Nakasalubong ni Cassey ang matalas na paningin ni Marcus nang lumingon siya. "What are you doing here?" tanong ni Marcus. Hindi niya malaman kung siya ba ang tinatanong nito o si Alex. "Hi, Marcus. Nandito rin pala kayo ni Glenda," nakangiting sagot naman ni Alex. Ewan kung nahahalata nito o kung nagkukunwari lang na hindi nito nahahalata ang madilim na mukha ng kaibigan. "We're on a date," sagot naman ni Glenda kahit hindi ito ang tinatanong ng ka-date niya. Tinaasan siya nito ng kilay ngunit hindi na lamang niya pinansin. "What are you doing in this kind of place?" muling tanong ni Marcus. But this time, she is very sure that his question was meant for her and not to his friend, Alex. "Ano pa ba ang gagawin namin dito kundi ang kumain? Bakit? Bawal ba kaming kumain dito?" nakasimangot niyang sagot. Na-insulto kasi siya sa paraan ng pagtatanong nito na para bang sinasabi nito na hindi siya bagay sa lugar na iyon. Lalo namang dumilim ang anyo ni Marcus sa kanyang sagot. Parang nais na siyang bitbitin at itapon palabas ng restaurant. "C'mon, Marcus. Don't spoil our date," ani Alex na naramdaman ang pagbalot ng tensiyon sa paligid nila. "Alex was right, Marcus. Don't spoil their date. Maghanap na tayo ng sariling mesa at nagugutom na ako," nakasimangot na ang mukha na saad ni Glenda. "Date? Don't tell me na nanliligaw ka sa babaeng ito, Alex?" tanong ni Marcus s kaibigan. "What's wrong with it if I'm courting her, Marcus? Where both single and very much available. And I really like Cassey since the first time I saw her," seryoso ang mukhang pahayag ni Alex. Nakita ni Cassey ang biglang pagkuyom ng mga kamao ni Marcus at ang pag-iigtingan ng mga ugat nito sa kamay tanda ng pinipigil na galit o emosyon. "Marcus, let's go. I'm hungry," reklamo ni Glenda. Hindi na maitago sa tono ng boses nito ang pagkayamot. Ngunit mukhang walang balak ang binata na sundin ang sinabi ng babae dahil umupo pa ito sa bakanteng upuan na katabi niya. "Hindi mo ako napaniwala sa mga kasinungalingan mo na nakikita at nakakausap mo ang kaluluwa ni Dindy kaya ngayon naman ang kaibigan ko na ngayon ang iyong target? Kaninong kaluluwa naman ngayon ang nakikita at nakakausap mo? The spirit of his mom?" tanong ni Marcus sa kanya habang naka-plaster sa mga labi ang nakaka-insultong ngiti. "Stop it, Marcus! Sumusobra ka na," pigil ang galit na saway ni Alex sa binata. Nagpanting naman ang tainga niya sa sinabi ni Marcus lalo pa at nakikita niya ang kanyang ate na nasasaktan habang nakikinig sa pinag-uusapan nila. Habang kumakain sila kanina ay nakatayo ito malapit sa kanila at nakikinig sa pinag-uusapan nila ni Alex. "Huwag na huwag mong idadamay at babanggitin ang pangalan ng ate ko dahil wala kang karapatan. Hindi na kita pipiliting maniwala pa na totoo ang mga sinabi ko sa'yo dahil hindi ka naman naging mabuting kasintahan sa kanya. At dahil sa'yo kaya namatay ang kapatid ko. I hate you, Marcus Monteverde! Do you hear me? I hate you!" malakas niyang sigaw kay Marcus. Pagkatapos ay tumayo siya sa kinauupuan, kinuha ang kanyang shoulder bag na inilapag niya sa ibabaw ng mesa at walang paalam paalis na umalis at lumabas ng restaurant. Pagkalabas ni Cassey ay sa restaurant ay naglakad siya sa gilid ng kalsada. Pilit niyang pinipigil ang mga luha na nagpupumilit namang lumabas sa kanyang mga mata. Nasasaktan siya. Nasasaktan siya para sa kanyang ate. Imbes maniwala sa kanya ang fiance nito para mabigyan ng katarungan ang pagkamatay nito ay pinag-iisipan pa siya ng masama ni Marcus. Nasasaktan siya dahil ang tingin sa kanya ng binata ay isang sinungaling at masamang tao. "Cassey, sandali!" Napahinto siya sa paglalakad nang marinig ang boses ni Alex na humahabol sa kanya. Mabilis niyang tinuyo ang mga luhang hindi niya napigilang tumulo sa kanyang mga pisngi. "Cassey, I'm sorry. I'm sorry for what happened today," ani Alex nang tuluyang makalapit sa kanya. "It's not your fault, Alex. Kaya wala kang dapat na ihingi ng sorry. Ako nga itong dapat na mag-sorry sa'yo kasi bigla na lamang akong umalis nang hindi nagpapaalam sa'yo." "Naiintindihan ko ang ginawa mo. And I'm sorry about what Marcus said to you. Hindi naman siya ganyan. Ewan ko ba, pero pagdating sa'yo ay talagang mainit ang dugo niya," pahayag nito habang napapailing. Huminga ng malalim si Cassey bago nagsalita. "Huwag na lang natin siyang pag-uusapan at sumasama lamang ang loob ko." Tumango si Alex. " Gusto mo bang sa ibang restaurant na tayo kumain?" Mabilis siyang umiling. "Puwede bang ihatid mo na lang ako sa bahay ko?" pakiusap niya. Kahit lumipat pa sila ng ibang restaurant ay hindi na siya makakakain pa dahil nawalan na siya ng ganang kumain. "Okay. Naiintindihan ko ang nararamdaman mo." Naglakad sila pabalik ng restaurant para balikan ang kotse nito. Wala silang imikan hanggang sa nakarating sila at nakasakay sa kotse nitong nakaparada sa gilid ng kalsada malapit sa restaurant. "Cassey, can I ask you something?" pagbubukas ng usapan ni Alex. Wala kasi silang imikan habang nagbibiyahe. Wala kasi siya sa mood magsalita. "Ano 'yon?" " Totoo ba talaga na nakikita at nakakausap mo ang kaluluwa ni Dindy?" "Oo. Totoo na nakakausap at nakikita ko ang kaluluwa ni Ate," sagot niya. Ikinuwento niya rito mula sa kung paano niya unang nakita ang kapatid hanggang sa kung paano nila natuklasan na magkapatid pala silang dalawa ni Dindy. Hindi niya itinago rito kahit na ang mga pagtatangkang nangyari sa buhay niya. Naging honest siya sa binata. Kahit ang planong paggamit dito para makakuha siya ng mga impormasyon tungkol kay Marcus ay sinabi rin niya. Sinasabi ng instinct niya na mabuting itong tao kahit na isa itong playboy. Playboy lamang ito pero hindi masamang tao. "Naiintindihan ko kung bakit mo ito ginawa, Cassey. Pero siyempre, hindi ko rin mapigilang malungkot dahil akala ko'y bukal sa kalooban mo ang pakikipag-date sa akin," ani Alex matapos marinig ang kanyang kuwento. "I'm sorry, Alex. Mabuti kang tao at totoo naman ang ipinakita kong ugali sa'yo." Pagkatapos nitong magsalita ay hindi na ito muling kumibo pa hanggang sa nakarating sila sa tapat ng bahay niya. Naiintindihan niya kung magalit man ito sa kanya. Ginamit niya ang pagkakagusto nito sa kanya para sa kanyang pansariling motibo. Ngunit nagbago na ang kanyang isip. Mabuti itong tao at tunay ang ipinapakitang pagkagusto sa kanya kaya hindi niya maatim na ipagpatuloy ang kanyang balak. "I'm sorry talaga, Alex. Salamat sa paghatid," wika ni Cassey. Inalis niya ang seatbelt sa kanyang katawan at akmang bubuksan na niya ang pintuan ng kotse nang bigla siyang pigilan ni Alex. "I really like you, Cassey. I hope that you will give me a chance to prove my pure intension to you," malamlam ang mga matang wika nito sa kanya. Hindi nakakibo si Cassey. Nakikita niya ang sinseridad sa mukha ng binata kaya hindi niya alam kung paano sasabihin dito na hanggang kaibigan lamang talaga ang nararamdaman niya para rito. Ayaw niyang mas lalong madagdagan ang sakit na ibinigay niya rito. "Patutunayan ko sa'yo na mahal kita," wika pa ni Alex. Napatitig ito sa mga labi niya hanggang sa unti-unting lumapit ang mukha nito sa mukha niya. Alam ni Cassey kung ano ng binabalak gawin ni Alex. Hahalikan siya. Kaya bago pa man tuluyang nakalapit ang mukha nito sa kanya ay mabilis na niya itong napigilan. "I'll be honest with you, Alex. Kaibigan lamang ang nararamdaman ko para sa'yo. At dahil itinuturing kitang kaibigan kaya sinabi ko sa'yo ang lahat at naging honest ako sa pagsasabi ng tunay kong nararamdaman sa'yo dahil ayokong umasa ka sa akin," mahabang pahayag niya rito. Ngumiti ng walang buhay ang binata. " I know, Cassey. I know that you only saw me as a friend but I still tried to make you fall in love with me. Pero nabigo ako. Alam ko naman na si Marcus talaga ang gusto mo, 'di ba?" "No, Alex. Wala ak—" "Don't deny it, Cassey. I know that you like him even if you two had a misunderstanding," malungkot ang mukhang wika nito ngunit hindi naman galit. Napatungo na lamang si Cassey. Hindi niya maaaring ikaila kay Alex ang nararamdaman niya para kay Marcus dahil bistado na pala siya. "Kahit totoo ang sinabi mo ay wala pa ring mangyayari. I hate him. Because of him that's why my sister died. Kaya hindi kami puwedeng magkaroon ng relasyon," pag-amin niya sa tunay niyang saloobin. "Marcus is no—" "Tama na, Alex. Ayoko siyang pag-usapan," putol niya sa anumang sasabihin ng binata. "Salamat sa paghatid sa akin. Bye." Pagkatapos tumango ni Alex ay bumaba na siya sa kotse nito. Hinintay muna niyang makaalis ang sasakyan nito bago humakbang palapit sa pintuan niya para buksan ang naka-lock na pintuan. Pipihitin na lamang ni Cassey ang seradura ng pintuan nang walang ano-ano'y may pumihit sa kanya paharap at isinandal siya sa pintuan. Titili na sana siya kung hindi lamang agad niyang nakita na ang taong pumihit sa kanya ay walang iba kundi si Marcus. Madilim na madilim ang anyo nito na para bang nakahandang sumugod sa giyera. "Ano'ng kailangan mo, Marcus? Bakit ka nandito? At puwede bang bitiwan mo ako't lumayo ka sa akin?" galit niyang turan. "Bakit ang tagal mong bumaba? Ano ang ginawa n'yo ni Alex sa loob ng sasakyan?" mapanganib ang boses na tanong nito sa kanya. "Wala kang pakialam! Iyan ang sagot ko sa tanong mo. Bitiwan mo nga ako," angil niya. Inilagay niya ang dalawang palad sa dibdib nito para itulak ito ngunit hinuli nito ang dalawa niyang kamay at hinawakan ng mahigpit. "Did you two kissed inside his car?" nakatiim-bagang na tanong nito. Nainis si Cassey sa klase ng mga tanong sa kanya ng binata. Ano ang karapatan nito na tanungin siya ng ganoon? At bakit ito kumikilos na para bang nagseselos ito kay Alex? "Oo. Naghalikan kami sa loob ng kotse niya. Eh ano naman ngayon?" Tutal iyon ang iniisip ng maruming utak nito kaya paninindigan na lamang niya ang sinabi nito. Kitang-kita niya kung paano biglang nag-apoy sa galit ang mga mata ng binata. "When it comes to kissing a girl, I'm much better than him," saad nito bago walang paalam na bigla na lamang siyang hinalikan sa mga labi. Dahil nabigla si Cassey at hindi niya inaasahan ang ginawang iyon ng binata kaya hindi siya kaagad nakapag-react. Para siyang tuod sa kanyang kinatatayuan habang mariing sinisibasib ni Marcus ang kanyang malalambot na mga labi. Segundo lamang ang itinagal ng halik ni Marcus sa kanya bago siya binitiwan at pagkatapos ay walang paalam na bigla na lamang siyang tinalikuran. Ilang minuto nang nakaalis si Marcus ay tila hindi pa rin bumabalik sa tamang pag-iisip ang utak ni Cassey. Nananatili pa rin siyang nakasandal sa hamba ng pintuan ng bahay niya at nakatulala. What the heck! He kissed me just now!
Salamat
Suportahan ang may-akda na magdala sa iyo ng mga magagandang kwento
Ang Ganda po Ng story....more powers po😍😍😍
11/06/2024
0waiting for the next updates! ♥️
05/02/2022
0i love you
05/02/2022
0Tingnan Lahat