logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter 13: Annoying Creature

Nasa cafeteria pa lang ay bigla na akong nakaramdam ng pagkatamad na pumasok. Nagdadalawang isip ako kung papasok ba ako o matulog na lang. Nang tumunog na ang bell hudyat na tapos na ang lunch break at oras na para sa afternoon class ay hindi man lang ako natinag mula sa aking pagkakaupo kahit si Lee at Nyx ay abala na sa pag-aayos ng kqnilang sarili. Hindi na kasi nakapunta sa cr para doon mag-ayos dahil nawili sila sa pagkukwentuhan.
"Slaine, Tara na." Pag-aaya ni Lee na naginitian ko lang. Nakapagdesisyon na ako. Cutting class is waving!  Nanatili akong nakaupo habang naka-crossed arms. Sinisigaw ng utak ko ang mga salitang 'tinatamad ako' ng paulit-ulit. Tho, nakikipagtalo pa rin ang kabilang side ng utak ko na pumasok ako.
"Una na kayo," kalmado kung sabi sa kanila.
"Ikaw? Time na oh. Wag mong sabihin na magcucut ka ng klase?" Tanong ni Lee.
"You got it!" Natutuwa kung sabi at napapalakpak pa. Sinimangutan ako ni Lee.
"Absent ka na naman?" Nagtatakang tanong ni Lee, "Lagi ka na lang absent. Anong nangyayare sayo?" Umiling ako.
"Tinatamad lang ako. Don't worry about me," walang gana kung sabi. Is she worried?
Buti na lang at bago pa ako mainis ay sumingit na si Nyx, "Let her do what she want, Lee," Mahinahong pagsasalita ni Nyx, "I know that she knows the consequences of what she's doing."
"Nyx's right. I know what I'm doing, Lee. Ngayon lang naman e," Natatawa kung Sabi. Umismid lang sya at padabog na naglakad palabas ng canteen. Kinindatan pa ako ni Nyx bago sya sumunod Kay Lee. Nang wala na sa paningin ko ang dalawa ay saka lang ako tumayo at lumabas ng cafeteria. Pailan ilan na lang ang mga estudyante sa labas dahil nagsisimula na ang klase. Napangiti na lang ako sa sarili ko at nakapamulsang naglakad papunta sa gym. Magcucut ako ng klase at walang makakapigil sakin. Buti na lang at hindi ako pinilit ni Lee na um-attend sa boring na klase. Well, wala naman kasing nakakapilit sa'kin. Kapag sinabi ko ginagawa ko at kapag gusto ko ginagawa ko rin syempre.
Hindi pa man ako nakakarating sa gym ay may nakita na akong dalawang tao na nagsusuntukan. Agad akong nagtago sa bakanteng room malapit sa pwesto ko at pinanood ang eksena. Pareho na silang puro sugat at pasa pero mas maraming sugat, pasa at halatang hindi na kaya nung kalaban ni Gun. Sa final round ng laban ay sunod-sunod na nagpakawala ng sipa at suntok si Gun dahilan para sumabog ang dugo mula sa bibig ng kalaban nya kasabay ng pagbagsak nito sa lupa.
"Haha nice one," Bulong ko sa sarili ko habang natatawa tawa pa. Sayang. Di ko naabutan laban nila. Bitin tuloy. Dapat pala kanina pa ako pumunta dito. Mula sa bakanteng room na tinataguan ko ay sinilip ko silang dalawa. Nakahiga na sa sahig ang kalaban ni Gun at halatang halata sa mukha nito ang sakit. Naupo si Gun sa harap nung lalaki saka nito tinapik tapik ang pisngi ng kawawang lalaki. Hindi na nito maimulat ang mga mata nito pero halatang may malay pa rin. Akala ko deds na. Tss. Mahina.
"Yan ang napapala ng mga pakelamero. Pasalamat ka pa dahil hindi pa kita tinapos. Ha!" Gun smirked. Tumayo na ito habang pinupynasan nito ang dugo sa gilid ng kanyang labi gamit ang likod ng palad niya saka ito nakapamulsang naglakad palayo sa kawawang lalaki na hindi na nakatayo pa.
"Yun na yon? Ang boring," Pagsasalita ko sa aking sarili. Napapailing na lang akong lumabas sa room saka nagdiretso sa gym. Walang katao tao dito kundi ako lang.
"It's class hour," pagsasalita ng isang lalaki sa likod ko, "what are you doing here?"
"Demonyo ka!" Sigaw ko. Napatalon pa ako dahil sa gulat sa biglaan nyang pagsulpot at kahit hindi ko kita ang mukha nya ay alam ko na kung sino sya. Akala ko ba gusto nya akong paalisin dito sa school niya. Bakit nakikialam pa sya kung wala ako sa klase. Hinarap ko si Lead na ngayon ay nakapamulsa habang nakatayo hindi kalayuan sa akin. Seryoso lang siyang nakatingin sa akin. Akala ko ako lang nandito. Akala ko makakapagpahinga na ako ng matiwasay, hindi pa rin pala. May asungot kasi. Tumikhim ako at nginitian sya ng pagkatamis tamis. Ngiti na minsan ko lang ilabas at ipakita sa iba.
"Hi," painosenteng bati ko sa kanya. Kumaway pa ako habang malawak na nakangiti ngunit nanatili lang syang seryoso.
"Again...what are you doing here?" Muli nyang tanong.
"Oops! Why are you so serious, dude? Baka magdikit na yang kilay mo. Hindi magandang tingnan, promise." Dire-diretsa kung so, nang-aasar. Bat naman kasi hindi siya marunong ngumiti? Kung ako, madalang lang ngumiti mas madalang sya teka..ngumingiti kaya to? Bakit ba kasi hindi sya ngumingiti. Siguro bungi sya o kaya ang panget ng ngipin nya pero hindi naman halata kapag nagsasalita sya e.
"Do you want me to send you to the guidance office?" Muli nyang tanong but this time may pagbabanta sa boses nya. Napakamot na lang ako sa batok ko. Ano ba naman tong lalaking to masyadong kj. Mukhang mauudlot pa ang balak kung pagtulog dito sa gym. Peste.
"Chill, dude. Pagbigyan mo na ako. Antok na antok na talaga ako," Pagsusumamo ko sa kanya.
"This isn't your bedroom so leave," matigas nyang sabi. I rolled my eyes mentally. Naiinis na ako sa isang to.
"Just this one, dude," pamimilit ko.
"Leave," Matigas nitong Sabi. Walang balak na hayaan akong matulog dito. Babagsak na mata ko sa antok e. Saka isa pa may klase din naman sya bat sya andito. Porke anak sya ng may-ari ng school pwede na syang gumala kahit anong oras nya gusto.
"Sabi ko nga babalik na lang ako sa classroom," sabi ko. Sa garden na lang siguro ako matutulog pag no choice lalabas talaga ako ng campus na to.
"Not in your classroom," Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi nya.
"Huh? Diba sa room mo ako pinapapunta kasi may klase?" Nagtataka kung tanong. May topak ata to e o baka lasing lang?
"Leave...leave this school and don't ever come back again. You annoying creature," My jaw almost dropped of what he said. Sinabi na nya sakin to last day noong niligtas nya ako mula sa sasakyang sasagasa sana sakin. I didn't know that he was serious that time. Pinapaalis nya ako dito sa school and what his reason again? For I am an annoying creature? Ha! Is that even a reason? When did I became annoying to him? Dahil sa sinabi nya, pakiramdam ko lahat ng dugo ko sa katawan ay napunta sa ulo ko.
"Pagkatapos kung magbayad ng tama sa tuition ko tapos papaalisin mo lang ako?" Napapataas na ang boses kung. Nawala na ang ngiti sa labi ko. Nagseryoso na rin ako. Napacrossed arms pa ako habang nakikipaglaban ng masamang titig kay Lead.
"I don't fucking care. Better fucking leave this school before I fucking end your life," Lead cursed. Para syang isang Leon na galit na galit. Should I be afraid?
"You told me that before. why didn't you do it back then?" Nakataas ang kilay na sabi ko. Napapataas na rin ang boses ko dahil sa inis, "Why are you saying that right after you saved me?" Tanong ko. Nanatili akong nakatingin sa kanya. Edi sana hinayaan nya na lang akong mamatay nun. Hindi ko alam kung anong problema nya sakin at galit na galit sya sakin. Wala naman akong natatandaan na may ginawa akong masama sa kanya. Galit ba talaga sya sakin o gusto nya lang akong inisin at paghirapin? Unbelievable! Ibang klase. Bakit ko ba naisip na dito mag-enroll sa pesteng University na to? Sabi ko na e hindi ako makakatagal dito. Bakit ko pa ba iniisip yan? Wala naman akong pakealam diba? Kelan pa ba ako nagkaroon ng pakealam sa mga bagay-bagay. Madali lang naman akong kausap. Akala siguro ng lead na to magmamakaawa ako sa kanya na huwag akong paalisin sa school na to.
"I already told you, I'm the only one who can kill you, Chase!" He roared.
"Stop calling me by that name!" I shouted out of anger, "I don't know who you are and you don't know me. Who the fuck are you to call me by that?" Parents ko lang ang tumatawag sakin ng ganun and I hate it when someone calls me by my second name. Okay lang sakin na paalisin nya ako sa school nya at pagbantaan e pero ang tawagin ako sa pangalang magulang ko lang ang tumatawag sakin at nagpapaalala sakin ng masalimuot kung nakaraan at kung gaano pa rin kasakit sakin yun, hindi ako makakapayag. Ikinuyom ko ang mga kamay kung ngayon ay nanginginig na sa galit. Hindi ako natinag ng humakbang sakin palapit si Lead. Seryoso lang syang nakatingin sakin habang ako naman ay gusto na syang patayin sa titig ko.
"Maybe you don't know me.." biglang humina ang boses ni Lead, "but I know who you are, mia sorella," Dahil doon ay agad kung naramdaman ang kabang unti-unting gumapang sa aking katawan mula sa aking puso. Kinakabahan ako sa hindi ko malamang dahilan. Parang may ipinapahiwatig sya sa mga salitang binitawan nya. Pagkatapos nyang sabihin iyon ay tinalikuran na nya ako at umalis.
Sa sobrang kaba ay nanlambot na lang ang tuhod ko at napaupo sa makintab na sahig ng gym. Naalala ko si mommy at daddy. Miss na miss na miss ko na sila. Gusto ko na ulit silang mayakap at mahalikan pero hindi ko na yun magagawa. Palagi nilang sinasabi sakin na hindi nila ako iiwan at pababayaan pero nasan na sila ngayon. Nasan na ang mga pangako nyo mom, dad? Bakit nyo ako iniwan? Kayo na lang ang meron ako. Hanggang ngayon hindi ko pa rin mahanap si kuya. San ako pupunta? Mukha lang akong walang pakealam pero hanggang ngayon hindi ko pa rin matanggap na wala na kayo. Ang hirap. Ang sakit. Ang lungkot.
Naramdaman ko ang pagtulo ng luha sa pisngi ko mula sa aking mata. Ang hina ko. Ang hina hina ko.
Alas singko na ng hapon at nandito pa rin ako sa parking lot. Nakasandal ako sa pader habang hinihintay na umalis ang nag-iisa ng estudyante. Nang makasakay ito sa kanyang sasakyan at makalabas ng campus ay napangiti ako sa sarili ko. Hindi man kita nasapak kanina, itong pinakamamahal mo naman ang gagantihan ko. Nanggigigil kasi talaga ako sayo. Bweset ka. Palinga linga akong naglakad palapit sa nakaparadang ducati testastretta baka kasi biglang dumating si Lead at mahuli ako sa gagawin ko sa sasakyan nya.
Tumayo ako lg ilang metro sa nakaparadang ducati. Tinignan ko muna ang paligid bago ko inilabas ang maliit pero matalas na bagay mula sa bulsa ko. Inilagay ko ito sa gitna ng index at thumb ko saka ko ito ipinitik sa direksyon ng kawawang motorbike.
Pagod na pagod na ako maghapon. Pagkauwi ko ng mansion ay agad kung itinapon ang aking bag sa sahig at pabagsak na nahiga sa naroong mahabang sofa. I feel so tired kahit na wala naman akong ginawa buong maghapon kundi mag-isip at umiyak. Bukas na lang siguro ako maghahanap ng bagong school na tumatanggap pa kahit late na pag wala next year na ako papasok, magfofocus na lang ako sa paghahanap sa mga killers. Ngayon ko lang din narealize na mauubos na pala yong pera na iniwan sakin nina mommy at daddy. Hindi ko alam pano ako maghahanap ng trabaho, pano ako mag-aapply, anong pwede kung gawin e isa lang naman akong hamak na highschool student di pa yata makakagraduate dahil sa pisteng Lead na yan na ngayon ay pinaalis pa ako sa University. Wala naman akong kamag-anak dito sa Pilipinas para hingan ng tulong or kung meron man I guess hindi rin ako makakahingi sa kanila ng tulong dahil hindi ako sanay na humihingi sa iba except kina mom and dad. Ayoko ng bumalik sa Japan dahil paniguradong babalik na naman ang ala-ala, sakit at trauma na natamo ko dahil sa pagkawala nina mom and dad sa bansang yun. Isa na lang ang natitira kung pag-asa, si kuya, na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nahahanap. Hindi ko alam kung buhay pa ba sya. Matagal na panahon na syang nawawala hindi naman imposible na baka wala na nga din talaga sya.
Dahil sa sobrang pag-iisip at frustration ay napaiyak na lang na naman ako. Hinawakan ko ang part ng dibdib ko kung nasan ang puso ko dahil sumasakit na ito. Pinilit kung pakalmahin ang sarili ko pero mas lalo lang akong naiyak. Tanging iyak ko lamang ang naririnig ko sa buong mansion.
Umiyak lang ako ng umiyak hanggang sa mamaga ang mata ko at mapagod na dahilan para hindi ko na mamalayang nakatulog na pala ako. Pag sapit ng ala otso ng gabi ay saka lang ako nagising at bumungad sa akin ang maliwanag na kapaligiran kaya nasilaw ako. Muli akong pumikit at dahan dahang nagmulat. Hinintay kung masanay sa liwanag ang aking mata bago ko naimulat ng maayos ang mata ko at inisip kung binuksan ko ba ang ilaw kanina pero wala akong maalala. Pagbangon ko ay saka ko lang napansin ang kumot na nakabalot sa katawan ko. Doon na ako nagtaka. Wala akong maalala na nagkumot ako kanina. Basta na lang ako humiga dito sa sofa, umiyak ng umiyak hanggang sa makatulog ako. Nagpalinga linga ako kahit wala naman talaga akong hinahanap. Minumulto ba ako? Sino naman? Parents ko? Pero hindi ako naniniwala sa ganun. Inalis ko ang pagkakapatong ng kumot sa katawan ko saka tumayo. Hahawakan ko na sana ang doorknob ng mapansin kung medyo nakaawang iyon parang may nagmamadaling lumabas at hindi na naisarado ng maayos ang pinto. Winalang bahala ko iyon at nagpatuloy sa paglabas. Madilim na. Lumabas ako ng gate at nagpalinga linga. Wala namang kahina hinalang tao. Bumalik ako sa loob ng bahay. Sinigurado kung sarado at nakalock ang gate at front door. Nagtungo ako sa kusina ng maramdaman ang pagkalam ng sikmura ko. Naalala ko hindi pa pala ako kumakain ng tanghalian kanina. Nawalan kasi ako ng gana dahil kay lead sa ginawa nyang pagpapaalis sakin sa University. Pag-naaalala ko sya ay umiinit lang ang ulo ko.
Pagkarating sa kusina ay lalo akong nagtaka dahil may mga pagkain na sa lamesa. May mainit ding soup. Humila ako ng bangko at naupo doon. Napapatulala na lang ako sa pag-iisip kung sino ang may gawa ng mga ito. Sinong pumasok dito sa bahay ko? Unang pumasok sa isip ko si Coser dahil sya lang naman ang may-alam kung san ang bahay ko. May access na din sya dito pero sa tingin ko naman hindi nya gagawin to.
Napadako ang tingin ko sa kapiraso ng papel na nadadaganan ng baso.
'please, hold on a little longer.'
Agad na nagdikit ang aking mga kilay at nagkaroon ng linya sa aking noo ng mabasa ang sulat. Kanino galing ang sulat na ito? Sinong pumasok dito sa bahay ko para lang gawin ang mga bagay na ito? Is it Coser? Sya lang naman kasi ang nakakaalam nitong bahay ko. Even Nyx and Lee they don't know where I'm living. Kahit paulit ulit nila akong kinukulit sa bagay na iyon ay pinanindigan ko ang sarili kong wag sabihin sa kanila. But why would he do all of these? We're not even close. I really don't have any idea who could it be. Baka naman minumulto na ako ni mommy dahil sa sobrang pagkamiss ko sa kanya but I don't believe in that stuff. Kesa mapagod sa pag-iisip kung sino ang gumawa nito ay naupo na lang ako at kumain. Siguro naman walang lason to. Kung meron man edi bye-bye earth na ako.
After ko maghugas ng pinagkainan ay umakyat na ako sa kwarto ko at nakipagtalo pa sa utak ko kung maliligo ba ako. Anlagkit ko na kasi. In the end naman ay naligo pa rin ako bago nahiga sa kama ko. Ano ng gagawin ko ngayon? Nauubusan na ako ng pera pero hindi ko pa rin nahahanap ang mga taong pumatay sa magulang ko. Napalayas pa ako sa University ng hindi ko alam ang dahilan. Oh, annoying. Yun nga pala ang reason nya. So lame. Kung hahanap ako ng bagong University, magagastos ko ang huling pera na natitira sakin. Pano na yung kakainin ko. Tawagan ko na lang kaya si Hazzy at sabihin kung babalik na ako sa Japan pero ikukulong lang nila ako doon at hindi hahayaang makialam sa kanilang investigation. Hays. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Kahit pagod na ang aking mata dahil sa kakaiyak ay halos mag-uumaga pa rin ako nakatulog.
"Slaine, slaine..." May tumatawag ng pangalan ko pero hindi ko na iyon pinansin.
"Slaine, wake up..." pagtawag sa akin ng boses. Naramdaman ko ang pag-alog ng katawan ko. Sino ba tong tawag ng tawag? Istorbo e. Kitang natutulog yong tao.
"Hmm..." I groaned. Kinuha ko ang kumot sa katawan ko at itinaas iyon sa ulo ko.
"Slaine..." Muling pagtawagnsa akin ng boses. Patuloy lang ang pagtawag at pag-alog sa balikat ko ng kung sino man pero dahil sa sobrang antok ay tinabig ko na lang ang kamay nya at tumagilid para muling matulog ng maramdaman ko ang paghila nya ng kumot sa katawan ko dahilan para agad kung maramdaman sa aking balat ang lamig ng aircon.
"Ahh shit!" Sigaw ng kung sino man pagkaalis nito sa kumot na nasa katawan ko dahilan para tuluyan na akong nagising. Naalala ko naman na wala pala akong suot na damit kundi tanging bra lang kaya agad akong napabalikwas sa higaan.
"Ahhhh!" Sabay pa kaming napasigaw ni Coser. Agad na tumalikod si Coser at ako naman ay kinuha ang kumot at muling ibinalot sa katawan ko.
"Ano ba kasing ginagawa mo dito ng ganito kaaga? Ha?!" Naiinis kung sigaw kay Coser habang pababa ng hagdan. Nakapagpalit na din ako ng damit. Hindi na ako nag-abalang magsuklay o magtoothbrush man lang. Naiilang syang tumingin sakin kaya ng magtama ang mata namin ay siya na din agad ang unang nag-iwas.
"Napakabastos mo talaga!" Naiinis na sabi ko . Inirapan ko sya kahit hindi naman nya nakikita.
"W-what?! I didn't know that you're not wearing a shirt. M-malay ko ba?! Bakit ka ba kasi natutulog ng walang damit, feeling mo lalaki ka." Nauutal nyang sigaw din sakin. Aba sinisigawan ako? Sa bahay ko mismo? Baklang to.
"Hindi ako makatulog," Sagot ko na lang dahil yun naman talaga ang dahilan kahit na pagod ang mata ko sa pag-iyak ay hindi ako agad nakatulog. Kinailangan ko pang maghubad para makatulog. Maginhawa kasi kapag walang suot na damit kapag natutulog. Nakakahinga ng maluwag.
"Haist," Pabagsak akong naupo sa sofa na nasa harap nya. Tiningnan ko sya mula ulo hanggang paa habang nakataas ang sulok ng labi ko. Kainis.
"Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko, Zin Coser Mendez," Pambabasag ko sa katahimikan na sandaling bumalot sa amin.
"Ano na nga tinatanong mo?" Napakamot pa sa ulong tanong nya. May kuto na yata sya.
"Bakit ka nandito ng ganito kaaga?" Sigaw ko. Nakakairita. Umagang unaga kasi ang bingi. Tumayo sya at naglakad lakad upang pagmasdan ang mga larawan na nakasabit sa pader ng mansion ko.
"Sinusundo ka," He said without looking at me. He's eyes was fixed on a family portrait. Our family portrait.
"Bakit? San ba tayo pupunta?" Tanong ko. Humikab ako habang nakataas ang dalawang kamay.
"May pasok tayo, diba?" This time humarap na sakin si Coser, "Hindi pa weekends," pahabol pa nya.
"Nah. I'm not going to school anymore," I replied. Itinaas ko ang dalawang paa ko at ipinatong iyon sa ibabaw ng table. Sinagi ko ang magazine na nakapatong doon dahilan para mahulog ito sa carpet. Sumandal ako sa sofa saka ginawang unan ang dalawa kung palad.
Muli nyang pinagpatuloy ang paniningin ng mga larawan, "Ang cute mo noong bata ka pa," puri nya sa picture ko noong bata pa ako. Pinagmasdan ko lang ang bawat galaw nya. Nakasunod ang mata ko sa bawat hakbang nya baka bigla na lang nyang itakbo yong mamahaling vase e mahirap na. Joke!
"Bakit ngayon ba hindi na?" Tanong ko.
"No, not anymore," he chuckled.
"Makakaalis ka na," Walang emosyon kung sabi. Apakabastos ng bunganga. Tumawa lang sya bago naupo sa mesa paharap sakin. At home na at home ang gago. Akala mo sariling bahay e.
"Tumayo ka na dyan, slaine. Baka malate tayo," utos nya. Agad na nangunot ang noo ko dahil sa sinabi nya.
"Hindi mo ba naintindihan yong sinabi ko kanina? Hindi na ako babalik sa school na yon. Expelled na ako, saka sinabi ko bang pumunta ka dito?" Sunod sunod kung sabi.  Nagsisimula na naman akong mainis. Nakakainis naman kasi talaga. Hindi naman ako nagpapasundo sa kanya. Sinipa ko ang paa ng lamesa kung saan sya nqkaupo. Hindi man Lang ba sya magugulat or magtataka kung bat expelled na ako.
"Pinababalik ka nya," mahina nyang sabi.
"Nino?" Tanong ko na parang hindi alam kung sinong tinutukoy nya.
"Ni lead," he replied shortly.
"Pano mo nalaman?" I asked, still looking at him intently.
"He told me. Hindi ko alam kung anong meron sa inyong dalawa pero Slaine, bumalik ka na," he convinced.
"Ha!" Pumikit ako ng mariin ng maramdaman ang paghapdi ng lalamunan ko. Nararamdaman ko na ang mga luhang nagbabadyang lumabas sa mga mata ko. Hindi ko alam per nagiging emotional ako lately. Ang bilis ko uniyak. Naiiyak ako kasi pakiramdam ko pinaglalaruan nya ako. Pakiramdam ko nagmumuka akong tanga.
"Slaine, what's wrong?" Agad akong umiling ng marinig ko ang boses ni Coser na may pag-aalala. Agad akong tumayo at padabog na naglakad paakyat ng hagdan. Mabibilis ang bawat hakbang ko Alam Kong nakasunod sakin si Coser.
"Slaine!" Tawag sakin nito, "why? May nasabi ba akong masama?" Naabutan ako nito at pilit na iniharap sa kanya. Automatic akong napahagulhol ng iyak ng maramdaman ko ang kamay nya sa braso ko. Nakayuko lang ako at paulit ulit na umiling. Kahit hirap magsalita ay pinilit ko pa rin.
"Hindi na ako babalik dun," i declared, "pakisabi nakahanap na ako ng ibang school," Inalis ko ang kamay nya sa braso ko at nanakbo na papasok sa kwarto ko. Inilock ko na iyon para hindi na makasunod pa si coser. Nahiga ako sa kama ko at doon muling umiyak Ng umiyak. Napapansin ko this past few days, nqgiging iyakin na ako ng sobra and I hate this.
Uminom ako Ng tubig para pakalmahin ang sarili ko. Papasok na sana ako sa banyo para maghilamos ng biglang tumunog ang laptop ko. May notification na dumating. Agad ko iyong chineck. Email iyon galing sa aking trusted informant. Agad ko iyong binasa.
List of suspects
Name: Pai Qao
Age: 38 years old
Convicted for 3 years because of drugs, killed 9 people.
Former member of Black.
Currently in the Philippines after he got out of jail.
Name: Tian Xui
Age: 53
Illegal position of firearms, killed 12 people.
Former member of Black.
Currently in the Philippines.
Name: Fu Heng
Age: 46
Former right hand man of a mafia consigliere in Italy. Familia Ferrer enemy.
Former member of Black.
They are all former member of Black organization. Narinig ko na ang pangalang ito na pinag-uusapan nina mom and dad nang minsang aksidente kung narinig ang meeting nila together with Hazzy and other trusted members of our organization. Patuloy lang ako sa pag-scroll at mabilis na pagbabasa ng mga basic information about sa kanila. Nasa last profile na ako ng may marealize ako kaya nagmamadali ulit akong nag-scroll pataas. Nakatingin lang ako sa mga larawan---sa kanilang sentido to be specific. Lahat sila may mga three black dots tattoo na korteng triangle. Maybe, iyon ang palatandaan nila na kasapi sila ng Black organization. Out of nowhere ay may alaalang pumasok sa isip ko. Naalala ko ang isang lalaki na sumaksak kay daddy noong gabing ainalakay kami ng mga kalaban. Meron syang three black dots tattoo pero wala iyon sa kanyang sentido kundi nasa kanyang pulso at noong nasa iraq kami para sa training namin ay nakita ko na rin ang tattoo na iyan doon sa isang underground club na nirade namin. Lahat Ng former member ng black nasa sentido ang tattoo, maybe he's the boss? and the question is, who is the boss of black organization. I didn't know that it would be this hard. It's more easy to kill than to find out who the killer is.
I sent an email to my trusted informant saying find out who might be the black organization boss and the background information of their organization. After that ay pinatay ko na ang laptop ko at sandaling tumitig sa ceiling. Ugh. Sumasakit ang ulo ko. Kailangang gumawa muna ako Ng plano. Ayokong magpadalos dalos. Hindi mga pangkaraniwang tao ang kakaharapin ko. Isa silang kriminal na hindi na dapat mabuhay sa mundo. Magpakasaya na kqyo kung nasaang lupalop man kayo dahil bilang na lang ang mga araw na itatagal nyo sa mundong ito. Ipaghihiganti ko kayo, mom and dad. Hindi ako matatahimik dito hanggang hindi ko napagbabayad ang mga hayop na umagaw sa inyo sakin.
Nang oras na yun ay parang may bumubulong sakin na demonyo. Para kung isang baliw na tumawa ng tumawa ng tumawa hanggang sa maluha na ako at mapagulong sa sahig. Excited na ang mga kamay kung ilagay sa bawat leeg nila hanggang sa mawalan na sila ng hininga. Hahaha. I miss the feeling of killing people and make them pay for what they did to me and to my family. They make me suffer by taking my parents away from me now im going to do the same to them.

Komento sa Aklat (11)

  • avatar
    Ashley Belle

    hi there are you?

    21/08/2022

      0
  • avatar
    Shaina Bunye

    this great

    27/02/2022

      1
  • avatar
    Joselou Bustamante

    wenselgwaponpero bayot

    17/02/2022

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata