It was my fourth day in school and I'm still happy. I met and talked a lot of friends inside our classroom. Mababait ang aking mga kaklase kaya lahat sila'y naging kaibigan ko agad kahit na bago pa lang ako dito sa school. At natutuwa rin ako dahil hindi na ulit ako nagkaroon pang muli ng masamang pangitain. At mukhang hindi naman nagkatotoo ang aking naging pangitain kay Sarhento dahil hanggang ngayon ay wala pa rin akong nababalitaan na may masamang nangyari sa kanya. Pero nagtataka ako kung bakit hindi na siya bumalik no'ng araw na nagpunta siya sa bahay ko. Ang sabi niya'y may mahalagang bagay siyang sasabihin sa akin. Pero hindi naman siya bumalik. "Hoy! Lauren!" panggugulat sa akin ni Cynthia. "Bakit nakatulala ka yata d'yan?" Umiling ako. Hindi ko pinansin ang kanyang panggugulat dahil hindi naman ako nagulat. "Ang tagal n'yo matapos ni James sa pagsagot ng test question. Nagugutom na tuloy ako sa kahihintay sa inyong dalawa." "Huwag mo naman kaming igaya sa'yo na matalino, Miss Agustin," nakataas ang kilay na sagot ni Cynthia. Hitsurang inis ito ngunit nagda-drama lamang pala. Gusto yata nitong maging artista kaya mahilig um-acting. "'Tapos na akong magsagot. Nagugutom na nga rin ako, eh. Let's go, girls," yaya sa amin ni James. Natapos na rin ito sa pagsagot sa pre-test na pinasagutan sa amin ng aming Math teacher. Absent kasi si Ma'am Parado sa unang tatlong araw na simula ng pasukan dahil bigla itong nagkasakit. Sa ikaapat na araw na ito pumasok kaya ngayon lang nakapagbigay sa amin ng pre-test. Pagdating namin sa canteen ay agad na kaming pumila. Naunang nakabili ng pagkain sina James at Cynthia dahil may tatlong babaeng estudyante ang nakasingit sa aking unahan. Nahiya naman akong sitahin sila kaya hinayaan ko na lang. Sa dating puwesto namin sila naupo. Mabuti na lamang at wala pang ibang estudyanteng nakaupo sa aming puwesto. Gusto kong humigop ng sabaw kaya naman sinigang na hipon ang binili ko na sinamahan ko ng isang bote ng mineral water, caesar salad at tatlong piraso ng saging. Tig-iisa sa aming tatlo ang saging. Napansin ko kasi na hindi sila bumili ng prutas ngayon kaya ako na lang ang bumili para sa kanila. Dahan-dahan lamang ako sa aking paglalakad para hindi matapon ang ulam na may sabaw na binili ko. Malapit na ako sa mesang kinauupuan ng aking dalawang kaibigan nang bigla na lamang may umapak sa sapatos ko. Hindi ko inaasahan ang biglang pag-apak nang kung sinong tao sa aking paa kaya muntik na akong matalisod. Tumapon tuloy ang halos kalahating laman ng aking dalang ulam. "You better watch out your step, stupid," mataray na wika ng isang babaeng estudyante na siyang tumapak sa aking paa. Pagkatapos ay parang walang anuman na nilampsan niya ako at ng mga kasama niyang kaibigan at naupo sa upuang di-kalayuan sa mesa namin. Agad na uminit ang magkabila kung tainga nang marinig ko ang itinawag niya sa akin. Sasagutin ko sana siya ngunit biglang may dalawang kamay na pumigil sa aking mga balikat. "Huwag mo siyang patulan, Lauren. Let's go to our table," wika ni James na siyang pumigil pala sa aking mga balikat. Kinuha niya sa akin ang dala-dala kong tray at inilapag sa mesa namin. "Bakit mo pinigilan si Lauren na sagutin ang babaeng iyon? Bakit? Kumakampi ka ba sa kanya porke't pinsan mo siya?" masama ang tingin na tanong ni Cynthia kay James nang makaupo na kami sa upuan. "Of course not! Look, Cynthia. Today is only the fourth day of Lauren being enrolled into our school. Do you really want her to have a bad record in this early? You already knew the attitude of Erika. She's a troublemaker, you knew it too!" galit na sagot ni James. "Teka, teka. Huwag kayong mag-away, please,"awat ko sa kanilang dalawa. "May point naman si James, Cynthia. Mabuti nga at pinigilan niya ako dahil baka nga nagkaroon pa ako ng bad record kung hinayaan niya akong patulan ang pinsan niya," sabi ko kay Cynthia para hindi na siya magalit pa kay James. "Hmph! For sure, nainggit lang 'yang pinsan mo nang makita niyang may mas maganda na kaysa sa kanya rito sa SSHS. At sigurado rin ako na mas matalino ka pa kaysa sa kanya," nakalabing tugon ni Cynthia. "Bakit naman kasi gano'n ang ugali ng pinsan mo, James?" tanong ko. "Kasi nagyayabang siya dahil mayaman at nasa elite class siya," si Cynthia ang sumagot. Hindi pa rin nawawala ang inis sa tono ng boses nito. "Only child kasi at in-spoiled nina Tita Minerva at Tito Larry kaya lumaking ganyan," sagot naman ni James. Mayaman din naman ako, only child at in-spoiled din nina Mommy at Daddy pero hindi naman ako lumaking ganyan.Gusto ko sanang sabihin kay James ang mga salitang iyon sa aking isip pero sinarili ko na lamang. "Hayaan na nga lang natin siya. Masisira lang araw natin kung patuloy natin siyang pag-uusa— Napahinto ako sa pagsasalita nang mapadako sa may pintuan ang aking mga paningin at mapatitig ako sa isa sa tatlong lalaking kapapasok pa lamang sa loob ng canteen. It was him! Hindi ako maaaring magkamali. Siya ang lalaking tumulong sa akin noon. Napansin ni Cynthia na bigla akong natigilan kaya sinundan niya ng tingin kung sino ang aking tinitingnan. "Kaya ka naman pala natigilan at hindi nakapagsalita na parang namatanda ay dahil nakita mo ang pinaka-guwapong estudyante rito sa SSHS, si Luke Miralles," nanunuksong wika ni Cynthia sa akin. "Pinaka-guwapo. All girls here were blind that's why they couldnt see who's the real handsome here in SSHS," nakalabing wika naman ni James. "At sino naman ang pinaka-guwapo rito, ikaw?" nang-aasar ang tono na tanong ni Cynthia kay James na binuntutan pa nito ng malakas na tawa. Lalo lamang umasim ang hitsura ng huli. "Pero huwag mo ng pangarapin pa na makipaglapit sa kanya dahil maliban sa allergic 'yan sa babae at snob ay si Erika na ang nagmamay-ari sa kanya. Kaya kung ayaw mo na palagi kayong mag-rumble ng pinsan ni James, eh, huwag mo na siyang pangarapin pa," babala naman niya sa akin. Luke pala ang pangalan niya. Luke Miralles. I thought we wouldn't see each other again. "I know him," bigla kong nasambit ng hindi sinasadya. Pareho tuloy napatitig sa mukha ko ang dalawang kaharap ko. "I thought you said that you're blind since seven years old and you just healed recently? Then how come that you know that guy? Eh, hindi naman mahilig makipag-usap sa mga babae ang Luke na 'yan. At tanging si Erika lang yata ang babaeng kinakausap niya rito sa school," mahabang pahayag ni James. "Relax, James. Masyado ka namang highblood. Nagseselos ka ba kay Luke?" mas lalong naging mapang-asar ang tono at hitsura ni Cynthia habang nakatingin sa kaibigan namin. "At bakit naman siya magseselos? Dahil may gusto si Luke sa pinsan mo?" curious kong tanong. "Hell no!" nabiglang sagot ni James. Sa lakas ng boses nito ay napokus tuloy sa amin ang lahat ng paningin ng mga estudyanteng nasa loob ng canteen. Kahit si Luke ay napatingin din mesa namin kaya nagtagpo tuloy ang aming mga paningin. Ilang segundong magkahinang ang aming mga paningin. Hindi ko napigilan ang sarili ko at nginitian ko siya. Ngunit hindi niya ginantihan ang aking ngiti. Parang walang anuman na ibinalik lamang niya sa pagkain ang kanyang paningin at hindi na muling tumingin sa akin. Nakaramdam ako ng pagkapahiya sa ginawa niya. Mabuti na lamang at walang nakapansin sa ginawa kong pagngiti sa kanya kaya sa aking sarili lamang ako napahiya. Hindi na ba niya ako nakikilala? tanong ko sa isip ko. Ibinalik ko na lamang ang aking atensiyon sa aking kinakain at hindi na muling sumulyap pa sa kanya. "Paano mo naman nakilala ang Luke na 'yon, Lauren? Don't tell me na gumala ka agad after mong makakitang muli?" mayamaya'y tanong ni James sa akin. "Remember about my first vision? Hindi ba naikuwento ko sa inyo na may lalaking tumulong sa akin para hindi ako matumba? It was Luke. He's the one who helped me that time," paliwanag ko sa dalawa. "Your vision! Speaking of your vision. I forgot to tell you that your vision about Sergeant did came true," biglang sabi ni Cynthia na nanlalaki ang mga mata. Not in fear but in excitement. Napatayo akong bigla sa aking kinauupuan. "W-what d-did you say?" "I only heard it from my dad. My dad was a retired chief of police and he's talking with the current chief of police when I heard it. Narinig ko kahapon na pinag-uusapan nila ang malagim na kamatayan na sinapit ni Sarhento Carlos Dominggo. "When I heard his name it rung a bell on my mind. And then, I suddenly remember about your last vision. Na babanggain ang kotse niya at magpapaikot-ikot sa gilid ng bangen. Pagkatapos ay mahuhulog pa sa bangin ang kotse na kasama ang katawan niya. Everything you've told us on how he's going to die, it really did happened, Lauren," halos hindi humihingang pagkukuwento ni Cynthia. "He didn't believe when I warned him that's why he died," mahinang anas ko na tila kinakausap ko ang aking sarili. Mayamaya'y nakaramdam ako ng pagkahilo kaya biglang naging mabuway ang aking pagkakatayo. Mabilis namang nakatayo si James at agad niya akong inalalayan. "Are you okay, Lauren?" nag-aalalang tanong niya sa akin. "Oo. Medyo nahilo lang ako kanina," mahinang sagot ko. Hindi sinasadyang napadako ang paningin ko sa kinauupuan ni Luke. Nakita kong nakatayo na siya ngayon at nakatingin sa akin. Tila may nabasa akong pag-aalala sa mukha niya pero saglit lamang dahil biglang naglaho agad sa kanyang mukha nang makitang napatingin ako sa kanya. Malamang ay namalikmata lamang ako. Bakit naman kasi mag-aalala siya sa akin, eh, hindi nga niya ako pinansin kanina nang nginitian ko siya. ### Sinadya kong hindi sumabay sa paglabas sa gate ng school namin sa dalawa kong kaibigan dahil gusto kong hintayin si Luke. Gusto ko lang naman magpasalamat sa kanya ng maayos sa ginawa niyang pagtulong sa akin three months ago. And at the same time, I would to apologized for my Uncle's behavior that day. Hindi kasi ako nakahingi sa kanya ng sorry dahil nakalimutan kong na na naroon din pala siya kasama namin. At nang maalala ko naman ay wala na siya sa kintatayuan niya. Hindi lang naman nagtagal ang paghihintay ko kay Luke dahil mayamaya lamang ay padaan na siya. Kasama pa rin niya ang dalawang lalaking estudyante na kasama niyang pumasok sa loob ng canteen kaninang tanghali. Agad ko siyang hinarang nang malapit na siya sa akin. "Luke, puwede ba tayong mag-usap?" biglang tanong ko sa kanya. Halatadong nagulat siya nang makita ako dahil hindi agad nakakibo at napatitig lamang sa akin. "Mauna na kami ni Jojo sa'yo, Luke. Mukhang may pag-uusapan kayong dalawa ng magandang binibing 'yan," nakangiti at nanunuksong paalam ng isa sa dalawang kasama ni Luke. "No. Sabay-sabay na tayong umalis, Sancho," ani Luke. Nagbababala ang tinging ipinukol sa dalawang kaibigan na parehong nanunukso ang tingin sa aming dalawa ni Luke. Nagtaka ako kung bakit gano'n ang tingin sa amin ng dalawang kaibigan ni Luke na sina Sancho at Jojo. Kakausapin ko lang naman si Luke para magpasalamat at humingi ng sorry sa nangyaring misunderstanding sa pagitan nito at kay Uncle. "Let's hear what this pretty little lady wanted to tell me," seryoso ang anyo na sabi ni Luke sa mga kaibigan habang nakatingin sa akin. "N-nothing important," naiilang kong sagot sa kanya. Bigla kasi akong nailang sa napakaseryoso niyang anyo. Parang hindi ito 'yong lalaking tumulong sa akin three months ago. "Hindi naman pala important, so, let's go, guys. Naaabala pa ang lakad natin," may pagkainis sa tono ng boses na sabi ni Luke sa mga kaibigan. Pinamulahan naman ako ng magkabilang pisngi sa pagkapahiya. Bakit ganito kung tratuhin ako ni Luke? Did I do something wrong on him that I didn't know? "C'mmon, Pinsan. Don't be too harsh to this pretty lady. Mukhang mayro'n naman talaga siyang sasabihin sa'yo pero hindi lang niya itinuloy dahil nagsungit ka na agad," napapailing na saway ni Sancho na pinsan pala ni Luke. "Tama si Sancho, Luke. Umandar na naman kasi 'yang pagiging woman-hater mo," sang-ayon naman ni Jojo kay Sancho. Biglang umasim ang mukha ni Luke at tinapunan ng nagbababalang tingin si Sancho na tinawanan lang ng huli. Tila hindi apekatado si Sancho sa nakikitang inis sa mukha ng kaibigan. Walang salitang tinalikuran kami ni Luke at naunang naglakad sa dalawang kaibigan. "By the way, I'm Sancho Miralles. I'm Luke's handsome and very kind cousin," nakangiting pakilala ni Sancho sa sarili. "We are from elite class. Kapag napunta ka sa room namin at hindi ka pinansin ni Luke ay 'wag kang mag-alala dahil nandito kami ni Jojo, to back you up." Napangiti ako sa sinabi ni Sancho. Hindi siya katulad kay Luke na may pagkamasungit. Friendly siya kaya gusto ko rin siyang maging kaibigan. Ang sumunod na nag-abot sa akin ng kamay ay ang nakangiti ring si Jojo. "Ako naman si Jojo Vilasin. Ang kaibigan ni Luke na—" "Playboy," pagtutuloy ni Luke sa dapat ay sasabihin sa akin ni Jojo. Hindi namin namalayan na bigla siyang bumalik sa paglalakad. "Hindi b nauna ka nang umalis? Bakit bigla kang bumalik? May nakalimutan ka ba?" nakangising tanong ni Sancho sa pinsan. Sa halip na sagutin ang tanong ni Sancho ay pahablot na kinuha ni Luke ang braso ko mula sa pagkakahawak ni Jojo. "Hindi ba may sasabihin ka sa akin?" nakasimangot na tanong ni Luke sa akin. Bago pa man ako makasagot sa kanya ay mabilis na niya akong nahila palayo sa dalawang kaibigan niya na parehong napapailing at hindi maiwasang mapangiti sa iginawi ni Luke. "Luke, nasasaktan ako," daing ko. Medyo mahigpit kasi ang pagkakahawak niya sa braso ko kaya hindi ko maiwasang makaramdam ng sakit. Napatingin naman siya sa kamay niyang nakahawak sa braso. Nang makitang mahigpit nga ang pagkakahawak niya sa aking braso ay mabilis niya akong binitiwan. Ngunit hindi man lang siya humingi ng sorry sa akin kaya medyo napasimangot ako. "Hindi ba sabi mo kanina na may sasabihin ka sa akin?" muling tanong ni Luke. Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita. "I just wanted to say thank you again for helping me three months ago. And I also wanted to say sorry that my uncle misunderstood you. But you ignored me at the canteen when I smiled at you. So I thought your mad at me because of my uncle." "That's it?" tanong niya. Tila wala naman siyang pakialam sa mga sinabi ko sa kanya. "Oo. 'Yon lang. And don't worry because I'm will not going to disturb you anymore," nakasimangot kong tugon sa kanya. Pagkatapos ay binirahan ko ng alis. Hindi ko na siya nilingon pa kaya hindi ko alam kong nakatingin ba sa akin si Luke o hindi.
Salamat
Suportahan ang may-akda na magdala sa iyo ng mga magagandang kwento
have a great day to read and relax
23/06/2024
0thx pi
13/08/2022
0i love it
24/06/2022
0Tingnan Lahat