logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter 11: Nightmare

"Mommy." Sigaw ko ng oras na maimulat ko ang aking mata. Inalis ko ang kumot na nakabalot sa katawan ko saka tumayo mula sa pagkakahiga. Isinuot ko ang cotton slippers at nagtungo sa pinto.
"Mommy." Muli kong tawag ng mabuksan ko ang pinto at makalabas. Nakailang tawag na ako kay mommy pero hindi pa rin sya sumasagot kahit si daddy. Dahan dahan akong naglakad sa pasilyo. Rinig na rinig ko ang ingay na nagmumula sa unang palapag ng aming bahay. Ingay ng nababasag na marmol at tunog ng espada na tumatama sa espada. Habang papalapit ako sa hagdan ay mas lalong tumitindi ang kaba sa dibdib ko. Sobrang lakas at bilis na ng tibok ng puso ko dahilan para mas lalong manghina at manginig ang mga tuhod ko. Halos mapatalon ako dahil sa gulat ng marinig ko ang malakas na ingay. May nabasag na naman. Hindi ko masabing pusa lang iyon dahil alam kung may hindi magandang nangyayare sa ibaba saka isa pa wala kaming alagang pusa dahil allergic ako sa balahibo nun. Kahit natatakot at nilalamon na ng kaba ay napagpasyahan ko ng takbuhin ang hagdan pababa para kumpirmahin ang nasa isip ko at tama nga ako.
"Mom! Dad!" Sigaw ko. Agad na nag-unahan ang mga luha ko sa pagpatak dahil sa nasaksihan. Itinaas ni Mommy ang kamay nya para abutin ang kamay ko. Tatakbo na sana ako papalapit sa kanila kahit pa maraming mga taong nakaitim ang nakapalibot sa kanila pero hindi ko na nagawa. Mula sa likod ko ay may humawak sa braso ko at pinipilit ako nitong hilahin paalis doon.
"Mommy! Daddy!" Sigaw ko. Itinaas ko ang kamay ko para abutin ang kamay ni mommy pero pilit akong inilalayo sa kanila ng kung sino man ang humihila sa akin.
"Get off of me!" Malakas kung sigaw habang nag-uunahan ang mga luha ko sa mata dahilan ng paglabo ng paningin ko pero hindi ako binitawan ng babae. Nararamdaman ko na ang hapdi sa braso ko dahil sa mahigpit na hawak sakin ng babae pero hindi pa rin ako tumitigil sa kakapumiglas.
"Mommy--" naputol ang sasabihin ko. Namilog ang mga mata ko pakiramdam ko ay huminto sa pag-ikot ang paligid. Bumagal ang paggalaw ng lahat. Halos wala na akong makita dahil sa mga luha ko. Nagsikip ang aking dibdib at ramdam ko ang sakit sa puso ko ng makitang nakatarak na sa dibdib ng aking magulang ang isang mahaba at matalim na espada. May mga dugong lumalabas sa kanilang bibig at nahihirapang huminga. Kapwa sila nakatingin sa taas at pilit lumalanghap ng hangin. Pagkatapos ng ilang segundong pagkatulala sa aking nasaksihan at magsink in sa akin ang nangyare ay doon na ako mas pumalahaw ng iyak at nagsisigaw habang pinipilit ang sarili kung makatakas sa pagkakahawak sa'kin ng babae.
"Mommy! Daddy!"
"Mommy! Daddy!"
Mommy! Daddy!"
"Get off of me! Mom! I said get off!"
"Mommy!"
"Get off of me!" Patuloy lang ako sa pag-iyak at pagtawag sa kanila.
"Slaine! Slaine!" Rinig kung pagtawag ng isang boses sa pangalan ko.
"Wake up! Slaine! Hey!" Muling pagtawag nito sa akin.
"Get off... of me!" Halos mawalan na ako ng boses dahil sa pagsigaw at pagmamakaawa na butawan nya ako. Humahagulhol na ako ng iyak pero hindi pa rin ako binitawan ng taong nakahawak sa braso ko, kung kanina ay isang braso lang ang hawak nito ngayon ay dalawa na at pinipigilan ako sa pagwawala.
"Mom...my!" Putol putol na iyak ko.
Narinig kung muli ang boses ng lalaki na tumatawag sa pangalan ko, "Slaine! Please wake up!" Iminulat ko ang mga mata ko at agad kung nabungaran ang mga mata ni Coser na puno ng pag-aalala. Kahit nagising na ako mula sa bangungot ay ramdam ko pa rin sa dibdib ko ang sakit. Ang sakit na makita ng dalawa kung mata ang pagkamatay ng magulang ko. Ang sakit na wala akong nagawa para iligtas sila. Ang sakit na mawalan ng mga taong nagsisilbi jung sandalan. Ngayon wala na sila hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Sana panaginip na lang ang lahat. Sana panaginip ko lang ang lahat ng nangyare. Na paggising ko sila 'yong mabubungaran ng mga mata ko pag mulat ko nito.
"Slaine!" Mahinahon at may pag-aalalang tawag ni Coser sa pangalan ko. Naramdaman kung hawak nya ako sa braso. Tinulungan nya akong makabangon.
"it's alright, it's alright." Bulong sa akin ni Coser habang mahigpit nya akong yakap at hinahaplos ang likuran ko. Pilit nya akong pinapatahan pero mas lalo lang akong naiyak dahil sa yakap nya. I really hate it when someone's hugging me when I'm crying, it makes me cry even more.
Ilang minutong pag-iyak at pagpapatahan sakin ni Coser bago ako tuluyang nahimasmasan. Ako na mismo ang kumalas sa yakap ni Coser masyado na syang sinuswerte dahil sa tagal naming magkayakap. Pinunasan ko ang mga luha ko at habang ginagawa ko yon ay may isang bagay akong narealize.Coser? Agad akong humarap sa direksyon nya at nanlalaki ang aking mga mata habang nakatingin sa kanya.
"P-pano mo nalaman? P-pano ka nakapasok dito?" Nauutak kung tanong. Dahan dahan akong tumayo sa kama habang pinapagapang ang kamay ko sa ilalim ng aking unan. Nang makaalis ako sa kama ay itinutok ko agad sa kanya ang baril dahilan para mapatayo din sya at mamilog ang mga mata habang nakatingin sa baril na hawak ko na ngayon ay kasalukuyang nakatutok sa kanya.
"H-hey calm down, Slaine," kinakabahan nyang sabi habang nakatitig sa baril na hawak ko, "Let me explain," dugtong pa nya.Ibang daan at bahay ang itinuro ko sa kanya kahapon. Malayo pa yon dito sa tinitirhan ko pero bakit nandito sya ngayon sa harap ko. Alam Kung Hindi na to panaginip. Hindi kaya Hindi talaga sya naniwala tapos palihim nya akong sinundan?
"Are you a stalker?" Sigaw ko sa kanya. Tumawa sya Ng mahina bago naglakad palapit sa study table ko at naupo sa naroong swivel chair habang nakasunod pa rin sa direksyon nya ang baril na hawak ko.
"Pwedeng oo, pwede ring hindi." Nakangising Sabi nya habang nakatitig sa mga mata ko. Hindi ko alam pero there's something in his eyes that made me looked away.
"Just kidding." Pagtawa nya habang binubuklat ang librong nakuha nya sa table ko, " I told you I saw your enrollment form, you wrote your address there." Sandali syang sumulyap sakin bago muling ibinalik ang tingin sa hawak nyang libro, walang bakas ng takot sa mukha nya kahit na may hawak akong baril at anytime ay pwede ko syang paputukan.
"The real one." Pahabol pa nya kaya napatawa na lang ako. Unbelievable. Nakalimutan ko, sinabi na nga pala nya sakin yon nung time na sumama ako sa kanya sa park noong mapagalitan kami ni Ms. Mor, kaya nalaman din nya ang pangalan ko.
"Pano ka nakapa-" pinutol ang sasabihin ko at inunahan na nya ako.
"And oh umakyat ako sa gate nyo and for the door? Hindi nakalock ang pinto sa front at itong kwarto mo kaya Malaya akong nakapasok." Paliwanag nya kasabay ang bahagyang pagtaas ng kanyang dalawang balikat. Nasapo ko na Lang ang noo ko. Sa sobra Kung pagod kagabi nakalimutan ko palang ilock ang pinto kagabi. Buti na Lang ang at Hindi na bumalik Yong taong gustong pumasok dito sa bahay ko. Napaka-careless ko talaga. Tumalikod ako at inilagay sa drawer ang baril na hawak ko. Katahimikan ang bumalot sa aming dalawa.
"Kelan mo ako titigilan?" Pagbabasag ko sa katahimikan. Pakiramdam ko ang emotionless ko ng itanong ko sa kanya yon. Ayokong makasakit ng tao kaya ngayon pa lang patitigilin ko na sya sa kung anong balak nya.
Nakatitig lang ako sa kanya at pinagmamasdan ang bawat kilos nya. Natigil sya sa pagbabasa at napatitig na lang sa sahig pero agad din syang mapaglarong ngumisi at sinalubong ang tingin ko.
"I don't know, now that you've already catch my attention." I rolled my eyes in disbelief. Natawa ako ng mahina. Hindi nya ako madadala sa mga ganyan nya.
"Tell me, what do you want?" This time ay mas naging seryoso ako. Gusto kung maramdaman nya na hindi ako nagbibiro.
"I want to be your friend." Naalala ko yong senaryo nung tanungin ako ni Lee kung pwede ko ba syang maging kaibigan na sinagot ko ng hindi ngayon ay sya naman ang nagsasabi nito sakin. Huminga ako ng malalim bago nagsalita.
"I'm the type of person who you don't want to be around with, to be with. I'm not the girl you think I am." Nagsasabi ako ng totoo. Ayaw kung may mga taong napapalapit sakin dahil hindi nila ako kilala at alam kung oras na makilala na nila ako ng lubusan alam kung magsisisi lang sila na naging bahagi pa ako ng buhay nila. Iiwan lang nila ako at ayoko ng maiwanan ulit.
"I know you don't want a friend because you're independent enough to stand on your own but Slaine please... please give me a chance to be your friend." Nag-iwas ako ng tingin. Yumuko at pinagdaop ang mga palad. Aaminin ko, gustong gustong gusto ko magkaron ng kaibigan. Yong may dadamay sakin kapag kailangan ko ng tulong. Yong Mapagkakatiwalaan ko at hindi ako tatraydurin. Gusto ko ng kaibigan na makakasama ko pero sa kabila ng lahat ng gusto ko may takot, takot na baka maiwan ulit ako kapag napalapit at napamahal na ako sa kanila.
"Not that I don't want to have a friend you know I'm..." huminga ako ng malalim, naiiyak ako, I'm not used to it, "I'm just afraid of people. I'm just afraid of people leaving me because I'm not the person they think when they first saw me." Pag-amin ko.
"I won't leave you, promise." Natawa ako ng mahina dahil sa sinabi nya.
"Fun fact, I hate that word."
"No promises, promise." Itinaas nya pa ang kanan nyang kamay saka tumingin diretso sa mga mata ko.
"That's a promise." Pag-iwas ko ng tingin.
"No promises. So..." Tumingin sya sa kaliwa't kanan nya ng hindi gumagalaw ang ulo nakatingin lang ako sa kanya at hinihintay ang susunod nyang sasabihin, "are we friends now?"
Yumuko ako at napangiti. Napapadalas yata ang pagngiti at pagtawa ko kapag kaharap ko sya kahit abot langit ang inis ko sa kanya. Mukha naman syang mapagkakatiwalaan, maraming kalokohan sa buhay, ayon kay Lee, pero mukha namang maaasahan. Gusto kung magkaroon ng kaibigan pero ayaw kung makasakit ng tao sinasadya ko man o hindi.
Nag-angat ako ng tingin at sinalubong ang itim nyang mga mata.
"No. Now get out so that I can get change."
At dahil nga Alam na ni Coser Kung saan ang bahay ko ay wala na akong nagawa kundi sumabay sa kanya papunta sa school. Naalala ko yong sinabi sa'kin ni lead kahapon. Pinapaalis nya ako dito sa school nya. Hindi ko alam kung anong rason nya. Hindi ko alam kung may nagawa ba akong mali sa kanya at ganun na lang ang galit nya sakin. Pero pumasok pa rin ako, hindi nya ako kayang pigilan o paalisin dito. Nandito ang hinahanap ko. Sinasabi yon ng intuition ko at kadalasan tama ito. Dadanak muna ang dugo ng Isa samin bago nya ako mapaalis sa eskwelahan na yon. At kahit ayaw kung isipin, pumasok na sa isip ko na marahil Isa din syang piece sa puzzle na kailangan kung buohin para malaman kung sino ang nagpapatay sa parents ko. Kailangan kung makumpirma Kung tama ba ang binubulong sakin Ng isip ko at mapapatunayan ko lang yon kung hindi ako aalis sa eskwelahan na yun taliwas sa gusto nyang gawin ko.
Walang dalang kotse si Coser. Mas prefer nya daw kasi na maglakad kasabay ako para mas matagal nya pa akong makakasama. Inirapan ko lang sya sa mga banat nya. Baka nakalimutan nya na magkaklase kami at hanggang sa classroom ay magkasama kami. Naisipan ko namang pumunta muna sa LJS café para bumili ng kape bago tuluyang pumasok sa school. Alam ko namang nakasunod lang sakin si Coser dahil halos lahat ng makasalubong ko, especially teens, ay napapatingin sa akin lalong-alo na sa taong nasa likod ko.
Pagkapasok ko ay ngiti agad ng babaeng nasa counter ang nakita ko. Every morning and afternoon ako pumupunta dito kaya siguro ay kilala na nya ako, sa mukha nga labg.
"Good morning." Masigla nitong bati kasabay ng maaliwalas nyang ngiti. Tipid naman akong tumango at ngumiti din, baka isipin naman nya na ang rude ko kung di ko papansinin ang sinabi nya. Hindi pa man ako nakakapagsalita ay nasabi na nya ang flavor ng kape na palagi kung in-o-order.
Ilang sandali lang ang pinaghintay ko sa tapat ng counter. Pagkakuha ko sa kape ko ay agad din akong nagbayad. Ipinatong ng babae ang kanyang siko sa counter at ginawang pangtukod sa kanyang chin ang likod ng kanyang palad. Pansin ko ang pagbabalik balik nito ng tingin sakin saka kay Coser na nasa tabi ko na ngayon at pinapaikot ikot ang dulo ng mahaba kung buhok gamit ang daliri nya habang naghihintay sakin. Hindi ko alam bat pa sya sumunod dito. Mukha namang hindi sya bibili.
Inilapit ko ang labi ko sa labi ng cup na hawak ko at humigop ng kape ng biglang magsalita ang babaeng nasa harap namin, "Boyfriend mo sya, Ate?" Tanong ng babae. Halata sa kanyang boses ang kilig. Ngiting-ngiti din sya na nagiging dahilan para lumiit ang mata nya.
Sakto sa pagtatanong ng babae ay naramdaman ko ang init ng kape sa bibig ko kaya ang nahigop kung kape ay naibuga ko, saktong paharap ako nun kay Coser kaya sa kamay nya tumama ang mainit na kapeng naibuga ko.
"Shit!" Rinig ko ang malutong na pagmura ni Coser.
"Oh shit! So-sorry! Sorry!" Agad kung paghingi ng paumanhin. Hindi ko alam kung anong una kung hahawakan. Yon bang kamay ni Coser o iyong tissue na iniaabot ng nagulat din na cashier. Natataranta ako.
Ipinatong ko muna saglit ang hawak kung cup at kinuha ang tissue, "sorry, hindi ko sinasadya nagulat kasi ako," Sabi ko.  Kinuha ko ang kamay ni Coser at maingat na tinupi ang sleeve ng suot nyang uniform. Tinuyo ko ang braso nya gamit ang tissue na binigay nung babae. Inilapit ko ang kamay nya sa bibig ko at hinipan iyon. Masyadong mainit ang kape dahil agad na namula ang maputing balat ni Coser.
"I'm sorry!" Kinakabahang saad ko. Baka saktan nya ako kasi natapunan ko sya ng mainit na kape pero mukhang hindi naman sya galit dahil nakangisi lang sya.
Ilang segundo pa ay may dumating ng staff at nilinis ang kape sa sahig. Muli naman akong humarap sa cashier at napapakamot na sinagot ang tanong nya kanina. Ano nga ba kami ni Coser? "Err...he's not my boyfriend. He's just my friend. We're just friends. Yeah." Bahagya akong ngumiti doon sa babae saka na ako nagmamadaling tumalikod at naglakad palabas ng cafe habang hawak ang cup at kamay ni Coser---kamay ni Coser? napatigil ako sa paglalakad at tiningnan ang kamay ni Coser na hawak ko, ibinaling ko ang tingin ko sa mukha ni Coser na pangisi-ngisi lang. Binitawan ko na ang kamay nya at tuluyan ng lumabas sa cafe.
Hindi na ako nagsalita. Nanahimik na lang ako habang hinihintay na mag kulay green ang traffic light.
Humigop ako sa kape ko. Napansin ko naman na itinago ni Coser ang palad nya sa kanyang bulsa habang nakatingin lang ng diretso sa daan.
Nahihiyang inilahad ko ang kape ko sa harap nya, "gusto mo?" Tanong ko. Hindi ko alam kung mahilig din ba sya sa kape or kung umiinom ba sya ng kape.
Humarap sya sakin, "Bibigyan mo ba ako?" Tanong nya. Nang huminto ang mga sasakyan ay nagsimula na kaming maglakad ni Coser patawid sa kalsada kasabay ang iba pang mga tao na papasok din sa paaralan at ang iba naman ay papasok sa kanilang trabaho.
Umiling ako at nagsalita, "Hindi, tinanong lang kita." Coser made a 'aish' sound. Malapit na kami sa parking lot ng mapansin ko naman na hawak hawak nya ang braso nyang natapunan ko ng kape habang hinihimas-himas iyon. Naawa naman ako bigla. Masakit pa rin siguro hanggang ngayon.
"Does it still hurts?" Tumigil ako sa paglalakad saka hinablot ang braso nya. I heard him groaned in pain when my fingers touched his scorched skin. Namumula na ang braso nya.
"No. I'm fine. It's fine." Akma nyang aagawin ang braso nya pero mahigpit ko yong hinawakan. Nasaktan sya tapos okay lang. Baliw ba sya. Ako pa lolokohin nya. I examined his skin. Naramdaman ko ang pagtitig nya sakin kaya nag-angat ako ng paningin. Agad naman syang umiwas at sa mga babaeng napapatingin sa direksyon namin na lang tumingin.
"Wait for me here. I'm just gonna buy ice pack and ointment. Kailangang magamot yan," saad ko. Binitawan ko na ang braso nya at akmang tatalikod na ng maramdaman ko ang kamay nya sa braso ko. Hinila nya ako pabalik sa kanya kasabay ng pagsigaw nya sa pangalan ko. Nag-landing ako sa dibdib nya. Mabilis naman akong nakaalis sa dibdib nya para tingnan kung sino ang walang hiyang muntik ng sumagasa sakin.
"What the fuck is wrong with you? Are you going to kill me?!" Galit kung sigaw sa taong nakasakay ng kotse kahit alam kung hindi na ako nun narinig. Kilala ko kung sino ang may-ari ng kotse na yun. Ano bang problema nya? Anong problema nya sakin at parang galit na galit sya sakin? Ha! Gusto nya ba talaga akong patayin? Wag naman masyadong obvious sa mata ng ibang tao!
"Anong problema ni Lead?" Narinig kung tanong ni Coser sa tabi ko. Hindi ko sya sinagot. Hindi na naalis ang tingin ko sa itim na kotse ng banggitin ni Coser ang pangalang iyon. Bumukas ang pintuan at lumabas doon ang matangkad na lalaki. Kahit malayo ay kita ko sa mukha nya ang pagkainis. Padabog pa nyang isinara ang pinto ng kotse nya bago malalaki ang hakbang na umalis sa parking lot.
Tumunog na din ang bell kaya naisipan naming sa clinic na lang ipagamot ang napasong kamay ni Coser. Nakasandal lang ako sa pintuan ng clinic habang nilalagyan ng  nurse ng ointment ang kamay ni Coser. Nagtataka lang ako dahil panay ang tingin sakin nung nurse kahit tinitignan ko sya pabalik ay hindi man lang sya natitinag. Umalis kami doon ni Coser at dumeritso na sa room. Halos lahat Ng mga kaklase namin ay napatingin sa aming dalawa. Wala akong pakialam sa schedule namin kaya hindi ko alam na si Ms. Mor pala ang teacher namin ngayong umaga. Ang pinakamasungit naming teacher. Masamang tingin na naman ang ibinungad nito sa amin pagkabukas namin ni Coser ng double door. Kahit si Lee at Nyxx ay napalingon sa amin. Nagtama ang aming mga mata at kita ko ang pagtataka sa buong mukha nya. Hindi ko alam kung anong iniisip nya.
"Why are you two always late?" Sigaw ng teacher namin. Um-echo ang boses nya sa buong room dahil sa sobrang tahimik. Lahat ng mata ay nasa amin na naman. Napairap na lang ako sa sarili ko.
"I'm sorr--" hindi na naituloy ni Coser ang sasabihin nya dahil pinutol na  sya ni Ms. Mor.
"I told you before Mr. Mendez and Ms. Ferrer, na ayaw kung may nale-late sa klase ko. Ganyan na ba talaga kayo kawalang respeto?" Panenermon nito samin.
Kahit gusto kung magsalita ay hindi ko na nagawa dahil sa mga sumunod nitong sinabi, "Stay outside. We don't need you here," ibinagsak ni Ms. Mor ang hawak nyang mga papel dahilan para lumikha iyon ng tunog. Galit ito.
Okay. Nagkibit balikat ako. Madali lang naman kami kausap e. Pagkasabi nun ni ma'am ay agad naming sinaraduhan ang pinto at dumeritso na lang sa mini forest. Hays. Tahimik akong naupo ng makarating kami sa mini forest. Tumitig lang ako sa paru-parung paikot-ikot sa isang kulay puting bulaklak.

Komento sa Aklat (11)

  • avatar
    Ashley Belle

    hi there are you?

    21/08/2022

      0
  • avatar
    Shaina Bunye

    this great

    27/02/2022

      1
  • avatar
    Joselou Bustamante

    wenselgwaponpero bayot

    17/02/2022

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata