Isang Linggo na ang nakalilipas magmula nang malaman ni Cassey ang tungkol sa pagpanaw ng paborito at iniidolo niyang artista ngunit hindi pa rin siya maka-get over hanggang sa mga sandaling iyon. Talagang hindi siya makapaniwala na patay na si Dindy Arevalo. At mas lalong hindi siya makapaniwala na nagpakamatay ito. Wala sa karakter nito ang magpapakamatay dahil sa problema. Lalong-lalo na ang magpakamatay dahil sa isang lalaki na katulad ng sinabi sa mga balita.
Nais daw makipaghiwalay rito ang fiance nitong si Marcus Monteverde kaya na-depressed ito na naging sanhi ng pagpapatiwakal sa pamamagitan nga ng pag-inom ng maraming sleeping pills. Iyon ang laman ng mga diyaryo at youtube na kinalap niya matapos niyang malaman ang nangyari sa babae.
Natigil sa pag-iisip si Cassey nang mapansin na tila may nagmamasid sa kanya sa loob ng kanyang kuwarto. Napitili siya ng malakas nang makita ang kaluluwa ng babaeng laman ng kanyang isip na nakatayo sa gilid ng kanyang kama.
“Can you stop screaming? Nakukulele ang tainga ko sa’yo.”
“A-ano’ng ginagawa mo rito?P-paano mo ako nasundan hanggang dito sa bahay ko?” Ngumiti ang kaluluwa ni Dindy. “Siyempre, sinundan ko kayo ng kaibigan mo hanggang dito sa bahay mo. Pero hindi muna ako nagpakita sa’yo. Hinayaan ko na magpagaling ka muna bago ako muling magpakita sa’yo,” nakangiting sabi nito. Hindi nito pinansin ang takot na nakabalatay sa kanyang mukha. Naglakad ito palapit sa kanya.
“H-huwag kang lalapit sa akin!Hanggang diyan ka lang,” babala niya rito. Natigil sa naman sa paglalakad ang kaluluwa ni Dindy. “Ano ba ang problema mo? Ngayon ka pa ba matatakot sa akin? Nag-usap na nga tayo doon sa ospital, eh. Hindi naman kita sasaktan. You see? I’m already dead. So you don’t have to be afraid of me. I can’t hurt you, okay?” “Kaya nga ako natatakot sa’yo kasi patay ka na. Sino ba namang normal na tao ang hindi matatakot kapag nalaman niya na ang taong kausap niya ay isa nang patay?" Tumaas ang kilay ng babaeng multo. “For your information, you are not a normal person. You could be able to see and talk to a spirit like me so it means that you're not a normal person,Cassey. Sa tingin mo’y magagawa mo ba ito kung isa kang normal na tao?” Bigla siyang napipilan. May point naman ito sa sinabi. Hindi nga siya normal na tao dahil nakikita at nakakausap niya ito na isa nang multo. Pero paano naman nangyari iyon? Wala naman siyang third eye. Hindi kaya nabuksan ang third eye niya nang maaksidente siya at na-comatose? Posible nga ba iyong mangyar? May mga nabasa siya sa libro at sa mga napanuod niya sa movies na kapag ang isang tao ay himalang nakaligtas sa isang aksidente ay hindi na nagiging normal ang kanilang buhay. Hindi kaya ganoon din ang nangyayari sa kanya ngayon? Ang totoo'y hindi naman siya masyadong natatakot dito. Maganda pa rin naman kasi ang hitsura nito kahit na patay na ito. Nagulat lang talaga siya nang makita itong nasa loob na ng kanyang kuwarto samantalang iniisip pa lamang niya ito. “Hey! Natahimik ka na diyan.Talaga bang sobra kang na-shock sa natuklasan mong kakayahan mo?”
“Ano ang kailangan mo sa akin? Bakit ka nagpapakita sa akin?” tanong niya rito imbes na sagutin ang tanong nito. “Kaya ako nagpakita sa’yo kasi ikaw lamang ang makakatulong sa akin, Cassey. Kailangan ko ang tulong mo,” biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Dindy. Mula sa pagiging mataray kanina ay naging maamo ang anyo nito at nakikiusap ang mukha. "Ano ba ang kailangan kong gawin para matahimik na ang kaluluwa mo at makaakyat ka na sa langit?”
“Gusto kong puntahan mo at kausapin ang fiance kong si Marcus Monteverde. Gusto kong sabihin mo sa kanya na nakikita at nakakausap mo ako. Gusto ko ring sabihin mo sa kanya na muling pa-imbestigahan ang dahilan ng pagkamatay ko. Hindi kasi ako naniniwala na nagpakamatay ako dahil lamang sa gusto niyang makipaghiwalay sa akin.”
"Nababaliw ka na ba? Gusto mong gawin ko ang lahat ng mga sinabi mong ‘yan? Magmumukha akong baliw sa kanyang paningin kapag ginawa ko ang nais mo. At kapag minalas pa ako’y baka ipatapon pa niya ako sa mental hospital,” react niya matapos marinig ang tulong na hinihiningi sa kanya ng kaluluwa ni Dindy.
“I don’t a have choice, Cassey. I really don’t believed that I committed suicide because of that reason. There’s something fishy on it. Bakit may sleeping pills sa condo unit ko gayong hindi naman ako umiinom niyon? I’m alergic to sleeping pills, Cassey. I once almost died because of it. Kaya hindi na ako bumili ng sleeping pills magmula nang mangyari sa akin ‘yon," mahabang pahayag nito. "At bakit may marka ako sa leeg na tila ba sinakal ako ng mahigpit?" Ipinakita nito sa kanya ang marka nga ng isang kamay na nagpapatunay na may sumakal na rito.
N atahimik si Cassey at biglang nag-isip matapos marinig ang paliwanag ni Dindy at makita ang tila marka ng malaking kamay sa leeg nito. She has a point. But what she wanted her to do is ridiculous. How can she approach Marcus and tell him that she can see and talk to his fiancee’s spirit? Sigurado na mapagka- kamalan lamang siya nitong baliw. At tiyak na hindi siya nito paniniwalaan.
“I can’t do it. I’m sorry, but I really can’t do it. Maghanap ka na lang ng ibang tao na kaya kang makita at makausap."
### Ilang beses nang nalaglag sa semento ang mga aklat ni Cassey na nakapatong sa ibabaw ng kanyang mesa kahit na wala namang tao na gumagalaw niyon. Isa sa mga kaklase niya ang hindi nakatiis at kinausap siya matapos nitong pulutin ang nahulog niyang aklat. “Ano ba ang nangyayari sa’yo, Cassey?Kanina pa namin napapansin na palaging nalalaglag sa semento ‘yang mga aklat mo. Ipasok mo kasi ang mga ‘yan sa loob ng bag mo para hindi sagabal sa pagsusulat mo,” hindi nakatiis na sita sa kanya ng kaklase niyang si Lyka. “Sorry. Hindi ko napapansin na nasasagi ko pala ang aklat ko’t nahuhulog. Nakapokus kasi ang buong atensiyon ko sa aking isinusulat,” paumanhin niya. Tinapunan naman niya ng masamang tingin ang multong si Dindy na nakatayo malapit sa kanyang tabi at nakangisi. Ito kasi ang may kagagawan kong bakit nalalaglag palagi sa semento ang mga aklat niya.
Hindi nila parehong maipaliwanag kung bakit minsan ay nagagawang magpagalaw ni Dindy ng mga bagay kahit na isa na itong multo. Siguro napapagalaw nito ang isang bagay kapag nakapokus lamang sa iisang bagay ang atensiyon nito. O baka dahil sa determinasyon nitong mapagalaw ang isang bagay. Kung anuman ang totoong dahilan kung bakit nito nagagawa ang magpagalaw ng mga bagay ay tanging ang may likha ng mundo lamang ang nakakaalam.
“Pumayag ka na kasi sa hinihiling ko sa’yo para pareho na tayong manahimik. Promise, kapag nagawa mo na ang ipinakikiusap ko sa’yo ay hindi na kita gagambalain pa,” pakiusap ng multo ni Dindy. Nagpatuloy lamang sa pagsusulat si Cassey at nagkunwari na walang siyang naririnig. Magmula nang tinanggihan niya ang ipinakikiusap nitong gawin niya ay hindi na siya nilubayan ng kaluluwa ni Dindy. Palagi itong nakabuntot sa kanya kahit saan man siya magpunta. Mapa-school, grocery or kahit sa simbahan ay ginagambala siya nito. Nagmumukha tuloy siyang baliw sa mata ng mga tao. Minsan kasi kapag hindi siya nakakatiis ay kinakausap niya si Dindy. At dahil sa wala namang nakikita ang mga tao na may kausap siya kaya napagkakamalan siyang nababaliw. Napapailing na lamang ang mga ito sa kanya.
Kahit anong salita ni Dindy ay hindi niya ito pinapansin. Hanggang sa natapos ang klase niya nang araw na iyon ay hindi niya ito kinakausap. Hindi naman niya kasi kayang gawin ang nais nitong ipagawa sa kanya.
### “Gising na, Cassey! Oras na para mag-jogging tayo. Cassey!”
Hindi pinansin ni Cassey ang nambubulahaw na tinig na iyon na nagmumula sa multong si Dindy. Hindi pa rin siya dumilat kahit na hinugot at inilaglag nito sa paanan ng kama niya ang kanyang kumot. Nagkunwari siyang malalim pa rin ang kanyang tulog. Nasanay na siya sa presensiya nito kaya hindi na siya nabibigla o natatakot sa kaalamang may kasama siyang multo sa bahay niya.
Saka lamang dumilat si Cassey nang makalipas ang ilang minuto ay wala na siyang naririnig na tinig mula kay Dindy. Inaasahan niya na hindi na niya ito makikita pagmulat niya ng mga mata. Ngunit nang magmulat siya ng mga mata ay naroon pa rin si Dindy sa paanan ng kama’t nakatayo. Tahimik lamang ito at sobrang lungkot ang anyo habang nakatingin sa kanya.
Napilitan siyang bumangon at umupo sa ibabaw ng kanyang kama’t tinitigang mabuti ang anyo ng gumagambalang kaluluwa sa kanya. Talagang napakaganda ng mukha nito kahit na malungkot at parang maiiyak ang ekspresyon ng mukha. Hindi nakabawas sa ganda nito ang gulo-gulong buhok na tila matagal nang hindi nadadaanan ng suklay at kahit na may pagka-maputla na ang mukha. Siyempre multo na ito kaya natural lamang na maputla na ang hitsura nito subalit hindi maipagkakailang maganda pa rin ito.
Suot pa rin nito ang roba na siyang suot din nito nang una silang nagkita. Hindi maayos ang pagkakabuhol ng tali roba sa baywang nito kaya bahagya niyang nasisilip ang malusog nitong dibdib.
Humugot muna si Cassey ng malalim na buntong-hininga bago nagsalita. “Sige na, pumapayag na akong tulungan ka sa gusto mong mangyari.” Nanlaki ang mga mata ni Dindy pagkarinig sa kanyang sinabi. “Talaga? Pumapayag ka nang kausapin si Marcus at sabihin sa kanya ang mga ipinasasabi ko?” Bakas ang katuwaan sa maputlang mukha nito nang muling magsalita. Nang tumango siya ay parang batang nagtatalon ito sa tuwa.
"Tumigil ka nga sa katatalon diyan. At puwede bang ayusin mo ang pagkakabuhol ng tali niyang suot mong roba’t nakikita ko na ang “kaluluwa” mo." “Sorry. I’m just really happy to hear that you’re finally willing to help me. At saka totoo naman na nakikita mo ang kaluluwa ko kasi isa na nga akong kaluluwa, ‘di ba?” Cassey just rolled her eyes. Hindi na lamang niya pinansin ang kasuotan nito. She looks very happy right now. At sa pagkakataong iyon ay tila hindi niya kayang sirain ang kasiyahang nadarama nito. Habang tinititigan niya ng matagal ang mukha ni Dindy ay napansin niya na parang may pagkakapareho sila ng ibang features sa mukha. Katulad na lamang ng kanilang mga mata na parehong-pareho ang hitsura. Pareho silang nagtataglay ng mga mata na medyo may pagka-tsinita at mahahaba ang mga pilikmata. Kahit ang kulay ng kanilang mga mata ay pareho ring dark chocolate. Magkapareho rin sila ng structure ng kanilang mga ilong at hugis ng mga labi. Kung pagtatabihin sila at tititigan ng mabuti ay tiyak na mapapansin ang kanilang pagkakapareho.
Hindi niya alam kung bakit malaki ang kanilang pagkakahawig gayong hindi naman sila magkaanu-ano. At isa pa na gumugulo sa kanyang isipan ay kung bakit sa dinami-rami ng tao sa mundo ay kung bakit siya pa ang nagkaroon ng kakayahang makita at makausap ang kaluluwa ni Dindy. Siguro isa rin iyon sa dahilan kung bakit nagpasya siyang tulungan ang babae. Nais niyang mabigyan ng kasagutan ang mga katanungan sa kanyang isipan maliban sa talagang naaawa siya rito. Mukha kasing hindi talaga matatahimik ang kaluluwa nito at hindi ito makakatawid sa kabilang buhay kapag hindi nito nagawa ang nais nitong gawin dito sa mundo. At isa pa’y base sa kanyang narinig na kuwento mula rito ay kaduda-duda nga ang dahilan ng pagkamatay nito. Kung naaalala lamang sana nito kung paano ito namatay ay wala sanang problema. Pero katulad din ito sa kanya na may mga alaalang nakalimutan. Siya'y nakalimutan kung ano ang mga nangyari bago siya naaksidente samantalang si Dindy naman ay nakalimutan ang lahat ng mga nangyari bago ito namatay. At tila napaka-importante pa sa kanila ang mga alaala nila na pareho nilang nakalimutan.
Salamat
Suportahan ang may-akda na magdala sa iyo ng mga magagandang kwento
Ang Ganda po Ng story....more powers po😍😍😍
11/06/2024
0waiting for the next updates! ♥️
05/02/2022
0i love you
05/02/2022
0Tingnan Lahat