorin sila. Watch daw e edi manood. Binuksan ko ang pizza na malamig na dahil sa mga walangyang lalaki na to at nagsimula na ding kumain. Para kung nanonood ng live action. In fairness, magaling makipaglaban ang dalawang to. Parang sanay na sanay na sila sa kanilang ginagawa.
"Ugh shit..." Napadako ang tingin ko sa gawing kaliwa Ng marinig ang daing na iyon. Nakita ko si Gun na nakalupagi sa sahig habang sapo ang sikmura niya. Mukhang napuruhan ang gago. Tatayo na sana ako para tulungan sya ng agad naman syang tumayo kaya napabalik ako sa pagkakaupo ko sa bato.
"Okay ka lang ba, Gun?" Nag-aalala kung tanong. Kasi kung hindi na handa naman akong pumalit sa kanya. Medyo marami rami pa kasi silang patutumbahin. Nagawi ang tingin niya sa pwesto ko at tipid na ngumiti. Dumudugo na ang ilong nya.
"Okay lang ako." Sagot nya. Muli na syang sinugod ng Isa pang lalaki kaya nagsimula na naman silang magbuno.
"Ako ba hindi mo ba ako tatanungin, Slaine?" Birada naman ni Coser. Pinanlakihan ko sya ng nata.
"Di. Kaya mo na yan." Parang nauumay kung saad kaya napasimangot sya. Hindi ko na lang iyon pinansin at nagpatuloy lang sa pagkain ng pizza. Tinanggal ko isa isa ang pineapple saka iyon kinain ng may kasamang hot sauce. Hmm sarap. Napaisip naman ako. Kalahati pa lang ang napapatumba Nina Coser at Gun dun sa mga lalaking naka-itim pero sa lagay nila ay parang maisusugod ko pa sila sa hospital mamaya. Pano na lang kaya kung hindi pa sila dumating? Siguro patay na ako ngayon. Habang kumakain ng pizza ay pingmasdan kung mabuti ang bawat galaw ni Coser. The way he throw punches and kicks sa kalaban. Yong paraan ng pakikipaglaban nya, mga technique nya para macorner ang kalaban. It all reminds me of someone, someone I don't even want to remember at all.
"Don't be afraid, I'm always here. I won't leave you." He smiled at her with assurance that he's not going to leave her. His smile made the young girl smile too. Unti unting nawawala ang takot nya---no scratch that hindi sya natatakot kapag nandyan sya sa tabi nya. Dahil alam ni Slay na hindi sya nito pababayaan at lagi sya nitong poprotektahan.
"Promise?" Naluluha luha pang sabi ni Slay. Itinaas ng batang lalaki ang kanan nyang kamay at muling sinambit ang salitang sinabi ni Slay.
"I won't leave." He promised.
Napatigil ako sa pagkain ng muli kung maalala ang pangako nya sakin na hindi nya ako iiwan at lagi nya akong poprotektahan. Naalala ko sya, sya na sumira ng tiwala ko at ang dahilan kung bakit hindi ako naniniwala sa mga pangako. Sya na naging dahilan para mas lalo akong umiwas at maniwala na lahat ng tao iiwan ako kahit na mangako sila. Pero kahit na iniwan nya ako ng walang paalam. Kahit iniwan nya ako na clueless at puro tanong kung bakit ba sya umalis. Hindi ko pa rin magawang magalit sa kanya at deep inside my heart hinihiling ko pa rin na bumalik sya. Minsan tinatanong ko ang sarili ko kung ako ba ang dahilan ng pag-alis nya pero wala naman ako matandaan na ginawa ko sa kanya para iwan nya ako. Siguro nagsawa na lang talaga sya sakin.
Huminga ako ng malalim. Ibinalik ko ang slice ng pizza sa loob ng box. Nawalan na ako ng ganang kumain. Namimiss ko sya. Namimiss ko na naman ang best friend ko. Bago pa man ako maiyak na naman ay tumayo na ako at pinagpag ang likod ng suot kung pants.
Kita ko ang sabay na pagbagsak nina Coser at Gun sa sahig ng matalo nila ang huling kalaban. Puro daing ang naririnig ko sa bawat paligid. Wala namang namatay pero bali ang it's either paa nila or braso.
"Hey you two over there, you okay?" Sigaw ko.
"Yeah!" Sabay naman nilang sagot. Tumayo ako at nilapitan silang dalawa saka chineck kung masama ba ang tama nilang dalawa pero hindi naman kaya iniwan ko na sila at lumapit sa isang lalaki na namimilipit habang hawak hawak ang binti. Naupo ako sa tapat nya pero hindi lapat sa sahig ang pwetan ko.
"Who's behind this?" Tanong ko sa lalaki pero hindi sya nagsalita. Nanatili lang syang nakatitig sakin na parang walang narinig.
"Who's behind this?" Pag-uulit ko. Sa sobrang inis ko ng hindi pa rin sya sumagot ay hinawakan ko ang leeg niya ng mahigpit. Hawak ng lalaki ang kamay ko na nakahawak sa leeg nya. Namumula na sya at lumalabas na rin ang litid sa leeg nya pero patuloy lang ako sa pagsakal sa kanya. Nandidilim ang paningin ko. Ramdam na ramdam ko ang galit na namumuo sa dibdib ko.
"Hey, hey, hey!" Awat ni Gun.
"Hey, Slaine! Stop! Stop that!" Sigaw ni Coser. Naramdaman ko na lang ang paghila sakin ni Coser at Gun palayo doon sa lalaki. Taas baba ang dibdib ko dahil sa malalalim kung paghinga. Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko.
"Sorry. Sorry for dragging you into this mess." Saad ko. Tumakbo na ako palayo sa kanila. Might as well tumakbo na rin ako palayo sa buhay nila. Nadadamay ko na sila sa gulong nakapalibot sa buhay ko. Ayokong makaabala ako sa kanila. They have nothing to do with my life, anyway.

Komento sa Aklat (11)

  • avatar
    Ashley Belle

    hi there are you?

    21/08/2022

      0
  • avatar
    Shaina Bunye

    this great

    27/02/2022

      1
  • avatar
    Joselou Bustamante

    wenselgwaponpero bayot

    17/02/2022

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata