logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter 14: Familiar

6:03 pm na ako nakalabas sa school. Tinapos ko pa ang report ko bago ako umuwi. Habang nasa byahe ako ay hindi ko maiwasang hindi isipin kung tama ba ang naging desisyon ko na paalisin na lang si Chase sa school. I promised to myself and to her parents that I'm going to protect her pero  hindi ko alam kung pagpoprotekta pa ba ang ginagawa ko o mas lalo ko lang syang pinapalayo sakin.
Bumalik sa ala-ala ko ng makita ko syang umiiyak sa burol ng magulang nya. Parang binibiyak ang puso ko ng mga oras na yun. Ramdam ko ang hirap na pinagdadaanan nya. Gusto ko syang yakapin ng mga oras na yun pero hindi ko magawa. Nahihiya na ako sa kanya. Wala akong mukhang maiharap sa kanya. Naprotektahan ko nga sya noong gabing yun pero hindi ko nagawang protektahan at iligtas ang magulang nya na naging dahilan ng pagkabasag ng puso nya.  She's one of the strongest woman I've ever met. I told Coser na pabalikin sya dito because I know na medyo close sila but Chase is a stubborn one. Antaas din ng pride nya. Ngayon hindi ko na alam kung anong gagawin o idadahilan ko para bumalik sya.
Huminga ako ng malalim. Gigil kung hinawakan ang manibela saka mabilis na iniliko ang kotse. Dire diretso akong pumasok sa gate ng isang malaki at mataas na mansyon. Ipinarada ko ang kotse ko sa malawak na garage. Pagkapasok ko pa lang sa pinto ng mansyon ay agad ko ng naramdaman ang pagod at antok.
"I'm home." Walang energy kung sabi. Hinubad ko ang aking polo at inihagis iyon sa sofa.
"How's your day, baby?" Umalingawngaw ang boses ng isang babae sa buong living room ng mansyon. Gaya ng inaasahan ko biglang sumulpot ang isang babae na palaging nakasuot ng hanggang ankle na bestida. Malawak ang ngiti nitong lumapit sa akin at hinalikan ako sa pisngi. Agad ko naman syang niyakap dala ng sobrang pagod.
"Not really okay," i confessed. Ganito palagi ang routine namin ni mama. Uuwi ako ng bahay galing school, susulpot sya bigla galing sa kung saan at itatanong nya kung anong nangyare maghapon. Though I find it sweet kahit paulit ulit.
People in school used to know me as an introverted person. I distance myself to other students and usually nakikipag-usap lang ako kapag importante ang pag-uusapan. Nagiging comportable lang ako around my mom. Sa kanya ko lang napapakita ang soft side ko.
"Hmm. Why baby?" Mahinahon nyang tanong. Sinuklay suklay nya ang buhok ko gamit ang daliri nya.
"Ma, i already told you stop calling me baby. I'm not a kid anymore," Reklamo ko. Lumayo na din ako sa kanya at sumandal sa sofa.
Ngumuso si mama, "Ikaw na nga lang ang baby ko tapos pagbabawalan mo pa akong tawagin kang baby," nagtatampo nyang sabi. She's so sweet. At minsan naiirita na rin ako sa pagiging sweet nya. Pinaglihi yata si mommy sa dessert. Hindi ko pinansin ang sinabi nya.
"Oh. Remember the girl I'm always telling you?" I asked her. My mom looked up and I already knew what's going on in her mind.
"That annoying creature? Yes, i remember her? Kayo na ba? Ano kelan mo sya ipapakilala sakin? Yes! May girlfriend na ang baby ko," tuwang tuwa nyang sabi habang napapalakpak pa. Nasapo ko na lang ang noo ko dahil sa sinabi nya. Dapat pala hindi ko na lang itinanong yun. Wrong move.
I stared at her coldly while she's smiling from ear to ear. She's always excited for me to have a girlfriend.
"Hindi kami, ma," i stated. And with that her smile slowly fade. Sumimangot sya.
"I kicked her out of my school,"pag-amin ko. This time si mommy naman ang tumingin sakin ng masama. Ang bilis nya magtransform. From being sweet to cold monster. Real quick.
"Why. Did you do that? That school is still mine. You don't have the rights to kicked my students out especially her," she said. I usually don't fear people because people fear me but this time, I felt fear. Nakakatakot si mommy.
"She's so annoying. I hate her. The way she looked at me. And she's the first ever girl na kumalaban sakin." Bakas ang inis sa pagmumukha at tono ng boses ko habang nagsasalita.
"Why are you so annoyed? Let me guess, natalo ka nya nung naglaban kayo. I want to meet her already. Kita mo yon? May nakatalo sayo? Haha!" Sarcastic na tumawa si mommy. Sabi ko nga dapat hindi ko na sinabi sa kanya pero malalaman at malalaman nya din ang tungkol doon. After all as what she just said, sya pa rin ang may-ari ng school na yon.
"You can't. Hindi na sya babalik sa school," i declared.
"Why can't I? I have my ways, Haechen," she smirk.
"I won't let you meet her."
"Then, pabalikin mo sya sa school."
"What? I can't do that."
"Then, I'll meet her." Fuck! Why does my mom so annoying?
"Fine. Tommorow. I'll make sure that she's going back to school," I assured her. I have no choice.
"Good," She's so annoying. Is she really my mom? Ah, I remember, she's not. Hinila ko ang polo na nakasampay sa sofa at walang imik na naglakad paakyat ng hagdan.
"Haechen, where are you going?" Tanong nya.
"To sleep," Matipid kung sagot. Dire diretso lang ako hanggang sa makarating ako sa kwarto ko. Ayoko na munang mag-isip ngayon. Masyado ng pagod ang katawan ko.
Pumasok ako sa banyo at nagbabad sa shower ng ilang minuto bago ko naisip na matulog na.
Kinabukasan, muli na naman akong sinundo ni Coser sa bahay para kumbinsihin ako na bumalik na sa school. Noong una ay Hindi ko sya pinapansin pero nung sinabi nya na ililibre nya ako ng kape sa LJS café Kung saan ako lagi tumatambay. Hindi ko Alam Kung pano nya nalaman na dun ako lagi tumatambay e dalawang beses nya lang naman akong nakita na pumunta dun. Nung sinundan pala nya ako at yun din Yung time na nakita nya akong umiiyak nun. Saka nung time na natapunan ko sya ng kape sa braso. Nakalimutan ko na Yung reason bat ako umiiyak nun e. Inilibre nya din pala ako ng kape nun. Nag-offer din pala sya na ihatid ako nun sa bahay kaya nya nalaman kung san ang bahay ko kahit na  iniligaw ko sya at ibang bahay ang itinuro ko sa kanya. Just like the first time na nakasabay ko syang pumasok sa school, naglakad Lang kami. Pinark nya muna ang kotse nya sa school saka nya ako sinundo sa bahay. Nang pumasok kami sa mataas at malawak na gate ng SIS, nqnibago ako. Kahit na ilang linggo na din ang naitagal ko sa school na to pakiramdam ko ay unang araw ko pa Lang ngayon.
Pinagtitinginan kami ng ilang estudyante. Dahil pa rin ba sa nakakatakot kung mga mata o dahil kasama ko si Coser. Maybe both. Mainggit sila kasama ko Lang naman ang pinapantasya nila. Joke! Wala naman akong pake dito Kay Coser e. Mas binilisan ko ang paglalakad ko kay Coser baka kasi makita ko si Lead baka masapak ko Lang sya. Ayokong ma-guidance ng Wala sa oras no. Baka kasuhan nya pa ako e. Animal abuse.
Malapit na kami sa cafeteria ng matanaw ng mga mata ko ang dalawang babae na nakaupo sa bench. Nang makita nila ako ay agad na sumilay ang ngiti sa kanilang labi, kumaway na parang excited na excited at nag-uunahang lumapit sakin.
"Slaiinnneee!!" Sigaw nilang dalawa kaya mas Lalo kaming pinagtinginan. Walang pinagbago maingay pa rin talaga sila. Isang matipid na Hi Lang ang imabot ko sa kanila.
"Anong nangyare?" Tanong sakin ni Nyx.
"Nangyare?" Tanong ko, "Wala naman," Kibit balikat kung sagot.
"Kalat na kalat sa buong school na nakick out ka kasi may nilabag kang rules. Totoo ba yun?" Tanong ni Nyx. So that was the reason kaya ako pinagtitinginan ng ibang mga estudyante kanina. Kasi kalat sa buong school na nakick out ako kasi may nilabag akong rules? Bakit hindi ko Alam na may nalabag na pala akong rules? Saka bat andami? Dahil ba Doon sa pagpasok ko ng sirang building o pagcucut ng klase? Bakit wala akong natanggap na warning? First offense pa Lang naman ah kick out agad? Ah! Hahaha hindi nga pala nila alam na Kaya ako na kick out ay dahil ang annoying ko. Pinakapanget na rason na narinig ko sa tanang buhay ko. Ginagalit talaga ako nitong si Lead e. Ang kapal pa ng mukha nyang ikalat sa buong campus na to na nakick out ako dahil may nalabag akong rules kahit Wala naman. Nakakainit ng bumbunan. Pisti. Parang gusto ko syang sakalin sa mga oras na to. Pero Hindi ko pwedeng sabihin sa kanila na Kaya ako nakick out ay dahil sa 'annoying' ako. Ayokong gumawa ng issue.
"Ah, yes, but they gave a second chance so yeah," Casual ko Lang na sabi. Narinig ko naman ang pag-tsk ni Coser sa likod ko.
"Sandali!" Napalakas ang boses ni Lee ng sabihin nya yun. Ano na naman ba?
"Bakit nga pala sabay kayong pumasok niyang unggoy na yan?" Nanlalaki ang mata ni Lee habang nakaturo ang hintuturo nya kay Coser. Wala talagang makakalagpas sa kanya. Lahat yata ng bagay napapansin netong si Lee. Jusko.
"anong unggoy? Sa gwapo kung to. Mahiya ka nga," Rebutt naman ni Coser, "saka masama na bang magkasama ang magkaibigan ngayon?" Coser grinned, emphasizing the word 'magkaibigan'.
"Kelan pa?" Sabay na tanong ni Lee at Nyx.
"Matagal na." Chill na saad ni Coser. Nagkibit balikat pa sya bago ipinatong ang braso nya sa balikat ko na agad ko namang tinabig dahil braso nya pa lang limang kilo na yata sa bigat.
"Wala naman akong naalala na sinabi kung magkaibigan na tayo." Dahil sa sinabi ko ay nagtawanan si Lee at Nyx.
"Burned." Sigaw ni Nyx.  Halos hindi naman maipinta ang mukha ni Coser. Inambahan nya ng sapak si Lee Kaya agad nya akong hinila at ipinangsangga kay Coser kaya hindi nya na natuloy ang gagawin nya. Tawa lang naman ng tawa si Nyx sa pag-aaway na nagaganap sa pagitan ng mag-pinsan.
"Suportahan mo naman ako, Slaine." Reklamo ni Coser.
"Ayoko nga." Natawa ako.
Pare-parehas pala kaming hindi pa nag-aalmusal kaya napagdesisyunan naming kumain muna sa cafeteria bago pumasok sa room. May mga estudyanteng napapalingon pa dahil hinahabol nila kami ng tingin. Siguro ay ngayon Lang nakitang magkasama ang magpinsan dahil napapansin ko din naman na hindi talaga masyadong naglalapit si Coser at Lee.
"Ang pogi ko talaga." Hindi na lang namin pinansin ang pagiging positive ni Coser. Sabay-sabay kqming pumila at kumain sa iisang table. Sinabi ni Coser na sya na Lang ang magbabayad ng sakin Kaya sinabi din ni Lee na bayaran na din ni Coser ang mga pagkain na kukunin nya per tumanggi sya at ang tanging nya Lang sinabi...
"Hindi ikaw si Slaine." Sagot ni Coser Kaya nagpapadyak na parang bata si Lee at paulit ulit na nirereklamuhan si Coser na ang unfair daw. Natawa na Lang ako at hinayaan na si Coser ang magbayad. Babayaran ko na lang din sya next time. Hindi ako masyadong makapag-concentrate sa pagkain dahil maraming mata ang nakatingin samin dagdag pa na nag-aaway tong mag-pinsan dahil sa pasta. Inaagawan ni Coser si Lee Ng pagkain Hindi naman nagpapatalo yong isa Kaya kumukuha din sya Ng pagkain sa pinggan ni Coser. Ganito ba lagi ang mangyayari kapag kasama ko tong dalawang to. Buti pa si Nyxx, tahimik lang.
*
"Magkaibigan Lang ba talaga kayo?" Um-echo ang boses ni Lee sa buong comfort room. Hindi ako nagsalita dahil hindi ko naman alam Kung sinong tinutukoy nya samin ni Nyx. Napa-oh na Lang ako Ng tawagin nya ang pangalan ko ng Hindi ako sumagot.
"Yeah." Matipid kung sagot. Kahit wala naman akong sinabi na kaibigan ko na Rin si Coser. Tumayo na ako at f-in-lush ang bowl.
"Are you sure?" Paninigurado pa ni Lee.
"Yeah. Why? Iniisip mo ba na kami?" Tanong ko. Can't imagine.
"You know what Lee? If you're not a girl I'll suspect you for having a crush on Slaine." Singit ni Nyx. Sinaraduhan ni Nyx ang lipstick nya saka sumandal sa pader.
"I'm just asking, okay? Naninigurado Lang ako." Natatawang sagot ni Lee. Lumapit ako sa may pwesto nilang dalawa at binuksan ang faucet para hugasan ang kamay ko, "kilala ko ang pinsan ko, Slaine, wag kang magkakamaling magkagusto sa kanya."
"Thanks for the warning. We're just friends." Walang kagana gana kung saad. I turned off the faucet. Humila ako ng tissue at tinuyo ang kamay ko gamit iyon.
"Don't worry, were just friends." Pag-uulit ko pa, "and what you're thinking right now will not gonna happen." Isinabit ko ang bag sa balikat ko at walang paalam na lumabas Ng comfort room. Kung iniisip nya na boyfriend ko si Coser. Ang panget nya mag-isip. Hindi ko naiimagine ang sarili ko na magkakagusto Kay Coser. Masyado syang babaero and besides wala naman sa isip ko ang mag boyfriend ang tanging iniisip ko lang ngayon ay Kung kelan ko mabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ng mga magulang ko mula sa kamay ng mga taong siyang dapat mawala dito sa mundo
Malapit na kami sa building ng aming classroom ng mapatigil kami. Sabay sabay kaming napalingon sa hallway kung saan naglalakad ang babaeng matangkad, maputi, maganda at may blondeng buhok. May kasunod syang dalawa pang babae. Lahat ng madadaanan niya ay napapatingin sa kanya. Mukha syang model sa ganda ng paglalakad nya.
"Is that Yvaine?" Rinig kung bulong ni Nyx.
"Oo. Buti naman naisip na nyang pumasok." Pabulong na sagot ni Lee.
"Naisip mo pa yan? E pumapasok lang naman yan kung kelan nya gusto, do you know her, Slaine?"  Baling sakin ni Nyx.
"No. Who is she?" Tanong ko na lang na parang interesado talaga akong malaman kahit pangalan nya.
"Her name's Yvaine. Wag kang lalapit sa kanya baka mahawa ka nyan ng ka-toxic-an. Palibhasa may share ang parents nya sa school na to kung makaarte kala mo siya may-ari." Kahit hindi ko kita ang mga mata ni nyx pero alam Kung umiikot na yun.
"Walang nagtatangkang kalabanin yan. Takot kasi silang mawalan ng scholarship kaya yong iba nagiging sunod-sunuran. A total bully and brat." Lee explained.
"Okay, thanks sa info." Sabi ko. Tinapik ko ang balikat ni Nyx at saka na kami muling nagpatuloy sa pag-akyat ng hagdan para makapasok sa aming classroom. Turns out na kaklase pala namin sya. Hindi ko na rin nahagilap pa si Coser matapos naming kumain. Humiwalay na kasi sya samin. Habang nagdidisscuss ang aming teacher ay hindi ko maiwasang mapatingin sa grupo Nina Yvaine. Hindi kasi sila nakikinig at nagcecellphone lang sila.
Maghapon akong bored sa klase, as usual. Pumasok naman si Coser nung afternoon class. Late pa sya at may pasa sa ibaba ng mata nya. Nung tinanong ko sya kung anong nangyare, nagyabang pa sya na napatumba nya yong lima nyang kalaban na sya lang mag-isa at isang pasa lang nakuha nya Kaya ang ginawa ko diniinan ko ang pasa nya hanggang sa magmakaawa sya sakin na tigilan ko na.
*
What?!" Naiinis na sigaw ko kay Nyx at Lee na nakahawak sa magkabila kung braso. Uwian na namin ngayon at nandito kami sa tapat ng gate. Inaaya nila ako na mamasyal man lang daw kami.
"Ngayon lang naman eh. Bakit ba takot na takot kang gumala? Uwian na oh! Hindi naman tayo magcucut ng class." Parang naiinis na rin na sabi ni Lee. Aba! Sya na nga 'tong nang-aabala sya pa maiinis. Ako dapat mainis dito eh.
"Saka kahit naman magcut tayo ng class, okay lang sayo. Sanay ka naman e hahaha." Natatawang saad ni Lee dahil sa sinabi nya ay tumaas ang sulok ng labi ko.
"Ayoko!" Matigas kung sabi habang pilit na inaalis ang braso ko mula sa pagkakakapit nilang dalawa.
"Ang kj mo talaga. Bilis na, Slaine oh! Kahit ngayon lang samahan mo naman kami. Ililibre ka namin. Please!?" Pagmamakaawa ni Lee. Dapat kasi umuwi na ako kanina pa ayan tuloy nacorner nila akong dalawa. E tamad talaga ako pagdating sa ganyang bagay. Mas gusto ko pang magkape sa LJS café o kaya umuwi sa bahay at matulog kesa mamasyal.
"Nakiki-usap ka ba talaga, Lee, huh?" Inis kung bulyaw sa kanya. Nakakainis naman itong dalawang 'to. Feeling ko isang hikit na lang nila mahihiwalay na ang braso ko sa katawan ko eh. Saka ayaw ko ring sumama kasi ililibre nga pala ako ni Coser ng kape pero ang ugok kanina ko pa hindi mahanap. Bat nga ba ako umasa sa sinabi ng isang yun? Psh.
"Please? Hindi ka ba nabobored sa bahay nyo? Sigurado namang hindi ka nag-aaral pagdating sa inyo eh. Maaga ka nga laging umuwi, mababa din naman mga grades mo?" Kumunot ang noo ko sa mga pinagsasasabi nitong si Nyx. Hindi ko alam na may pagkabalahura din pala ang bunganga nya. Saka ang galing nya manghula ah.
"Gago! Eh ikaw? Kelan ba tumaas grades mo?" Ganti ko sa kanya kahit hindi ko alam kung matataas ba grades nyan o bagsak din.
"Sabi ko nga eh," napapakamot sa batok na sabi ni Nyx, "Tara na kasi," pamimilit din nya. Gago, parehas pala kami. Napabuntong hininga na lang ako ng hikitin na naman nila ang magkabila kung braso. Pinagtitinginan na rin kami ng mga taong nakakakita sa'min. Para kasing tanga nitong dalawa sa tabi ko. Kanina pa kasi nila ako inaaya na gumala daw muna kami bago umuwi. Eh hindi ko naman gawain 'yun eh, saka kailangan ko ng magpahinga. Feeling ko pagod na pagod na naman ako kahit wala naman akong ginawa buong maghapon kundi ang tumunganga.
"Slaine! Slaine! Slaine!!!! Sasama na 'yan! Ayiieh!" Sinundot ni Lee ang tagiliran ko kaya napaigtad ako. Malakas kiliti ko dun eh.
"Slaine!!---" pinutol ko na ang sasabihin ni Nyx
"Oo na! Leche naman oh!" Pagsurrender ko sa kakulitan nitong dalawang 'to. Tuwang tuwa naman ang dalawa at kumapit pa sa magkabila kong braso. Pagbibigayn ko na sila. Ngayon lang to. Hindi na mauulit. Saka para na din malibang ako. Panigurado namang malulungkot lang ako pag umuwi ako agad e. Wala naman akong kasama sa bahay.
"Ang fefeeling close nyo rin eh nuh?
Saka...bitaw nga. Hindi ako puno para kapitan nyong dalawa, para kayong mga unggoy eh!" Naiirita kung saad.
"Ang harsh mo talaga, Slaine!" Nakasimangot na sabi nung dalawa. Aba! Bahala kayo dyan! Hindi ko na kasalanan. Isinama nyo ako eh. Magtiis kayo.
----
Namasyal kami, kumain, nagpicture, nag window shopping at iba pang pwedeng gawin na nakakaenjoy. Panandaliang nawala ang pagkabugnutin ko dahil sa kanilang dalawa. Ang kulit at ang saya nilang kasama. Hindi ko rin namamalayan na napapatawa na ako Ng malakas dahil sa kanila. Kahit sandali ay nakalimutan kung may problema ako. Kahit sandali ay nalimutan kung may lungkot akong dinadala.
Pero halos magdugtong na ang dulo ng kilay ko sa sobrang kunot ng noo ko. Gabi na kasi tapos mukhang wala pa silang balak na umuwi. Nararamdaman ko na ang pagod pero mukhang hindi sila nauubusan ng energy sa katawan.
"Ano? Nyx, Lee? Hindi pa ba tayo uuwi? Pagod na pagod na ako oh!" Reklamo ko. Sumasakit na kasi ang paa ko dahil sa suot kong sapatos plus napapagod na rin ako dagdagan pa na nagugutom na naman ako.
"Wait! Sandali na lang, Slaine please? Isusukat ko lang 'to! Ang ganda kasi!" Napairap na lang ako sa tinuran ni Lee. Tumakbo na ito papasok ng dressing room. Kung magsukat ng damit akal mo walang sariling mall e. Si Nyx naman may kausap sa phone nya. Anak ng unggoy naman oh!
Langya naman! Iwan daw ba ako dito?
Anong oras na oh! Seven o five na. Baka hinahanap na ako sa mansyon---oh I remember, wala nga palang maghahanap sakin sa mansyon. Nawala na. Antagal naman ni Lee! Magsusukat lang ng damit aabutin pa ata ng 22nd century. Psh
At dahil sobrang tagal nung dalawa na hindi ko na alam kong anong ginagawa at kung saang lupalop na nagpunta eh naisipan kong lumabas na sa boutique na 'to. Naglakad lakad ako habang pinagmamasdan ang mga taong nakakasalubong ko.
May group of friends, family, couples, solo.
Gabi na pero halos nagkakabungguan pa rin ang mga tao dito sa mall.
Sumasakit na talaga ang paa ko kaya naisipan ko munang maupo sa isang tabi. May mga nakaupo din naman dito kaya hindi ako magmumukhang loner. Saka sanay naman akong maging loner. Napapansin ko na ang energetic ko ngayon but at the same time sobrang pagod na pagod na ako.
Habang pinagmamasdan ko ang mga taong naglalakad paroo't parito ay aksidente akong napatingin sa kanang bahagi ko. And I saw a man standing there, staring at me.
Pinakatitigan ko syang mabuti kahit blurry ang paningin ko. Hindi ko alam kung bakit pero ambilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko din alam pero naiiyak ako. He's familiar but I can't remember where did I saw him. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at tumayo ako at hinabol sya.
"Sandali! sandali!" Sigaw ko ng tumalikod na ang lalaki at akmang aalis na. Hindi ko na rin pinansin ang mga taong mabubunggo ko, ang mahalaga mahabol ko ang lalaking 'yun.
"Sandali lang!" Sigaw ko pa rin.
"Excuse me! Tabi! Leche! Sandali lang!" Sigaw ko dahil nahihirapan akong habulin 'yung lalaki dahil salu-salubong ang mga tao.
"Sandali lang!" Sigaw ko ng palabas na sya nitong mall. Halos mapaupo naman ako dahil sa panghihina ko ng mawala na ang lalaki sa paningin ko. Hindi ko namalayan na umiiyak na naman pala ako. He's so familiar but I can't remember him that it's making me cry.
Pinunasan ko ang luha ko. Nakatayo pa rin ako sa pwesto ko at nakatingin sa pintong nilabasan nung lalaki kanina ng maramdaman kung may humawak sa balikat ko.
"Slaine! May problema ba? Bigla ka na lang kasing nawala dun, akala ko kung saan ka na nagpunta, rinig kung tanong ni Lee mula sa likod ko.  Humarap ako kay Lee at umiling. Nasa likod nito si Nyx na parang nababahala rin.
"Tara na. Umuwi na tayo," 'yon na lqng ang nasabi ko.
"Nga pala, sinong tinitingnan mo kanina dun sa may entrance? May nakita ka bang pogi?" Curious na tanong ni Nyx. Umiling ako bilang sagot. Pogi my ass. Tss.
"Wala. Para kasing may nakita akong kakilala ko."
Sabi ko na lang saka na inunahan 'yung dalawa sa paglalakad. Nag-offer pa silang dalawa na ihahatid ako sa bahay pero tumanggi ako kasi ayokong malaman nila kung san ako nakatira. Tama na yong si Coser lang ang nakakaalam. Pero nagpumilit pa sila at sinabing malapit sa school na lang nila ako ihahatid kaya pumayag ako. Mas malayo pa ang uuwian nila sakin. Antitigas talaga ng ulo.
"Salamat sa paghatid ah. Naabala pa kayo." Nakangiting sabi ko. Note the sarcasm. Tss.
"You're welcome. Nahiya kasi kami eh. Pinilit ka naming sumama kaya dapat lang na ihatid ka namin," Lee sarcastically said. Aba! Gumaganti ah. Sapakin kita dyan gamit paa e.
"Buti alam nyo! Sige na, goodnight na. Lumayas na kayo, baka mamaya mapahamak pa kayo, ako pa sisihin nyo eh." Sabi ko with matching hand gesture pa. Hindi naman nila pinansin ang sinabi ko. Nakangisi lang si Nyx habang si Lee naman halos mamilipit na, may kinukuha kasi ito sa bulsa nya. Hindi ata kasya dun pa nilagay, o ngayon sinong tangang nahirapan.
"Ito oh!" Inabot sa'kin ni Lee ang isang maliit na black box. Kunot noo ko naman itong kinuha at binuksan, kinuha ko ang isang bracelet at itinaas.
"Ngayon ko lang nalaman na nagtitinda pala kayo ng Jewelry. Magkano 'to? Mukhang maganda ah!" I joked.
"Baliw! Hindi ah! Ang slow naman nito." Napapairap na saad ni Nyx. Ako pa ang slow. Aanhin ko ba to? Malay ko ba baka binebenta nila to.
"Hindi ako baliw at mas lalong hindi ako slow. Para saan ba kasi 'to?" I asked.
"Meron rin kami nyan. Ang ibig sabihin kapag binigyan ka namin nyan, friends na tayo!" Paliwanag ni Nyx habang ipinapakita ang suot nyang bracelet, napansin ko rin na magkatulad nga sila ni Lee. Nawala ang ngisi sa mukha ko at napalitan ito ng coldness. Huminga ako ng malalim. Alam Kung napansin nila ang pagbabago ng mood ko
"I'm sorry, but I can't accept it." pagtanggi ko. I just can't. Ibinalik ko sa box ang bracelet, hinawakan ko ang kamay ni Lee at inilagay ang box doon.
"I'm not going to tell you why I can't accept it but I hope you two understand." I swallow the lump in my throat pakiramdam ko maiiyak na naman ako.
"Sorry. Naiintindihan ko. Maybe, you still had traumas from your past kaya ayaw mong tumanggap muna ulit ng tao sa buhay mo and I--we totally understand it. Salamat sa pagsama samin. I had fun." Lee stepped closer and hugged me. Hindi ko na nagawang makaiwas pa Kaya naramdaman ko ang pagdaloy ng kuryente sa katawan ko ng maglapat ang katawan namin. She got it right.I still had traumas from my past at Isa pa ayokong madamay sila sa gulong nangyayare sa buhay ko. Nyx also hugged me. Pumara sila ng taxi. I said goodnight to them bago umandar ang kotse paalis. Nang hindi na sila mahagip ng paningin ko saka lang ako naglakad pauwi sa mansyon. Sana hindi ko sila nasaktan.

Komento sa Aklat (11)

  • avatar
    Ashley Belle

    hi there are you?

    21/08/2022

      0
  • avatar
    Shaina Bunye

    this great

    27/02/2022

      1
  • avatar
    Joselou Bustamante

    wenselgwaponpero bayot

    17/02/2022

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata